Share

Chapter 13: Insecure

Chapter 13: Insecure

"Pangit ba, Imma?"

Pakiramdam ko napahiya ako. Buong akala ko pangit si Caius. Ilang beses ko siyang minalit pero bakit ganiyan?

Bakit ganiyan ang itsura niya ngayon sa entablado?

He's handsome as hell.

And damn it. Hindi ko mapigilang isipin na bakasiya iyong naghatid kay Emma.

"S-si Caius ba t-talaga 'yan?"

"Bulag ka ba?"

Binalik ko ang tingin kay Caius sa harap. They lined up there katabi ang mga partner nila.

"Siya talaga iyan?"

"Oo nga!"

Ipinokus ko ang tingin kay Caius.

Marami ang nagsisitilian noong talent na nila. Ang kanina'y mataas na sigawan sa bet kong contenstant ay napalitan ng katahimikan.

Lumakas lamang noong si Caius at Alaiza na.

He looks proud of himself while showing his talent in dancing. Ang akala ko'y lampa at tatanga-tanga ay may angas pala sa pagsayaw.

Mali ako ng hinusgahan.

Para akong sinampal ng kahihiyan.

Ang akala ko kasi pangit talaga siya. Hindi niya afford ang katulad ng ginagawa kong pag-aayos sa mga mamamahaling salon.

Damn it.

If only I knew.

Natapos ang contest. Alaiza and Caius brought home the bacon.

Tumayo agad si Emma noong tinuro niya ang backstage na pinuntahan nila Caius at Alaiza nang matapos ang programa.

Tumayo rin ako. Marami na ang nagsisitayuan dito sa hall habang nakikipagdaldalan sa mga kaklase.

"Imma, puntahan ko muna—"

Agad kong kinuha ang kaniyang palapulsuan.

"Imma, sandali!"

Hindi ko siya pinakinggan. Kahit na maraming tao ay nakipaggitgitan ako habang hawak-hawak si Emma.

"Excuse me! Excuse me!" Sigaw ko, nakikipagsiksikan sa mga ka-batch ko.

"Ano ba 'yan!"

"Lahat naman makakalabas!"

Wala akong pakialam sa mga nababangga. So, what kung lahat makalalabas? Ang gusto ko ay mauna kami ni Emma.

Binatawan ko lamang ang palapulsuan ng kaibiagn ko nang marating namin ang room. Walang tao sa loob, puro mga gamit lamang ang narito at malamig na buga ng aircon.

Hinarap ko si Emma at humalukipkip. She just touches her wrist na mahigpit kong hinwakan kanina. Nasaktan ko yata siya.

"What's with your attitude towards me today?" Iritang tanong ni Emma.

"Si Caius talaga 'yon?"

She sighs. "Immanuel paulit-ulit ka. Nakita mo naman 'di ba? Nagsalita sa harap at pinakilala. Si Caius nga iyon!"

Kinagat ko ang aking pang-ilalim na labi.

"I can't believe it!"

"You can't believe it, what?"

Napahawak ako sa aking buhok. Ginulo ko ang aking buhok at umupo sa teacher's table. Sa harap ko ay si Emma na pinapanood akong kumawala sa hawla.

"Na ang pangit at jologs na si Caius ay gano'n ang itsura!" I crossed my arms. "Well, he's maputi. If he's dark, siguro kahit anong ayos niya pangit siya. But given his looks now..."

Hindi ko naituloy ang sasabihin dahil hindi ko na alam kung paano siyia i-describe sa utak ko.

"I told you—"

"And I'm not mistaken, Emma! Siya iyong lalaking naghatid sa'yo noong nakaraan!"

Nanlaki ang mga mata ng aking kaibigan. Her lips parted. Hindi ko maiwasang mapangisi.

"Ha!" Sigaw ko. "I knew it! Siya nga iyon!"

"P-paano mo nalamang h-hinatid niya ako?" Umiwas agad siya ng tingin sa akin.

Bumaba ako mula sa pagkaka-upo sa lamesa at nilapitan ang kaibigan. With my arms crossed, nilapit ko ang aking mukha sa kaniya.

"Kayo ba ni Caius?" Halos pabulong kong tanong.

Napansin ko ang pamumula ng kaniyang mga pisngi.

"Hindi kami. Nasabi at naipakita ko naman na sa'yo ang boyfriend ko..."

I shrugged off my shoulder. "Then why didn't you tell me that Caius is pogi?" Napabuntong hininga ako. "Emma naman! Kung sinabi mong pogi, e di sana naging mabait ako kay Caius. Maiintidihan ko naman kung magpapanggap siyang pangit. Tulungan ko pa siyang papangitin itsura niya para walang kaagaw sa iba."

Kumunot ang kaniyang noo.

"Tingnan mo tuloy, nakita ng lahat ng pogi siya..." Halos pabulong kong saad. "E di sana ako 'yong ka-partner niya. At kahit hindi ako nagbo-boyfriend ng kaklase jo-jowain ko pa."

"Bakit kailangan kong sabihin sa iyo 'yon?" Seryoso ang boses ni Emma.

Natahimik ako. Hindi dahil sa tanong ni Emma kung hindi sa tono ng kaniyang boses. It's like she's protecting Caius from me.

"Kasi kaibigan mo ako?" Hindi ko siguradong sagot.

"No, Immanuel. That's not how it works."

Matapang niya akong tiningnan.

Bahagya akong napalayo. I put a distance between us dahil hindi na maganda ang tingin niya sa akin. Emma doesn't always ;look at me the way she looks at me now.

Parati niya akong natatarayan at napagsasabihan sa mga desisyon at ugali sa lahat ng mga baya pero iba ang ngayon.

She looks like a mad beast.

"People like you are judgmental. Ayon ang dahilan kung bakit hindi ko sinabi sa iyo. Caius now knows kung sino ang mga taong totoo maging sino man siya."

Napaawang ang aking mga labi. I watch her slowly point her finger at me.

"Kaya ikaw, Immanuel. Kahit magustuhan mo si Caius, hindi ka no'n bibigyan ng pagkakataon. Pinakita mo na ayaw mo sa kaniya sa gano'ng itsura niya, and I bet the table has turned now. Kahit maglumpasay ka sa sahig, hindi ka niya titingnan pabalik."

I didn't know words could stab me to death. Parang punyal na tinarak sa puso ko ang mga salitang binitawan ng kaibigan ko.

Alam ko namang Emma doesn't like me for who I am, but I know she cares for me like how I care for her. Kahit na magkaiba kami, alam kong mahal namin ang isa't isa bilang kaibigan.

Magalit man siya sa akin, alam kong pinagagalitan niya lamang ako dahil mahal niya ako. Pero lahat ng binitawan niyang mga salita ang nagpalabo sa kung ano ang mayroon sa aming dalawa.

Sumandal siya sa whiteboard at tumingala sa kisame. Walang bakas na emosyon sa kaniyang mukha.

"Imma, he doesn't like attention noong lowkey siya sa estado ng buhay niya. You were the one who ignite his life to be the centered of attention dahil sa pambu-bully mo sa kaniya."

Napalunok ako.

"No, Emma. Alam kong maba—"

"Shut it!" Napaatras ako sa kaniyang sigaw. "Caius knows people only like him because of his appearance! He doesn't like you!"

"I don't—"

"That's why he will never like you, Imma! Kahit magpakita ka pa ng interes! You're just a slut in his eyes!"

Kumunot ang aking noo. Hindi ko nagustuhan ang sinabi ni Emma.

Itinaas ko ang aking isang kamay at lusang lumapat ang palad ko sa kaniyang malambot na pisngi.

Nagitla ako sa aking ginawa. Pinasadahan ko ang aking palad na sumampal sa kaniya.

I raised my hand to my bestfriend. Hindi ko ito sinasasadya. Nadala lamang ako ng emosyon. Hindi ko intensyong saktan siya.

Emma looked horrified as she cupped her cheek.

"Emma..." I called her name.

Napansin ko ang pagtutubig ng kaniyang mga mata.

"I didn't mean to—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang tumakbo palayo sa akin si Emma.

She shut the door and left me alone.

Naiwan akong mag-isa sa room namin. I check again my palm that I used to slap Emma. Hindi ko talaga sinasadyang gawin iyon.

I slapped my best friend, the only friend I have in life.

Kinagat ko ang pang-ilalim na labi.

Ilang araw na kaming hindi nagpapansinan ni Emma. Sa sobrang awkward namin, nakilipat na lang ako ng upuan kila Allen.

Gustuhin kong mang kausapin siya ay hindi ko magawa dahil may bago na siyang mga kaibigan. Lagi niya ng kasama ang mga transferee sa likod na sila Alaiza, Camille, at Diana. Lalo na si Caius.

Si Caius. Damn it.

Pogi nga siya. After he reveal his true physique, hindi ko maiwasang mapatulala sa kaniya tuwing nagre-recite.

Wala ng iyong pimple patches niya at makapal na kilay, maging ang mga bigote at balbas. Ang uniporme niya ay unat na unat at bumabagay sa medyo maskulado at may katangkaran niyang katawan.

He looks neat now.

May parte sa aking gusto ko si Caius. Gusto ko siyang maging parte ng buhay ko. The only thing that stopped me from flirting with him was Emma's word.

If I try to flirt him, baka paulit-ulit ko ring patayin ang sarili ko sa masasakit niyang rejection.

I feel insecure whenever it's Caius speaking the truth. Pero kahit masakit siya magsalita, gusto ko siyang maging akin.

Tumunog na ang bell. Hudyat na tapos na ang klase. Nauna akong pumunta sa men's locker room.

Alam kong ito ang unang pinupuntahan ni Caius bago siya umuwi. I've been observing them for months now. Alam ko na ang routine ni Caius at Emma.

Hinintay ko si Caius na pumasok sa loob. Nang makita ko siya, agad ko siyang hinatak sa loob at sinara ang locker room.

"What the hell?!" Sigaw ni Caius.

Kaagad kong binalingan ng tingin si Caius nang masiguro kong sarado ang pinto. Caius looked pissed off when he saw me.

"What do you want, brat?"

Sa gilid namin at likod niya ay mga locker na kulay gray. Malamig din ang loob nito at tahimik lamang. Kaya dinig na dinig ko ang mabibigat niyang hininga.

Taas noo ko siyang tiningnan. "You think you're handsome, huh?"

"Thanks for the compliment." Aniya at dumiretso sa kaniyang locker. Binuksan niya iyon, wala sa akin ang tingin.

"I didn't compliment you!"

Ngumisi si Caius kahit na busy ipasok ang mga libro mula sa itim niyang bag.

"You enjoy too much attention, Caius. Masyado kang..." I gulped, kinakabhan sa mga sasabihin. "... mapagpanggap. You made yourself ugly and wanted the transformation para makuha ang atensyon ng mga tao sa paligid mo!"

"I never think of that."

"Sinungaling! And mang-aagaw!"

Napahinto siya sa pagpasok ng mga gamit. Saglit niya akong tiningnan at nagpatuloy ulit sa ginagawa. "Did I steal something from you?"

"You stole my best friend!"

He chuckled. Huli niyang ipinasok ang bag niya bago ako harapin. Caius only closes the door of his locker at sumandal doon. He crossed arms are resting well on the cold locker.

"Talaga?"

Tumango ako. "You see, ako dapat... ang kasama niya!"

"But where is she now?"

Nanliit ang aking mga mata. "Nakikisama sa mga feeling magaganda."

"Really?" His brows raised.

"Mas maganda naman ako roon. Mas maganda ako sa—" Napatigil ako nang pagsasalita when he took a step towards me.

Lumapit sa akin si Caius.

Napaurong ako.

He took another step and I took another step backwards. Napasandal ako sa malamig na likod ng pinto.

Itinungkod ng kaniyang kaliwang kamay ang gilid ko while his other hand is in the pocket of his pants. The baby muscles on his arms sculpted even more when he leaned a bit closer.

Damang-dama ko ang mainit at mabangong hininga ni Caius

"You lost your friend the moment you raised your hand..."

Nilapit niya pa ang kaniyang mukha. I could almost see nothing with this proximity. Masyadong malapit ang mukha ni Caius sa akin.

Napapikit ako habang dinadama ang mainit at mabango niyang hininga. His breath started to be heavy.

"You said you're pretty but I don't see anything from you."

Napabukas ako ng mga mata nang tuluyan na siyang lumayo. My lips parted with his words, hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon sa akin.

Sinarado niya ang locker bago ako pinaalis sa daanan para makalabas. Ako na natulala ay hindi maiwasang panoorin si Caius. I watch him walk away from me.

Damn it, Caius.

Nakaka-insecure ang pinagsasabi mo pero hindi ako papayag na hanggang tingin na lang ako sa'yo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status