Share

Chapter 9: Brat

Chapter 9: Brat

My weak body is resting well on my comfortable bed. Bumukas ang ilaw ng kwarto ko as well as my tired eyes.

My mom immediately sat beside my bed as soon as she saw me. Hinaplos niya ang aking kamay. From her gaze, I can see her soft eyes.

"Uminom ka na ng gamot?" Malambing na tanong ni mommy.

Marahan akong tumango. "Yes, mommy..."

I could hear my different voice when I answered my mother. Ganito talaga ako kapag may sakit, nag-iiba ang boses.

"I've already informed your advisor that you need to take a leave of absence. Kailangan mong gumaling agad, Imma. Malapit na pala ang examination ninyo."

I bit my lower lip. Malapit na nga ang examination namin pero walang pumasok sa kokote ko.

Damn it. I'll try to study by myself kapag gumaling na ako.

"I'll study harder, mommy."

Her face softened more as she heard my assurance that I will study even in my weakest state. I actually cannot.

"Alright." She nods, as if my mom trusts me well to excel. "Do you need anything?"

"I need to rest. Masakit ang mata ko mommy... Can you please turn off the lights?" Napapaos kong tanong.

"Okay. I'll turn it off." Aniya. "By the way, your tita Erica informed me that she's leaving Manila already. She can't visit you today because she's busy. Just try to send her a message."

"Will do that, mommy."

Hindi ko alam kung pang-ilang araw na naman akong absent. Pag-uwi ko noong nakaraang nagpa-ambon ako, bigla agad akong sinumpong ng sinat.

Hanggang ngayon mainit-init pa rin ako at sinisipon. Ang katawan ko naman ay bedridden. Even though I want to stand up dahil masakit sa ulo ang nakahiga magdamag, hindi ko naman magawa dahil mahina ang katawan ko.

Nag-send ako ng mensahe kay tita Erica sa Viber. Kase-send ko lamang ng mensahe ay tumunog naman ang phone ko.

Kaagad kong sinagot ang tawag ng makita ang pangalan ni Emmarose.

"Hello?" Bungad niya.

Ni-loud speaker ko ang phone at inilapag sa higaan. I close my eyes.

"Hello..." Nanghihina kong bungad.

"May sakit ka raw sabi ni tita?"

"Hmmm..."

"Bakit ka nagsakit? Anong ginawa mo?"

"Naambunan ako, Emma."

"Ang tanga mo naman. Bakit ka nagpa-ambon?"

Napasimangot ako. "Wala kasi akong payong..."

Narinig ko ang halakhak niya sa kabilang linya. "E di sana hinintay mong tumila?"

Ambon na lang naman kasi iyon pero kung hindi pa ako tatakbo papuntang kabilang building, baka abutan na ako ng dilim sa mga oras na iyon.

Huminga ako nang malalim. Ayaw kong gatungan si Emma. Wala akong lakas makipagbatuhan ng linya sa kahit na sino.

"Sige na, kinumusta lang kita kasi absent ka na naman. I'll try to send you my notes din. Pambawi ko since I can't visit you this weekend. Marami akong gagawin, e."

"Okay. Thank you, Emma."

I was pondering while resting.

Emma has been with me for a long time. Kung wala si Emma, paniguradong average student lang ako.

I know myself well. Matalino naman ako pero sometimes I understand things in the wrong way. That's why I need someone who will correct me, which is Emma.

I wore my school uniform. Pinatungan ko ito ng pastel blue hoodie ko kaya maikling palda na lamang ang makikita aside from my comfortable hoodie.

Binuksan ko ang pinto at agad akong nilapitan ni Jommar.

"Kumusta ka, Imma?"

I smiled sweetly at him. "Medyo okay na ako. Salamat sa pagtatanong."

Agad ding napansin ng iba kong kaklase na pumasok na ako. Sumunod sa tabi ni Jommar ang mga tropa ni Allen.

"Ang tagal mong nawala! Ang daming nangyari noong absent ka." Si Allen.

"Talaga? Anong nangyari?"

Pina-upo nila ako at pinalibutan sa upuan.

"Nagkaroon ng skit sa English tapos si Caius at Alaiza ang partner. Namumula si Alaiza tapos si Caius ganap na ganap!"

Pagak akong natawa. "Ang sagwa! Kawawa si Alaiza!"

"Hindi lang 'yon. Noong absent ka, mas active si Caius. Siya pa nga nag-correct sa solution ng teacher natin. Mali raw."

"Nerd talaga."

"Saka Jologs." Dugtong ko, dahilan para humagalpak sila ng tawa.

"Siguro p're pogi 'yan si Caius kung mag-aayos." Ani Hei kay Allen.

"Pogi?" Singit ko. "Pangit niya nga. Saka may pag-asa pa ba 'yan? Tingnan mo nga 'yong suot..."

Sabay-sabay kaming lumingon sa direksyon ng kapapasok lang na si Caius. Nakatayo siya habang kausap si Emma sa tapat ng pinto. Mukhang seryoso ang usapan nilang dalawa.

"'Di ba? Naninilaw. Hindi uso ang fashion sa kaniya." Dugtong ko.

"E di pahiramin mo p're." Si Jommar sa kaibigan niya.

"Ayoko! Baka may baktol." Si Allen.

Tawa kami nang tawa sa kinauupuan namin.

I smirked.

Kapapasok ko lang pero heto na naman ako. My body is not strong enough para gawin iyong usual kong ginagawa sa room but Caius is another thing.

Ang pangalan niya ay parang gaas sa pagkatao ko. Once fire gets into it, liliyab ito. It gives me the will to be strong and satisfied in life.

"Okay, get a whole sheet of paper." Saad ng teacher namin.

I froze.

"Ma'am, one whole?"

"Hindi, Marcus. Itanong mo kay Hei kung ano ang pinapakuha kong papel."

Heto na nga ba ang sinasabi ko. Papasok akong may quiz at walang alam. Paano na ako nito?

"May quiz!" Impit kong sigaw kay Emma..

She laughed at me at binigyan ako ng papel. Parang wala lang sa kaniya na may quiz kami ngayon.

Emma looked relaxed as she handed me a piece of paper.

"Bakit hindi mo sinabing may quiz?" Tanong ko.

"It's a surprise quiz. Pero dahil nag-aral ako, it's not a surprise to me anymore."

"God, Emma! Hindi ko alam ang gagawin ko..." I said hopelessly.

Ipinakita na ng teacher namin ang sasagutan. Parang sumasayaw sa paningin ko ang mga numero at letra.

Ito iyong inaral namin noon sa library pero hindi ko ma-gets. Mali-mali ang mga pinagsasagot ko noon na laging tinatama ni Caius.

I check my paper. Napaluok ako.

Super linis nito na maski buong pangalan ko ay hindi ko na maalala dahil pinangungunahan ako ng kaba.

Running for salutatorian pero nau-ulol ako sa nakikita ko sa board.

Tumalikod ang teacher namin dahil may sinulat siya sa board.

Nagulat na lamang ako nang biglang tumabi si Caius sa bakanteng upuan sa kaliwa ko.

Dahan-dahan niyang nilagay sa armchair ko ang isang pirasong papel.

I looked at him with my forehead creased.

"Ano 'yan?" Bulong ko.

"A piece of paper." He whispered back.

"Tapos? Anong gagawin ko sa papel mo? Ipampupunas ko sa mukha mong puro tigyawat?"

"Answers."

Nanliit ang mga mata ko sa kaniya. "Binibigay mo ba sa akin sagot mo?"

He hissed. "You requested a paper with answers only without my name on it."

Natulala ako.

I am not expecting him to be... kind. What? Kind!

I know he will only help me if it concerns Emma, but what he's doing will make Emma mad since she doesn't tolerate cheating.

Bakit bigla na lang nag-iba ang ihip ng hangin? Caius, in nature, isn't kind towards me.

Caius wrote something on the paper at kinuha ang blangkong papel ko.

"Exchange your paper with your seatmate."

Tinakpan ko ang aking bibig as I realized what he has done for me.

"Caius..." Tawag ko sa kaniyang pangalan.

Nilingon niya ako. "What?"

"Crush mo... ako?"

Tumaas ang isa niyang kilay. Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa ni Emma sa gilid ko.

Hindi ako sinagot ni Caius.

We checked our papers but my mind is dissociating, thinking why he's very kind to me.

Ang papel na ipinangalan para sa akin ni Caius ay nakakuha ng perfect score. Perfect! Hindi bokya!

"Naku! I'll close my eyes for now, Imma. Kunyari wala akong nakita at narinig. You know how much I hate cheating pero pagbibigyan talaga kita ngayon." Aniya habang naglalakad kami papuntang cafeteria.

"Emma, I didn't cheat! It was Caius! He even wrote my name on it!" Laban ko sa kaniya while we are walking.

"It's the same thing."

"E di dapat sa kaniya ka magalit."

"Later. Ikaw kasama ko ngayon, e."

I groaned. "But it wasn't me who cheated! Siya naglagay ng pangalan ko. I didn't ask for it, Emma."

"You asked for it."

Bahagya akong natigilan nang biglang pumasok sa isip ko ang pamimilit noon kay Caius na pakopyahin ako dahil tinatamaan ako ng katamarang mag-aral.

Emma also stopped walking at tiningnan ako.

I pouted. "Wala akong maalala."

"Gusto mong ipa-"

Tinakpan ko ang aking tainga. "Wala akong naririnig! Wala!"

Emma laughs at me. Inakbayan niya ako at sabay na kaming pumasok sa cafeteria para sabay na kumain.

Hindi ko alam kung ano ng pumasok sa utak ni Caius. Surely, he just wanted to please Emma.

Whatever!

I didn't really cheat. Pagkukusa naman kasi ni Caius ang ginawa niya. Hindi ko na siya pinilit noong gusto kong kumopya ako.

But I feel happy about what he did. Kung hindi niya ibinigay iyong papel, baka makarating na naman ito sa mga magulang ko.

I shrug off my shoulders. Since pagkukusa niya iyon, I will never say thank you.

Nakatayo ako sa tapat ng mesa ng advisor ko pagkatapos magpasa ng remedial quizzes sa Math subject. Mabilis ang tibok ng puso ko habang isa-isa niyang chine-check ang bawat item.

I know I didn't do my best kasi hindi naman ako nag-aral.

"Naku, Immanuel..."

Kinagat ko ang pang-ilalim na labi.

"Bakit ganito ang scores mo? Anong nangyayari sa'yo?"

Nakaramdam ako ng hiya para sa sarili. Mabuti na lang at dalawa lang kami rito sa department.

"Sa apat na quizzes, hindi ka man lang umabot sa passing score!"

Kabaliktaran ang nakuha kong scores kanina sa scores ko ngayon.

Napalunok ako. Hindi naman ako bobo para hindi umabot ng passing scores. It's just... wala akong will mag-aral.

Wala naman kasi akong maintindihan. Bakit ko pa aaralin nang husto?

Nakakahiya. Iisipin ni ma'am na kumopya ako or nandaya. Well, in nature, yes. It was cheating.

I am distracted with my phone. Time to time ko siyang tinitingnan kapag hindi ko na maintindihan ang mga nakasulat. Hindi naman din kasi effective sa akin ang mag-aral mag-isa.

I used to rely on Emma. We usually study before pero ayon nga lang, mas busy siya ngayong year. Hindi ko alam kung pagbibigyan niya akong mag-aral kaming dalawa ulit.

"Immanuel, you are running for a salutatorian. I know you are smart and the reason why you have these scores are probably due to absences."

Tumango ako. "Y-yes ma'am, I'm just left behind because of my frequent absences."

Talaga, Imma? E, kabubuklat mo pa nga lang ng notes, nasa phone ka na at nakikipag-usap sa iba't ibang lalaki!

"I know and I understand. Kaya pagbibigyan kita. You'll have another quizzes before of examsat dapat maipasa mo 'yon or else, hindi kita papayagang mag-take. Your Math teacher also informed me about your performance. Kailangan mong mag-focus sa Science and Math."

Nangangamba ako if I won't make it sa remedial ko.

My mom expects me to be a salutatorian. Lalo na nitong previous away natin. She thought I'm a rebel and doesn't take study seriously.

Ngayon, kailangan kong panindigan na nag-aaral talaga ako by having good grades or else...

Napahawak ako sa aking buhok.

Narinig ko ang pagtawa ni Emma. "Ano na nangyayari sa'yo?"

Pinaling ko sa kaniya ang atensyon. Habang busy si Emma maggupit ng mga papel, niyugyog ko ang kaniyang braso.

"Emma, please!"

"Ano na naman?"

"Kailan ko ng tutor. Delikado ako sa dalawang subject. Kapag bumagsak ako katapusan ko na!"

The thought that I won't be able to buy things I want using the card they gave to me makes me quivered in fear. Marinig ko pa lang sa isipan na galit si mommy dahil ang langit ng grades ko, parang ayaw ko na agad umuwi sa bahay.

"I can't, Imma. Busy talaga ako."

"Kahit isang oras lang. Hindi ko kayang mag-aral mag-isa..."

"I'm sorry, I'm really busy. MIA kasi ang president and vice president ng SSG kaya sa akin binabagsak ang mga gawain nila."

Napasimangot ako.

"Caius is smart-"

Tinakpan ko ang aking tainga.

"Wala akong naririnig!"

Binaba ni Emma ang kaniyang ginagawa at tinanggal ang dalawa kong kamay na nakatakip sa aking mga tainga. She looks at me directly in my eyes.

"Imma, alam mo..." Tawag ni Emma sa akin.

"Hindi pa."

She rolled her eyes pero napansin kong umangat nang bahagya ang sulok ng labi niya.

Inilagay ni Emma ang dalawang kamay sa magkabilaang balikat ko.

"Hindi sa iniinis kita, but Caius is really smart. He can help you with your remedials dahil hindi 'yon busy."

Umiling ako. "Ayaw ko."

"Bakit?"

"Naiinis ako kapag nakikita ko mukha niya, e."

She hissed. "Anong paiiralin mo? Pride mo o 'yong will mong pumasa?" Bahagyang tumaas ang boses ng kaibigan ko.

I can't help but pouted. Iba talaga sanib ni Emma kapag nagtaray.

"Syempre..."

"Pumasa, 'di ba?"

Tumango ako.

"Pero ayaw ko nga kay Caius, e. I'll ask someone instead!"

"Sino? Si Allen? E hindi niya nga rin masundan iyong nag-review tayo sa Math."

I hissed. "Kaysa naman ipilit ko sarili ko kay Caius? Ang pangit-pangit no'n. Baka magkapalit kami ng mukha kapag magkasama."

Tumaas ang kilay ni Emma. "Immanuel."

"Bakit, Emmarose?"

"Matuto kang makisama."

"Ayaw!"

Napabuntong hininga ang kaibigan ko. Imbes na kumbinsihin ako ulit, nagpatuloy na lamang siyang maggupit ulit ng mga papel.

"Emma, ayaw mo talaga?" Tanong ko.

Hindi niya na ako pinsansin kahit naka-ilang pilit ako sa kaniya.

"Emma, please?"

Emma really wants me to ask Caius help me with my studies.

Tumunog na ang bell. Hudyat na uwian na namin.

Inayos ko ang nakakalat na textbooks.

Wala si Emma at busy siya sa department kaya hindi ko siya mahatak pauwi sa amin para samahan akong mag-review.

"Immanuel."

Sinira ko ang bag at nilingon ang pamilyar na boses.

Nakatayo si Caius sa likuran ko. Napatingala tuloy ako sa kaniya.

Salubong ang mga kilay at naniningkit ang apat niyang mga mata. His big uniform makes him fat and McDonald naman sa sapatos niya.

"Ano?" Naiirita kong tanong.

I pushed him a bit dahil masyado siyang malapit sa akin.

"Sinabi-"

"Busy ako. 'Wag mong sayangin ang oras ko."

Mas lalong kumunot ang noo niya. "I heard you need a tu-"

Agad kong tinakpan ang bibig ni Caius gamit ang dalawa kong mga kamay. Napatingin sa amin ang ibang mga kaklase.

Napansin kong nag-iba ang tingin nila Alaiza at kabigan niya habang nag-aayos sila ng gamit sa likod namin.

Tinanggal ko ang pagkakatakip sa bibig ni Caius.

"Emme informed-"

"Shut up, nerd!"

Nauna akong lumabas sa classroom.

Talagang gusto ni Emma na si Caius ang magturo sa akin. Napipikon ako.

Napatigil ako sa paglalakad sa koridor nang may lalaking hinihingal at huminto sa aking harapan.

Caius is catching his breath.

"Emma... told me you need me. I'm... I'm free... today." Hinahabol niya ang hininga.

"Hindi kita kailangan."

He heaved a sigh. Napakamot siya sa kaniyang noo.

"You're left behind. Itataas mo pa ba 'yang pride mo?"

"Ano naman sa'yo kung left behind ako?"

"You're a running salutatorian. Kung aakyat ka ng stage ng wala kang honors, matutuwa ka ba? Matutuwa ba ang mga magulang mo?"

Natigilan ako. My mother has high expectations of me. Pero kahit may point si Caius, ayaw ko pa rin kung siya ang magtuturo sa akin.

I hissed. "Paki mo ba?"

Tinalikuran ko agad siya at nagsimulang maglakad palayo sa kaniya.

I felt a strong gripped on my bag. Hinatak ako ni Caius paharap sa kaniya.

"Hey!" Apila ko.

Mariin ang hawak niya sa aking bag at kahit tanggalin ko ang pagkakahawak ni Jologs ay hindi ko magawa.

"Sa library tayo, brat."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status