PUMAYAG si Serenity na sumama kay Dr. Kim magtungo sa HQ ng Merciless. Medyo natakot pa nga siya dahil halos wala na silang nadadaanan na kabahayan habang nagdra-drive ito. Pumasok na nga rin sa utak niya na tumalon ng sasakyan.
Sa huli, nakarating pa rin naman siya nang buhay at ligtas sa headquarters. At doon, isang tao ang hindi niya inaasahan na muling makita. Si Oliver.Kaya pala ganoon na lang kagaling si Oliver makipaglaban nang iligtas siya nito. Miyembro pala ito ng Merciless. Maging ang kaibigan nito na bigla rin nawala sa University ay miyembro rin pala ng grupo.Pero ang nakakainis, kung umasta ang mga ito ay para bang hindi man lang sila magkakakilala.“Serenity, let me introduce to you my son, Oliver Kim. Siya na muna ang bahala sa iyo. Oliver, maari mo bang i-tour si Serenity sa HQ? Kakausapin ko lang sandali si Brylle.”Hindi ito humindi pero hindi rin ito nagsalita. At nang sila na lang dalawa ang naiwan, sa halip na kamustahin ay para bang pinapaalis na siya nito.“Anong ginagawa mo dito?”“`Yan talaga ang itatanong mo after two years na hindi tayo nagkita? Nakalimutan mo na ba na minsan mo `kong naging girlfriend at hiniwalayan nang gano’n na lang? At ngayon, hindi mo man lang naisip na magpaliwanag. Gano’n na lang ba kawalang halaga sa iyo ang nakaraan natin?”Pero sa halip na sumagot, para bang hindi nito narinig ang lahat ng sinabi niya na lalo lang nagpainis sa kanya.“Hindi ka nababagay sa mundong `to. Masyado kang mahina para maging miyembro ng Merciless,” wika pa nito.Nakakainis man at nakakainsulto ang mga sinabi nito, natawa na lang siya.“Hindi mo pa `ko gano’n kakilala Mr. Kim. Saka, ano naman ang karapatan mo para pagsabihan ako ng ganyan? Hindi ikaw ang magde-desisyon niyan para sa akin.”Obviously, ayaw nitong mapabilang siya sa grupo. Bakit kaya? Dahil ba ayaw nitong malaman ng mga tao doon na minsan naging sila? Hindi kaya may girlfriend ito doon habang sila? At kaya ayaw nitong sumali siya sa grupo ay dahil natatakot itong mabuko.Hindi kaya girlfriend nito si Marigold? Iyong nag-iisang babaeng miyembro na pinakilala sa kanya ni Dr. Kim.Naikuyom niya ang kamao.Originally, wala naman talaga siyang balak na sumanib sa grupo. Kahit ba confident siya na kaya niyang sabayan ang mga ito sa pakikipaglaban, ibang usapan pa rin na papatay siya ng mga tao.Pero sa inasal ni Oliver, bigla siyang na-challenge. Gusto siya nitong paalisin, puwis, mas lalo niya itong iinisin.Iisipin na lang niya na sa pagsama niya sa grupo, maipagpapatuloy niya ang nasimulan ng ama. Sa mali man na paraan, maganda pa rin naman ang intensiyon ng grupo.Sa pagsama din niya sa grupo, maaari niyang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang ama. Baka iyon din talaga ang calling niya, ang maging isang Merciless.“May karapatan ako dahil mahalaga sa akin ang skills ng mga miyembro. Ayoko ng lalampa-lampa. Magiging pabigat ka lang sa grupo.”“Bakit ba kung umasta ka, parang kilalang-kilala mo na `ko? Baka nakakalimutan mo, ilang buwan lang na naging tayo. Oo nga pala, hindi mo na maalala iyon.“Pero sige, kung iyan ang tingin mo sa akin, opinyon mo `yan. Pero bago mo husgahan ang kakayahan ko, bakit hindi mo muna subukan?”Napakunot ang noo nito. “Anong ibig mong sabihin?”“I-check natin kung mahina nga ba `ko. Maglaban tayo. Kapag natalo mo `ko, hindi mo na makikita ang pagmumukha ko dito. Pero kapag natalo kita, eh di talunan ka.”Baka akala nito ito lang ang marunong mang-inis. Mabait lang siya dito at sweet dati dahil crush niya ito. Pero sa totoo lang, hindi pa nito kakikilala ang totoong siya.“What’s happening here?” Tanong ni Dr. Kim nang bumalik ito. “Bakit nandito pa rin kayo? Mukhang hindi pa ata kayo natinag mula nang umalis ako.”“Fine. Pumapayag na ako sa gusto mo,” ani Oliver.Na lalong nagpalito kay Dr. Kim. “What exactly is going on in here, Oliver?”“Hindi ho ata ako gusto ng anak niyo na maging bahagi ng grupong `to,” aniya. “Pero huwag kayong mag-alala. Nakahanap na ako ng paraan para malaman kung nararapat nga ba ako dito.”Minsan na niyang nakitang nakipaglaban si Oliver at hinangaan niya ito. Ganoon pa man, confident din siya sa mga naituro sa kanya ng ama. At kahit ba dalawang taon na mula nang mawala ito, ipinagpatuloy pa rin niya ang pag-iinsayo nang mag-isa.“ANONG kalokohan `to, Oliver? Anong match ang pinagsasabi ni Serenity? Saka hindi ba at sinabihan kita na i-tour siya sa HQ? Bakit humantong kayo sa ganyan?”Hindi madalas magalit ang ama pero nang oras na iyon, halatang nasa bad mood ito dahil sa kinahantungan ng usapan nila ni Serenity.Ginagawa ng kanyang ama ang lahat para maka-recruit sila ng mga bagong miyembro. At mas gusto nito na ang mga anak ng mga dating miyembro ang makuha nila. At para maging interested si Serenity sa Merciless kahit ba hindi ito na-expose sa grupo nila noong kabataan nito, malaking achievement na iyon.Ganoon pa man, pinandigan pa rin niya ang naging usapan nila ni Serenity.“Don’t worry, Dad. Kapag nanalo naman siya ay magiging ganap na miyembro na siya ng grupo.”“Don’t tell me you will take this seriously, Oliver? Hindi ka naman ganyan sa ibang bagong members natin, ah. Ano ba kasi talagang nangyari sa inyong dalawa habang wala ako?”“I just want the best members for our group, Dad. And I don’t think she’s one of them.”“We can always train her. And don’t tell me that she’s already to old for that. Ako mismo ang living proof na pwede pa rin siyang maging magaling kahit huli na siyang nakapagsimula mag-training.“Kaya naman itigil niyo na ang kalokohan na `to. M*****i na kayo.”“I’m sorry, Dad, but I really need to do this,” iniwan na niya ang ama at nagtungo sa area kung saan gaganapin ang match nila ni Serenity.Minsan na niyang nakitang muntik mapahamak si Serenity. Hindi pa nga skilled ang mga nakaharap nito pero wala man lang itong nagawa para ipagtanggol ang sarili. Paano pa kaya kapag mga taong halang ang kaluluwa ang makaharap nito?Kaya mahirap man sa kanyang saktan si Serenity, seseryosohin niya ang laban nila. Mas magiging ligtas ito sa labas ng Merciless.Malapit na siya sa sparring room nila nang harangin siya ni Kristoff.“What a coincidence. Sinong mag-aakala na anak pala ni Sir Simon ang ex-girlfriend mo. Pero seryoso ka ba talaga sa balak mong gawin? Kaya mong saktan ang taong minsan mong minahal?”“Para din naman ito sa kabutihan niya,” aniya at pinagpatuloy ang paglalakad.Malamang gusto ni Serenity ipaghiganti ang ama kaya gusto nitong maging miyembro ng Merciless. Pero kung ilalagay niya sa paa ni Sir Simon ang sarili, seguradong hindi rin nito gustong mapahamak ang anak nito. Hindi nito itatago sa kanila ang mga anak sa loob ng mahabang panahon kung gusto lang din naman pala nitong maging miyembro nila ang anak.Kaya kung masaktan niya ai Serenity, siguradong maiintindihan siya ni Sir Simon. Para din naman sa kapakanan nito ang gagawin niya.“Ano, handa ka na?” Tanong sa kanya ni Serenity nang makapasok siya sa kwarto. At sa isang iglap, tumama sa panga niya ang napakalakas na sipa nito.RAMDAM ni Oliver ang sakit ng kanyang panga nang imulat ang kanyang mga mata. Napatingin siya sa paligid at na-realize niyang nasa loob siya ng kanyang kwarto. Ilang segundo rin siyang napaisip kung anong nangyari hanggang sa maalala niya ang ginawang pagsipa sa kanya ni Serenity. “Gising ka na pala,” wika ni Kristoff nang pumasok ito ng kanyang kwarto. “Ano, masakit pa ba? Nag-alala pa naman ako kay Serenity tapos ikaw pala ang madadatnan kong walang malay sa sahig,” halata sa boses ng pinsan na nang-aasar ito. Naupo siya sa kama. “She cheated. Sinugod niya `ko nang biglaan.” “Bakit, kapag may mga misyon tayo biglaan lang din naman tayong sinusugod ng mga kalaban pero nagagawa natin mag-counterattack. Ang sabihin mo, masyado mong minaliit ang kakayanan ni Serenity.” Hindi siya nakaimik. “Paano na `yan? Hindi mo napaalis si Serenity tapos napahiya ka pa. Alam na kaya ng lahat ang nangyari.” Hindi dahil napatumba siya ni Serenity ay mahina na siya. Marami na din siyang napatunayan
“SERENITY,” mabilis na tumabi sa kanya ang kaibigan at kaklase niyang si Maricris nang makalabas ang professor nila. “Nasa labas si Jason. Mukhang ikaw ata ang inaantay. Hindi ba, nanliligaw `yon sa `yo?” Agad umasim ang itsura ni Serenity. Napagsabihan na kasi niya si Jason na wala siyang gusto rito pero mukhang wala pa ata itong balak sumuko. Nang lumingon siya, agad itong kumaway at ngumiti sa kanya. Simangot naman ang naging reaksiyon niya dito. Sa malas, wala siyang choice kundi harapin ito. Doon lang kasi siya makakadaan para makalabas ng classroom. “Serenity, can we talk?” wika nito nang makalabas siya ng classroom. “Wala tayong dapat pag-usapan, Jason.” Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Patakbo naman itong humabol sa kanya. “Alam kong hindi maganda ang image ko. Marami na akong napaiyak na babae. Pero hindi ibig sabihin no’n na hindi ako nagseseryoso sa pag-ibig. Hindi lang siguro kami nagkasundo sa maraming bagay ng mga naging ex ko. Pero malay mo, ikaw na pala ang baba
“OLIVER. What happened? Unang mission niyo kagabi pero hindi ka daw nakaabot. Hindi mo ba siniseryoso ang trabaho natin?” Iyon agad ang bungad sa kanya ng ina nang magising siya kinaumagahan. Para bang hinintay lang talaga nito na dumilat siya para masermonan. “I’m sorry, Ma. May emergency lang. I had to help someone. Iyon naman talaga ang totoong misyon natin, hindi ba? Ang tumulong sa mga inaapi kahit labas sa mga opisyal na misyon natin.” Tiningnan siya nang masama ng ina pero hindi na ito nangulit sa dahilan niya. Napabuntong hininga na lang ito. “Siguraduhin mong makakasama ka na mamaya. Paano ka magiging Leader ng henerasyon niyo kung palagi kang wala sa mga misyon? Bumangon ka na diyan at may pasok ka pa.” Umalis na ng kwarto ang kanyang Mama. Siya naman ang napabuntong hininga. Bago pa nga lang siyang sasalang sa totoong misyon, iniisip na agad ng ina ang pagiging leader niya sa hinaharap. Lalo tuloy siyang napre-pressure. “Maganda ba ang gising mo?” ani Kristoff nang mak
“SABAY na tayo,” ani Maricris matapos ang last subject nila nang araw na `yon. “Hindi na. Mauna ka na. Kailangan ko pang magpunta sa library.” “Gano’n ba? O sige. Sigurado kang ayos lang sa`yo na mag-isa? Sa nangyari kahapon, baka balikan ka ni Jason.” Kung sakali man na harapin nga siya si Jason, mas magkaka-problema lang siya kung kasama si Maricris. “Huwag kang mag-alala. Kaya ko ang sarili ko. Saka pagkatapos ko dito, dadaan pa `ko sa restaurant. Magpapasa ako ng resignation letter kaya mauna ka na lang.” “Naku, doon ka nga pala inabangan. Kung sa akin nangyari `yon, baka nag-resign din ako. Nakakatakot na talagang mag-isa ngayon. Kaya nga ba dapat magka-jowa na tayo. Para may tagahatid na tayo at tagasundo,” nakatawa nitong sabi. Natawa na lang din siya. Muli niyang naalala ang ginawang pagtatanggol sa kanya ni Oliver. Kung ito man ang magiging boyfriend, siguradong magagawa nga nitong protektahan siya. Medyo natagalan man dahil sa pag-uusap nila ni Maricris, mabuti na lang
“MABUTI naman at makakasama ka na ngayon, Oliver,” wika sa kanya ni Simon. Tulad ng kanyang ina, isa ito sa mga pioneers ng Merciless at Team Leader nila sa misyong iyon. Dahil mga trainees pa lang sila, may isa o dalawang senior member silang kasama sa bawat misyon. “Nagkaroon lang ng emergency kahapon, Sir.” “Palalampasin ko ito sa ngayon pero sa susunod, wala akong tatanggapin na dahilan kung bakit hindi kayo makakasama maliban sa nag-aagaw buhay kayo. Nagkakaintindihan ba tayo?” “Yes, Sir,” sagot niya at ng dalawa pang kasama sa misyon na `yon na sina Kristoff at Marigold. “Good. Sa misyong ito, dalawa lang ang dapat niyong gawin. Una, ang mapatay ang target. Pangalawa, ang siguraduhing makakauwi kayo nang buhay.” Nakakakilabot man pero iyon ang mga pinaka-importanteng bagay na dapat nila isaisip sa bawat misyon. Kahit ba pinaghandaan nila iyon sa loob ng mahabang panahon, iba pa rin na totoong kalaban na ang kahaharapin nila. Nang gabing iyon, misyon nilang patayin si Jangg
-NASA room na ako. Ikaw?- Iyon ang laman ng message ni Serenity para kay Oliver. Ilang segundo lang ay nakatanggap na siya ng reply mula dito. -Papunta pa lang ako ng University. Kumain ka na ba? Maaga pa. Want to eat together? I’ll be there in fifteen minutes. See you at the canteen.- Muli na naman nitong napabilis ang tibok ng puso ni Serenity. Isang linggo na silang nagpapalitan ng messages pero hindi pa sila nagkaka-usap ng personal. Kaya naman bigla siyang nag-panic nang yayain siya nitong mag-agahan. Kinakabahan man, syimpre hindi niya iyon aatrasan. -Okay.- Nagmamadali siyang nagtungo sa ladiesroom. Syimpre, kailangan niyang siguraduhin na maganda siya kapag nakaharap ito. Napangiti siya. Hindi pa rin nabubura ang lipstick niya. Presentable pa naman siyang tingnan. “AALIS ka na? Ang aga naman ata,” ani Marigold nang magkasalubong sila sa living room. “Mukhang good mood ka rin. Dahil ba nakatanggap ka ng papuri kay Sir Edward?” Tulad nila ni Kristoff, nag-aaral pa rin si M
NAWALA ang ngiti ni Serenity nang makita niya ang ama na nakaabang sa may gate nila. Ni hindi na niya hinintay ang sukli at bumaba na ng Taxi. “Pa, ano pong ginagawa niyo dito? Nagpapahangin po ba kayo?” Nanatiling seryoso ang mukha ng ama. “Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?” Napalunok siya. “Pasensiya na po, hindi ko napansin. Masyado akong naging busy.” “Pumasok ka na. Sabihin mo na lang sa Mama mo na umalis na `ko.” Doon lang niya napansin na may dalang bag ang Papa niya. Mukhang late na nga talaga siyang nakauwi. Paalis na kasi ito. Madalas wala sa bahay ang Papa niya. Umuuwi na nga lang ata ito para i-train sila. Tapos kinagabihan, umaalis lang din ito. “Sige po, Pa. Mag-ingat po kayo.” Nakahinga siya nang maluwang nang hindi na nag-usisa ang Papa niya. Istrikto man ang ama pagdating sa trainings nila, mabait naman ito. Pero dahil nga may sekreto siya, ang bilis tuloy ng tibok ng kanyang puso. Isa sa mga instructions nito sa kanila na hindi sila pwedeng magkaroon
HIRAP makatulog si Serenity kagabi. At dahil sa tawag ni Oliver, lalo tuloy nawala ang antok niya. Hanggang nga sa inumaga na lang siya kakaikot sa kama pero ni isang minuto ay hindi man lang niya nagawang makaidlip. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit ayaw ng Papa niya na magkaroon siya ng karelasyon habang nag-aaral. Hindi pa nga niya boyfriend si Oliver pero nagkakagano’n na siya. Hindi niya ma-explain ang nararamdaman. Basta, ito lang ang nasa isip niya magdamag. Paulit-ulit din bumabalik sa isipan niya ang napag-usapan nila kagabi tungkol sa yakap na aasahan daw nito sa araw na `yon. Wala man tulog, energetic siyang nagtungo sa University. Pero ang excitement niya ay nauwi sa disappointment nang mag-text si Oliver at sinabing hindi ito makakapasok. Naiintindihan naman niya iyon dahil sa kondisyon ng Dad nito. Gayun pa man, hindi pa rin niya maiwasang malungkot. “Bakit ganyan `yang istura mo? May sakit ka ba?” tanong ni Maricris nang makarating siya sa classroom nila. “Akala