“MABUTI naman at makakasama ka na ngayon, Oliver,” wika sa kanya ni Simon.
Tulad ng kanyang ina, isa ito sa mga pioneers ng Merciless at Team Leader nila sa misyong iyon. Dahil mga trainees pa lang sila, may isa o dalawang senior member silang kasama sa bawat misyon.“Nagkaroon lang ng emergency kahapon, Sir.”“Palalampasin ko ito sa ngayon pero sa susunod, wala akong tatanggapin na dahilan kung bakit hindi kayo makakasama maliban sa nag-aagaw buhay kayo. Nagkakaintindihan ba tayo?”“Yes, Sir,” sagot niya at ng dalawa pang kasama sa misyon na `yon na sina Kristoff at Marigold.“Good. Sa misyong ito, dalawa lang ang dapat niyong gawin. Una, ang mapatay ang target. Pangalawa, ang siguraduhing makakauwi kayo nang buhay.”Nakakakilabot man pero iyon ang mga pinaka-importanteng bagay na dapat nila isaisip sa bawat misyon. Kahit ba pinaghandaan nila iyon sa loob ng mahabang panahon, iba pa rin na totoong kalaban na ang kahaharapin nila.Nang gabing iyon, misyon nilang patayin si Janggo Villa Vista. Matagal na itong pinaghahanap ng mga pulis. Ganoon din ng Merciless. Kaya naman hindi na sila dapat mag-aksaya ng panahon.Birthday party ng anak nito pero hindi na sila makakapaghintay kinabukasan para tapusin ito. Baka kasi bigla na naman itong mawala at mahirapan na silang hanapin ito.“Naka-puwesto na ba kayo?” tanong sa kanila ni Simon sa pamamagitan ng earpiece.“Yes, Sir,” sagot nilang tatlo.Naka-puwesto siya sa rooftop ng isang building. Tanaw niya mula roon ang garden kung saan ginaganap ang party ng anak ni Villa Vista.“Whoever gets the chance, shoot him.”Napalunok siya. Kahit ba marami na siyang pinagdaanan sa mga nakalipas na taon, iyon pa lang ang unang beses na papatay siya ng totoong tao. At sa misyon na iyon, ni wala siyang alam sa pagkatao ng kalaban. Basta ang utos lang sa kanila ay ang patayin ito.Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang matanaw niya si Villa Vista sa zoom lense ng kanyang sniper gun. Karga-karga nito nang oras na `yon ang bunsong anak. Kahit ba sakto ang posisyon niya para patamaan ito sa ulo, nag-aalala siya sa mararamdaman ng anak nito kapag nakita nitong duguan ang ama.“Oliver. Ano pang hinihintay mo?” ani Simon.Alam ni Simon kung saan sila naka-posisyon. Kaya naman alam din nitong maganda ang puwesto niya para barilin si Villa Vista.Huminga siya nang malalim. Pinagpapawisan na siya. Nagsimula na rin manginig ang mga kamay niya. Malinaw naman ang mga mata niya pero nang oras na `yon, biglang naging dalawa ang paningin niya kay Villa Vista. Napaupo siya sa sahig.“H-hindi ko kaya.”Narinig niyang pumiksi si Simon. Malamang disappointed ito sa kanya. Sumunod doon ay ang utos nitong bumalik na siya sa kanilang command center. Na hirap pa nga siyang gawin dahil nanginginig ang mga binti niya.Mabuti na lang at pinakamalapit sa location niya ang van na siyang nagsisilbi nilang command center. Habang naka-dispatch sila, naroon si Simon at pinapanuod ang mga footages ng camera na naka-attach sa kanila.Pagpasok pa lang niya, tanaw na agad niya ang sama ng tingin nito sa kanya. Nagkusa na siyang humingi ng tawad.“Mabuti na lang at naging alisto si Kristoff. Naging successful pa rin ang misyon natin. Ganoon pa man, hindi ko pa rin nagustuhan ang naging performance mo, Oliver. Anak ka ba talaga ng mga magulang mo? Masyado kang mahina.”Kilala ang Mama niya bilang pinaka-magaling na female assassin ng Merciless. Kaya nga nitong tumungo sa isang misyon nang mag-isa. At kahit huli man napasali ang Dad niya, ka-level na nito ngayon ang mga naunang miyembro pagdating sa skills.Nakayuko lang siya habang pinapagalitan ni Simon.“I’m sorry, Sir. Parang napakahirap lang kasing pumatay ng taong ni hindi ko alam kung ano ang kasalanan. Naroon din ang kanyang pamilya. Ano na lang ang mararamdaman ng mga bata?”“Naawa ka sa pamilya ni Villa Vista kaya hindi mo siya mapatay? Sa tingin mo ba papatay tayo ng inosenting tao? Mamamatay tao ang demonyong `yon. At karamihan sa mga pinapatay niya ay mga bata. Tinatanggalan niya ng mga internal organs ang mga ito at ibinibenta. At pagkatapos mapakinabangan, kung hindi ipinapatapon, hinayaan lang maghingalo hanggang sa tuluyan mamatay. Kung hindi natin siya napatay ngayon, masaya at buo pa rin ang pamilya niya. Pero mas marami pang tao ang mapapahamak nang dahil sa kanya. Iyon ba ang gusto mo?”Hindi siya nakaimik.“Walang saysay na palagi kang top during trainings kung sa totoong misyon, naduduwag ka. Hindi ka nababagay sa mundong `to.”Hanggang sa makauwi sila, hindi niya magawang tumingin sa mga kasamahan. Lalo na kay Sir Simon. Mabuti na lang at nang nakarating sila ng headquarters, wala ang Mama niya. Kung hindi, katakot-takot na sermon na naman ang maririnig niya.Papasok na siya sa kanyang kwarto nang may tumawag sa kanya, si Richard Kim, ang kanyang Dad.“Kamusta ang unang misyon mo?”Napaiwas siya ng tingin dito. “Pumalpak ako,” mahina niyang sagot.Tinapik ng ama ang kanyang balikat. “Ganyan talaga sa simula pero masasanay ka rin. Sa simula lang `yan mahirap.”Hindi tulad ng Mama niya, chill lang ang kanyang Dad tuwing kinakausap siya. Mula nga noong maliit pa lang sila ng kapatid, hindi niya maalalang napagalitan siya nito. Ganoon kabait ang Dad niya. Pero dahil sa pagmamahal nito sa Mama niya, natuto na rin itong pumatay. Siguro pareho sila ng naramdaman nang unang sumabak sa misyon.Gusto sana niya itong kausapin tungkol sa mga karanasan nito noong bago pa lang itong miyembro ng Merciless pero alam niyang busy rin ito. Maliban kasi sa pagiging Merciless ay isang doktor ang kanyang ama. Pakiramdam nga niya kahit gaano pa siya magsikap, hindi niya matutumbasan ang achievement ng mga magulang.Pabagsak siyang nahiga sa kama. Huminga siya nang malalim habang nakatitig sa kisame. Iyon ba talaga ang buhay na gusto niya para sa sarili?Dati, ginagawa lang niyang laro ang mga trainings nila. Nae-enjoy kasi niya iyon. Pero ngayong sumasabak na sila sa totoong misyon, nagda-dalawang isip na siya. Pero kahit naman ano pa ang maramdaman niya, ang ina pa rin niya ang masusunod.Muli siyang napabuntong hininga at napatingin sa side table kung saan naroon ang box ng chocolate galing kay Serenity. Malamang si Kristoff ang naglagay niyon. Ibinigay na kasi niya iyon dito. Napabangon siya at kinuha ang hugis pusong box. Hindi siya mahilig sa chocolates pero sa unang pagkakataon, bigla siyang natakam.Kumuha siya ng isa at muling isinara ang box. Napansin niyang nakakabit pa pala doon ang card nito. Nang buksan niya ang card, napakunot noo siya nang may mabasa siyang cellphone number. Nasa pinaka-ibabang bahagi iyon ng isinulat nito.Naalala niyang binasa iyon ni Kristoff. Wala itong nabanggit na phone number. Paano kung ito lang pala ang naglagay no`n? Pero sa nakikita niya, mukha naman magkapareho lang ang ballpen na ginamit sa nakasulat sa itaas at sa number. Number nga kaya iyon ni Serenity?MATUTULOG na si Serenity nang biglag tumunog ang kanyang cellphone.-Salamat sa chocolates.-Nang mabasa niya ang message, napaupo siya sa kama. Bigla din bumilis ang tibok ng kanyang puso. Isang tao lang naman kasi ang nabigyan niya ng chocolates. Ngayon lang kaya nito napansin ang card niya o ngayon lang ito nagkaroon ng lakas ng loob na mag-text sa kanya?Nang oras na `yon, gusto niyang tumili sa kilig. Ibig sabihin kaya ng pag-reply nito ay gusto rin siya ni Oliver?-NASA room na ako. Ikaw?- Iyon ang laman ng message ni Serenity para kay Oliver. Ilang segundo lang ay nakatanggap na siya ng reply mula dito. -Papunta pa lang ako ng University. Kumain ka na ba? Maaga pa. Want to eat together? I’ll be there in fifteen minutes. See you at the canteen.- Muli na naman nitong napabilis ang tibok ng puso ni Serenity. Isang linggo na silang nagpapalitan ng messages pero hindi pa sila nagkaka-usap ng personal. Kaya naman bigla siyang nag-panic nang yayain siya nitong mag-agahan. Kinakabahan man, syimpre hindi niya iyon aatrasan. -Okay.- Nagmamadali siyang nagtungo sa ladiesroom. Syimpre, kailangan niyang siguraduhin na maganda siya kapag nakaharap ito. Napangiti siya. Hindi pa rin nabubura ang lipstick niya. Presentable pa naman siyang tingnan. “AALIS ka na? Ang aga naman ata,” ani Marigold nang magkasalubong sila sa living room. “Mukhang good mood ka rin. Dahil ba nakatanggap ka ng papuri kay Sir Edward?” Tulad nila ni Kristoff, nag-aaral pa rin si M
NAWALA ang ngiti ni Serenity nang makita niya ang ama na nakaabang sa may gate nila. Ni hindi na niya hinintay ang sukli at bumaba na ng Taxi. “Pa, ano pong ginagawa niyo dito? Nagpapahangin po ba kayo?” Nanatiling seryoso ang mukha ng ama. “Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?” Napalunok siya. “Pasensiya na po, hindi ko napansin. Masyado akong naging busy.” “Pumasok ka na. Sabihin mo na lang sa Mama mo na umalis na `ko.” Doon lang niya napansin na may dalang bag ang Papa niya. Mukhang late na nga talaga siyang nakauwi. Paalis na kasi ito. Madalas wala sa bahay ang Papa niya. Umuuwi na nga lang ata ito para i-train sila. Tapos kinagabihan, umaalis lang din ito. “Sige po, Pa. Mag-ingat po kayo.” Nakahinga siya nang maluwang nang hindi na nag-usisa ang Papa niya. Istrikto man ang ama pagdating sa trainings nila, mabait naman ito. Pero dahil nga may sekreto siya, ang bilis tuloy ng tibok ng kanyang puso. Isa sa mga instructions nito sa kanila na hindi sila pwedeng magkaroon
HIRAP makatulog si Serenity kagabi. At dahil sa tawag ni Oliver, lalo tuloy nawala ang antok niya. Hanggang nga sa inumaga na lang siya kakaikot sa kama pero ni isang minuto ay hindi man lang niya nagawang makaidlip. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit ayaw ng Papa niya na magkaroon siya ng karelasyon habang nag-aaral. Hindi pa nga niya boyfriend si Oliver pero nagkakagano’n na siya. Hindi niya ma-explain ang nararamdaman. Basta, ito lang ang nasa isip niya magdamag. Paulit-ulit din bumabalik sa isipan niya ang napag-usapan nila kagabi tungkol sa yakap na aasahan daw nito sa araw na `yon. Wala man tulog, energetic siyang nagtungo sa University. Pero ang excitement niya ay nauwi sa disappointment nang mag-text si Oliver at sinabing hindi ito makakapasok. Naiintindihan naman niya iyon dahil sa kondisyon ng Dad nito. Gayun pa man, hindi pa rin niya maiwasang malungkot. “Bakit ganyan `yang istura mo? May sakit ka ba?” tanong ni Maricris nang makarating siya sa classroom nila. “Akala
“HINDI ka uuwi? Bakit?" “Lilipad papuntang Cebu ang boss ko at bilang miyembro ng kanyang security team, kailangan namin siyang samahan.” “Kailan naman daw kayo uuwi?” “Hindi ko pa masasabi pero huwag kang mag-alala, araw-araw naman kitang tatawagan.” “Halos ilang oras na nga lang tayo magkasama sa bahay, lalayo ka pa. Hindi ka ba talaga pwedeng humanap na lang ng ibang trabaho?” “I’m sorry, Rose pero alam mo naman kung gaano kahalaga sa akin ang trabaho ko.” “Pero hindi ko naman akalain na kahit may mga anak na tayo, mas importante pa rin pala sa `yo ang trabaho mo kaysa sa pamilya natin. Sa akin. Nakakapagod na rin mag-adjust, Simon. Sobrang nakakapagod na,” umiiyak na umalis ng hapag kainan ang kanilang ina. Tahimik lang si Serenity maging ang kapatid niyang si Dean. Nasa harap sila ng hapag kainan pero mukhang wala na siyang ganang kumain. Nalulungkot kasi siya para sa Mama niya. Sa halip na sumunod sa kwarto, nanatili lang kasama nila ang ama. “Kayo na muna ang bahala sa
“FEELING better?” tanong sa kanya ni Oliver nang maging kalmado na siya. “What happened? If you want, we can talk about it.” Kahit ba magaan ang loob niya kay Oliver, hindi pa siya handang ibahagi dito ang mga drama sa buhay ng pamilya niya. Bilin din kasi iyon sa kanya ng ama. As much as possible, gusto nitong maging pribado ang lahat ng pangyayari sa buhay nila. “Wala. Medyo nagkatampuhan lang ang parents ko pero okay lang sila. Hindi ko lang maiwasan na hindi maapektuhan. Siya nga pala,” humiwalay na siya sa pagkakayakap kay Oliver. “Hindi ba’t may sakit ang Dad mo? Ayos na ba siya?” “He’s better now,” maikli nitong sagot. Mukhang tulad niya, hindi rin ito iyong klase ng tao na makuwento tungkol sa pamilya, at ayos lang naman iyon sa kanya. Hindi iyon big deal sa kanya. Ang importante, ayos lang ang dad nito. Ngayong malapit sila sa isa’t-isa at nakatingin siya sa mukha nito, pansin niya na tulad niya, mukhang wala pa rin tulog si Oliver. Kahit ba gwapo pa rin ito, mukhang pago
“PURE Filipina ang Mama ko. Ang Papa ko naman, pure Korean. Pero dito na siya sa Pilipinas lumaki. Ikaw ba?” tanong ni Serenity kay Oliver habang nasa rooftop sila ng University. Lunch break nila at doon nila naisipan mananghalian. Mabuti na lang at nagkataon na makulimlim ang langit. Hindi sila nababad sa init. “My father is half-Filipino- half-Korean. Ang Mama ko naman pure Korean pero dito na rin siya lumaki. Mas may alam pa nga na Korean ang Dad ko kaysa kay Mama.” “Pareho pala sila ng Papa ko. Hindi na rin natuto mag-Korean.” Unti-unti, nagagawa na nilang mag-share ng tungkol sa kanilang pamilya. Pero napansin niya na kung ano lang ang sinasabi niya, iyon lang din ang mga bagay na binabanggit ni Oliver tungkol sa pamilya nito. “Kamusta na pala ang Dad mo?” “He’s okay. Magaling na siya.” Tumangu-tango siya. “Mabuti naman kung gano’n.” “Ang parents mo, nagkabati na ba?” “Hindi pa umuuwi si Papa pero tingin ko naman ay okay na sila.” Tulad ng pangako ng kanyang ama, araw-ar
“MAY nangyari bang maganda sa rooftop at maaliwalas `yang mukha mo?” ani Kristoff nang pumasok si Oliver sa afternoon class nila. Sana nga hindi na lang siya pumasok. Wala pala ang professor nila. Gustong sumabay ni Kristoff sa kanya mananghalian kanina, at hindi siya nito tinantanan hangga’t hindi niya sinasabi kung saan siya papunta. Kaya naman napilitan na lang siyang banggitin dito ang lunchdate nila ni Serenity. Mabilis siyang umiwas ng tingin sa pinsan. “Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo.” “Come on, Oliver. Kilala na kita. Hindi man malawak `yang ngiti mo, alam kong masaya ka. Kayo na ba ni Serenity?” Huminga siya nang malalim. “Fine. She’s my girlfriend,” pag-amin niya. Alam din naman kasi niyang wala siyang maililihim kay Kristoff. “Wow, congratulations. Mukhang tulad mo, inlove na inlove din si Serenity sa `yo. Imagine, sinagot ka na niya agad? Pero sana naman pumili ka ng mas magandang venue. Tapos ni wala ka man lang ata dalang flowers or chocolates.” Hindi naman kasi
“INGAT sa pag-uwi,” ani Serenity nang makarating na sila sa tapat ng bahay nila. Gaya ng mga nakaraang araw, inihatid siya ni Oliver pauwi. Pababa na siya ng sasakyan nang may maalala. “Siya nga pala. May lakad ka ba bukas?” “Wala naman. Bakit?” “Wala lang,” nginitian niya ito. “Naitanong ko lang. Sige, mauna na `ko. Bye,” hinalikan niya ito sa pisngi at mabilis nang lumabas ng sasakyan. Hindi na siya lumingon dito at mabilis nang pumasok ng gate. Nakangiti siya habang patungo sa pinto. Kailangan na niyang mag-bake ng cookies. Mukhang matutuloy ang celebration nila bukas. Sa pagbukas niya ng pinto, nawala ang ngiti niya nang ang ama ang sumalubong sa kanya. Mukhang kararating pa lang nito at napakaseryoso ng mukha. “P-Pa. N-nakauwi na po pala kayo.” “Sino `yon? Sino `yong lalaking naghatid sa `yo? Boyfriend mo ba `yon?” Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Paano nalaman ng Papa niya ang paghatid sa kanya ni Oliver? Sumilip kaya ito sa bintana? “Pa, mabuting tao po si-.” “Hi