“SERENITY,” mabilis na tumabi sa kanya ang kaibigan at kaklase niyang si Maricris nang makalabas ang professor nila. “Nasa labas si Jason. Mukhang ikaw ata ang inaantay. Hindi ba, nanliligaw `yon sa `yo?”
Agad umasim ang itsura ni Serenity. Napagsabihan na kasi niya si Jason na wala siyang gusto rito pero mukhang wala pa ata itong balak sumuko. Nang lumingon siya, agad itong kumaway at ngumiti sa kanya. Simangot naman ang naging reaksiyon niya dito. Sa malas, wala siyang choice kundi harapin ito. Doon lang kasi siya makakadaan para makalabas ng classroom.“Serenity, can we talk?” wika nito nang makalabas siya ng classroom.“Wala tayong dapat pag-usapan, Jason.”Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Patakbo naman itong humabol sa kanya.“Alam kong hindi maganda ang image ko. Marami na akong napaiyak na babae. Pero hindi ibig sabihin no’n na hindi ako nagseseryoso sa pag-ibig. Hindi lang siguro kami nagkasundo sa maraming bagay ng mga naging ex ko. Pero malay mo, ikaw na pala ang babaeng para sa `kin.“Baka kapag mas nakilala mo `ko, magbago ang isip mo. Gusto kita, Serenity. Kaya sana bigyan mo `ko ng chance na mas makilala ka.”Sa mga pinagsasabi ni Jason, lalo lang siyang nainis dito. Mukha kasing sinadya nitong lakasan ang boses para marinig ng iba. Pero kung kinilig man ang mga taong nakarinig sa mga sinabi nito, hindi siya. Sa katunayan, nayayabangan siya dito.Kilala niya si Jason Sanchez. Kahit ba hindi siya interesado dito, madalas itong mapag-usapan ng mga kaklase. Hindi nga niya maintindihan kung bakit karamihan sa mga kaklase ay may gusto rito. Oo, hindi maikakailang may itsura ito pero maliban sa kilala itong playboy, leader din daw ito ng isang gang. Ilang beses na rin itong napabalitang may binugbog na estudyante sa University.Masyado na atang na-adik ang mga kaklase niya sa mga nobela tungkol sa mga astig pero lover boy na gangster. Hindi na nakikita ng mga ito ang maling pag-uugali ni Jason.Tumigil siya sa paglalakad at hinarap si Jason. “I’m sorry pero hindi talaga kita gusto. Kaya please, iba na lang ang ligawan mo.”Hindi na niya hinintay na magsalita pa si Jason. Tinalikuran na niya ito at nagpatuloy sa paglalakad. At sa pagkakataong iyon, hindi na siya nito sinundan. Maraming nakarinig sa sinabi niya kaya malamang napahiya na ito. Mabuti na rin iyon at nang hindi na siya nito guluhin.“TAMA na, Jason. Baka mapatay mo si Phillip!” awat sa kanya ng isa sa mga kasamahan sa gang.Matapos siyang ipahiya ni Serenity kanina, si Phillip ang napagbuntungan niya ng galit. Pero kahit halos mabasag na ang pagmumukha nito, hindi pa rin nababawasan ang galit niya.“Ang lakas ng loob ng babaeng `yon na ipahiya ako sa harap ng madaming tao. Humanda siya sa `kin. Gusto ko sana siyang gawing prinsesa pero dahil sa ginawa niya, gagawin kong impyerno ang buhay niya.“Ikaw, ikaw, ikaw, at kayong dalawa,” turo niya sa mga kasama. “Sasama kayo sa akin. Ipapakita ko sa babaeng `yon na mali ang taong kinalaban niya.”Nang una niyang makita si Serenity, agad siyang nabighani sa ganda ng dalaga. Pero dahil sa ginawa nito, gusto na niyang burahin ang pagmumukha nito.BYE, Serenity. Bukas uli,” paakyat na ng jeep si Rita nang matigilan ito. “Okay lang ba talaga na iwan kita nang mag-isa dito?”Nginitian niya ito. “Sige na, umalis ka na. Okay lang ako. Hindi tayo makakauwi kung hihintayin pa natin magsabay ang mga sasakyan natin.”Napangiti na rin ito. “Mag-ingat ka.”“Ikaw rin.”Tuluyan na itong sumakay ng jeep. Kinawayan nila ang isa’t-isa. Ilang sandali lang ay nawala na sa panigin niya ang sinasakyan nitong Jeep.Napatingin siya sa kanyang relo. Alas onse na rin pala ng gabi. Siguradong mapapagalitan na siya ng magulang pag-uwi.Sa katunayan kanina pang alas otso tawag nang tawag ang Mama niya. Dapat kasi ay nasa bahay na siya ng ganoong oras. Hanggang alas siyete lang dapat ang part-time job niya sa isang fastfood restaurant. Pero dahil maraming tao at may nag-absent na crew, kinailangan niyang mag-extend hanggang closing. Kahit nag-text siya sa Mama niya, siguradong magagalit pa rin ito.Napatingin siya sa daan. Mukhang aabutin na naman ata ng isang oras bago may dumaan na Jeep. Ganoon din kasi sila katagal naghintay bago nakasakay si Rita.Dati-rati , maingay pa ang kalsada nang ganoong oras. Pero mula noong nagka-pandemic, aakalain mong madaling araw na. Minsan nga kahit alas siyete pa lang, sobrang tahimik na ng paligid.“Hi, Serenity.”Napalingon siya nang marinig ang boses ni Jason. Hindi nga siya nagkamali at ito ang naroon. Hindi na ito nakasuot ng uniform. Hindi rin mukhang mga estudyante ang mga lalaking kasama nito.Bakit pakiramdam niya hindi lang basta coincidence na napadaan ang mga ito roon nang mga oras na iyon?“Mag-isa ka lang ata. Gusto mo bang ihatid ka namin pauwi?” ani Jason.“Hindi na,” aniya at mabilis na umiwas ng tingin dito.Bigla itong tumawa. “Mag-isa ka na nga lang pero malakas pa rin ang loob mo na magsungit sa `kin. Tingnan nga natin kung hanggang saan ang tapang mo.”Pagkasabi nito noon ay hinawakan ni Jason nang mahigpit ang braso niya. Agad naman niya itong tiningnan ng masama.“Bitawan mo `ko.”Muli itong tumawa. “Ibang klaseng babae ka rin talaga. Sabihin mo nga sa `kin. Saan mo kinukuha `yang katapangan mo, ha? Alam mo bang kahit sumigaw ka, walang taong tutulong sa `yo dito?”Medyo malayo na rin ang nilakad nila ni Rita makasakay lang. Nagkataon na sa lugar na `yon, wala ng bukas na establisment. Sa katunayan, wala na nga yatang ibang tao doon maliban sa kanila.Ramdam ni Serenity ang mas paghigpit ng hawak ni Jason sa kanyang braso. Mukhang hindi yata ito maka-move on sa pagkapahiya kanina sa University kaya gigil na gigil at gusto siyang saktan. Ganoon pa man, nananatili pa rin siyang kalmado.“Pwede ba, bitawan mo `ko.”“At kung ayoko? May magagawa ka ba?”“NASAAN ka na, Oliver?” Tanong sa kanya ng pinsan na si Kristoff. “By the way, I already got your mask with me.”Dapat ay dala niya iyon kanina pang umaga pero dahil sa kaba at excitement para sa una nilang misyon, hindi niya iyon nailagay sa bag.“Thanks. Don’t worry, I’m on my way.”“Bilisan mo. Unang misyon natin `to. Hindi tayo pwedeng pumalpak.”Miyembro sila ng isang grupo, ng Merciless. Ang Merciless ay binubuo ng kanilang mga magulang at iba pang mga assassin. Kumikitil sila ng mga taong wala ng silbi sa lipunan. Mga taong walang ibang dulot kundi karahasan at kapahamakan sa mga inosenting mga tao.Isa ang pinsan sa mga kasamahan niyang nagtri-training upang maging ganap na miyembro ng Merciless. At nang gabing iyon, gaganapin ang pinakauna nilang misyon.At habang patungo siya sa kanilang meeting place, may napansin siyang isang babae na ginugulo ng ilang kalalakihan.Kasama sa itinuro sa kanila ang ilihim ang kanilang kakayahan upang walang magduda sa kanilang katauhan. Sa malas, wala siyang dalang mask para takpan ang kanyang mukha. Pero hindi rin ata kakayanin ng konsensiya niyang may mangyari dito gayong may magagawa naman siya para tumulong.Mabilis na niyang ihininto ang sasakyan. Wala na siyang oras para kausapin pa ang mga lalaki. Ginamit niya ang natutunan para mapatumba ang mga ito nang hindi gaanong nasasaktan.NAIKUYOM ni Serenity ang mga kamao. Mukhang sinusubukan talaga ni Jason ang pasensiya niya. Hindi man halata, lumaki siyang kargado sa training ng ama. Tinuruan siya nito ng iba’t-ibang martial arts moves upang depensahan ang kanyang sarili. Napatingin siya sa mga kasamahan ni Jason. Sa tingin niya ay wala naman dalang mga armas ang mga ito. Kung pisikal lang, may laban siya. Bago pa man may gawing masama ang mga ito, uunahan na niya. Pero bago pa man siya makakilos, bigla na lang may lalaking sinugod ang mga kasama ni Jason.Hindi si Serenity ang klase ng babaeng nangangailangan ng tulong ng iba para protektahan ang sarili. Sa isang iglap kaya niyang kumawala kay Jason. Pero nang oras na iyon, hinayaan niyang magmukhang mahina ang sarili at mamangha sa lalaking sumugod sa mga kasama ni Jason. Isang galaw lang ng lalaki, tumba na agad ang kalaban. Halatang alam nito ang ginagawa.“Sino ka ba? Bakit ka nakikialam dito?” ani Jason. Nakahawak pa rin ito sa kanya kaya ramdam niyang nanlalamig ang kamay nito. Mukhang nagtatapang-tapangan lang pero halatang kinakabahan.“Bitiwan mo siya kung ayaw mong matulad sa mga kasama mo,” wika ng lalaki na boses pa lang, ang gwapo na ng dating.Dahil nakaharap na sa kanila ang lalaki, nagkaroon na siya ng pagkakataong matitigan ang mukha nito. Hindi lang pala ito magaling makipaglaban. Napaka-gwapo rin. Pero bakit parang pamilyar ang itsura nito? Napakunot ang noo niya nang mamukhaan ang lalaki.Hindi siya maaring magkamali. Wala lang itong suot na eyeglasses pero sigurado siyang ito si Oliver Kim, schoolmate nila sa University. Kahit freshmen pa lang sila last year, ang dami ng kilala ni Maricris sa University. Lalo na iyong mga gwapo at sikat. At isa nga nga sa mga taong iyon si Oliver na ngayon ay nasa third year na nito bilang isang business administration student. Gwapo daw kasi ito at matangkad. Kaya lang ay nerd. Wala itong pinapansin at madalang lang magsalita. Sinong mag-aakala na sa lahat ng tao, ito pa ang tutulong sa kanya? Bigla tuloy niyang na-imagine si Superman. Aakalain mong mahina pero may superpowers pala.Biglang tumawa si Jason. “Huwag mo `kong ikumpara sa mga mahihinang nilalang na `yan,” binitawan na siya ni Jason.Kinabahan siya at baka mabugbog nga nito si Oliver. Leader ng gang si Jason kaya malamang malakas din ito. Kung sakali man, tutulong na siya. Pero hindi pa man nagagawang makatama ni Jason, kinarate chop ito ni Oliver sa batok at sa isang iglap, nasa sahig na ito at walang malay.Napatingin siya kay Oliver at napatingin din ito sa kanya. Pakiramdam niya ilang segundo rin silang magkatitigan hanggang sa tumunog ang cellphone nito.“I’m sorry but I have to leave,” wika nito at mabilis nang sumakay sa kotse nito.Nakatingin lang siya sa itim na sasakyan hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin. Mula nang turuan siya ng ama na protektahan ang sarili, naging mahina na ang tingin ni Serenity sa mga lalaki. Kahit gaano pa kagwapo ang mga ito, hindi siya madaling ma-impress. Pero kay Oliver, biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso.“OLIVER. What happened? Unang mission niyo kagabi pero hindi ka daw nakaabot. Hindi mo ba siniseryoso ang trabaho natin?” Iyon agad ang bungad sa kanya ng ina nang magising siya kinaumagahan. Para bang hinintay lang talaga nito na dumilat siya para masermonan. “I’m sorry, Ma. May emergency lang. I had to help someone. Iyon naman talaga ang totoong misyon natin, hindi ba? Ang tumulong sa mga inaapi kahit labas sa mga opisyal na misyon natin.” Tiningnan siya nang masama ng ina pero hindi na ito nangulit sa dahilan niya. Napabuntong hininga na lang ito. “Siguraduhin mong makakasama ka na mamaya. Paano ka magiging Leader ng henerasyon niyo kung palagi kang wala sa mga misyon? Bumangon ka na diyan at may pasok ka pa.” Umalis na ng kwarto ang kanyang Mama. Siya naman ang napabuntong hininga. Bago pa nga lang siyang sasalang sa totoong misyon, iniisip na agad ng ina ang pagiging leader niya sa hinaharap. Lalo tuloy siyang napre-pressure. “Maganda ba ang gising mo?” ani Kristoff nang mak
“SABAY na tayo,” ani Maricris matapos ang last subject nila nang araw na `yon. “Hindi na. Mauna ka na. Kailangan ko pang magpunta sa library.” “Gano’n ba? O sige. Sigurado kang ayos lang sa`yo na mag-isa? Sa nangyari kahapon, baka balikan ka ni Jason.” Kung sakali man na harapin nga siya si Jason, mas magkaka-problema lang siya kung kasama si Maricris. “Huwag kang mag-alala. Kaya ko ang sarili ko. Saka pagkatapos ko dito, dadaan pa `ko sa restaurant. Magpapasa ako ng resignation letter kaya mauna ka na lang.” “Naku, doon ka nga pala inabangan. Kung sa akin nangyari `yon, baka nag-resign din ako. Nakakatakot na talagang mag-isa ngayon. Kaya nga ba dapat magka-jowa na tayo. Para may tagahatid na tayo at tagasundo,” nakatawa nitong sabi. Natawa na lang din siya. Muli niyang naalala ang ginawang pagtatanggol sa kanya ni Oliver. Kung ito man ang magiging boyfriend, siguradong magagawa nga nitong protektahan siya. Medyo natagalan man dahil sa pag-uusap nila ni Maricris, mabuti na lang
“MABUTI naman at makakasama ka na ngayon, Oliver,” wika sa kanya ni Simon. Tulad ng kanyang ina, isa ito sa mga pioneers ng Merciless at Team Leader nila sa misyong iyon. Dahil mga trainees pa lang sila, may isa o dalawang senior member silang kasama sa bawat misyon. “Nagkaroon lang ng emergency kahapon, Sir.” “Palalampasin ko ito sa ngayon pero sa susunod, wala akong tatanggapin na dahilan kung bakit hindi kayo makakasama maliban sa nag-aagaw buhay kayo. Nagkakaintindihan ba tayo?” “Yes, Sir,” sagot niya at ng dalawa pang kasama sa misyon na `yon na sina Kristoff at Marigold. “Good. Sa misyong ito, dalawa lang ang dapat niyong gawin. Una, ang mapatay ang target. Pangalawa, ang siguraduhing makakauwi kayo nang buhay.” Nakakakilabot man pero iyon ang mga pinaka-importanteng bagay na dapat nila isaisip sa bawat misyon. Kahit ba pinaghandaan nila iyon sa loob ng mahabang panahon, iba pa rin na totoong kalaban na ang kahaharapin nila. Nang gabing iyon, misyon nilang patayin si Jangg
-NASA room na ako. Ikaw?- Iyon ang laman ng message ni Serenity para kay Oliver. Ilang segundo lang ay nakatanggap na siya ng reply mula dito. -Papunta pa lang ako ng University. Kumain ka na ba? Maaga pa. Want to eat together? I’ll be there in fifteen minutes. See you at the canteen.- Muli na naman nitong napabilis ang tibok ng puso ni Serenity. Isang linggo na silang nagpapalitan ng messages pero hindi pa sila nagkaka-usap ng personal. Kaya naman bigla siyang nag-panic nang yayain siya nitong mag-agahan. Kinakabahan man, syimpre hindi niya iyon aatrasan. -Okay.- Nagmamadali siyang nagtungo sa ladiesroom. Syimpre, kailangan niyang siguraduhin na maganda siya kapag nakaharap ito. Napangiti siya. Hindi pa rin nabubura ang lipstick niya. Presentable pa naman siyang tingnan. “AALIS ka na? Ang aga naman ata,” ani Marigold nang magkasalubong sila sa living room. “Mukhang good mood ka rin. Dahil ba nakatanggap ka ng papuri kay Sir Edward?” Tulad nila ni Kristoff, nag-aaral pa rin si M
NAWALA ang ngiti ni Serenity nang makita niya ang ama na nakaabang sa may gate nila. Ni hindi na niya hinintay ang sukli at bumaba na ng Taxi. “Pa, ano pong ginagawa niyo dito? Nagpapahangin po ba kayo?” Nanatiling seryoso ang mukha ng ama. “Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?” Napalunok siya. “Pasensiya na po, hindi ko napansin. Masyado akong naging busy.” “Pumasok ka na. Sabihin mo na lang sa Mama mo na umalis na `ko.” Doon lang niya napansin na may dalang bag ang Papa niya. Mukhang late na nga talaga siyang nakauwi. Paalis na kasi ito. Madalas wala sa bahay ang Papa niya. Umuuwi na nga lang ata ito para i-train sila. Tapos kinagabihan, umaalis lang din ito. “Sige po, Pa. Mag-ingat po kayo.” Nakahinga siya nang maluwang nang hindi na nag-usisa ang Papa niya. Istrikto man ang ama pagdating sa trainings nila, mabait naman ito. Pero dahil nga may sekreto siya, ang bilis tuloy ng tibok ng kanyang puso. Isa sa mga instructions nito sa kanila na hindi sila pwedeng magkaroon
HIRAP makatulog si Serenity kagabi. At dahil sa tawag ni Oliver, lalo tuloy nawala ang antok niya. Hanggang nga sa inumaga na lang siya kakaikot sa kama pero ni isang minuto ay hindi man lang niya nagawang makaidlip. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit ayaw ng Papa niya na magkaroon siya ng karelasyon habang nag-aaral. Hindi pa nga niya boyfriend si Oliver pero nagkakagano’n na siya. Hindi niya ma-explain ang nararamdaman. Basta, ito lang ang nasa isip niya magdamag. Paulit-ulit din bumabalik sa isipan niya ang napag-usapan nila kagabi tungkol sa yakap na aasahan daw nito sa araw na `yon. Wala man tulog, energetic siyang nagtungo sa University. Pero ang excitement niya ay nauwi sa disappointment nang mag-text si Oliver at sinabing hindi ito makakapasok. Naiintindihan naman niya iyon dahil sa kondisyon ng Dad nito. Gayun pa man, hindi pa rin niya maiwasang malungkot. “Bakit ganyan `yang istura mo? May sakit ka ba?” tanong ni Maricris nang makarating siya sa classroom nila. “Akala
“HINDI ka uuwi? Bakit?" “Lilipad papuntang Cebu ang boss ko at bilang miyembro ng kanyang security team, kailangan namin siyang samahan.” “Kailan naman daw kayo uuwi?” “Hindi ko pa masasabi pero huwag kang mag-alala, araw-araw naman kitang tatawagan.” “Halos ilang oras na nga lang tayo magkasama sa bahay, lalayo ka pa. Hindi ka ba talaga pwedeng humanap na lang ng ibang trabaho?” “I’m sorry, Rose pero alam mo naman kung gaano kahalaga sa akin ang trabaho ko.” “Pero hindi ko naman akalain na kahit may mga anak na tayo, mas importante pa rin pala sa `yo ang trabaho mo kaysa sa pamilya natin. Sa akin. Nakakapagod na rin mag-adjust, Simon. Sobrang nakakapagod na,” umiiyak na umalis ng hapag kainan ang kanilang ina. Tahimik lang si Serenity maging ang kapatid niyang si Dean. Nasa harap sila ng hapag kainan pero mukhang wala na siyang ganang kumain. Nalulungkot kasi siya para sa Mama niya. Sa halip na sumunod sa kwarto, nanatili lang kasama nila ang ama. “Kayo na muna ang bahala sa
“FEELING better?” tanong sa kanya ni Oliver nang maging kalmado na siya. “What happened? If you want, we can talk about it.” Kahit ba magaan ang loob niya kay Oliver, hindi pa siya handang ibahagi dito ang mga drama sa buhay ng pamilya niya. Bilin din kasi iyon sa kanya ng ama. As much as possible, gusto nitong maging pribado ang lahat ng pangyayari sa buhay nila. “Wala. Medyo nagkatampuhan lang ang parents ko pero okay lang sila. Hindi ko lang maiwasan na hindi maapektuhan. Siya nga pala,” humiwalay na siya sa pagkakayakap kay Oliver. “Hindi ba’t may sakit ang Dad mo? Ayos na ba siya?” “He’s better now,” maikli nitong sagot. Mukhang tulad niya, hindi rin ito iyong klase ng tao na makuwento tungkol sa pamilya, at ayos lang naman iyon sa kanya. Hindi iyon big deal sa kanya. Ang importante, ayos lang ang dad nito. Ngayong malapit sila sa isa’t-isa at nakatingin siya sa mukha nito, pansin niya na tulad niya, mukhang wala pa rin tulog si Oliver. Kahit ba gwapo pa rin ito, mukhang pago