Share

Chapter 3: Emma

Chapter 3: Emma

Kinabukasan, um-absent ako. Bukod sa masama ang loob ko sa pagtawag sa akin ni Caius ng stupid, I learned that may tita was here in Manila.

"Tita!" Tawag ko nang pagbuksan niya ako ng pinto.

"Imma!" My tita hugs me.

Kumalas ako sa pagkakayakap.

Walang pinagbago si Tita. Maganda pa rin siya. Ang sabi ng karamihan ay magkamukha kami. The only difference is one of her facial features makes her a strict and evil-tempered woman— iyong kilay niya. Samantalang I have soft features.

She’s wearing a white jeans and a tucked-in loose lavender button-shirt and a white pair of sandals. Nakasukbit ang itim niyang shades sa dibdib ng damit. Ang hanggang leeg niyang buhok ay nakalugay at ang kakaonti nitong hibla ay naka-ipit sa likod ng kaniyang tainga.

"Halika, pumasok ka muna."

Pumasok kami sa loob. The condo is just a studio. Maliit pero maaliwalas. The theme of the studio is white and gold. Heto ang condo na binili niya para sa akin for my birthday last year pero umalma si mommy dahil hindi ko naman magagamit.

Pagpasok pa lamang ay bubungad na ang maliit na hallway. On its right is the bathroom, sa tapat ay ang kusina. Kapag diniretso ay naroon ang living area.

"Saan si tito?" Tanong ko at naupo sa puting sofa.

There's a chandelier on the ceiling. On every corner, there is a gold vase with artificial flowers in it. In front of me is a big mounted flat screen.

"He visits his mother. Mamayang gabi pa ang uwi."

Binigyan ako ni tita ng orange juice bago umupo sa aking tabi. Mayroong puting centered tabe kung saan nakalagay ang transparent the vase at nalantang halaman.

Ininom ko ang orange juice at inilagay sa centered table.

"I heard what happened, ah. Your mother was mad when she called me late at night."

Hindi ko maiwasang mapasimangot. Sabi na, nakarating kay tita.

My mother and father were mad at me. Pag-uwi ko kasi kagabi, nalaman kong tinawagan ang mga magulang ko. Apparently, may nagreklamo raw na masyadong maikli at fitted ang school uniform ko. Idagdag pa na one of my teachers complain before na hindi raw ako nakikinig kaya noong nag-present na, wala akong mai-report.

Talaga nga namang isang reklamo lang sana ang matatanggap ko para sa school uniform, pero nadagdagan about my performance! Kung malaman pa nila ang pambu-bully ko, baka kamuhian na ako nila mommy.

"Stop it, tita. I don't want to hear about it."

Tumawa si tita Erica. "Your mother cried. Iniisip niya na baka sayang ang pagpapa-aral sa'yo. Baka hindi ka pa raw maging salutatorian."

"I'm studying, tita. Matalino ako. I don't have the motivation to learn these past few days, though. Aminado naman ako."

"Then, focus on your study. Hindi lahat ng katulad mo nakakapag-aral sa magandang paaralan."

"Hindi ko naman kasalanang pinanganak akong mayaman?"

My aunt facepalm. "God! Sa akin mo namana ang ugaling 'yan!" Tawa niya.

Napangiti ako. "You're the only one who tolerates me…"

"Of course, wala akong anak. I treat you as my own."

Even though she's already married, my aunt has no child. Kaya ganito na lamang ako ini-spoil ng tita ko sa lahat ng bagay. Which my mother hates. She wants me to value what I have. Kasama na roon na kailangan kong paghirapan ang isang bagay if I want something. Magkabaligtad silang magkapatid. Tita Erica wants me to do whatever I want because I only live once.

"Saka nga pala, it's Friday. Wala kang pasok ngayon?"

"Half day lang kami. And I decided not to report to school!"

Naramdaman ko na namang kumukulo ang dugo ko nang maalala ang pangalan ni Caius. Isa siya sa rason kung bakit ako absent.

Damn that nerd. Isang araw luluhod din siya sa akin at magmamakaawa. I believe he still has the nature of men. Mababaliw rin siya sa akin katulad ng pagkabaliw ng mga lalaking gandang-ganda sa akin.

"Why are you fuming mad?"

"Nakakainis kasi iyong nerd kong kaklase. He called me stupid!"

"You should've called him stupid, too!"

"Pero nerd siya…"

Humalakhak si tita. "Nerds are stupid when it comes to the real-world. They are just book smart."

Napatango ako. "I see…"

"Huwag kang magpailalim sa mga gano'n. Fight back!"

"Hindi talaga ako magpapatalo. I know I'm better than him!"

Napangisi ako sa isipang naungasan ko sa quizzes si Caius at nakaluhod sa akin, nagmamakaawa. Darating din ang araw na ‘yon kahit itanggi niya pa ng ilang beses. He will realize that he’s the stupid and ugly one here.

"Iyong mga tao school, they don't like you wearing what you want to wear, right?" Pagbabago ni tita ng usapan.

Tumango ako. Ilang beses na akong nasisita dahil sa school uniform ko, lalo na ng guard. Dumating sa punto na hindi na niya ako sinisita dahil napagod na ang guard sa paulit-ulit na paalalang hanggang tuhod dapat ang palda ko.

"Come with me!" Pinatayo ako ni tita.

"Where are we going?"

She puts her shades on. "We're going to buy you more revealing clothes."

Hindi ko maiwasang mapangisi.

Nasa mall kami at maraming tao. Ito pinakakilalang mall sa Pilipinas. Kahit saang sulok ng bansa ay mayroon nito.

"Have you tried Xaria?" Tanong ni Tita paglabas namin sa isang perfume shop.

"I haven't tried it yet, tita. I heard it's expensive, e." Sagot ko. "My mother will surely kill me kapag malaki na naman ang nabawas sa card ko."

Patuloy kaming naglalakad. Nahagip agad ng mata ko ang main branch ng Xaria here at Magnus Square Malls. When I was young, naririnig ko na ang Xaria noon pa man. This is actually the first boutique in the MSM.

She chuckled. "Use mine, Imma. Let's spend my money!"

Hinatak ako ni tita Erica sa loob. The interior of this clothing store is minimalist. Maraming racks at mga damit na nakasabit. Ang iba naman ay suot ng displayed mannequin sa harap ng store.

Pumunta ako sa rack ng mga dress. Ang una kong kinuha iyong itim. It's a backless string dress na maikli. Hindi ko alam kung kailan ko ito isusuot pero bahala na. Gusto ko itong damit.

"Tita, I like this…" Sambit ko.

Tiningnan ko si tita Erica at busy siya sa tabi ko maghanap ng gusto niya. Hindi ako pinansin at alam kong senyales iyon na 'wag kaming makielam sa isa't isa.

I smirked at iniwan siya sa pwesto.

Napadpad ako sa ibang parte ng boutique.

Hinawakan ko ang damit na nakasuot sa mannequin. It's a basic tee, and probably a unisex. Naka-short ng army green ang mannequin at cap pa.

I don't usually wear this kind of clothes kasi gusto ko hapit sa katawan ko. But this one looks good. Feel ko bagay sa akin.

While I was examining the texture of the textile, a strong manly scent entered my senses.

Napapikit ako sa bango ng amoy. Amoy pa lang parang ang pogi na ng gumagamit.

"Babe, does your baby brother has already a girlfriend?"

Naramdaman kong may pumwesto sa gawing kanan ko. I fixed my eyes upon those people.

A beautiful woman was examining the texture of other variants of the basic tees. The man beside her was busy looking at her. Nakasuot ito ng black polo and tuck in with his white pants.

"I heard he's trying to pursue his first crush."

Napangiwi ako.

Sayang. Gwapo sana ang lalaki kaya lang taken na.

"Wow! Graduate na siya sa pagiging torpe?" Halakhak ng babae. "Balak ko sanang bilhan siya tapos couple tops sila ng girlfriend niya, e. Kaya lang wala pa pala."

"You can buy him something kahit wala pa siyang firlfriend if you want."

Umiling ang babae. "Maybe next time, Kai."

"Imma!"

Nakuha ng tita ko ang atensyon ko. Lumapit siya habang hawak ang limang hanger. "Look what I got!" She exclaimed with her lips' corner rising.

Pinasukat sa akin ni tita lahat. She also buy something for herself. Marami kaming damit na twinning.

Nang mapagod, napagdesisyunan naming manood ng sine.

"Oh!" Tita exclaimed. "For awhile, I'll buy us some food."

"Alright. I want some cheese popcorn, tita."

Nakapila ako habang hawak ang mga paper bags namin. Marami kaming nabili at paniguradong pagagalitan ako ni mommy.

"Okay!" Aniya at iniwan ako.

Matagal pa naman before dinner time. Saktong pagtapos kasi ng movie na napili namin ay magdi-dinner na kami.

Lumabas na ang mga naunang manonood sa amin. May mga estudyante from our school akong nakita. Buti hindi mahigpit ang mall na ito sa mga estudyanteng tulad namin.

I was about to check my phone to kill some time but a familiar school uniform and figures caught my attention. Sa dagat ng taong lumalabas sa sinehan, nahagip ng mata ko si Caius at Emma. They are wearing our school uniform.

Tumatawa si Emma at ang nerd na si Caius naman ay tinitingnan nang mariin ang kaibigan ko. The upper corner of his lips rose nang tumigil sila sa paglalakad and Emma faced him.

My forehead automatically creased. Bakit sila magkasama? Bakit masaya si Emma kasama ang nerd na 'yon?

Naglakad ulit sila at mas lalo akong nagulat nang mapansing dalawang bag ang nakasukbit sa balikat ni Caius.

Buhat-buhat niya rin iyong bag ng best friend ko!

I followed them.

Papalabas sila ng mall ay naka-receive ako ng tawag kay tita.

"Where are you? Ang sabi ko wait for me!"

Hindi ko inalis ang tingin ko sa dalawa. Pumara si Caius ng taxi. Huminto iyon sa tapat nila. Pinagbuksan ni Caius ng pinto si Emma bago ito pumasok sa loob.

Saan niya dadalhin ang besy friend ko?!

Agad din akong pumara ng taxi.

"Hello? Imma?"

Binuksan ko ang kaagad ang pinto ng humintong taxi sa harap.

"Let's watch next time, tita. Something came up. I'll reach out to you later."

"Bu—"

Binaba ko kaagad ang tawag. "Manong, manong, please follow that taxi car!"

Hindi ko alam kung saan dadalhin ni Caius ang kaibigan ko. I'm biting my nails because I feel anxious. I also tried to call Emma's phone pero walang sumasagot.

I don't trust him. Baka kung anong gawin niya kay Emma.

Ilang oras na kami sa byahe dahil traffic pero hindi nawawala sa paningin ko ang taxi nila Emma. Talagang nakabuntot ang sinakyan kong taxi sa kanila.

Padilim na ang paligid at hindi na maganda ang pakiramdam ko sa nangyayari.

"Bakit ma'am? Nag-cheat ba sa inyo ang boyfriend mo?"

Nagulat ako sa biglang tanong ni manong. Medyo chismoso rin pala siya.

I awkwardly laugh. "O-opo…"

"Naku!" Manong hissed. "Ganiyan talaga ang binata. Noong binata rin ako marami akong babae."

"Babaero ka pala, e."

"Oo, pero isa lang mahal ko."

"E bakit ka nag-cheat manong?"

"Wala lang. Maganda kasi, e." He laughed. "Pero kung siguro kasing ganda mo iyong una kong girlfriend, siguro hindi ako nag-cheat."

Umirap ako. Cheater ka pa rin. Kawawa naman ang misis nito.

Tumahimik na lamang ako buong byahe kahit kanina pa dumadaldal si manong tungkol sa pagchea-cheat niya noong kabataan niya.

Madilim na ang paligid at nahinto kami sa village nila Emma. Dumiretso ang taxi sa loob.

"Kuya, stop the car!" Sigaw ko nang balak niya pang pumasok sa subdivision. It will be recorded kasi if kuya enters the subdivision.

"Dito ka na lang ma'am?"

Pinagmasdan ko ang taxi na sinakyan nila. Unti-unti ay lumiit sila sa paningin ko hanggang sa nawala na sila sa aking paningin.

"Hindi, sa Uptown compound ako."

"Hindi ka na bababa para alamin kung sino 'yong babae? Hindi mo na sasabunutan, ma'am?"

Natawa ako. Paano ko sasaktan ang best friend ko? I love her to death.

"Hindi na."

Sapat nang malaman kong hinatid ni Caius sa bahay ang best friend ko. One thing I can't just fathom is their closeness.

I greeted my teeth. Mukhang mawawalan pa ako ng best friend because of that ugly nerd!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status