Share

Chapter 4: Hospital Romance

Chapter 4: Hospital Romance

"Where did you go, Immanuel?!" Parang kulog ang boses ni mommy nang makauwi ako sa bahay.

Dumiretso ako sa sofa namin pagkatapos kong ihagis ang mga pinamili namin ni tita sa sahig. Hinilot ko ang aking sentido while my body is resting on its comfortable back rest.

Hindi ko alam kung bakit masakit ang ulo ko. Masakit ba dahil kanina ko pa iniisip kung bakit magkasama si Emma at Caius sa cinema o dahil ba nalipasan ako ng gutom?

Nakapamaywang sa harap ko si mommy at masama ang timpla ng mukha.

"Ano na naman 'yang pinagbibili mo? Did you use your money? Immanuel, kasasabi ko lang sa'yo—"

Narinig ko ang marahang halakhak ni tita Erica. Dahan-dahan siyang umupo sa sofa while holding a wine of glass.

"Relax, I was with Imma, Aera." She said after taking a small sip.

Kumunot ang noo ni mommy. "You spoiled again your niece!"

"She deserves it. Bakit mo pipigilan ang anak mo sa ganiyang bagay? Aera, we only live once. Hayaan mo na. Mababalik natin ang pera pero ang buhay hindi."

"That's not the point, ate!" Sigaw ni mommy. "She's still in high school but look how she dresses! Baka sa pagpapaganda niya tumagilid ang grades niya!"

Dumating si daddy, ama, at ina na galing kusina. They went over us. Tumabi sa akin si ina at niyakap ako. Sa kabila naman ay si ama. Daddy went over to mommy to console her.

"Give her an ultimatum, then. Kapag bagsak ang grades niya ngayon grading, control her, Aera. Hindi iyong idaraan mo sa galit."

Tumabi si daddy kay mommy. He slowly touched her waist. "Erica, we did what we could do. It's just… naspo-spoiled ang anak namin."

"Hinayaan ko na nga na magpakulay siya ng buhok, tapos ganiyan ang gagawin niya?" Tiningnan ni mommy ang mga pinamili namin.

She kneeled on the floor at isa-isang binuksan ang mga paper bag. Tumambad ang mga kinapos sa tela kong mga damit na pinamili.

"Marami kayong pinamili, Erica." Ani ina. "Masusuot mo ba 'yan, apo?"

Tumango ako.

"God! Immanuel! You already have a lot of clothes! Bakit bumili ka pa?" Inangat ni mommy ang isang damit. It was a red bandana top inspired. "And Jesus Christ, why is this revealing again?!"

Tahimik lang ako. Ayaw kong makisali dahil iyon panigurado ang magiging butas ko. Kapag sumagot ako, paniguradong ayon ang magiging rason ni mommy para kontrolin ako lalo.

I'm a big girl already! I can decide by myself. Bakit ba kailangan akong kontrolin?

"That's the new fashion. Outdated ka na ba, Aera?" Si tita Erica.

"Erica, that's enough." Si ama.

Ina leans and whisper on my ears. "Saan ka pumunta?" Tanong ni ina habang nagtatalo si mommy at tita.

"Pumunta ako kila Emma." Bulong ko.

Tumango si ina. "Next time magsabi ka. Nag-alala ang mommy mo noong mag-isang umuwi ang tita mo rito at hinahanap ka kung nakauwi ka na ba."

"It was an emergency."

"Kahit na."

Hindi na ako umimik at nakipagtalo kay ina. May point naman si ina that I should've told my mom about it. I understand her reactions and feelings dahil hindi naman agad ako nagsabi, maging kay tita Erica.

Kaya lang naman naging ganito ang reaksyon ni mommy because she loves me.

Hindi ko na nasundan ang pagtatalo ng magkapatid. Nagulat na ako ng humarap sa akin si mommy at dinuro ako.

"The school year just started, Immanuel! Sinasabi ko sa'yo, if I see failing grades, you'll never be spoiled again!"

"Hush, honey…"

"No!" Sigaw ni mommy. "Immanuel is running as a salutatorian in her school and hearing those complaints taint her image! Lalo na iyong maikli ang mga palda niya! Tapos ano? Saan ka pumunta? Hindi ka pumasok?!"

"Aera, kumalma ka," si Ina. "Immanuel might rebel if you keep on spreading hate. Try to calm down and let's settle this for once."

"Immanuel won't listen unless pagalitan 'yan!"

Napabuntong hininga ako.

"Mommy, n-nag-aaral naman ako…" Pagsisinungaling ko.

Aminado naman ako sa sarili kong I'm not doing the best in me. Mas inuuna kong makipag-usap sa iba't ibang lalaki at magpaganda ng image sa social media.

"Jesus! One of your teachers told me that you had a terrible performance on your oral presentation. Anong nag-aaral, Immanuel?"

I pouted.

Last year ko na as a grade 10 student. At least, I want to have a long-term boyfriend.

But hell, after getting to know them and exchanging I love yous, I realize a lot of things about them. Nakaka-disappoint and turn off. In the end, I always find ways to cut the ties.

Kaya walang boyfriend ang tumatagal sa akin.

"Nag-aaral ako, mom. Naka-one point ahead nga ako sa nerd kong kaklase."

I heard tita Erica giggles.

"Really, Immanuel?" Si mommy. Her face looks sarcastic.

"I'm smarter than him. That means, maganda ang performance ko. Hindi ako mawawala sa pagiging salutatorian ko, mommy."

"Immanuel, do you hear yourself? It's just a point ahead. How about your overall performance?"

Mas mataas ako ng one point. What's the problem? I can compete because I'm smart! Bakit hindi na lang ma-appreciate iyong small things? Why do they only seem to acknowledge major accomplishments? Big achievements often build upon smaller ones, so what's the fuss?

"That doesn't matter!" Hindi ko mapigilang mapasigaw sa inis.

My mom looked shocked at my sudden shout. Namutla ako. I realized that was a wrong move.

"Sumusobra ka na!"

Mom was about to slap me. "Tumigil ka na, Aera!"

Tumayo si ina at sinapo ang sampal ni mommy na para dapat sa akin. Malakas iyon at halos mangudngod si ina sa sahig.

"Ina…" Tawag ni mommy nang mahimasmasan ang ginawa ni ina para sa akin.

"Ina!" Agad kong niyakap si ina at chineck ang kaniyang pisngi.

Napansin kong namula ito and she's panting. "Ina, are you alright? Can you still hear me?"

Agad akong pinaalis ni ama at siya ang kumalinga kay ina.

"Oh! Not, now!"

Napansin ko ang pagtaas-baba ng dibdib ni ina. Namimikit ang kanyang mga mata at hindi nagbibigay ng tugon.

"Imma, call an ambulance. Right now!" Si mommy.

Lumapit na rin si tita Erica at mommy at sinusubukang kunin ang atensyon ni ina but my ina closed her eyes.

Ilang araw rin akong napa-absent dahil sinugod sa ospital si ina. Ako ang kasama ni ama sa pagbabantay, kasama ang dalawang kasambahay namin.

Mom was really ashamed of what she did. Hindi siya makabisita sa kahihiyan. Galit din si ama sa kanya. Si tita Erica naman ay madalang dumalaw.

Natutulog si ama sa paanan ni ina habang hawak-hawak ang kamay ng asawa.

Lumapit ako kay ama at hinawakan ang magabilaang balikat niya. "Ama, ako na..."

Tumayo si ama, namimikit-mikit pa ang mga mata. "Salamat, apo. Babalik ako mamayang hapon."

Tumango ako. Kahit na mas gusto ko na siyang pagpahingahin at bukas na lang bumalik. Inilalayan siya ng isang kasambahay namin.

Ang kasama ko namang kasambahay ay nagsimulang ilagay ang prutas sa tabi ng bed ni ina.

"Belinda, pagkatapos mo riyan bilhan mo ako ng tubig. Nauuhaw ako."

"Sige po, ma'am."

Natapos si Belinda at umalis din kaagad.

Habang wala si Belinda at tulog pa si ina, inilagay ko ang phone sa bedside table. My cam is open. Bahagya akong lumayo sa phone ko.

From this proximity, hanggang baywang lamang ang kita sa akin. I am wearing a white off shoulder long sleeve dress and a black corset. Naka-full make-up ako at wavy ang hindi kahabaan kong buhok. I partnered my clothes with black and white combat shoes.

Tumunog ang kanta so I started to dance along with it. I just wave my body and had some hand gestures habang sinasabayan din ang pagkanta.

Tumagilid ako sa phone and bend my body over while waving it. Ito ang usong-usong step ngayon.

Biglang bumukas ang pinto.

Napahinto ako at titig sa taong iniluwal nito. Both of us are looking at each other while I can still hear the music from my phone.

He's wearing a white uniform at may pin. May hawak din siyang mga papel. I've seen him before, kasama noong babaeng nurse na tumitingin parati kay ina.

He has a white complexion, clean cut hair, thick brows, deep set eyes, and a pointed nose. This nurse is tall! Mas matangkad siya sa mga lalaki kong kaklase. Bahagya ring malaki ang katawan.

Umayos ako ng tayo at nginitian ang poging nurse.

"Hello!"

Kinuha ko ang phone at pinatay ito.

"Ma'am, i-check ko lang po ang patient bago ka mag-Tiktok. Okay lang po ba?"

I chuckled. "Oo naman!"

The nurse started to check on my ina. Hindi ko maiwasang mapatulala sa side view profile niya while doing his task.

"Ilang taon ka na?" Tanong ko.

Ngayon lang kaming dalawa nakapag-usap nang ganito. Usually kasi nakabuntot siya sa babaeng nurse.

"I'm 22 years old."

"Hindi pala nalalayo ang edad natin."

"How about you? Ilang taon ka na?"

"I'm only 15 years old."

"High school?"

Tumango ako. "Malapit na ako mag-college after two years. Pero you can court me naman now. Age doesn't matter."

Kung pogi.

Bahagya siyang tumawa at nagsulat sa hawak niyang papel. "Intern lang ako rito. P'wede mong maging boyfriend ang—"

"Ikaw ang gusto ko."

Lumingon siya sa akin. "Really, huh?" He smirked. "Well, you're pretty and you look like a grown-up woman."

I shrug off my shoulder. Well, I'm Immanuel. Of course, maganda ang lahing pinagmulan ko.

"Thanks. I'm aware of it."

He chuckled. Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin. "My name is Mavie."

Mabilis kong tinanggap ang kaniyang kamay. "Imma."

Mavie is handsome and he's definitely my type. It would be a good relationship with someone older than me, at least I perceive. Pangarap ko iyon. Iyong maihatid at sundo ng college boyfriend from my school.

Kinagat ko ang pang-ilalim na labi when my phone rang. Tiningnan ko si ina na inaasikaso ni yaya.

"Ina, I have to call Emma about academics. I'll be out for a while." Pagsisinungaling ko.

She nodded. "Bumalik ka pagkatapos."

Her health is starting to get better but her doctor advises her to stay in for the meantime for further assessment.

Pabor naman sa akin na mag-stay rito dahil wala akong iniisip na academics. All I have to do is…

Pumunta ako sa exit door bago sinagot ang tawag.

"Good afternoon," I heard his husky voice.

"Kagigising mo lang, Mavie?"

"Yes. Mamaya pa shift ko riyan. Kumain ka na?"

Hindi ko mapigilang mapasimangot. "Mamaya aalis na ako…"

"Uh-huh… I'll try to go there now. Can you wait for me?"

It actually turns me off to wait for him. Dapat siya ang maghintay sa akin! But I like Mavie.

We've been talking for almost a week na. Siya na yata ang pinakamatagal kong naka-usap. And probably why this works for us dahil parati kaming nagkikita. Kasi kung hindi, baka itigil ko na ang kung ano ang mayroon sa aming dalawa.

"Oo naman." Sagot ko.

"Alright. I'll just prepare and go there. See you, Imma."

Namatay ang phone at hindi ko maiwasang tingnan ang wallpaper ko. Selfie namin ni Mavie noong pumunta ulit siya after I flirted with him.

Side view profile ang pose niya samantalang ako ay nakapangalumbaba at ngisi sa kamera. Nakasuot siya ng white uniform at ako naman ay floral tube dress.

Kung hindi lang pogi itong si Mavie, hindi ko naman siya pagtiya-tiyagain hintayin para makita siya.

My phone beep and I saw Emma's message. Gusto ko mang tingnan ay hindi ko na ginawa. I'll probably talk to her kapag wala na akong business dito sa hospital.

Bumalik ulit ako at nadatnan kong naroon ang doktor ni ina. Tahimik akong pumasok at umupo sa sofa katabi ng yaya.

"Yes, ma'am. I already gave a call to your family that you can be discharged at the hospital."

Nanlaki ang mata ko. This is my last day here at the hospital?! That means hindi ko na makikita si Mavie!

"Seryoso ba talaga iyan?"

"Opo, lola."

"I thought she has to take some tests for further assessment doc?" Singit ko.

"Fortunately, miss, we didn't find anything wrong on her tests. Everything is normal, that's why she can be discharged."

I heave a sigh.

Naka-upo ako hagdan kung saan parati kaming nagkikita ni Mavie.

Bumukas ang pinto at iniluwal nito si Mavie. Basa pa ang malinis niyang buhok. May dala rin siyang baunan at tumbler.

He tried to smile kaya lumabas ang mga biloy sa magkabilaan niyang mga pisngi. When he saw me not smiling back, napawi iyon.

He sat beside me.

"Are you okay?"

I made up my mind. Ayaw ko na ring patagalin pa dahil hindi ako mag-aaksaya ng panahong mag-stay sa taong hindi ko naman nakikita in the future.

Ayaw ko na rin dahil hindi ko kakayanin na hindi ko siya makikita. Gusto ko araw-araw ko siyang kasama. Hindi ko kakayaning hindi kami nagkikita, baka ikamatay ko iyon.

"Mavie, let's stop here."

Kumunot ang kaniyang noo. When he realized what I meant, binitawan niya sa tabi ang mga hawak at hinarap ako.

"You want us to stop what we have? The thing we have in between?"

Tumango ako at umiwas ng tingin. Pangarap ko na noon pang magkaroon ng boyfriend na ahead sa akin. Ngayong na-experience ko na, sapat na sa akin iyon.

Hindi ko man siya boyfriend, masaya na ako sa pagpapakilig niya. Hanggang doon lang.

"Why?"

"You are a kind and gentle person, Mavie. Ayaw ko na itong patagalin pa…" Ngumiti ako. "Madi-discharge na si ina. That means, we won't see each other…"

Umiwas siya ng tingin pero nang subukas niya akong tingnan, napansin kong namumua ang kanyang mga mata. "And?" Napipiyok niyang tanong.

"Mavie, hindi na tayo magkikita kapag na-discharge na ang ina ko—"

"Imma, I can visit your house. I can make time for you—"

"Hindi mo naiintindihan, Mavie."

"I understand, Imma. I understand that we have different time and priorities and since I understand our situations, I'm willing to make time with you so we can work it out."

That shut my mouth. I wasn't expecting Mavie to be this understanding and mature. Ang buong akala ko ay katulad din siya ng ibang mga lalaki na once I push away, they'll be sad boy na.

Mavie is different. Hindi ito maganda para sa akin. Hindi ko kakayanin na mature si Mavie.

Tumayo ako.

"I made up my mind, Mavie. Thank you for everything."

That was the last time I saw Mavie. It was a whirlwind hospital romance for us. Masaya akong pinaranas niya ang dream kong magka-boyfriend ng college at hanggang doon lamang iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status