Share

Chapter 5: Maganda

Chapter 5: Maganda

The sun hid in the gloomy clouds. Umihip ang malakas na hangin at tinangay ang nakalugay kong buhok.

I wore a pastel purple hoodie underneath my school uniform. Ang palda ko ay medyo pinahaba ko na rin dahil hindi ako tinigilan ni mommy.

“Emma!” Sigaw konang makapasok sa school.

Lumingon siya sa akin. Kaming dalawa pa lamang ang narito sa loob. Maaga akong pumasok para personal siyang tanungin.

I can actually ask this on chat but I was too busy with Mavie. Isa pa, I won't be able to see her reaction!

“Imma, ikaw pala.” Aniya.

Umupo ako sa kanyang tabi at napansing binabasa ang notes niya.

“Bakit ka pala absent ng ilang linggo? Hinahanap ka ng mga teacher natin. Kahit ako walang maisagot kasi wala ka namang sinabi.”

“Nagkaroon ng emergency sa bahay. I had to go with my ama dahil na-ospital si ina.”

Tumango si Emma. "Kumusta si ina ngayon?"

"She's fine now…"

Inilagay ni emma ang notebook sa armchair ko. Sinarado ko iyon at pumangalumbaba. Mariin ko siyang tiningnan at pinagtaasan ng kilay.

“What?” Kunot-noo niyang tanong.

“Close na kayo ng nerd na ‘yon?”

Napabuntong hininga si Emma at sumandal sa upuan niya. “Oh, Imma. Huwag mong bigyan ng malisya. Caius is my childhood friend.”

Namilog ang mga mata ko. “What?!”

“We were close before, ngayon na lang ulit. We just tried to hide it to everyone dahil ayaw ni Caius ng atensyon.”

“Parati ba kayong magksama noong absent ako?”

“Oo. Bakit? May probema ba roon?”

“Mayroon! Emma, he’s a nerd. Huwag kang sumamasa pangit na nerd na ‘yon. I don’t trust him.”

“I trust him, Imma.”

“Pero Emma, hindi mapagkakatiwalaan iyon. Sa itsura pa lang niya, hindi na siya katiwa-tiwala. Paano kung may masama siyang balak sa’yo? Ang ganda-ganda mo tapos…”

Her eyebrows raised. “Immanuel.” Damang-dama ko ang galit ni Emma nang banggitin niya nang buo ang aking unang pangalan.

Napasimangot ako.

“Sinasabi ko lang kasi concern ako sa’yo, Emma. Alam mo namang ikaw lang ang kaibigan ko at gusto kitang protektahan.”

“I appreciate your concern but you don’t have to judge Caius.”

“I didn’t judge him! I’m just stating the facts!"

“That wasn’t a fact, Immanuel. It’s very subjective. Kilala ko si Caius at ikaw hindi. Mabuting tao siya if you get to know him.”

Pinagsalikop ko ang dalawang braso at sumimangot. “Ayaw ko. Saksakin mo na lang ako.”

She giggles. "Mag-aral ka. May quiz mamaya."

Nakabusangot lamang ako.

Bakit ayaw makinig ni Emma? Concern lang naman ako. Ayaw ko ng dahil kay Caius maraming lumayo na mga nagtatangkang manligaw sa kaniya.

Maganda si Emma kung mag-aayos pa siya. Ni wala nga siyang nilalagay na kung ano sa mukha. Parating nakatali ang buhok. Ang fashion niya ay hindi tulad sa akin na showy ang skin.

Wala ako sa mood makinig sa klase kaya umalis na lang ako at pumunta sa library dala ang smart phone ko.

Pagpasok ko sa library ay sinalubong agad ako ng malamig na hangin mula sa aircon. Malawak ang loob at maraming shelf na puno ng mga libro. May iilang mahahabang mesa rin at monoblocks. Sa bandang kaliwa ay computer para sa mga nagre-research.

Wala halos tao sa loob kaya malaya akong pumunta sa dulo ng library kung saan hindi ako kita ng librarian. Mayroong dalawang pang-anime na taong mesa ang narito sa dulo. Napaliligiran ako ng mga shelf.

Umupo ako at nag-phone saglit. I even posted a selfie on my social media account bago matulog sa ilalim ng mesa. The white tiles are cold but I found it comforting.

Nagising ako na namamanhid ang paa. My forehead creased when I felt warm on my legs. Isang itim na jacket ang nakatabon sa mga hita ko.

I noticed that there were two pair of legs sitting on this table. Nakita ko pa lang ang bull dog shoes, kilala ko na agad kung sino ang nakaupo rito.

"Caius…" I murmured his name.

Umalis ako sa pagkakahiga sa ilalim at umupo sa tapat na upuan ni Caius. Itinabon ko ang hoodie niya sa aking mga binti nang makaupo sa monoblock.

Caius is busy reading a philosophy book.

“Damn. Such a nerd.” Bulong ko.

Pumangalumbaba ako at pinagmasdan ang mukha ni Caius. Half of his face were covered by the book. Kitang-kita ko ang bahagi ng mata niya na natatakpan ng makapal niyang salamin. Since he has clean cut hair, kitang-kita ko ang pimple patches na inilagay niya sa noo. Lagpas-lagpas din ang mga buhok sa makapal at itim na itim niyang kilay.

Binitawan ni Caius ang libro at tinanggal ang salamin para kusutin ang mga mata. Our eyes met as soon as he stopped rubbing his eyes.

Caius has brown eyes and long lashes. Mapupungay rin ang kanyang mga matang kumikislap. Bumaba ang tingin ko sa matangos niyang ilong, iilang buhok sa baba at pagitan ng ilong at labi.

Napailing ako.

I can’t believe na childhood friend sila ni Emma. Ang buong akala ko ako ang pinakamalapit niyang kaibigan. As someone who values my worth, I don’t want Emma to be one of the ugly ones.

My best friend doesn’t even know how to present herself, ito pa kayang malapit sa kanyang nerd? Ano na lang ang iisipin ng mga tao na ako, si Immanuel, maganda magdala ng damit at pala-ayos at kaibigan si Emma na ayaw maglagay ng kahit anong kolorete sa mukha at simple lang, ay magiging boyfriend itong si Caius? Si Caius na nerd at taong tabon.

I stood up and get a book. Tumabi ako sa kaniya at binuksan ang librong kinuha ko. Caius also picked up his book and started reading pagkatapos ibalik ng salamin.

Nilagay ko ang hintuturo sa linya ng libro. “Ang pangit para lang sa pangit. Hindi p’wedeng ang maganda para sa pangit.” Basa ko kunyari.

I faked my gasp, tinakpan ko gamit ang isang kamay ang bibig habang hawak-hawak pa rin ng isa kong kamay ang libro. “Gano’n pala ang sabi rito. Bawal maging assumero.”

I heard Caius chuckled.

“Ang ganda-ganda ng bestfriend ko. Paano na lang kung mapunta siya sa isang pangit na nerd?”

Umiling ako and faked my sigh.

“If I have a bestfriend, I’ll prolly won’t meddle on her life. Whatever decisions she has, I will give her a hundred support.”

Nilingon ko si Caius na nasa libro pa rin ang atensyon.

“So, you like my best friend, huh? Childhood friends my ass.”

He shrugged off his shoulder. "Emma is pretty."

"Mas maganda ako, Caius!"

Mula sa librong binabasa, nilipat niya ang tingin sa aking mukha. He stared at me like he’s examining my beautiful face.

"No, you’re not."

My jaw dropped.

Caius is the first one to say in front of my face that I am not pretty. Damn this ugly nerd. He’s really getting on my nerves!

"Caius, maganda ako. Maraming nagkakagusto sa akin."

"Count me out."

"Caius!" Impit kong tawag sa kanyang pangalan.

"Beauty is subjective, Imma. In my own perspective, Emma is prettier than—"

"I'm the prettiest student here in our school!"

"Hindi ka maganda para sa akin."

"Maganda ako. Lahat ng lalaki, mula rito sa school natin at sa mga malalapit na school, maraming lalaki ang nagkakagusto sa akin. I have almost 500,000 followers on F******k, 256,000 on I*******m, and 1 million followers on TikTok. Maraming scout talent ang kumukuha sa akin but I decline because my beauty doesn't deserve to be paid— it deserves to be flaunted!"

"Yeah, like what I said, beauty is subjective. If that's how you define beauty, then you are entitled to your own opinion—"

"Caius, my beauty is not an opinion! It's a fact! Fact, Caius!"

Kinuha ko ang itim niyang jacket at ibinato sa kanyang mukha. "Lalaki ka ba? Hindi ka ba talaga nagagandahan sa akin?"

Kinuha niya ang jacket at tinupi.

I tried to calm myself. Huminga ako nang malalim at hinawakan muli ang libro.

Calm down, Imma. Calm down.

"I like simple girls."

"Simple ako."

"I like someone responsible and mature."

Wrinkled forehead, I look at him with madness in my eyes. "That's not beauty…"

Caius smirked. "I like Emma, Immanuel."

My jaw left hanging. Hindi ko maiwasang mainis. Caius is the first boy to tell me this. Hindi ko alam kung bakit masakit para sa aking sinabi niya.

Dahil ba siya ang unang lalaking nagsabi na hindi ako maganda? Damn it. Ang sakit matapakan ng pride.

I put a lot of effort to look presentable in front of everyone. Hearing their praises how pretty I am makes me happy. Pero ngayon, parang pinipiga ang puso ko.

Tumayo si Caius. Sinarado niya ang binabasang philosophy book. Nagulat ako nang kinuha niya ang librong hawak ko at binaliktad bago ilagay ulit sa dalawa kong kamay.

"By the way, don't pretend to study in the library. You are holding the book upside down, if you're not aware."

Binalik ni Caius ang monoblock at tumalikod palayo sa akin.

I watched the tall nerd walk away with his large white uniform, elephant pants cut, and bull dog shoes. Hawak ng kanan niyang kamay ang libro at nakasukbit sa kaliwang braso ang itim na jacket.

Hindi pa ako nakaka-get over for calling me stupid. Ngayon, he said I'm not pretty.

May araw ka rin sa akin!

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status