Share

Chapter 17: Last Dance

Chapter 17: Last Dance

Kinapa ko ang noo. I can feel a big bump on my forehead. Mahipdi iyon nang bahagya kong madiinan. Sa ibang parte naman ay maliliit pa but they don't hurt that much.

"Ang malas!" I exclaimed. "Kung kailan pa may prom, saka ako tinigyawat!"

I feel so ugly.

I actually want to attend prom pero sa tagal kong panunuyo kay Caius, niwala akong nakuhang ‘oo’ sa kaniya. Sa ganda at sexy kong ito, he turned me down! Bulag na nga yata talaga siya. Ang daming naghahabol sa akin dahil ang ganda-ganda ko.

Huminga ako nang malalim habang nakapangalumbaba sa pasimanong hanggang dibdib ko ang taas dito sa rooftop. Tanaw ko mula rito ang laki ng school namin.

Damn these pimples. Hindi na natanggal!

I feel so damn ugly.

Mula rito sa itaas, marami akong nakitang nagbibigayan ng bulaklak. It's Valentine's day kaya talagang maraming mag-aabutan ng tsokolate at bulaklak. Hindi ako masaya sa nakikita. I feel so bitter.

If only Caius reciprocates my feelings, siguro hindi ako nagmumukmok dito. After several of rejections from him, hindi naman ako napanghinaan ng loob. The only thing that hurts me ay tuwing nakikita ko siyang bumabalik at bumabalik kay Emmarose.

It hurts me a lot.

Isang sampal sa akin iyon, na kahit anong gawin ko, she will always have a special space in his heart.

"Wala akong laban sa kaibigan ko." I admitted.

I don't understand why he stays with her. Paniguradong aware naman si Caius na may boyfriend si Emmarose

Umihip ang malakas na simoy ng hangin.

Marami sana akong matatanggap na tsokolate at bulaklak but I turned them down. Gusto ko kasing kay Caius manggaling ang mga iyon.

"If only I feel pretty and confident…" Bulong ko sa hangin. "... I'd probably have the energy to piss Caius off."

Narinig kong bumukas ang pinto kaya napalingon ako. Iniluwal nito ang isang lalaki. He’s wearing a black polo shirt and denim jeans partnered with a white shoes, but his hair is not properly trimmed. Mahaba ito at nakatali. He even has this cut on his eyebrow at piercing sa tainga.

Sinandal ko ang likod sa sementadong pasimano. Hanggang dibdib ko kasi ang taas nito. Ang lalaki naman ay lumapit sa aking direksyon at pumangalumbaba sa pasimano. There’s a gap between us. Hindi ko maiwasang mapatingin sa lalaki.

"Who are you?" I asked.

Tumingala ako sa langit and I felt the heat coming from Mister Sun. Bahagyang umihip ang hangin at tinangay nito ang aking buhok. I gently combed my hair as I looked at the boy beside me. 

"I used to be a student here. I came here because this is my usual spot."

"You probably came here to clear your mind."

Yumuko ako at pinagasdan ang anino naming dalawa.

I used to stay here with Emma during our breaktime. But ever since then, nasa SSG room na siya.

I couldn't blame her. Masakit masampal, physically and emotionally.

I just hope she could hear me. Pero may dapat ba siyang pakinggan sa akin? After all, mahirap ng baguhin ang kung anong nasa isip ng tao once they already have their pressumption.

"Yes, that's true."

"We can't just get what we want in life, 'no?" I asked.

The man chuckled. "I think we have the same problem. I also think the same."

The wind blows again. Inilagay ko ang tumakas na hibla sa likod ng aking tainga. Tumingin sa akin ang lalaki habang nakapangalumbaba sa pasimano.

"Bakit? What's your problem, Mister?" Tanong ko.

"Supposedly, scholar ako rito para ipagpatuloy ang pag-aaral ko. But I learned earlier that Maple University doesn't provide scholarship anymore. Naabutan ako ng cut off."

 "That's…" Natigil ako. I don't know what to say. "... sad to hear."

He giggled at my reaction. "Ikaw ba? What bugs you?"

I heave a sigh. "You see, maganda naman ako." Halos malit kong boses. "Maraming nagkakagusto. Pero itong taong 'to, ayaw niya sa akin."

"That's terrible. May girlfriend?"

"May ibang gusto."

The man laughed at me. Napapunas pa siya ng luha sa mata katatawa.

"What's funny?" Kunot noo kong tanong.

May nakakatawa ba sa sinabi ko? Parang wala namang nakakatawa. O baka tinatawanan niya lang ako dahil hindi akoang gusto ng taong gusto ko?"

I rolled my eyes at him at humarap ulit sa pasimano. Pumangalumbaba ako at muli ko na namang nakita ang mga nagkakalat na estudyante sa grounds.

"Shut up! Don't laught at me!"

"Agawin mo. Hindi pa naman sila." Tawa niya pa rin.

"Ayaw nga, e."

"Hindi pa naman sila."

I pouted. "Sa tingin mo maaagaw ko siya? Kahit iba ang gusto niya? And after several rejetions from him?"

Ngumisi ang lalaki. "If your favorite toy was taken, what would you do?"

"Aagawin?" Hindi ko siguradong sagot.

"How do you steal it back?"

Natawa ako. "Pwersahan."

Caius never gave me a chance. Kahit maging partner man lang sa prom, ayaw niya talaga. He kept telling me na hindi siya sasama.

I hissed. I didn't know sinungaling iyon.

Hindi ako p'wedeng magmukhang walang prom date. If other students think na hindi ako sumamang prom dahil wala akong partner, kailangan kong ipakitang I'll come here whether I am with someone or not.

Pinakapalan ko ang foundation para hindi halata ang pimples ko sa noo. Bahala na kung mag-break out. Ang importante mukha akong maganda ngayong gabi.

I'm wearing a gold fitted gown and white evening gloves. Ang humaba kong buhok ay nakatali into a low bun hairstyle. I also partnered it with a white stiletto heels.

"Imma, ang ganda mo!"

"The dress looks good on you!"

"Alala ko ba hindi 'yan a-attend?"

"E baka alam mo na, gusto ng atensyon. Kunyari hindi dadalo pero magpapabongga!"

Ipinagsawalang bahala ko ang mga naririnig ko sa paligid.

Bahala kayong magtanim ng sama ng loob sa akin. Ang importante lang sa akin ngayon ay angat ang ganda ko sa inyong lahat at makasayaw si Caius.

If he doesn't want me to be his prom date, at least my last dance na lang.

Nagsimula ang prom. Nanonood kaming lahat ng cottillion ngayon.

It's actually boring.

Naupo ako sa lamesa ko. Kasama ko si Allen na nakalagay ang braso sa likod ng aking upuan.

A man in red suddenly approached me. He crouched a bit at inilahad ang kamay sa akin.

"Sayaw tayo, Imma."

I heard Allen chuckled.

Mabilis kong umiling. "Sorry, mamaya pa ako. At saka…" Nilingon ko si Allen sa gilid ko. "Partner ko kasi siya."

Marami pa ang nag-alok sa akin but I decided Allen to be my first dance. Siya na rin kasi ang mas malapit sa akin. Why would I have to be maarte pa?

Another song was played.

"When you smile I can feel all my passion unfolding. Your hand brushes mine and a thousand sensations…"

Hinahanap ng mata ko si Caius.

Nasaan na kaya iyon? Narinig ko kasi noong nakaraan kay Alaiza sasama siya pati si Emma.

"Kanina pa tayo sumasayaw, Imma. Maraming babaeng gusto akong kasayaw ngayong gabi."

Mahigpit kong hinawakan si Allen sa balikat habang natatawa. "They can wait. Kapag nakita ko si Caius aalis na rin kaagad ako."

"Tagal na niyan, ah." He chuckled. "Mahirap bang suyuin?"

Maraming estudyante ang nasa gilid namin ni Allen na sumasayaw rin. Hindi naman ako mapakaling maghanap kay Caius sa dagat ng tao habang sumasayaw kami ng partner ko.

"Mahirap." I jokingly said. "Daig pa akong babae. Masyadong pakipot."

"Siguro kung hindi mo siya binully noon baka matagal ng naging kayo."

Matagal ko na iyong naisip. Tingin ko hindi ako mahihirapang kunin si Caius kung mabait ako sa kaniya.

Ang dami niya naman kasing alam. Bakit niya pa kailangang itago ang pogi niyang mukha? Dapat 'yong ganiyang fline-flex. Binabakuran.

Kung boyfriend ko si Caius araw-araw kong ipo-post pictures namin sa social media accounts ko.

"Ang dami niya kasing alam. Panggap-panggap pang nerd at jologs. Pogi pala!"

"Ngayon ikaw ang naghahabol? Nanghihingi ng atensyon?"

I rolled my eyes. "Shut up, Allen."

"Come one, Imma. P'wede namang ako. Parehas naman tayong hindi magseseryoso kung maging tayo, e."

I felt his hands on my waist na dahan-dahang hinihimas ang balakang ko while my hands are on his shoulder. Bahagya akong nagitla sa ginagawa niya.

"Nah." Iling ko. "Walang thrill."

Iyon ang totoo. Boring kung boyfriend ko si Allen. Gusto ko ng thrill, iyong katulad ni Caius. Hard to get. Pakipot.

Nahagip ng mata ko si Caius kasama si Emma. They were dancing while looking at each other! Nanliit ang aking mata nang mapansing tumataba ang best friend. Her cheeks are chubby at nagkalaman ang mga braso.

Binitawan ko kaagad si Allen. "I saw my prince charming!" I said. Itinaas ko ang isa kong kamay at nagpaalam. "Bye!"

I winked at him.

Diretso ang naging takbo ko sa dagat ng nagsasayawan.

My feet are swollen dahil ang tagal naming sumasayaw ni Allen hanggat hindi namamataan ng mata ko si Caius.

At ngayong nakita ko na siya, he will be my last dance.

Tinulak ko si Emma palayo kay Caius. "Aray!"

Nawala ang pagkakahawak ng kamay niya sa balikat ni Caius kaya kaagad kong ipinalit ang akin.

Caius looked puzzled when he saw me in front of him. He blinked his eyes at bahagyang napatigil sa pagsayaw.

"What the hell, Immanuel?" May diin sa kaniyang boses.

Nilingon niya si Emma sa aking likod at balak niya pang puntahan ngunit buong lakas ko siyang pinatayo sa harap ko.

"Caius, let's dance…"

Mahigpit ang kapit ko sa kaniyang balikat. Hindi niya hinahawakan ang baywang ko kaya ako na ang naglagay no'n. And even I put his hands on my waist, his hands were unscrewed. Kaagad nawawala ang pagkaka-p'westo no'n sa aking katawan.

"Immanuel, ano na naman?"

"Sasayaw lang tayo." Sambit ko. "And besides, you look handsome tonight. Ayaw mo no'n? Baka may mapanalunan pa tayong award if they spot us together."

Caius is wearing a blue coat. Napansin ko ring nagpa-ahit siya ng dapli sa kilay. Mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko.

Nagtiim ang kaniyang bagang. "I don't fucking care about it."

"Well, then, if you don't care, ayaw ko na rin. Let's just enjoy tonight by dancing!"

Nilagay ko ulit ang kamay niya sa akin. I initiated to sway kasabay ng musika pero parang tuod si Caius.

"Pagbigyan mo na ako, please?"

Napapikit siya ng mga mata. Habang nakatingala ako, napansin kong gumalaw ang adam's apple niya.

"You pushed your best friend, Imma."

"I didn't! Kinuha lang kita."

"I don't wanna dance with you."

Aalis sana si Caius pero mariin kong hinawakan ang kaniyang palapulsuan.

"Sasayaw tayo ngayong gabi!"

Umiling siya. "I said no, brat."

"Don't call me brat!" I exclaimed. "Caius, pagbigyan mo na ako sa sayaw. Maraming may gustong kasayaw ako pero ikaw ang gusto ko—"

"Anong pakialam ko kung ako ang gusto mong kasayaw? I like to dance with Emma. Emma hindi Imma!"

Napalunok ako. Bahagya kong nabitawan ang kaniyang palapulsuan.

"I'm Imma, Caius. P'wede mo naman ako isayaw as Imma. Bakit kailangang Emma pa?"

"It's because I like your ex best friend and not you."

"E di gustuhin mo ako!"

"I don't like you, Immanuel. I like Emmarose better than you."

"Alam ko namang gusto mo siya. Pero ako kasi 'yong nandito, Caius. Mahirap ba akong tingnan bilang Imma at kailangan si Emma pa ang hahanapin mo?"

"You don't understa—"

"I understand it, Caius! Alam kong gusto mo si Emma. Pero ako 'to, e. I'm Immanuel! Nasa harap mo na ako pero iba pa rin ang hinahanap mo!"

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha. Pumikit ang nang mariin para hindi tuluyang mahulog ang mga ito. When I think I can control my tears, muli kong binuksan ang aking mga mata at tiningnan si Caius.

"P'wede mo naman akong gustuhin. Madali akong mahalin, Caius. Lahat naman ibibigay ko sa'yo. Oras? Kahit isang segundo hindi masasayang kung ako—"

"Shut it, Imma."

My forehead creased. "What? Pakinggan mo kasi ako! Ang problema sa'yo—"

"I really don't have feelings for you. Even if you kneel tonight, I won't reciprocate your feelings."

Kinagat ko ang pang-ilalim na labi ng tumalikod si Caius at naglakad palayo sa akin.

Napansin ko ang maraming mata na nanonood sa amin habang sumasayaw ang lahat. Hindi ko alam kung narinig ba nila ang usapan namin.

"Did she beg?"

"E, deserve niya 'yan!"

"Oo, deserve! Nakita ko tinulak niya iyong kasayaw ni Caius para siya ang isayaw pero ayaw sa kaniya." Tawa ng isang babae.

Inirapan ko ang mga nagbubulungan sa gilid ko.

I took my pride along with me as I left the dance floor.

Bakit hindi mo pa ako pinagbigyan? Mas lalong lumiliyab ang kagustuhan kong habulin ka. Lalo na ngayong hindi mo tinupad ang gusto kong maging last dance ka, Caius.

Hindi ako titigil kahit ilang beses akong masaktan sa mga sinasabi mo. I want you to reciprocate what I feel. Damn it.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status