Share

Play With Me, Caius
Play With Me, Caius
Author: Holly Dahlia

Introduction

Introduction

Nilagyan ko ng pulang lipstick ang labi ko bago muling tiningnan ang sariling repleksyon sa salamin.

I got my mom's almond-shaped and dark brown eyes while my skin tone is fair, which I got from my Western lolo. My nose is slender with a defined bridge and full lips. My face is round and small. Sumakto ito sa hanggang leeg kong buhok, which I dyed into ginger this summer.

Tumunog ang aking phone.

Emma:

I just got home. My brother is here.

Ngumiti ako at nagtipa ng sasabihin.

Me to Emma:

I'll be there in a bit. See you!

I looked at myself once again. Suot ko ang floral mini dress with ruffles. I got myself some accessories like some bracelets, stud earrings, and my everyday-necklace with a pendant of letter I which stands for the first letter my name.

Naabutan kong nagbru-brunch si mommy and daddy. Lumapit ako sa kanila.

"Good morning!" Bati ko at binigyan ng halik si mom before dad.

"Morning. Are you not going to eat before you leave?"

"Thanks dad but I'll starve myself para makakain ako kila Emma."

"Is there a celebration in their house?"

"Yes! It's her momma's birthday!"

"You should've told us. Naku! Imma, wala kang regalo!"

Tumawa ako. "I already bought something for tita. Nasa car na."

"Okay." Mommy said with a relief. "Please go home early, ha."

"Yes, mommy. I'll be home before dinner."

"Take care..."

"Dye your hair again in black, Imma. I don't like your ginger hair."

Tumawa si mommy. "Hayaan mo na. Summer naman ngayon at walang pasok."

"I'll dye it into black before schooling, dad. Don't worry!"

Hindi umimik si daddy. Si mom ba naman ang nakalaban niya.

Malaki ang bahay nila Emma. It's actually a Western inspired house. Kulay puti ito at may porch before entering their house.

Kinuha ko ang regalo at bumaba. Nakita ko agad na may mga lalaki sa garden. May mga mesang nakahanda na roon at inuupuan na ng iilang mga bisita. I also saw a mini stage at nakalagay ang pangalan ni tita with flowers and lights pa sa gilid.

Natanaw ko ang kuya ni Emma kaya lumapit agad ako. There are four boys there, including Emma's brother.

Ngumiti ako. "Hello!"

"Oh, it's you!" Ani kuya Josean. Lumabas ang kaniyang biloy nang ngumiti.

Ang pogi talaga.

"Yes po. I'm Emma's friend."

Napalingon ako sa likod niya. Naroon nakaupo ang tatlong mga lalaki at nakatingin sa amin. Ngumisi ang isang lalaki. He looks so pogi with his gray shirt and black pants. Inilahad niya ang kamay sa akin.

"Khristoff."

Tinanggap ko iyon. "My name is Immanuel. Please call me Imma."

Hindi ko mapigilang mapangiti nang malapad. His hand is soft at ang ganda ng ngiti.

Ipinakilala pa ako ni kuya sa mga kaibigan niya pero tumatak lang sa isip ko si Khristoff.

Bukod kay kuy Josean, si Khristoff ang isa sa gusto ko.

"Hey, Imma!"

Napalingon ako at nakita ko ang best friend ko. She's wearing a pink halter top dress. Kulot ang mahaba at itim niyang buhok. She also got some hoops.

Tiningnan niya ako at pinagtaasan ng kilay bago ibalin ang tingin sa kaibigan ng kuya niya.

"Please excuse us."

Tiningnan ko si Emma. I'm enjoying their company. Aalis agad kami?

"Sure!"

Hinila na ako ni Emma paalis. "Akala ko ba crush mo ang kuya ko?"

"Nagbago na taste ko. Type ko na 'yong isa niyang kaibigan.",

"Ah, wait!" Lumingon kaagad ako nang marinig ang boses ni Khristoff.

"Yes?" Malimbing kong tanong. Itinago ko pa ang kaonting hibla ng buhok ko sa likod ng tainga.

"Can I add you on F******k so we can keep in touch?"

Naghiyawan ang mga kaibigan niya.

Sumulyap ako kay Emma na mukhang naba-badtrip sa nangyayari.

I smiled at him. "Sure! What's your F******k account?"

Nilabas ko ang phone and he sent me a friend request. In-accept ko iyon.

"I'll message-"

Hindi ko na tuluyang narinig ang idurugtong niya dahil hinatak na ako ni Emma papalayo sa kanila. Pumasok kami sa loob ng bahay nila.

"Emma naman!" Bungad ko nang bitawan niya ako.

"Stop it, Imma! Stop flirting with every boys!"

Tumawa ako at pinulupot ang braso sa kanya habang naglalakad kami. "Inggit ka?"

"No fucking way!"

Mas lalo akong natawa. "I can give you some of my exes."

Huminto kami sa paglalakad bago umakyat sa hagdan nila. She looked at me with fire in her eyes.

"Saksakin mo na lang ako."

I bursted in laughter.

Emma and I are actually opposite to each other. She loves to have time alone while I enjoy accompanying different people. I enjoy jumping to another relationship while she's still single.

Pumasok kami sa isang kwarto. This isn't my first time here but I can say sa ilang buwang hindi ako pumupunta rito ay napalitan ang disenyo ng kwarto ni tita.

Lumuwag ito dahil na rin siguro nawala ang ibang furnitures. Tanging kama, vanity table, bedside lamp na lamang ang natira.

"Tita! Happy birthday!"

"Imma, anak!"

Nakipagbeso-beso nang tumayo si tita. Huminto ang nag-aayos sa kanya ng buhok at tininfnan kami.

"That ginger hair looks good on you!" Ani tita. Tiningnan niya si Emma. "Ikaw Emma, magpakulay ka rin!"

"Ayaw ko mom." Ani Emma na humiga sa kama ni tita at nakatingin sa aming dalawa.

"Bakit naman?"

"Wala namang magbabago sa akin kung pakukulayan ko ang buhok ko."

Parehas kaming natawa ni tita. "Gaganda ka kaya." Sambit ko.

"No thanks." She shrugged off.

Small celebration lamang ito. Puro immediate family nila Emma tapos ako lang na kaibigan ni Emma ang invited, pati ang mga kaibigan ng kuya niya.

Kanina pa nagsisimula ang celebration. Dahil hindi naman ako interesado sa nangyayari sa maliit na entablado ay kinakausap ko na lang ang katabi ko, si Khristoff

"Gusto mo?" Tanong niya sa akin.

Nasa iisang table kami. Si Emma ay nasa kaliwa ko at sa kanan ko naman ay itong si Khristoff. Uncrush ko muna ang kuya ni Emma dahil mas pogi talaga itong kaibigan niya.

"Oo naman!" Sagot ko.

Inabutan niya ako ng baso at walang alinlangan ko iyong ininom. Nilingon ko si Emma para ayain din siyang uminom pero busy siya sa katabi niya, kausap ni Emma ang brother niya at hindi ko maintindihan ang usapan nila.

"Ang sarap pala nito. P'wedeng isa pa?"

Humalakhak si Khristoff. Hindi ko alam ang tawag sa pinapainom niya sa akin pero alam kong bawal ako nito dahil menor de edad pa lang ako.

"Yeah, sure." Nilagyan niya ulit ang baso ko.

I lost my count how many poured he did to my glass. All I am feeling right now is feeling hot, gusto ko magtanggal ng suot.

Naaaliw si Khristoff sa akin. Hindi ko na alam ang pinag-uusapan namin. Parang kanina lang ako 'yong dumaldal. My vision is starting to get blur.

I was about to get my glass but I felt something off. Naramdaman kong may gumagapang sa legs ko.

"Ang kinis mo, Imma. Sana akin ka na lang."

He pinched my legs at muling hinaplos. Gusto ko sanang tanggalin ang kamay niya pero wala akong lakas, namimikit-mikit na ang mga mata ko.

"Bastos ka, pre!"

Wala na akong maalal nang magdilim ang paningin ko. All I could hear before I shut my eyes was scream.

Pinagalitan ako nila mommy, lalo na nila ina at ama. That was the first time I was scolded by my parents. Hindi na raw ulit ako pupunta ng mga party. Kung pupunta man ako, kailangan naroon saw si Emma.

I dyed again my hair into black dahil pasukan na naman.

"Fernando, hindi ka ba nangangamba?" Balisang tanong ni Ina.

"Nangangamba saan?"

"Kasi itong apo natin ay wala pang pinapakilalang lalaki..." Bumuntong hininga si Ina at umiling. "Natatakot ako dahil baka iba ang hanap ni Imma... baka ang gusto niya rin ay babae na tulad niya."

What the hell?

Napasimangot ako. "Ina naman, e!"

"Apo, uso kasi ngayon ang ganiyang relasyon sa panahon ngayon. Alam ko 'yan! Nabalitaan ko 'yan sa ibang kapit-bahay natin na ang anak nila ay may karelasyon na kaparehas ang kasarian!"

Napahilamos naman ako sa sarili kong mukha.

"Ina, are you judging their gender identity or perhaps the LGBTQ+ Community? Kung marinig ka siguro nila ay baka magdebate kayo. They'll get offended to you."

"Your ina is saying she doesn't like the idea of you getting in a relationship with the same-"

"Gosh, ama! It sounds you two don't like the idea of both same gender entering a relationship. I am not against, tho. At kung maraming gano'n, it's their choice. Wala naman silang tinatapakang pagkatao. They're being true to themselves. They may cross the line sometimes but it doesn't mean na dapat na silang i-judge at ipagdikdikan na makasalanan ang gender na pinili nila!"

"Imma kasi I've been thinking how closed you are to Emma. Pumapasok sa isip kong may relasyon kayo..." Nakanguso niyang sabi. "And I'm sorry if that's my view, apo. Alam mo naman kaming matatanda... hindi kami sabay sa uso and we're still old school."

I badly want to tell how much I've flirt with boys. Pero kung iyon ang nasa isip nila, hanggang doon na lang ako. Hindi ko na mababago ang laman ng isipan nila.

People always have their own perspective. We can't blame each other. Some will push their opinions, some will shut up. That's the reason why people fight. It's because we have different opinions.

May iba kasing pilit pinagsisiksikan ang opinyon nila sa opinyon mo, na masyadong taliwas sa kung paano mo nakikita ang isang bagay. Pero walang mali. Walang tama. Ang mali lamang ay ang maging sarado ang pag-iisip.

"Hi Emma!" Bati ko sa kaibigan kong nakapangalumbaba sa desk.

"Yeah?" Umupo ako sa tabi niya at tinusok ang tagiliran.

"Not now, Imma..." Aniya sa matamlay na boses. "Meron ako kaya h'wag mo akong kulitin."

"Oh!" Tumawa ako. "Sorry po!"

This is our first day of school in fourth year. Graduating student na ako ngayong Junior. Running for salutatorian ako, at valedictorian naman si Emma.

Tumayo muna ako para makipagharutan sa mga lalaki dito na nasa room at iniwan si Emma roon. Medyo marami na ang mga nandito sa loob. Malapit ng mag-bell, hudyat para sa first subject.

"Hi Immanuel!" Bati nila sa akin. I gave them a sweet smile.

Ang isang classmate kong lalaki ay in-offeran ako ng silya para maka-upo.

"Kamusta ang bakasyon, Imma?" Tanong ng lider nila sa grupo na si Allen.

"Ayos naman." Tumawa ako. "As usual, may time na nakakabagot. May time naman na alis ako nang alis sa bahay."

Nakinig ang mga lalaki habang nagsasalita ako.

Jerks. Kung siguro transferee ako ay paniguradong panay ang sipol ng mga ito. Playboys. Gusto nilang binibigyan silang pansin, e di bakit 'di patulan kung gano'n din ang hanap ko?

"I saw your picture on I*******m. You look so hot."

Tumaas ang kilay ko kay Ruel na may hawak ng phone. "Saan doon?"

Ipinakita niya sa akin ang phone niya.

Ang mga lalaki sa likod ko ay sumipol sa nakita. I'm wearing a green two piece with my hair up-tied. Nakatalikod ako sa camera kaya hindi kita ang aking mukha. Agaw pansin ang pagtama ng sikat ng araw sa aking balat. Basa ang buong balat ko kaya naman hindi mapigilan ng mga lalaki sa likod ang magkumento kung gaano ako ka-sexy.

"Ang kinis mo, Imma." Tawa ng isa kong kaklase mula sa likod ko.

"Ganda ng likod mo. Sexy back, tapos 'yong batok mo pa..."

Ngumiwi ako at binalik ang phone kay Ruel.

"Saan kayo pumunta niyan?" Ruel asked.

"Sa resort ng Tita ko. Next time aayain ko ang buong section para mapuntahan ninyo."

Nagsigawan sila sa sinabi ko. Mga mukhang excited sa pangakong binitawan ko.

My Tita owns three resorts. Ang Tito ko naman ay Café malapit sa isang resort ni Tita Erica. Ang alam ko pa ay nag-merge sila para malaki ang kita. Sinabihan pa nila ako na next summer ay mag-aya naman ako ng mga kaklase or kaibigan para roon.

Ang plano ko naman ay after graduation. Three days siguro kami roon para sulit ang samahan naming magkakaklase.

"Bros, haven't you heard the transferees? Ang dami!" Ani Allen.

"Iyong iba nga nagpa-picture sa akin. Halos mabaliw kanina sa akin iyong mga babae. Lalo na sa lower year! Ang daming magaganda." Tawa ni JB.

"And guys, I heard we have new classmates! Three girls and one boy." ani Ruel.

"Sana chix!" Sigaw ng hindi ko matandaan ang pangalan.

I heard some whistles. Huminto kami sa usapan noong narinig namin na paparating ang bagong teacher. Mabilis kaming nagsibalikan sa upuan.

Maliit at may edad ang sumalubong sa amin. Straight ang mukha at may pulang salamin. Inaayos niya sa harap ang mga gamit sa desk niya.

Sumenyas ito sa may pinto namin. Pumasok ang tatlong babae. Sunod ang isang lalaki.

Three girls are simple. Mahiyain ang isa, at ang dalawa naman ay hindi mapakali ang katitingin sa mga lalaki naming kaklase. Alam ko na pinipigilan ng mga lalaki ang sumipol sa mga babaeng nasa harap. 'Di naman kaila na magaganda at sexy sila.

But the guy at their side is quiet. Nakatitig lamang siya sa kawalan at natatakpan ang mukha niya ng makapal na salamin. Clean cut ang gupit. Maputi naman pero hindi man lang alam ang salitang ahit. Ang kapal ng kilay niya at may kakaonting bigote na siya kaagad. Matangkad naman siya.

I look at him from head-to-toe.

Big sized uniform, elephant pants cut, and bulldog school shoes.

Jologs!

Saan bang kabihasnan ito lumaki at parang hindi alam ang salitang fashion?

Bumulong ako kay Emma na hanggang ngayon ay nakapangalumbaba. "Ang nerd masyado ng guy..."

"Stop judging the boy, Imma."

"I'm just describing him." Sagot ko at pinaling muli ang atensyon sa harap.

Tumikhim ang teacher namin sa harap at nag-introduce muna siya ng sarili bago hayaan na magpakilala ang mga baguhan.

"Hi!" Bati noong isang babae na hindi mapakali. "I'm Alaiza, sixteen years of age..."

Hindi ko nasundan ang pagpapakilala ng dalawa pang babae. I'm waiting for the boy to introduce himself.

Tina-tap ko ang index finger ko sa table noong turn niya na. Yumuko siya sandali at nag-angat ng tingin. Sa likod ng salamin niya ay wala akong mabasa.

"Caius." He said.

Iyon lamang ang sinabi niya. Iyon lang. Wala ng sinabi pa about his background. Kung anong apelyido niya, kung ilang taon na ba siya, kung saan siya nag-aral noon. Wala. Wala talaga as in. Name lang.

Pina-upo na silang apat. May isang bakante sa kaliwa ko at sa likod ko naman ay apat. Ang tatlong babae ay piniling umupo banda sa likod ko.

Napalingon ako sa side ng boys. Hati ang arrangement. Lahat ng lalaki sa kaliwa, lahat ng babae sa kanan. Wala ng bakante pang silya sa part ng boys. Well, magbabago naman ang seating arrangement every subject.

Napatingin ako kay Caius na naglalakad papalapit sa direksyon namin dito sa likod. Huminto siya sa gilid ko.

Kinuha ko ang sariling bag at inilagay doon sa katabi kong bakanteng upuan.

Inangatan ko siya ng tingin. "Sorry! Naka-upo pala ang bag ko." I chuckled.

Nagsalubong ang kaniyang makapal na kilay at pinasadahan ako nang masamang tingin sa ginawa ko.

I innocently smiled. Walang emosyon niyang tinungo ang upuan sa aking likod, katabi ng tatlong babaeng transferee.

Hindi ko maiwasang ngumiti habang nagsasalita ang adviser sa harap.

Siniko ako ni Emma at pinakita ang likod ng notebook niya na may sulat.

So rude. Wala ka man lang awa.

Ngumisi ako at nagsulat pabalik sa kaniya.

May bakanteng upuan pa sa likod. Dapat akong maawa sa upuan niya dahil paniguradong mapupudpod na iyon nang kasipagan. So nerd.

Binasa niya lang iyon at napa-facepalm. Nakinig na lamang ako sa harap.

"I nominate Immanuel for muse." Tumaas ang kilay ko dahil sa pagtawag ng aking pangalan.

Emmarose is our President, and Ruel is the Vice President. Mas masaya siguro kung ako ang Vice President para kasama ko si Emma.

Ito na naman kasi ang role ko sa room. Muse na naman. E, hindi naman ako masyadong nae-expose kapag may mga activity kaya mas gusto ko ang President or Vice. Pinanlalaban lang ako kapag beauty pageant, e bihira lang 'yon.

Nakasimangot akong pumunta sa harap kasama si Alaiza, Camille, at Diana. Nagbilang ng votes at mas lalo akong napasimangot sa kinalabasan.

Ako ang nanguna.

"Our muse is Immanuel Erica Botero." Sambit ng secretary namin bago isinulat ang pangalan ko sa board.

Wala ako sa sariling bumalik sa upuan at dinibdib ang posisyon ko. "Muse ka na naman..." Bulong ni Emma at bahagyang tumatawa.

"President ka na naman." Sagot ko pabalik.

"Wala ka na namang gagawin. Panlaban ka na naman."

Humalukipkip ako. "Marami ka na namang gagawin. Magsusungit-sungitan ka na naman." Tumawa siya sa sinabi ko.

"I nominate Allen for escort."

Tumango ako. I agree! Sana si Allen ang escort ko!

Pumunta siya sa harap at tumingin sa aking direksyon. I smiled at him, gano'n din siya. Tila ba nag-uusap ang aming mata sa ganitong layo.

Tumayo sa gilid ko si Emma. "I nominate Caius for escort."

Nanlaki ang mga mata ko sa ni-nominate ni Emmarose. Tumingin siya sa akin at nginitian ako nang makahulugan.

Fuck.

Nagtawanan ang iba sa amin. Ako naman itong hindi makapaniwala.

Damn! So may possibility na maging escort ang nerd na iyon dahil ang daming nakisawsaw!

Siniko ko si Emma na ngingiti sa tabi ko. "What the fuck?"

Hindi niya ako pinansin. Nakatingin lamang siya sa harap.

Kinagat ko ang ilalim ng labi ko. What the hell? What the hell! Oh gosh! I can't believe this!

Noong nagbotohon talaga, I raised my hand for Allen. Pero nanghihinayang ako dahil kakaonti lamang kaming nagtaas ng kamay.

Halos manlumo ako sa naging resulta. He's the damn escort!

"Caius..." Tawa ni Emmarose habang naglalakad kami papunta sa rooftop para tumambay after class.

Imbes na maging presko sa pakiramdam ang simoy ng hangin, naba-badtrip ako. Hindi ako makalma.

"Shut up, Miss President!" Umirap ako at padabog na naglakad papunta sa paborito naming pwesto.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status