-NASA room na ako. Ikaw?-
Iyon ang laman ng message ni Serenity para kay Oliver. Ilang segundo lang ay nakatanggap na siya ng reply mula dito.-Papunta pa lang ako ng University. Kumain ka na ba? Maaga pa. Want to eat together? I’ll be there in fifteen minutes. See you at the canteen.-Muli na naman nitong napabilis ang tibok ng puso ni Serenity. Isang linggo na silang nagpapalitan ng messages pero hindi pa sila nagkaka-usap ng personal. Kaya naman bigla siyang nag-panic nang yayain siya nitong mag-agahan. Kinakabahan man, syimpre hindi niya iyon aatrasan.-Okay.-Nagmamadali siyang nagtungo sa ladiesroom. Syimpre, kailangan niyang siguraduhin na maganda siya kapag nakaharap ito. Napangiti siya. Hindi pa rin nabubura ang lipstick niya. Presentable pa naman siyang tingnan.“AALIS ka na? Ang aga naman ata,” ani Marigold nang magkasalubong sila sa living room. “Mukhang good mood ka rin. Dahil ba nakatanggap ka ng papuri kay Sir Edward?”Tulad nila ni Kristoff, nag-aaral pa rin si Marigold at nasa college. Pare-pareho silang third year college. Sa ibang University nga lang ito pumapasok.Napangiti na lang siya dito. “Mauna na `ko sa `yo, Marigold.”Kung noong isang linggo ay sobrang pressured at stressed niya, nagagawa na niyang ngumiti ngayon. Mas pinili na lang kasi niyang maging propesyonal kaysa pairalin ang kanyang damdamin pagdating sa trabaho. Tulad nga ng sinabi ni Sir Simon, wala silang target na mabuting tao. Sobrang nakatulong iyon sa kanya.Nakatulong din sa kanya ang pakikipagpalitan ng messages kay Serenity. Pagkatapos kasi ng misyon, nae-enjoy niyang makipag-kwentuhan dito at hindi na naiisip ang trabaho. Kahit ba nag-aaral sila sa iisang University, hanggang text messages lang ang communication nila. Pero ngayon, naisip niya na makipagkita dito.Hindi man niya sigurado kung tama nga ba ang gagawin niya, ang alam lang niya ay excited siyang makita ito nang personal.KABADO si Serenity habang patungo sa canteen. Buong buhay niya, ito pa lang yata ang lalaking nakapagpakaba sa kanya ng ganoon. Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso nang matanaw na niya si Oliver. Nauna na itong um-order sa kanya. Puno na kasi ang table ng pagkain.Huminga siya nang malalim. “Kaya mo`yan, Serenity.”Nang makalapit siya kay Oliver, nginitian niya ito. Para naman tumalon ang puso niya nang ngitian rin siya nito. Sa tuwing natatanaw kasi nila ito noon, aakalain mong hindi marunong ngumiti.“Hi. Nauna ka na palang um-order. Sandali, bibili lang ako ng food ko.”Tumayo ito. “No, maupo ka na. Para sa ating dalawa na ang in-order ko.”Ngayong nakalapit na siya dito, marami-rami nga ang in-order nito.“Okay, thank you,” aniya at naupo na sa harapan nito.Pinilit niyang umarte na parang hindi siya affected sa presence ni Oliver pero ang totoo, namamasa na ang kili-kili niya sa kaba.“Pero kung may gusto ka pang kainin, sabihin mo lang,” pahabol nito.“Naku, ayos na `to. Hindi naman ako malakas kumain. Solve na `ko dito.”Sobra-sobra pa nga ang mga binili nito. Maliban sa rice at ilang ulam, mayroon din mga mamon, biscuits at chichirya sa lamesa.“Then lets eat,” maikli nitong sabi.Habang kumakain, ramdam niya ang tingin ng mga tao sa paligid sa kanila. Siguro curious ang mga ito kung bakit sila magkasama. Kung wala nga lang sila sa canteen, feeling niya nagdi-date sila.Kahit ba madalas silang nagpapalitan ng messages, iba pa rin ngayon na personal na silang magkausap. Kung sa phone ay kung anu-ano na lang ang naiisip niyang itanong, tahimik lang siya habang kaharap ito.“May gagawin ka ba after class?”Natigil siya sa pagkain at napatingin dito. Tuesday ng araw na `yon. Ibig sabihin kailangan niyang umuwi nang maaga para mag-training. Pero ewan ba, “wala” ang salitang lumabas sa bibig niya.“Then, is it okay if I invite you to go out?”Mukhang ang iniisip niya lang kanina na date ay magiging totoo na. Syimpre, hindi niya iyon tinanggihan.Walang mapaglagyan ang kaba ni Serenity nang sumakay siya sa kotse ni Oliver pagkatapos ng klase nila kinahapunan. Unang beses lang kasi niya iyong sumama sa isang lalaki at sila lang dalawa. Bigla tuloy siyang na-curious kung ano ang motibo nito sa pag-invite sa kanya.Malamang iisipin ni Oliver na aggressive niya. Pero mabuti na rin iyong may ideya siya para alam niya kung paano makikitungo dito. Obvious na rin naman siguro na may gusto siya dito kaya hindi na siya magpapa-cute.“Alam mo naman siguro na crush kita, hindi ba?”aniya. “Walang babaeng mag-iiwan ng phone number sa lalaking hindi niya gusto.”“I know,” maikli nitong sagot habang nagmamaneho.Napatingin siya dito. “Then let me go straight to the point. Bakit mo `ko in-invite lumabas? Ibig ba sabihin gusto mo rin ako?”Napatingin sa kanya si Oliver at nakangiti ito.“Aside from my Mom, ikaw lang yata ang babaeng nakilala ko na ganyan ka straightforward magtanong. But to answer your question, yes, I guess I like you too. Let’s just say that I want to know you better.”Natahimik siya. Naramdaman din niya ang pag-init ng kanyang mukha. Ibig ba sabihin iyon ang first date nila hindi bilang friends lang?ISINUMPA ni Oliver sa sarili na hinding-hindi siya makikipag-relasyon. Pero nang itanong iyon sa kanya ni Serenity, ang mga salitang `yon ang lumabas sa kanyang bibig. Hindi niya akalain na ganoon kabilis tratraydurin ng kanyang puso ang isip niya.Hindi rin naman siguro masama kung mas kikilalanin nila ang isa’t-isa. Saka na lang siguro niya iisipin ang ibang bagay kapag nangyari na. Sisiguraduhin din niyang hindi iyon makaka-apekto sa trabaho niya. Sa ganoong paraan, hindi rin malalaman ng Mama niya ang tungkol kay Serenity. Sa ngayon, gusto niyang i-enjoy na lang muna ang kung anong meron sila.“Wow! Paano mo nagawa `yon? Ang galing!” iyon ang naging reaksiyon ni Serenity nang mapatamaan niya nang sunud-sunod ang mga target sa isang shooting game sa arcade.Actually, pangatlo na niyang strike iyon. Nakakatatlo na rin siyang stuffed toy bilang premyo. Gusto sana niyang magyabang na sisiw lang sa kanya iyon. Kapag nagtri-training nga sila, siya ang nakakakuha ng pinakamataas na marka sa target shooting. At ngayon, isa siya sa mga sniper sa grupo. Pero syimpre, hindi naman niya pwedeng sabihin dito kung ano ang trabaho niya at pumapatay siya ng tao. Siguradong katatakutan lang siya ni Serenity.SINUBUKAN ni Serenity na umarte na bilib na bilib siyang naka-strike si Oliver sa shooting game sa arcade. And so far, mukhang paniwalang-paniwala naman ito.Ang totoo, chicken lang sa kanya ang larong `yon. Bata pa lang kasi siya, tinuruan na siyang humawak ng Papa niya ng totoong baril. Mas maraming beses pa nga ata siyang nakahawak ng baril kaysa munyika. Kaya naman kung sa shooting lang, ka-level na yata niya ang mga sniper ng SWAT Team.“Here,” wika ni Oliver sabay abot sa kanya ng pikachu na stuffed toy.“Thank you,” nakingiti niyang sabi dito. “Subukan naman natin maglaro ng ibang games. Gusto kong subukan `yong basketball shooting. Mag-contest tayo.”“Sure. Let’s go.”Mabuti na lang at pumayag ito. Maliban kasi sa meron na siya ng lahat ng stuffed toy na naroon, patay siya sa Papa niya pag-uwi. Mahihirapan na siyang itago ang mga iyon sa bag niya kapag pinarami pa ni Oliver. Idinahilan pa naman niya na mahuhuli siya ng uwi dahil may activity sila sa school.Habang naglalakad sila, sinilip niya ang kanyang phone. Nakaka-limang tawag na sa kanya ang ama.“May problema ba?” Tanong sa kanya ni Oliver.Mabilis naman niyang naipasok sa bag ang kanyang phone.Nginitian niya ito. “Wala naman. Sinilip ko lang kung anong oras na. Tayo na, excited na `kong maglaro,” hinila na niya ito.Siguradong pagagalitan siya ng Papa niya pag-uwi. Pero mamaya na lang niya iyon iisipin. Sa ngayon, magfo-focus na lang muna siya sa date nila ni Oliver. Na sa totoo lang ay sobra niyang na-enjoy kahit hindi iyon ang first time na nakapaglaro siya sa arcade.Kanina lang umaga ay naiilang pa siya kay Oliver pero ngayong papauwi na sila, may pa-holding hands na sila. Nag-offer pa nga ito na ihahatid siya pero umayaw siya. Maliban sa magkaiba ng direksiyon ang bahay nila, siguradong inaabangan na siya ng Papa niya.Mabuti na lang talaga at may tumawag kay Oliver kaya hindi na ito nagpumilit. Mukhang may kailangan itong puntahan ASAP. Pinasakay na muna siya nito ng Taxi bago ito umalis. Hindi naman niya mapigilan ang mapangiti habang inaalala ang naging date nila.Sa totoo lang, sa edad niya, mukha man imposible pero si Oliver pa lang ang lalaking nagpatibok ng kanyang puso. Ang sarap palang kiligin. Feeling nga niya hindi na lang niya ito basta crush. In love na siya dito. Tinamaan nga yata siya ng tinatawag na love at first sight.NAWALA ang ngiti ni Serenity nang makita niya ang ama na nakaabang sa may gate nila. Ni hindi na niya hinintay ang sukli at bumaba na ng Taxi. “Pa, ano pong ginagawa niyo dito? Nagpapahangin po ba kayo?” Nanatiling seryoso ang mukha ng ama. “Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?” Napalunok siya. “Pasensiya na po, hindi ko napansin. Masyado akong naging busy.” “Pumasok ka na. Sabihin mo na lang sa Mama mo na umalis na `ko.” Doon lang niya napansin na may dalang bag ang Papa niya. Mukhang late na nga talaga siyang nakauwi. Paalis na kasi ito. Madalas wala sa bahay ang Papa niya. Umuuwi na nga lang ata ito para i-train sila. Tapos kinagabihan, umaalis lang din ito. “Sige po, Pa. Mag-ingat po kayo.” Nakahinga siya nang maluwang nang hindi na nag-usisa ang Papa niya. Istrikto man ang ama pagdating sa trainings nila, mabait naman ito. Pero dahil nga may sekreto siya, ang bilis tuloy ng tibok ng kanyang puso. Isa sa mga instructions nito sa kanila na hindi sila pwedeng magkaroon
HIRAP makatulog si Serenity kagabi. At dahil sa tawag ni Oliver, lalo tuloy nawala ang antok niya. Hanggang nga sa inumaga na lang siya kakaikot sa kama pero ni isang minuto ay hindi man lang niya nagawang makaidlip. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit ayaw ng Papa niya na magkaroon siya ng karelasyon habang nag-aaral. Hindi pa nga niya boyfriend si Oliver pero nagkakagano’n na siya. Hindi niya ma-explain ang nararamdaman. Basta, ito lang ang nasa isip niya magdamag. Paulit-ulit din bumabalik sa isipan niya ang napag-usapan nila kagabi tungkol sa yakap na aasahan daw nito sa araw na `yon. Wala man tulog, energetic siyang nagtungo sa University. Pero ang excitement niya ay nauwi sa disappointment nang mag-text si Oliver at sinabing hindi ito makakapasok. Naiintindihan naman niya iyon dahil sa kondisyon ng Dad nito. Gayun pa man, hindi pa rin niya maiwasang malungkot. “Bakit ganyan `yang istura mo? May sakit ka ba?” tanong ni Maricris nang makarating siya sa classroom nila. “Akala
“HINDI ka uuwi? Bakit?" “Lilipad papuntang Cebu ang boss ko at bilang miyembro ng kanyang security team, kailangan namin siyang samahan.” “Kailan naman daw kayo uuwi?” “Hindi ko pa masasabi pero huwag kang mag-alala, araw-araw naman kitang tatawagan.” “Halos ilang oras na nga lang tayo magkasama sa bahay, lalayo ka pa. Hindi ka ba talaga pwedeng humanap na lang ng ibang trabaho?” “I’m sorry, Rose pero alam mo naman kung gaano kahalaga sa akin ang trabaho ko.” “Pero hindi ko naman akalain na kahit may mga anak na tayo, mas importante pa rin pala sa `yo ang trabaho mo kaysa sa pamilya natin. Sa akin. Nakakapagod na rin mag-adjust, Simon. Sobrang nakakapagod na,” umiiyak na umalis ng hapag kainan ang kanilang ina. Tahimik lang si Serenity maging ang kapatid niyang si Dean. Nasa harap sila ng hapag kainan pero mukhang wala na siyang ganang kumain. Nalulungkot kasi siya para sa Mama niya. Sa halip na sumunod sa kwarto, nanatili lang kasama nila ang ama. “Kayo na muna ang bahala sa
“FEELING better?” tanong sa kanya ni Oliver nang maging kalmado na siya. “What happened? If you want, we can talk about it.” Kahit ba magaan ang loob niya kay Oliver, hindi pa siya handang ibahagi dito ang mga drama sa buhay ng pamilya niya. Bilin din kasi iyon sa kanya ng ama. As much as possible, gusto nitong maging pribado ang lahat ng pangyayari sa buhay nila. “Wala. Medyo nagkatampuhan lang ang parents ko pero okay lang sila. Hindi ko lang maiwasan na hindi maapektuhan. Siya nga pala,” humiwalay na siya sa pagkakayakap kay Oliver. “Hindi ba’t may sakit ang Dad mo? Ayos na ba siya?” “He’s better now,” maikli nitong sagot. Mukhang tulad niya, hindi rin ito iyong klase ng tao na makuwento tungkol sa pamilya, at ayos lang naman iyon sa kanya. Hindi iyon big deal sa kanya. Ang importante, ayos lang ang dad nito. Ngayong malapit sila sa isa’t-isa at nakatingin siya sa mukha nito, pansin niya na tulad niya, mukhang wala pa rin tulog si Oliver. Kahit ba gwapo pa rin ito, mukhang pago
“PURE Filipina ang Mama ko. Ang Papa ko naman, pure Korean. Pero dito na siya sa Pilipinas lumaki. Ikaw ba?” tanong ni Serenity kay Oliver habang nasa rooftop sila ng University. Lunch break nila at doon nila naisipan mananghalian. Mabuti na lang at nagkataon na makulimlim ang langit. Hindi sila nababad sa init. “My father is half-Filipino- half-Korean. Ang Mama ko naman pure Korean pero dito na rin siya lumaki. Mas may alam pa nga na Korean ang Dad ko kaysa kay Mama.” “Pareho pala sila ng Papa ko. Hindi na rin natuto mag-Korean.” Unti-unti, nagagawa na nilang mag-share ng tungkol sa kanilang pamilya. Pero napansin niya na kung ano lang ang sinasabi niya, iyon lang din ang mga bagay na binabanggit ni Oliver tungkol sa pamilya nito. “Kamusta na pala ang Dad mo?” “He’s okay. Magaling na siya.” Tumangu-tango siya. “Mabuti naman kung gano’n.” “Ang parents mo, nagkabati na ba?” “Hindi pa umuuwi si Papa pero tingin ko naman ay okay na sila.” Tulad ng pangako ng kanyang ama, araw-ar
“MAY nangyari bang maganda sa rooftop at maaliwalas `yang mukha mo?” ani Kristoff nang pumasok si Oliver sa afternoon class nila. Sana nga hindi na lang siya pumasok. Wala pala ang professor nila. Gustong sumabay ni Kristoff sa kanya mananghalian kanina, at hindi siya nito tinantanan hangga’t hindi niya sinasabi kung saan siya papunta. Kaya naman napilitan na lang siyang banggitin dito ang lunchdate nila ni Serenity. Mabilis siyang umiwas ng tingin sa pinsan. “Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo.” “Come on, Oliver. Kilala na kita. Hindi man malawak `yang ngiti mo, alam kong masaya ka. Kayo na ba ni Serenity?” Huminga siya nang malalim. “Fine. She’s my girlfriend,” pag-amin niya. Alam din naman kasi niyang wala siyang maililihim kay Kristoff. “Wow, congratulations. Mukhang tulad mo, inlove na inlove din si Serenity sa `yo. Imagine, sinagot ka na niya agad? Pero sana naman pumili ka ng mas magandang venue. Tapos ni wala ka man lang ata dalang flowers or chocolates.” Hindi naman kasi
“INGAT sa pag-uwi,” ani Serenity nang makarating na sila sa tapat ng bahay nila. Gaya ng mga nakaraang araw, inihatid siya ni Oliver pauwi. Pababa na siya ng sasakyan nang may maalala. “Siya nga pala. May lakad ka ba bukas?” “Wala naman. Bakit?” “Wala lang,” nginitian niya ito. “Naitanong ko lang. Sige, mauna na `ko. Bye,” hinalikan niya ito sa pisngi at mabilis nang lumabas ng sasakyan. Hindi na siya lumingon dito at mabilis nang pumasok ng gate. Nakangiti siya habang patungo sa pinto. Kailangan na niyang mag-bake ng cookies. Mukhang matutuloy ang celebration nila bukas. Sa pagbukas niya ng pinto, nawala ang ngiti niya nang ang ama ang sumalubong sa kanya. Mukhang kararating pa lang nito at napakaseryoso ng mukha. “P-Pa. N-nakauwi na po pala kayo.” “Sino `yon? Sino `yong lalaking naghatid sa `yo? Boyfriend mo ba `yon?” Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Paano nalaman ng Papa niya ang paghatid sa kanya ni Oliver? Sumilip kaya ito sa bintana? “Pa, mabuting tao po si-.” “Hi
MALAKI ang ibinabayad sa kanila sa bawat misyon. At simula nang magkaroon na ang anak ng mga sarili nitong kita, hindi niya iyon pinapakialaman. Kaya naman madali lang para sa anak ang makakuha ng isang condominium unit. Ganoon pa man, hindi mapigilan ni Agatha na huwag magduda sa biglaang pagbili ni Oliver ng condo nang hindi man lang nagsasabi sa kanila. May nararamdaman siyang hindi tama tungkol doon. Nang araw na `yon, gabi pa ang misyon ni Agatha. Kaya naman ginamit niya ang pagkakataong `yon para masilip ang condo ng anak. Gusto lang niyang masiguro na wala itong ginagawang hindi niya magugustuhan. Mabuti na lang at kilala niya ang nagmamay-ari ng building. Naging madali lang para sa kanya ang makakuha ng spare key. Sa pagpasok niya sa unit ni Oliver, mukhang wala naman nakakapagduda doon. Mga gamit lang ng anak ang nasa kwarto. Malamang gusto lang talaga nito magkaroon ng sariling space. Paalis na siya nang makarinig ng katok. Could it be her son? Pero ang alam niya, nasa is