Share

Chapter 15: Wallet

Chapter 15: Wallet

Masama ang timpla ng umaga ko. Hindi ako pinatulog kaiisip kung bakit sabay sila at kung bakit galit na galit ako!

Hindi ko matanggap.

Iyon siguro iyon kaya masama ang loob ko nang makita silang dalawa.

Dahil hindi ako magpapatapak ng pride, buo ang desisyon kong hindi magpaapi. I have to show Caius na kahit anong tulak niya sa akin palayo ay hindi ako lalayo sa kaniya.

"I don't want you to sit beside me, Immanuel."

Iyon ang parating sinasabi ni Caius tuwing tatabi ako sa kaniya or ang dapat niyang katabi ay si Emma.

"I want to sit beside you." Saad ko. "But if you don't want me to sit beside you, okay lang din naman sa akin if I sit on you."

Napansin kong namula ang kaniyang tainga.

"Seal your mouth, brat." Aniya at hinarap ang direksyon ni Alaiza. Likod na lamang niya ang nakikita ko.

I couldn't help myself but laugh whenever I tease Caius. Parating namumula ang kaniyang pisngi sa mga pilya kong banat.

Natutuwa ako sa tuwing nakikita kong may epekto ako sa kaniya kahit papaano.

Kahit pa sabihin niyang he doesn't like me or he will never like me, the evidence of his reddish ears give me more reason to steal him from Emma.

"This activity should be done…"

Naka-ubob ako sa mesa.

There are three long white tables in our Science room. Sa harap namin ay whiteboard at sa likod ay mg gamit namin for the experiment.

Nasa pinto ako banda, malapit sa whiteboard. Hindi ko katabi si Caius dahil naunahan ako ni Emma at Alaiza. Napaggigitnaan siya ng dalawang babae. Hindi ko alam kung paano ako sisingit knowing na wala ng upuan para pumagitna pa.

And even if I tried to, pagagalitan ako ng teacher dahil bilang ang upuan per table.

I heave a sigh.

"Imma, partner tayo?"

Napa-angat ako ng ulo kay Jerome. "Huh?"

Itinuro niya ang sa harap namin. Nakita ko lamang ang teacher ko na idini-discuss ang isang activity.

"May activity tayo ngayon. By partner daw, e. Tayo na lang?"

"Ayaw ko nga."

Hilaw siyang ngumiti at tumango. "O-okay… S-sorry…"

Umirap ako kay Jerome. Pumangalumbaba ako sa teacher naming nagsasalita sa harap.

"Okay, so, if there will be volunteers for this activity, exempted sila sa magiging activity for today."

Ano raw?

Hindi ko naintindihan ang gagawin dahil kanina pa mula nang pumasok kami ay hindi ako nakikinig. Nagmumukmok ako dahil hindi ko katabi si Caius.

Nagtaas agad ako ng kamay. "Yes, Immanuel?"

"I volunteer, ma'am." Kahit hindi ko talaga alam ang gagawin.

Gusto ko lang kasi magpakitang gilas kay Caius para mapansin niya ako. Kung hahayaan ko lang ang sarili kong naka-upo rito, baka mamatay ako katitingin sa kaniya mula sa malayo habang may kasamang iba.

Ibinaba ko ang kamay nang makitang tumango ang guro. "Okay, we have Immanuel. Last one from the class?"

I raised my hand again.

"Immanuel, isa ka na nga sa magpe-perform ng activity. Iba naman."

Umiling ako. "No, ma'am. I'd like to volunteer with someone."

"Oh!" Humalkhak ang guro. "So, it's a volun-told. Okay, sino ang gusto mo?"

I smiled sweetly. Tumayo ako sa kinauupuan at tinuro ang kabilang mesa kung nasaan ang taong gusto kong kasama.

"Gusto ko si Caius." I proudly declared in class.

Nagsimulang mag-ingay ang mga kaklase ko. Lalo na ang mga lalake.

"Panis! Gusto ka pala, p're!"

"Kung ako 'yan hindi ko na patatagalin, p're! Tagal ka ba namang sinusuyo niyan!"

"Naku! Pogi lang si Caius kaya ganiyan!"

Ipinagsawalang bahala ko ang narinig mula sa kanila. Pakialam ko? Ang importante akin ang atensyon ni Caius.

I couldn't help but smile when I saw Caius' ears turn red. Masama ang tingin niya sa akin pero siguro kinikilig siya? Lagi kasing namumula ang tainga niya sa mga banat ko.

Nagtama ang mata namin ni Emma. When our eyes met, kaagad niyang ibinaba ang tingin at nagsulat sa notebook.

"Caius, ikaw raw ang partner ni Imma." Si ma'am. "Dito na kayo sa harap."

Pumunta ako sa pwesto ni Caius at hinawakan siya sa palapulsuan. Agad ko siyang hinatak papunta sa harap.

"You're digging your own grave, brat." Mariin niyang sambit sa kasagsagan ng ingay ng mga kaklase namin.

Tumawa lamang ako. "I'm happy that I'm digging my own grave, Caius."

"Damn it. Ayaw ko." Bulong niya.

Humarap kami sa mga kaklase. Mula rito tanaw na tanaw namin ang buong klase. All of their eyes are with us, ako at ang katabi kong si Caius.

"Ayaw ko nito, Immanuel. I wanna go back to my seat." He whispered habang may sinasabi ang guro sa gilid namin.

"No, we have to do this. Ayaw mo ba ng grades?"

"Gusto."

"Then, let's do this together!"

I actually don't know what to do. Kahit pa na-explain na ni ma'am ang gagawin. Si Caius naman ang partner ko kaya bahala na.

"Immanuel, hindi ganiyan…" Aniya nang galawin ko ang cursor.

The laptop is connected to the projector. Kitang-kita ng lahat kung ano ang ginagawa ko sa screen. Si Caius naman sa tabi ko ay tapos ng mag-calculate.

"What? Tama ah!"

Nagtawanan ang mga kaklase ko. My cheeks burned hot as I realize na nakikita nila kung gaano ako katanga.

"You should move it up ahead."

"Whatever." Umirap ako at sinunod ang kaniyang sinabi.

I tried to manipulate the cursor and adjusted the ball on the screen. Dahan-dahan ko lang inaayos kung paano ang magiging p'westo nito.

I felt Caius hand touch mine nang kunin niya sa akin ang mouse.

"Ang tagal." Bulong niya.

Ngumisi ako. "Pasimple ka rin, ah. Gusto mong hawakan kamay ko." I whispered back. "Sabihin mo lang na gusto mo ang kamay ko, ibibigay ko naman."

Hindi ako pinansin ni Caius. His eyes were all fixed to the screen.

"Shut up, brat."

Ang pogi talaga ng side view profile ni Caius. Walang panama sa lahat ng mga nagustuhan kong lalaki. Kaya kung magiging akin si Caius, ipapangalandakan kong boyfriend ko siya.

At kung maghiwalay kami, ipangangalandakan ko pa ring naging kami.

"Very good, Caius and Immanuel!" Puri ng guro namin matapos gawin ni Caius ang dapat na part ko sa activity naming dalawa.

I just smiled. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni ma'am dahil ang buong nasa isip ko ay kamay ni Caius na tumama sa akin.

Iba ang epekto sa akin ni Caius. Parang ang lakas ng tama ko sa kaniya. Hindi naman ako ganito sa mga lalaking nagkagusto sa akin.

Our last subject is already done. Imbes na maghintay ako sa locker area, hinintay ko sa labas si Caius.

At kahit kasama niya si Emma ay kaagad ko siyang hinatak palayo.

"Tara na, Caius!" Sambit ko habang kinakaladkad siya sa pasilyo, palayo sa mga tao.

Pinatigas ni Caius ang sarili kaya nahirapan akong hatakin siya. I stopped dragging him at binitawan ang pagkakahawak sa kaniyang palapulsuan.

Nasa pasilyo pa rin kami malapit sa hagdan at malayo sa ibang estudyante.

"What?" Kunot noo niyang tanong.

"Sabay na tayong umuwi. I already call my driver to—"

"Bakit ako sasabay sa'yo?"

Natigilan ako. Oo nga, bakit ba siya sasabay sa akin? E, I saw him with Emma! Sabay silang umuwi. Gusto ko sabay rin kami ngayon.

"Gusto ko magkasabay tayo, e."

Umiling si Caius sa akin. "Hindi kita gustong kasabay umuwi."

Bahaw akong napangiti. Medyo masakit sa pandinig ko ang mga sinabi niya sa akin.

"Kahit ayaw mo akong kasabay, dapat gustuhin mo Caius. You have to consider me!"

He chuckled. "What? Naririnig mo ba ang sarili mo?"

"Caius naman…" I said frustratedly. "Sasabay lang naman sa akin, ayaw mo pa!"

"No, thanks. I can handle myself."

Napalunok ako and I lowered my head. Pinanood ko ang black shoes naming himdi gumagalaw sa semento.

Ang hirap pilitin ni Caius.

"Sabay ba kayo ulit?" Mahinang bulong ko.

Inangat ko ang tingin sa kaniyang mukha. Nakita ko ang bahid ng inis dito.

Bakit siya galit? Nagtatanong lang naman ako.

"If I say yes, then what?"

Ngumisi ako at kinuha sa bulsa ng palda ang wallet niya. I got it awhile ago noong naiwan niya sa mesa niya.

Damn it, Caius. Kung mahirap kang kunin, I have to play dirty just to have you.

"I have your wallet. Paano ka uuwi?"

Naging isang linya ang kaniyang eyebrows. "Immanuel!"

Natawa ako. "Ano? Sasabay ka na ba?"

Huminga siya nang malalim. He even rubs his nose. Ang mga tainga niya ay namumula na naman.

"Immanuel, that's too much." May diin sa kaniyang boses. "That wallet is my belongings. Do you know what you're doing?"

Tumango ako. "Yeah. I got it when you left your seat. Kinuha ko para hindi mawala o manakaw."

"No…" Napasabunot siya sa kaniyang buhok. "Damn this brat. Ang hirap kausap…" He whispered.

Hindi ko maiwasang matawa. Caius looks hot with his messy hair now. Nakakatuwa ring makita na frustrated siya sa akin.

Kahit anong emosyon mo tatanggapin ko. At least, you have feelings for me. Kahit galit pa 'yan.

Tinuro niya ang hawak kong wallet. "Give me that… that's mine, Immanuel."

I shook my head. "No, Caius. I-promise mo muna sa aking sabay tayong uuwi ngayon."

Napapikit siya, tila pagod na pagod na sa akin.

"Fuck. Just. For. Today!"

Napangiti ako.

Sumakay si Caius sa kotse. Halos masakop niya ang upuan ko sa laki niya. I don't mind, though. At least kasama at katabi ko siya.

Sabay pa kaming uuwi!

Humagikgik ako nang tanggalin ko ang pagkakadantay ng ulo ko sa kaniyang balikat.

Tumingin ako sa labas at nakita ko ang mga naggagandahang bahay. Mostly Western-house ang mga ito.

Huminto ang sinasakyan namin.

"Dito na tayo?" I asked, iniikot ang tingin.

"Yes, ma'am." Ani driver.

"Where's your house, Caius?" Tanong ko. Binaba ko ang window just to roam my eyes around the area.

Naramdaman kong kinalabit ni Caius ang aking likod. I look at him.

"Where's my wallet now?"

Umayos ako ng upo at hinarap siya.

"What wallet?" I asked. "You have to kiss me first bago ka bumaba."

Tumingin siya sa driver. Noong pinaling niya ang tingin sa driver, I saw my favorite view— his side profile. At mas lalo akong natuwa nang makitang namumula na naman ang kaniyang tainga.

"Kiss?" Tanong niya nang ibaling muli ang tingin sa akin.

"Yes, kiss me Caius! Kiss me bago ka bumaba rito sa kotse." Tiningnan ko ang driver. "Manong, don't you ever tell this to my parents."

"I can't hear and see anything, ma'am."

Ngumisi ako at tiningnan si Caius.

"You can kiss me now. P'wedeng sa cheeks… pero p'wede ring sa lips. Hindi naman ako tatanggi kung ikaw." I giggled.

"Why would I fucking kiss you?"

"You probably kiss Emma kapag sabay kayong uuwi."

"If we don't kiss, then we don't. If we kiss, then, that's not your business."

Pwersahang kinuha ni Caius ang wallet.

"Caius!" Sigaw ko.

But my driver opened the car. Nakaalis tuloy si Caius sa kotse nang hindi ako hinahalikan!

Isinalampak ko ang likod sa backrest. Nakangiti kong pinapanood si Caius habang tinatahak niya ang bahay nilang Western-house after opening the small black gate.

"Ang sungit.” Bulong ko sa sarili. “I feel more thrilled. I don't like to chase but it excites me. Lalo na kung si Caius ang hahabulin ko."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status