“OLIVER. What happened? Unang mission niyo kagabi pero hindi ka daw nakaabot. Hindi mo ba siniseryoso ang trabaho natin?”
Iyon agad ang bungad sa kanya ng ina nang magising siya kinaumagahan. Para bang hinintay lang talaga nito na dumilat siya para masermonan.“I’m sorry, Ma. May emergency lang. I had to help someone. Iyon naman talaga ang totoong misyon natin, hindi ba? Ang tumulong sa mga inaapi kahit labas sa mga opisyal na misyon natin.”Tiningnan siya nang masama ng ina pero hindi na ito nangulit sa dahilan niya. Napabuntong hininga na lang ito.“Siguraduhin mong makakasama ka na mamaya. Paano ka magiging Leader ng henerasyon niyo kung palagi kang wala sa mga misyon? Bumangon ka na diyan at may pasok ka pa.”Umalis na ng kwarto ang kanyang Mama. Siya naman ang napabuntong hininga. Bago pa nga lang siyang sasalang sa totoong misyon, iniisip na agad ng ina ang pagiging leader niya sa hinaharap. Lalo tuloy siyang napre-pressure.“Maganda ba ang gising mo?” ani Kristoff nang makalabas siya ng kwarto. Nakangiti ito at halatang nang-aasar lang.Alam ng pinsan kung gaano ka-dedicated ang kanyang ina sa trabaho nila. Kaya malamang, inasahan na nitong napagalitan siya.“Saan ka nga ba galing kagabi? Akala ko ba on the way ka na no’ng tawagan kita?”“May tinulungan lang ako,” maikli niyang sagot.Ilang minuto lang naman siyang nahuli pero mahalaga ang bawat segundo sa kanilang misyon. Kaya naman mas pinili na lang ng mga kasama na maiwan siya kaysa pumalpak iyon nang dahil sa kanya.Naalala niya ang nangyari kagabi. Nang makita niya ang mukha ng babae nang malapitan ito, sandali siyang nag-panic. Namukhaan kasi niya ito. Alam niyang nag-aaral sila sa iisang University. Maging ang lalaking may hawak dito ay mula rin doon. Kahit kasi hindi niya pinapansin ang mga taong nasa paligid, ino-obserbahan niya ang mga ito. Huli na para itago niya ang pagmumukha. Kung namukhaan man siya ng mga ito, wala na siyang magagawa. Wala rin siyang balak ipaalam iyon sa kahit sino sa headquarters. Kung gagawin pa niya iyong big deal, baka mas magka-problema lang. Kapag umabot kasi iyon sa kanyang ina, baka kung ano pa ang gawin nito.Napakunot ang noo niya nang makarating sa University. Nasa entrance pa lang kasi siya ay tanaw na niya ang babaeng tinulungan kagabi. At sa nakikita niya, sa kanya ito nakatingin. Inaabangan ba siya nito?Nang nasa tapat na siya nito, napahinto siya nang humarang ito sa kanyang dinaraanan.“Hi, Oliver!” Nakangiti nitong bati sa kanya.Hindi niya akalain na may ganoon pala itong personality. Hindi man sila close, madalas na niya itong natatanaw. Madalas ay tahimik lang ito at mukhang hindi namamansin. Kaya naman nabigla talaga siya nang makita itong nakangiti sa kanya.“Thank you nga pala sa pagtatanggol mo sa `kin kagabi. Tanggapin mo `to bilang pasasalamat ko.”Hindi na siya nakapag-react nang ito na mismo ang humawak sa kamay niya at isinabit doon ang paper bag na dala nito.“Thank you ulit.”Napatingin siya sa dalang paper bag. Hello Kitty pa talaga ang design niyon. Lalo tuloy siyang nailang. Nakatingin kasi sa kanya ang maraming tao. Ganoon pa man, hindi niya mapagiling mapangiti habang tinitingnan si Serenity na tumatakbo papalayo.HABANG tumatakbo siya palayo kay Oliver, nagulat si Serenity nang harangin siya ni Maricris.“Nakita ko `yong ginawa mo. Korean pala ang type mo, ha. Kaya mo ba hindi pinapatulan si Jason kasi si Oliver ang crush mo? Kailan pa?”“Wala `yon, nag-thank you lang ako.”Iniwasan niya si Maricris pero sinundan lang din siya nito. Wala din naman talaga siyang takas dito dahil blockmates sila. At hindi talaga siya nito tinigilang kulitin hangga’t hindi siya nagsasalita. Kaya naman napilitan na lang siyang sabihin dito ang ginawa ni Jason.“Really? Ang sama pala talaga ng lalaking `yon. Mabuti pala at nadaanan ka ni Oliver.”“Oo nga, eh,” maikli niyang sagot.Pero sa totoo lang, nagbigay siya ng regalo kay Oliver hindi lang para mag-thank you. Pagkatapos siya nitong ipagtanggol, hindi na ito nawala sa isipan niya. Para siya nitong ginayuma. Bigla siyang na-in love dito. Ibinigay talaga niya iyon dito para magpa-pansin. Syimpre hindi na niya iyon ibabahagi kay Maricris. Nakakahiya.Mapapansin kaya ni Oliver ang iniwan niyang cellphone number dito?PAGDATING pa lang ni Oliver sa classroom, si Kristoff agad ang napansin niya. Nauna siyang umalis ng headquarters pero dahil motor ang sinasakyan nito, nauna pa rin sa kanya ang pinsan.Kahit nasa iisang bahay sila nakatira, walang may ibang alam no’n. Kahit nga pareho sila ng last name, itinatanggi rin nilang magkamag-anak sila. Dapat nga ay hindi sila masyadong nag-uusap. Pero dahil malapit na talaga sila mula pa man noong bata, hindi nila iyon napanindigan.Natawa si Kristoff sa dala-dala niyang paper bag.“Kailan ka pa nahilig sa pink at kay Hello Kitty?”Hindi pa man siya nakakapagsalita, kinuha na nito iyon sa kamay niya at binuksan.“Ano `to? Chocolates?” kinuha nito mula roon ang isang box ng mamahaling chocolate. Korteng puso pa ang box niyon. “Para kanino `to? May nililigawan ka ba?”“Bigay lang sa `kin `yan.”Muli itong natawa. “From an admirer? Amazing. Unang beses ata ito na may babaeng nagkalakas ng loob na bigyan ka ng regalo. Who is this brave woman?” muli itong sumilip sa paper bag. “Oh, there’s a card.”Kukunin sana niya dito ang card pero mabilis nito iyong naiiwas at tahimik na binasa ang card. Nanlaki ang mga mata nito at napatingin sa kanya.“Is this for real?” pabulong itong nagsalita. “Hindi ba’t ito ang pangalan ng crush mo?”“Ibalik mo na nga lang `yan sa bag.”“You’re not denying it so it must be her. Akala ko ba wala kang balak magkaroon ng girlfriend? So what’s the meaning of this? Why she’s thanking you for last night? Kaya ka ba hindi nakapunta dahil nakipag-date ka?”“It’s not what you think it is but yeah, she’s the reason why I got late.”Bago pa man niya tinulungan si Serenity Oh, kilala na niya ito. Hindi lang dahil sa magka-schoolmate sila kundi crush niya rin ang dalaga. Madalas niya itong nakikita sa canteen at ilang beses na rin siyang nakita ni Kristoff na ginagawa `yon. Kaya naman kahit wala siyang inaamin, ito na ang nag-assume na crush niya si Serenity. Ito nga rin ang nagtanong-tanong para malaman niya ang pangalan ng dalaga. Ganoon ka supportive sa kanya ang pinsan.Pero sa kabila ng effort ni Kristoff, hindi siya nagsumikap na mas makilala pa si Serenity. Sa uri ng mundong meron siya, mailalagay lang niya sa kapahamakan ang buhay nito. Wala rin siyang magiging oras para kay Serenity. Kaya naman hanggang tingin na lang siya dito.Isinumpa na rin niya na kahit kailan, hindi siya mag-aasawa. Lumaki siyang palipat-lipat ng bahay dahil laging nasa panganib ang buhay nila. Hindi rin niya na-enjoy ang kanyang kabataan. Wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-insayo bilang paghahanda sa pagiging ganap niyang miyembro ng Merciless.Kilala rin niya ang kanyang ina. Siguradong hindi nito matatanggap si Serenity o kahit sino man babae na hindi kabilang sa grupo nila. Iisipin lang nito na hadlang sa mga pangarap nito para sa kanya ang sino man na maging girlfriend niya. Kaya mas maigi na rin sigurong tumanda siyang mag-isa.“Gusto mo ba `yang chocolate? If you want it, you can have it.”“SABAY na tayo,” ani Maricris matapos ang last subject nila nang araw na `yon. “Hindi na. Mauna ka na. Kailangan ko pang magpunta sa library.” “Gano’n ba? O sige. Sigurado kang ayos lang sa`yo na mag-isa? Sa nangyari kahapon, baka balikan ka ni Jason.” Kung sakali man na harapin nga siya si Jason, mas magkaka-problema lang siya kung kasama si Maricris. “Huwag kang mag-alala. Kaya ko ang sarili ko. Saka pagkatapos ko dito, dadaan pa `ko sa restaurant. Magpapasa ako ng resignation letter kaya mauna ka na lang.” “Naku, doon ka nga pala inabangan. Kung sa akin nangyari `yon, baka nag-resign din ako. Nakakatakot na talagang mag-isa ngayon. Kaya nga ba dapat magka-jowa na tayo. Para may tagahatid na tayo at tagasundo,” nakatawa nitong sabi. Natawa na lang din siya. Muli niyang naalala ang ginawang pagtatanggol sa kanya ni Oliver. Kung ito man ang magiging boyfriend, siguradong magagawa nga nitong protektahan siya. Medyo natagalan man dahil sa pag-uusap nila ni Maricris, mabuti na lang
“MABUTI naman at makakasama ka na ngayon, Oliver,” wika sa kanya ni Simon. Tulad ng kanyang ina, isa ito sa mga pioneers ng Merciless at Team Leader nila sa misyong iyon. Dahil mga trainees pa lang sila, may isa o dalawang senior member silang kasama sa bawat misyon. “Nagkaroon lang ng emergency kahapon, Sir.” “Palalampasin ko ito sa ngayon pero sa susunod, wala akong tatanggapin na dahilan kung bakit hindi kayo makakasama maliban sa nag-aagaw buhay kayo. Nagkakaintindihan ba tayo?” “Yes, Sir,” sagot niya at ng dalawa pang kasama sa misyon na `yon na sina Kristoff at Marigold. “Good. Sa misyong ito, dalawa lang ang dapat niyong gawin. Una, ang mapatay ang target. Pangalawa, ang siguraduhing makakauwi kayo nang buhay.” Nakakakilabot man pero iyon ang mga pinaka-importanteng bagay na dapat nila isaisip sa bawat misyon. Kahit ba pinaghandaan nila iyon sa loob ng mahabang panahon, iba pa rin na totoong kalaban na ang kahaharapin nila. Nang gabing iyon, misyon nilang patayin si Jangg
-NASA room na ako. Ikaw?- Iyon ang laman ng message ni Serenity para kay Oliver. Ilang segundo lang ay nakatanggap na siya ng reply mula dito. -Papunta pa lang ako ng University. Kumain ka na ba? Maaga pa. Want to eat together? I’ll be there in fifteen minutes. See you at the canteen.- Muli na naman nitong napabilis ang tibok ng puso ni Serenity. Isang linggo na silang nagpapalitan ng messages pero hindi pa sila nagkaka-usap ng personal. Kaya naman bigla siyang nag-panic nang yayain siya nitong mag-agahan. Kinakabahan man, syimpre hindi niya iyon aatrasan. -Okay.- Nagmamadali siyang nagtungo sa ladiesroom. Syimpre, kailangan niyang siguraduhin na maganda siya kapag nakaharap ito. Napangiti siya. Hindi pa rin nabubura ang lipstick niya. Presentable pa naman siyang tingnan. “AALIS ka na? Ang aga naman ata,” ani Marigold nang magkasalubong sila sa living room. “Mukhang good mood ka rin. Dahil ba nakatanggap ka ng papuri kay Sir Edward?” Tulad nila ni Kristoff, nag-aaral pa rin si M
NAWALA ang ngiti ni Serenity nang makita niya ang ama na nakaabang sa may gate nila. Ni hindi na niya hinintay ang sukli at bumaba na ng Taxi. “Pa, ano pong ginagawa niyo dito? Nagpapahangin po ba kayo?” Nanatiling seryoso ang mukha ng ama. “Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?” Napalunok siya. “Pasensiya na po, hindi ko napansin. Masyado akong naging busy.” “Pumasok ka na. Sabihin mo na lang sa Mama mo na umalis na `ko.” Doon lang niya napansin na may dalang bag ang Papa niya. Mukhang late na nga talaga siyang nakauwi. Paalis na kasi ito. Madalas wala sa bahay ang Papa niya. Umuuwi na nga lang ata ito para i-train sila. Tapos kinagabihan, umaalis lang din ito. “Sige po, Pa. Mag-ingat po kayo.” Nakahinga siya nang maluwang nang hindi na nag-usisa ang Papa niya. Istrikto man ang ama pagdating sa trainings nila, mabait naman ito. Pero dahil nga may sekreto siya, ang bilis tuloy ng tibok ng kanyang puso. Isa sa mga instructions nito sa kanila na hindi sila pwedeng magkaroon
HIRAP makatulog si Serenity kagabi. At dahil sa tawag ni Oliver, lalo tuloy nawala ang antok niya. Hanggang nga sa inumaga na lang siya kakaikot sa kama pero ni isang minuto ay hindi man lang niya nagawang makaidlip. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit ayaw ng Papa niya na magkaroon siya ng karelasyon habang nag-aaral. Hindi pa nga niya boyfriend si Oliver pero nagkakagano’n na siya. Hindi niya ma-explain ang nararamdaman. Basta, ito lang ang nasa isip niya magdamag. Paulit-ulit din bumabalik sa isipan niya ang napag-usapan nila kagabi tungkol sa yakap na aasahan daw nito sa araw na `yon. Wala man tulog, energetic siyang nagtungo sa University. Pero ang excitement niya ay nauwi sa disappointment nang mag-text si Oliver at sinabing hindi ito makakapasok. Naiintindihan naman niya iyon dahil sa kondisyon ng Dad nito. Gayun pa man, hindi pa rin niya maiwasang malungkot. “Bakit ganyan `yang istura mo? May sakit ka ba?” tanong ni Maricris nang makarating siya sa classroom nila. “Akala
“HINDI ka uuwi? Bakit?" “Lilipad papuntang Cebu ang boss ko at bilang miyembro ng kanyang security team, kailangan namin siyang samahan.” “Kailan naman daw kayo uuwi?” “Hindi ko pa masasabi pero huwag kang mag-alala, araw-araw naman kitang tatawagan.” “Halos ilang oras na nga lang tayo magkasama sa bahay, lalayo ka pa. Hindi ka ba talaga pwedeng humanap na lang ng ibang trabaho?” “I’m sorry, Rose pero alam mo naman kung gaano kahalaga sa akin ang trabaho ko.” “Pero hindi ko naman akalain na kahit may mga anak na tayo, mas importante pa rin pala sa `yo ang trabaho mo kaysa sa pamilya natin. Sa akin. Nakakapagod na rin mag-adjust, Simon. Sobrang nakakapagod na,” umiiyak na umalis ng hapag kainan ang kanilang ina. Tahimik lang si Serenity maging ang kapatid niyang si Dean. Nasa harap sila ng hapag kainan pero mukhang wala na siyang ganang kumain. Nalulungkot kasi siya para sa Mama niya. Sa halip na sumunod sa kwarto, nanatili lang kasama nila ang ama. “Kayo na muna ang bahala sa
“FEELING better?” tanong sa kanya ni Oliver nang maging kalmado na siya. “What happened? If you want, we can talk about it.” Kahit ba magaan ang loob niya kay Oliver, hindi pa siya handang ibahagi dito ang mga drama sa buhay ng pamilya niya. Bilin din kasi iyon sa kanya ng ama. As much as possible, gusto nitong maging pribado ang lahat ng pangyayari sa buhay nila. “Wala. Medyo nagkatampuhan lang ang parents ko pero okay lang sila. Hindi ko lang maiwasan na hindi maapektuhan. Siya nga pala,” humiwalay na siya sa pagkakayakap kay Oliver. “Hindi ba’t may sakit ang Dad mo? Ayos na ba siya?” “He’s better now,” maikli nitong sagot. Mukhang tulad niya, hindi rin ito iyong klase ng tao na makuwento tungkol sa pamilya, at ayos lang naman iyon sa kanya. Hindi iyon big deal sa kanya. Ang importante, ayos lang ang dad nito. Ngayong malapit sila sa isa’t-isa at nakatingin siya sa mukha nito, pansin niya na tulad niya, mukhang wala pa rin tulog si Oliver. Kahit ba gwapo pa rin ito, mukhang pago
“PURE Filipina ang Mama ko. Ang Papa ko naman, pure Korean. Pero dito na siya sa Pilipinas lumaki. Ikaw ba?” tanong ni Serenity kay Oliver habang nasa rooftop sila ng University. Lunch break nila at doon nila naisipan mananghalian. Mabuti na lang at nagkataon na makulimlim ang langit. Hindi sila nababad sa init. “My father is half-Filipino- half-Korean. Ang Mama ko naman pure Korean pero dito na rin siya lumaki. Mas may alam pa nga na Korean ang Dad ko kaysa kay Mama.” “Pareho pala sila ng Papa ko. Hindi na rin natuto mag-Korean.” Unti-unti, nagagawa na nilang mag-share ng tungkol sa kanilang pamilya. Pero napansin niya na kung ano lang ang sinasabi niya, iyon lang din ang mga bagay na binabanggit ni Oliver tungkol sa pamilya nito. “Kamusta na pala ang Dad mo?” “He’s okay. Magaling na siya.” Tumangu-tango siya. “Mabuti naman kung gano’n.” “Ang parents mo, nagkabati na ba?” “Hindi pa umuuwi si Papa pero tingin ko naman ay okay na sila.” Tulad ng pangako ng kanyang ama, araw-ar