Share

IX

“FEELING better?” tanong sa kanya ni Oliver nang maging kalmado na siya. “What happened? If you want, we can talk about it.”

Kahit ba magaan ang loob niya kay Oliver, hindi pa siya handang ibahagi dito ang mga drama sa buhay ng pamilya niya. Bilin din kasi iyon sa kanya ng ama. As much as possible, gusto nitong maging pribado ang lahat ng pangyayari sa buhay nila.

“Wala. Medyo nagkatampuhan lang ang parents ko pero okay lang sila. Hindi ko lang maiwasan na hindi maapektuhan. Siya nga pala,” humiwalay na siya sa pagkakayakap kay Oliver. “Hindi ba’t may sakit ang Dad mo? Ayos na ba siya?”

“He’s better now,” maikli nitong sagot.

Mukhang tulad niya, hindi rin ito iyong klase ng tao na makuwento tungkol sa pamilya, at ayos lang naman iyon sa kanya. Hindi iyon big deal sa kanya. Ang importante, ayos lang ang dad nito.

Ngayong malapit sila sa isa’t-isa at nakatingin siya sa mukha nito, pansin niya na tulad niya, mukhang wala pa rin tulog si Oliver. Kahit ba gwapo pa rin ito, mukhang pagod ito. Malamang buong araw itong nagbantay sa Dad nito.

“Ayos lang ba na nandito ka? Baka hinahanap ka na sa inyo.”

“It’s okay. I can still stay with you a bit longer. Baka kasi kailanganin mo uli ang yakap ko.”

Nagulat siya nang bigla nitong hawakan ang kamay niya. Napatingin tuloy siya sa bahay nila. Baka kasi nakatanaw pala sa kanila ang Mama niya. Nakahinga siya nang maluwang nang mapansing patay na ang ilaw sa kwarto nito. Malamang ay nakahiga at nagpapahinga na ang Mama niya. Pero hindi pa rin siya dapat mapanatag. Paano na lang kung biglang bumalik ang Papa niya? Mas lagot siya kapag nakita nitong may kausap siyang lalaki at kasing gwapo ni Oliver. Siguradong hindi nito iisipin na kaibigan lang niya si Oliver lalo't magka-holding hands pa sila.

“A-ano, okay na `ko. Maraming salamat. Sige na, mukhang pagod ka na rin. Bukas na lang ulit tayo mag-usap.”

Sandali itong natahimik. Akala niya magmamatigas pa ito pero mabuti na lang at nakinig ito sa kanya.

“Okay. See you tomorrow. Remember, may utang ka pa rin na yakap sa `kin.”

Napangiti siya. “Sabihin mo lang kung kailan mo kailangan ang yakap ko. Ibibigay ko agad sa `yo.”

“Sinabi mo `yan. How about you? Sigurado ka bang hindi mo na kailangan ang yakap ko?”

Umiling siya. “Hindi na. Thank you. Sasabihan na lang din kita kung kakailanganin ko ulit ang yakap mo. Sige na. Ingat ka sa pag-uwi. Goodnight.”

“Goodnight.”

Nang bitawan ni Oliver ang kamay niya, saka lang niya namalayan na magkahawak kamay pa rin pala sila. Kung hindi pa ito nagpaalam, hindi niya mamamalayan. At kaaalis pa lang nito, mukhang miss na niya agad si Oliver.

“Kung bakit kasi pinaalis mo agad,” aniya sa sarili.

Pero ayaw din naman niyang maging selfish. Alam niyang kailangan nito ng pahinga. Siya din. Kaso, mukhang hindi ulit ata siya makakatulog sa gabing `yon. Pero aaminin niya, kahit sandali lang ito, nakatulong ng malaki ang pagdating nito. Kahit papaano ay gumaan ang loob niya. Sana ganoon rin ang naging epekto niya dito sa pagkikita nila.

Nawala sa loob niyang itanong kanina pero paano nga kaya nalaman ni Oliver ang address nila? Kahit nga si Maricris na naging kaibigan niya, never pa niyang naisama sa bahay.

“WHERE have you been? Mukhang importante ang naging lakad mo at tumawag ka pa talaga kay Sir Lendon para humingi ng tulong,” ani Kristoff nang makarating siya sa headquarters. Mukhang inabangan talaga siya nito para lang itanong `yon.

“Bakit, ipinagsabi niya?” nakakunot-noo niyang tanong. Hindi naman kasi ganoon ang pagkakakilala niya kay Sir Lendon. Saka hiniling pa nga niya dito na huwag iyon ipagsabi kahit kanino.

“Hindi. Nagkataon lang na narinig ko ang usapan niyo. Pero hindi naman lahat. So,” inakbayan siya nito sa balikat. “Why did you ask for that woman’s address, huh? From what I remember, inayawan mo `yong gift niya sa `yo na chocolates. Tapos ngayon, malalaman ko na lang na pinupuntahan mo na siya. Mukhang hindi na yata ako updated sa lovelife mo.”

Napatingin siya sa paligid. “Shut up, Kristoff. Baka marinig ka ni Mama.”

“Oh, right. Siguradong hindi ka titigilan ni Ms. Kim kapag nalaman niya na may nililigawan ka,” pabulong nitong sabi. “Sabihin mo na kasi. Ano bang real score niyo ni Ms. Oh? Promise, hindi ko ipagkakalat.”

Kung hindi niya sasagot, siguradong mangungulit lang din si Kristoff. He knows his cousin too well.

Huminga siya nang malalim. “We’re just friends.”

Itinulak siya ni Kristoff. “Come on, Oliver.”

“What? Nagsasabi ako ng totoo. Sige na, pupuntahan ko muna si Dad,” iniwan na niya ang pinsan.

Iyon naman talaga kasi ang totoo. Magkaibigan lang sila ni Serenity.

For now.

“How are you, Dad?” aniya nang makitang gising ang ama at nakasandal sa unan at headboard.

Nginitian siya ng ama. “Luckily, still alive, son.”

Maputla pa rin ito at halatang nanghihina pero mukhang mas ayos na ang kondisyon nito kumpara kahapon.

“Where’s Mom? Bakit mag-isa lang kayo dito?”

“Hindi na ako bata para bantayan pa ng Mama mo. Isa pa, alam mo naman kung gaano iyon ka-dedicated sa trabaho niya. Wala na nga yatang makakatalo do'n pagdating sa bagay na `yon."

Kahit ba parang ayos lang sa ama na wala doon ang Mama niya, malamang deep inside, disappointed ito. Iyon kasi ang nararamdaman niya nang oras na `yon. Pati ba naman sa ganoong sitwasyon ibang tao pa rin ang iniisip ng Mama niya? Alam niya na sa bawat misyon nila, maraming tao ang naiiligtas nila sa kapahamakan. Ganoon pa man, hindi naman siguro kalabisan na paminsan-minsan, unahin nila ang mga taong mahalaga sa kanila.

“Dad. I’m just curious. Kahit minsan ba hindi kayo nagsisi na sumali kayo sa grupo?”

“Iyong totoo? Syimpre naman. Hindi madaling maging miyembro ng Merciless. Sa katunayan, ilang beses kong naisipan na tumiwalag. Pero maliban sa kamatayan lang ang makakapagpatiwalag sa `tin sa grupo, hindi ko rin talaga kayang iwan ang Mama mo. Kaya heto, nandito pa rin ako. Bakit mo nga pala biglang naitanong `yan? Ayaw mo na ba?”

Hindi siya agad nakapagsalita. “Nothing, Dad. Na-curious lang talaga `ko. Sige na, magpahinga na kayo para mas mapabilis ang paggaling niyo.”

Sa simula naman kasi, ayaw na talaga niyang maging bahagi ng Merciless. Minsan nga naiinggit siya sa kapatid. Kung naging sakitin lang din sana siya, baka wala siya sa sitwasyon niya ngayon. Pero kung nangyari naman `yon, baka hindi rin niya nakilala si Serenity.

“How did it go? Did you see her?”

Nagulat siya nang may kumausap sa kanya habang patungo siya sa kanyang silid. Si Sir Lendon pala.

“Yes, Sir. Salamat sa tulong niyo.”

Ngumiti ito. “It’s nothing. I’ve been in love before as well. Mahirap talagang pigilan ang bugso ng damdamin. But be careful. If your mom finds that out, I’m sure it’s gonna be a big trouble,” tinapik siya nito sa balikat. “Goodnight, young man.”

“Good night, Sir.”

Maliban sa ama, ito lang yata ang kaisa-isang senior member na hindi istrikto sa kanila. Kasundo nga ito ng lahat. Kahit ba ka-edad na ito ng Mama niya, ka-vibes pa rin ng mga bagong miyembro. Madalas din kasi itong magpatawa. Sa pagkakakilala niya kay Sir Lendon, mukhang hindi naman siya nito ibubuko sa Mama niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status