Share

Chapter 7: Slippers

Chapter 7: Slippers

"Caius!" Sigaw ko sa classroom.

Lahat ng mga kaklase ko ay tumingin. Maging ang katabi kong si Emma na may isinusulat para sa program.

Taas-baba ang dibdib ko sa galit.

That jerk! Hindi pumasok! The program will start in five minutes pero walang sumusulpot na Jologs.

"Imma, okay ka lang?" Lumapit si Allen at hinawakan ako sa balikat.

"Hindi. Hindi ako okay!" Huminga ako nang malalim. "Kapag nakita ko talaga 'yang nerd na 'yan, aahitin ko ang kilay niya!"

Natawa si Allen. "Gusto mo bang ako na lang anh partner mo?"

Nawala ang pagkakunot ng noo ko sa sinabi ni Allen. Narinig ko ang pang-aasar ng mga kaibigan niyang mga lalaki.

I hissed. "Hindi na. Kaya ko 'to."

I'm a running salutatorian for nothing. Lahat ng line ni Caius ay pinalitan ko on the spot. The program went well kahit ako lang mag-isa ang nagsasalita sa harap.

Marami rin ang active students noong nagpa-ice breaker ako dahil nagkaroon ng problema sa USB ng magpe-perform.

"Kunot na naman noo mo. Halatang badtrip ka talaga." Paninimula ni Emma habang naglalakad kami sa corridor matapos ng program.

Nautusan kami ng adviser na lumabas ng school at kunin ang tarpaulin.

"Sino bang hindi maba-badtrip?" Tanong ko.

"Alam mo bang kahit kaibigan kita, hindi ko gusto ang pakikitungo mo kay Caius..."

"As if gusto ko si Caius?"

"Mabait siya, Imma."

"Mabait?" Napahinto ako. "Sinabihan niya akong stupid at hindi maganda. Now? Iniwan niya ako sa ere, Emma!"

Natawa siya. Hindi ko mapigilang mapasimangot.

"Masaya ka talaga kapag badtrip ako, 'no?"

She slowly nodded. "Alam mo, you only need to dive deeply in his life. Kapag nakilala mo na si Caius, mag-iiba ang tingin mo sa kaniya..."

May mga dinugtong pa siyang sermon pero hindi ako nakinig. Bahala siyang dumaldal, sinasayang niya lang laway niya sa akin. Hindi ko rin naman aabalahin sarili kong sumunod sa gusto ni Emma.

"Naiintindihan mo ba?" Tanong niya habang tinatahak namin muli ang school para iabot ang kinuhang tarpaulin.

"Oo na." Tugon kong labas sa ilong.

"As a president of our section, gusto kong pakisamahan mo si Caius. Hindi lang siya, pati lahat. Ayaw ko lang na magkaroon ng lamat sa seksiyon natin at mas lalo kung magkaroon ng away, ayaw kong may makakarating kay Ma'am. Malalaki na tayo at hindi na kailangan na si Ma'am pa ang magreresolba ng lahat."

Napasimangot ako.

"Parang hindi ko yata 'yan kaya..."

"Imma, minsan kontrolin mo rin ang bibig mo. Bago ka magsalita isipin mo muna kung may masasaktan ka. Kaya sinasabi ko sa 'yong pakisamahan mo ang lahat."

"E, hindi ko talaga 'yan kaya, Emma! Hindi ko kayang magpakaplastik na lang! Isa pa, pinapalabas mo ba na hindi ako marunong makisama? Kaya ko ngang pakisamahan ang mga lalaki sa atin!"

Huminto siya sa paglalakad at hinarap ako. Emma shake her head. "Sige, kung hindi mo kaya, hindi na kita pipilitin. Basta ayaw ko lang makakarinig ng kung ano."

"Para mo na ring sinabi na ako lilikha ng gulo sa section natin!"

Pinisil niya ang ilong ko at tinampal ko ang kamay ni Emma.

"Yes, that's right. Alam mong alam ko ang ginawa mo kahapon..."

Kumunot ang noo ko. "Ano 'yon? Bakit parang hindi ko alam?"

Pinalo niya ako sa puwit gamit ang tarpaulin na hawak.

"Iyong sa yellow pad! Kay Caius!"

Ngumisi ako. "Wow, best friend!"

"Ewan ko sa 'yo, Imma!"

Natuwa ako sa naging reaksyon ng kaibigan ko kaya inakbayan ko siya.

"Crush mo ba? Type mo? Type mo?"

Irita niyang tinanggal ang pagkaka-akbay ko. "Hindi keyboard iyong tao para maging type ko! Friend lang!"

"Sus! Friends?"

Ang lakas ng tawa ko habang binabalik kay Emma ang pang-iinis. Habang naglalakad kami sa department ng teacher namin ay ilang beses niya pa akong pinapalo ng hawak niya.

Minutes passed by, Emma is still in the Deartment. Nakasandal lamang ako sa malamig na pader na katapat lamang ng pinto ng departamento.

Hawak ko ang phone at pinagmamasdan ang bilang ng social media accounts ko.

The more I posts video on TikTok, the more na lumolobo ang followers ko sa iba't ibang platform.

Sabog ang message notifications ko pero halos lahat ng iyon ay puro lalaki. Tinatanong kung taga-saan ako, mayroong mga hi, missed calls, naga-ask ng ibang pictures ko, at iba pa.

Mayamaya lang din ay lumabas si Emma. Tinali niya ang buhok bago ako lingunin.

Nagsimula kaming maglakad pabalik sa room. After nito, uuwi rin ako. Half day lang naman.

"Gabe! Mas malamig pa presensya ng mga nasa loob kaysa sa nilalabas ng aircon sa Department!"

Naramdaman ko naman ang braso niyang napadpad sa balikat ko.

"Tara! Kain tayo sa labas mamaya! My treat!"

"Ayaw ko. Napagod ako sa pagsasalita kanina."

"Saan ka?"

"Window shopping!" Tawa ko.

Inalis ni Emma ang pagkaka-akbay sa akin pero patuloy pa rin kaming naglalakad. "Alright! Sa room muna ako at pauwiin ko na mga kaklase natin."

Naghiwalay kami ni Emma. Pumunta muna ako sa locker room matapos ding i-text ang driver to get ready dahil aalis na akong school.

Binuksan ko ang locker at inilagay ang mga textbook na hindi ko gagamitin. Pagakatapos ay kinuha ko naman ang mga textbook na need ko this coming weekend para makapag-review.

"Siya ba 'yon?"

Isinara ko ang pinto ng locker. Bumungad sa aking harapan ang dalawang babae. Iyong mas matangkad ay nakapamaywang at ang nasa likod niyang babae ay mukhang takot na takot.

"Heto ba 'yon, Charmaine?"

"O-oo..." Sagot ng babae sa likod niya.

I tried to get out of their sight pero iyong malaking babae ay hinarangan ulit ang daraanan ko.

"Excuse me?" Pagtataray ko.

Nagulat ako ng bigla akong tinulak ng malaking babae sa balikat. I fell out of balance at napa-upo sa sahig.

"Ate Cheska!" Sigaw ni Charmaine.

"What the hell is your problem?!" Sigaw ko.

Sinubukan kong tumayo. Bahagyang masakit ang aking puwit dahil malakas ang pagkakatulak sa akin.

I put my hands on the locker para magsilbing alalay sa aking pagtaya.

"You're a damn slut!"

Hinawakan ni Cheska ang buhok ko. Damang-dama ko ang gigil niya dahil mahigpit ang pagkakahawak sa akin.

"A-aray!"

"Ate, please stop!"

"Maganda ka lang pero masyado kang malandi! Inagaw mo ang boyfriend ng kapatid ko!"

Kumunot ang noo ko. Sa dami ng in-entertain ko, hindi ko kilala kung sino ang tinutukoy niya.

Hindi ako nagpatalo. Hinablot ko rin ang kaniyang buhok. Sinamahan ko ng kuko sa atin.

Cheska screamed in pain kaya mas lalong humigpit ang pagkakasabunot niya sa akin.

"Ate! Please, stop! Choice naman 'yon ni Yuno..."

Nilingon ni Cheska ang kapatid. "Shut up! Iniwan ka ni Yuno kasi nilalandi na siya nitong babaeng 'to!"

"Wala akong nilanding Yuno!" Sigaw ko.

Ginamit ni Cheska ang dalawang kamay kaya hindi rin ako nagpatalo sa pagsabunot.

"Mayroon! Malandi ka! Malandi!"

Cheska used her strength to grab my hair and flew me over the locker. Tumunog nang malakas ang pagkabagsak ko.

"Shit..." I cursed nang mahirapang tumayo.

"Ano ang nangyayari rito?!"

Pare-parehas kaming lumingon sa pinanggalingan ni Emma. Ang hawak niyang mga libro ay nabitawan nang makita akong nakasalampak sa tiles at sandal sa locker.

Lumingon siya kay Cheska at kinuha ang ID nito.

"You're a 4th year student! Bakit n'yo pinagtutulungan ang isang estudyante?!"

Hindi ko maiwasang mapangiti. First time akong ipagtanggol ni Emma.

"M-malandi kasi 'yan!" Sigaw ni Cheska. "Akin na 'yang ID ko!"

"No! Isusumbong kita sa Guidance!"

Cheska's face looked horrified. Natataranta siya at maging ang kapatid nito.

"'Wag, please... May p-pinanghahawakan akong scholarship!"

Huminga nang malalim si Emma at tiningnan ako.

"I don't know what happened here. Before I could give you your ID, I want the three of you to make amends. If you do, hindi ko rin ipababalita itong nasaksihan ko. That could save your three asses from community service."

The three of us make amends by apologizing. Pare-parehas naming napagdesisyunang itago ang nangyari.

Naglalakad kami ni Emma papuntang parking lot ng bigla siyang tumawa.

"Was I a good actress?" Tawa niya. "I just want to save your ass from the Guidance Office dahil running for salutatorian ka!"

Natawa ako sa sinabi niya. Hindi ko naisip na maapektuhan nga ang record ko kapag lumabas ang issue.

Niyakap ko si Emma.

"Thank you, Emma! I love you!"

Pinilit niyang tanggalin ang pagkakayakap ko pero mahigpit ang aking yakap.

"Shut up. Magtino ka na kasi!"

"Why not pagsabayin ang acads and paglandi?"

Inirapan niya ako. "Study, Imma! Study!"

Tumawa lamang ako nang ihatid niya ako sa parking habang pilit kinukumbinsing mag-aral nang mabuti at huwag maglandi para hindi manganib ang honors ko.

Noong nag-Lunes, masama ang timpla ko dahil first day ko. Nakita ko na si Caius pero wala ako sa mood awayin siya dahil super sakit talaga ng puson ko.

Last subject before our vacant, hindi ko na napigilang umalis ng room noong hindi pa dumarating ang teacher ko.

I went to the vacant room to have a rest. Tinanggal ko ang aking sapatos at nag-Indian seat sa upuan. I crossed my arms and lay my head on it.

Siguro nga dapat ay nagpahinga muna ako at hindi kaagad pumasok.

Pakiramdam ko tuloy ay nagbuhat ako ng mga mabibigat na kargo kaya masakit ang likod ko pati ng puson kong parang nilalagari sa sobrang sakit.

Nagising na lamang ako dahil sa init. Patay ang aircon kaya pawis na pawis ako.

Binaba ko ang paa mula sa pagkakataas nito sa aking inuupuan but to my surprise, nawawala ang isang pares ng sapatos ko!

"What the hell?!"

Tumayo ako para chineck ang ilalim ng upuan. Sa sobrabg frustrated ko ay nilibot ko ang buong room. Halos baliktarin ko na nga ang lahat para lang makita ang pares nito.

Mangiyak-ngiyak ako habang pilit ko pa ring hinahanap ang nawawalang pares.

Paano ako uuwi nang isa lang ang suot ko? Saan ba 'yon napunta?

Nakakabaliw naman

Lalabas ako sa bakanteng room na 'to na isa lang ang pares ng sapatos? Pagtatawanan ako ng mga estudyante! Lalo na ang mga basher ko, paniguradong pi-picture-an nila ako at kakalat iyon sa iba't ibang social media.

Umupo ako sa malamig na tiles. Pinagdikit ko ang aking mga tuhod, niyakap ang sarili at saka ipinatong ang aking baba.

Tatanggapin ko na lang na wala ang isang sapatos ko. Uuwi na lang ako kapag kaonti na lang ang mga naririto para tiyak na hindi ako pagtawanan.

E, paano kung may makakita pa rin? Ano na ang gagawin ko?!

Muli akong napahagulgol sa isipang hindi ako makakauwi nang maayos dahil sa nawawala kong isang pares ng sapatos. Sino ba ang may gustong umuwi nang isang sapatos lang?

"Kawawa ka naman..."

Mabilis akong napaangat ng tingin sa taong nagbukas ng pinto. Pinalis ko kaagad ang basang luha sa aking pisngi.

"P'wede ba? Hindi kita kailangan kaya utang na loob, umalis ka rito!"

I gritted my teeth.

Lumapit siya sa akin. He bended his one knee para pantayan ako.

"I heard from some students that the brat queen of this school is crying."

"Hindi ako umiiyak!" Tinulak ko si Jologs. "Huwag kang lalapit sa akin! Ang baho ng hininga mo!"

Kumunot ng noo niya. Tinapat ni Jologs ang palad sa bibig at hiningahan iyon. "Hindi naman, ah?"

I hissed. "Bakit ka ba nandito? Malas ka talaga, e, 'no? Isa-"

Napahinto ako sa pagsasalita nang walang pasabi niyang inilapag sa harap ko ang isang malaking tsinelas. Gawa iyon sa goma na kulay puti na nagkulay dirty white, marahil ay gamit na gamit.

Kumunot ang noo ko.

Umupo na siya sa aking harap. "I heard from the two students that they hid a pair of your school shoes. You can wear my extra slippers."

Pagak akong natawa.

"Caius, sa tingin mo isusuot ko 'yang luma mong tsinelas?"

Umigting ang kaniyang panga. Galit ang ipinakita ng mata niyang nakatuon sa akin.

"When will you drop down the invisible wall between you and the people around?"

"E-excuse me?"

"You look fragile but acting strong." Nataranta ako nang hablutin niya ang paa ko at tinanggal ang aking medyas.

"What are you doing, Jologs?!" Inis kong tinampal ang kaniyang kamay ngunit hindi siya nagpatinag. Isinuot niya sa magkabilaan kong paa ang luma niyang tsinelas.

"Ayaw kong umuwi ka ng walang panyapak at pagtawanan ka ng ibang estudyante."

I don't know if I should be happy to what he had said. He looks like her cares for me kahit ang sama-sama ko sa kaniya. Mabait ba siya sa akin dahil kaibigan ko ang babaeng gusto niya?

Tinanggal ko pa rin ang lumang tsinelas at ibinalik iyon sa kaniya.

"Don't pity me. I don't need it."

"Ang taray mo talaga. Kaya walang tumutagal na lalaki sa 'yo, e." Bulong niya.

I snapped. "What did you say?!"

Hindi siya kumibo. Galit ang nanalaytay sa aking dugo. "Ang pangit mo na nga tapos pipikunin mo pa ako? Grabe! Mas lalo akong naiinis sa 'yo! Sa pagmumukha mo rin lalo!"

Tumayo ako at iniwan ko siyang nakaupo pa rin sa bakanteng silid na iyon. Wala na akong paki kung may makakita man sa akin na wala akong sapatos.

Dama ko ang malamig na semento habang naglalakad sa pasilyo. May mga estudyanteng tambay sa labas ng room at napatingin sila sa akin. May iilang tumatawa.

"Immanuel, ano ang nangyari sa 'yo? Naubusan ng pera at walang pambilis ng sapatos?" Tawa ng isang babae.

Nangilid ang luha ko sa mga naririnig mula sa kanila. I gulped and stand tall. Gusto kong sagutin iyong babae pero tinikom ko ang aking bibig dahil baka makarating na naman kay Emma na nakipag-away ulit ako.

Papanindigan ko itong ginawa ko tutal p'wede ko naman ipabili sa driver ko ang school shoes.

Titiisin ko na lamang ito.

I hold back my tears with the thought that I am being humiliated and can't even fight back. Naawa at nagagalit ako para sa sarili dahil hindi ko alam ang gagawin. I feel helpless.

Masama kong tiningnan ang lahat ng pinagtatawanan ako. Iilan sa kanila ay ang mga naging ex-fling ko at nakaaway ko noong mga babae.

Karma nga naman para sa sa akin. Ang bilis tumama.

Nagulat na lamang ako nang may bumuhat sa akin nang pa-bridal. Napatili ako sa gulat. Ang mga estudyante sa paligid ko ay tila nagulantang din dahil sa biglang buhat sa akin ni Jologs.

"Ayan ba 'yong nagkakagusto sa President ng section one?"

"What's his name? Caius, 'di ba?"

"Oo yata. Siya 'yong kasa-kasama ni Emma lately..."

"Oh, e, bakit niya binuhat 'yong kaibigan ni Emma? Salawahan?"

"Gagi! Baka namemera! Mukha naman 'yang mahirap si Caius. Hindi nga makinis ang feslak!"

Tinakpan ko ang aking mukha gamit ng buhok dahil nahihiya ko sa atensyon na nakuha ko.

Hindi ko alam kung dapat bang maramdaman kong thankful ako sa kaniya dahil tinutulungan niya ako or dapat ba akong mahiya lalo na sa mga naririnig ko sa paligid?

Sana pala ay 'di na ako umalis ng room na 'yon!

Patuloy ang paglakad ni Caius habang buhat-buhat ako. I can smell his scent in this proximity.

I wonder, mabait ba siya sa akin dahil mukha akong kaawa-awa o dahil kaibigan ako ng taong gusto niya?

Or is he really kind? Gaya ng sabi ni Emma, I need to get to know Caius. Pero ayaw ko. Hindi ako nakikipagkaibigan sa mababang uri. I'd rather look like a loner than be with a nerd.

"Baba mo na ako, Jologs. Nakakahiya ka..." Bulong ko sa kaniya.

"Ayaw mo namang tanggapin ang tsinelas na inabot ko. And I don't like Emma's friend being laughed at by anyone just because she's walking barefoot in the corridor."

Ngumuso ako. "Kaya ba hindi mo magawang magalit sa akin ay dahil kaibigan ako ng babaeng gusto mo?"

He breathed heavily. "Oo."

Parang may punyal na tumarak sa puso ko. That struck me as an enigmatic feeling.

I receive love and care from others because the people close to me have taught them to show me these feelings, which I don't readily give to just anyone.

Kung walang taong totoong malapit sa akin, the world will give me nothing. I'll probably be just one of the living things waiting for my time to wither.

Takip-takip ang mukha ko ng mga buhok habang buhat-buhat sa paglalakad ni Caius.

I hissed. "Okay."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status