Share

Chapter 14: Sabay

Chapter 14: Sabay

Pinasadahan ko ng tingin ang sarili sa mirror wall ng kwarto ko. Kitang-kita ko ang buong kong repleksyon.

I'm wearing my school uniform. Hapit na hapit ang aking pantaas at halos bumukas na ang una hanggang ikatlong butones ng aking uniporme because of my boobs.

My blue-checkered patterned skirt is three inches above my knees. Kaya lagi akong nasisita dahil sa taas ng palda ko.

Ang buhok ko ay nakahati sa gitna. Sa magkabilaang parte ay may pink clip na malalakinat iba't ibang disenyo pa.

Umalingawngaw ang boses ni Caius sa aking tainga.

"You said you're pretty but I don't see anything from you."

Fuck you, Caius!

Pagkatapos kong amining may itsura ka, ipapamuka mo ulit sa aking ang pangit-pangit ko?

Kung hindi ka lang g'wapo, baka hindi kita pagtutuunan ng pansin.

At dahil ginagalit mo ako, hindi ako magpapatalo.

I'll make sure you'll be mine. Pagkatapos kitang pagsawaan, iiwan din kita gaya ng kung paano ko iwan ang mga lalaking pinagsawaan ako.

Your head will turn to me. Mababaliw ka sa akin. Hahabulin mo rin ako na parang isang aso.

I smirk while looking at my reflection. "You will surely regret everything once I play with you."

Isinuot ko ang pastel pink kong hoodie. Tanging maikling palda na lamang ang kita sa aking uniporme.

"Good morning, Imma!" Bati ng kaklase kong nakatambay sa labas ng room, naglalaro sa mobile phone.

"Morning, Bren." Tugon ko.

Tumango ako at binuksan ang pinto ng silid.

Marami na ang tao sa room. As usual, magulo at maingay sa loob dahil hindi pa nagsisimula ang klase.

Inikot ko ang paningin at nahagip ng tingin ko si Emma na naka-upo sa gilid ni Caius, kung saan katabi niya rin sa kaliwang bahagi ang Tres Marias na transferees.

Busy ang tatlo sa pagpapaganda habang si Emma at Caius naman ay nag-uusap. Tinuturo ni Emma ang notebook na nasa armchair niya. Si Caius naman ay titingin sa kung anong tinuturo ni Emma at bahagyang susulyap sa mukha ng ex bestfriend ko.

Nanliit ang aking mga mata.

I walk towards my usual sit, katabi ng bag ni Emma. Inilapag ko lamang ang bag pero wala akong balak umupo roon.

"Teka lang, Caius. Nauuhaw ako." Si Emma.

Bago tumayo sa kinauupuan ay nagtama ang mga mata naming dalawa.

Emma immediately shifted her eyes. Tumayo siya at bahagya akong nabangga nang kunin niya ang tubigan sa katabi kong upuan.

Napailing ako.

Kinuha ko kaagad ang bag at nilipat sa tabi ni Caius. Sa kaliwa niya si Alaiza at ako naman sa kanan.

"Good morning!" Bati ko ng may ngiti sa labi.

His eyebrows formed a line. "What's good in the morning, Immanuel?"

Nagkibit balikat ako. "It's you. Makita lang kita maganda na ang umaga ko."

His eyebrow raised. Pinaningkitan niya ako ng mga mata.

"Emma sits there."

Hindi ko siya pinansin. Pinagtuunan ko ng pansin ang notebook na nasa armchair ng kinauupuan ko.

Oh, hell.

Mathematics.

"Wala na si Emma rito." Tumingin ako sa direksyon ni Emma na katatapos lang uminom ng tubig.

Nang makita niyang naka-upo ako sa tabi ni Caius ay umiling siya. She sat on her sit na lang at hindi na lumingon pa sa amin.

"See?" I chuckled.

"Ayaw kitang katabi."

"Ako naman gusto kita."

"I don't like you, Immanuel."

I shook my head. "It's too early to say that. Sabi mo nga, you're also a man. By nature, maganda ako sa paningin mo."

"You're not pretty."

Lumapit ako sa kaniyang tainga. "I can remove my hoodie from here. Let's see if I'm not pretty, then." I whispered seductively.

Lumayo ako sa kaniya and I saw how his ears turned red.

Ha! I knew it!

"Shut up."

Tumayo ako sa kinauupan. I pulled the hem up para mahubad ang hoodie, but before I could pull it up, Caius held my hand.

Pwersahan niya akong pinaupo sa upuan.

"Stop it, Immanuel."

Ngumisi ako at umayos ng umupo.

Caius is making me excited. He denies how attractive I am but his body says otherwise. Bakit namumula ang tainga niya? It only means I have an effect on him!

Mas lalong tumataas ang parte sa aking maging boyfriend ko siya kahit ipagtulakan niya pa ako.

"I thought I'm not attractive?" Natatawa kong tanong.

"Shut up and go to your respective—"

"Ayaw ko nga!" Sigaw ko. "Gusto kitang katabi, Caius!"

Caius hysterically covers my mouth. Parehas kaming napatingin sa mga kaklase na napatigil sa kanilang mga ginagawa at nanahimik.

"Aba! May bago kang boyfriend, Imma?" Tanong ng babae kong kaklase.

"Si Caius naman? Akala ko iyong sa katabi nating school."

Caius removed his hand. "She's not my girl—"

"Magiging boyfriend ko pa lang." Ngiti ko.

Lumakas ang asaran. Nakikisama na rin sila Allen sa pang-aasar.

Damn. I love what's happening now dahil nakuha namin ang atensyon ng lahat.

"Sus, Imma! Parang dati lang ayaw mo kay Caius."

Umiling ako. "Wala akong sinabi, ah."

"Ayaw mo nga sa pangit. Nerd pa nga tawag mo, e." Si Alaiza.

Inirapan ko siya. "Past is past. Akin si Caius. Walang aagaw." Bakod ko.

That was the boldest move I made.

Napailing ang iba kong mga kaklase, lalo na ang mga kababaihan. They are probably disappointed because I used to bully Caius. Well, I don't care!

Ang iba naman ay nanggatong. They are supporting us by giving us a love team nickname.

Si Alaiza na katabi Caius ay puro bulong sa gilid. Dinig na dinig ko ang mga negatibo niyang pinagsasabi tungkol sa akin.

Lumingon ako kay Emma. May earbuds na siya ngayon sa tainga habang nagbro-browse sa kaniyang phone. She looks unbothered to what's happening in the class.

"Kapag naging kayo sana magtagal, Imma! Dami mo ng pinapalit!"

Hindi ko na maintindihan ang pinagsasabi nila dahil nilingon ko si Caius. Pumangalubaba ako at pinagmasdan ang itsura niyang galit habang nakatingin din sa akin.

"Just so you know, wala akong balak maging girlfriend ka." Mahinang boses ni Caius sa akin sa kasagsagan ng ingay ng mga kaklase namin patungkol sa amin.

"I'll make sure I'll be your girl."

"Never, Immanuel. Hindi mo mapapantayan ang babaeng gusto ko."

Ngumisi ako. "I'll change your preference, Caius. Magugustuhan mo ako. Ako at hindi siya."

This is my first time chasing someone to get his attention. I usually receive messages asking me for the attention and love they want, but I either play along with them or reject them.

Now, the table has turned. Ako na iyong nanghihingi ng atensyon.

Nakatayo si Caius sa harap. Nakabukas ang projector at ipinapakita nito ang powerpoint presentation niya.

"F******k is one of the examples of social media." Aniya.

Itinuro niya ang screen sa harap. Naroon ang iba't ibang larawan ng social media tulad ng F******k, I*******m, TikTok, at iba pa.

"F******k is the most convenient social media we, Filipinos, use in our daily lives. Alongside with F******k, we use Messenger as the most convenient messaging platform. TikTok, on the other hand…"

Nakapangalumbaba ako habang pinapanood siya. I couldn't even grasp what he was saying in front of us.

Tulala lamang ako sa seryoso niyang mukha. Caius is handsome ngayong maayos na siyang manamit, maski ang mukha niya.

Hindi ko aakalain na sa likod ng makapal niyang salamin ay ang g'wapo niyang mukha.

I was deceived.

Bumaba ang tingin ko sa kaniyang braso. May laman iyon kaya iyong polo uniform niya ay hapit na hapit.

Napangiti ako.

Masarap sigurong kapitan ang braso niya.

"Any questions before we proceed to the next one?"

Nagtaas ako ng kamay.

Caius looked at me. Agad niyang iniwas ang tingin nang makitang ako ang may tanong.

"Anyone?"

"Pick me, Caius!"

Lumingon ang mga kaklase ko si Caius.

He sighed. "Okay, Ms. Botero."

Damn it. Caius can't even call me by nickname. Kailangan talagang surname?

Naiinis man ay tumayo ako. "Do you use F******k?"

"I only answer questions about my—"

"We are talking about social media, Caius. What's wrong with my question?"

Caius looked at our teacher. Hindi siya pinansin ng guro namin dahil busy mag-brwose ng phone habang naka-upo sa likuran namin.

Ngumisi ako.

"Ano, Caius? Do you use F******k, too?"

Matagal ko ng hinahanap ang F******k account niya pero wala akong makita. Nihindi nga siya kasama sa group chat ng klase namin.

"I don't use F******k."

"Okay. So, what social media do you use?"

"I don't use social media."

Umirap ako. "C'mon! You probably have at least an app on your—"

"I only use Telegram."

Tumango ako.

Kinuha ko mula sa bulsa ng aking palda ang phone and reach out my hand to him. Nasa ere ang aking kamay habang hawak ang phone.

"Put your number on my phone." I demanded.

"Why would I?"

Narinig ko ang ilang sipol ng mga lalaki kong kaklase.

"You mentioned in your introduction that the media reach out to the audience. I'm the audience, Caius. I want to hear more from you."

Nagtawanan ang mga kaklase ko. Si Caius naman sa harap ay namumula dahil sa sinabi ko.

"Come one, Caius. I'm waiting…"

Namumula man, lumapit si Caius sa akin at kinuha ang phone. He put his number on my phone.

I got Caius' number!

Noong uwian ay nagmadali ako sa locker. Nihindi ko na mailagay ang mga gamit dahil busy akong halughugin ang Telegram account ni Caius.

Napasimangot ako ng makitang walang larawan ang Telegram niya.

But I still sent him a message na sineen niya lang din agad.

Damn you, Caius!

I went out after putting my belongings in my locker. Tatambay pa sana ako sa men's locker room para hintayin si Caius but I saw him from afar.

Nakasukbit ang itim niyang bag sa isang balikat. Ang asul na bag naman ay nasa kabila.

Nakatingin siya kay Emma habang si Emma ay taas noong naglalakad patungong gate.

Sabay silang uuwi?

Ulit?

Nanliit ang aking mga mata. Hindi ko nagustuhan ang nakita.

I felt like my heart was beating so fast. Hindi ko nagugustuhan ang nararamdaman.

May kung anong nakabara sa aking lalamunan.

"Caius…" I whispered in the wind, hoping he would hear it, as they slowly left the school.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status