Share

Chapter 20: Reconciled

Chapter 20: Reconciled

The stars are far away from us. We can never reach them after several attempts of raising our hands in the sky in the hopes of aligning them together. It's something we can never do, just like changing someone's judgment about us.

Even though I want to explain my side, at least to my family, I just couldn't. They really think ako ang may scandal and buntis, gaya ng mga sabi-sabi sa comment section ng post na iyon. Marami pang masasakit na salita at panghuhusga ang mababasa roon, and that’s when I realize that not everyone likes me.

I thought I was well-liked because of my pretty face, but no. Halos lahat ng mga ka-batch ko ay galit sa akin.

Ang sakit lang kasi ang akala kong unang makikinig sa akin ay pamilya, mali pala ako. I also tried to call my tita Erica to feel like I have someone beside me pero she just yelled at me after hearing about the scandal.

I guess that's how people around me perceived me. Kailangan kong tanggapin lahat ng judgment nila towards me kasi ano namang magagawa ko? Kung ipipilit ko lang na baguhin ang isip nila ako lang naman ang masasaktan.

My mother was called to the Guidance Office. Dapat kasama si Caius at ang guardian niya but the Guidance Counselor told us kahapon pa niya nakausap si Caius. Ngayong araw malalaman ang hatol sa akin. Kung ano man ang ihatol, hayaan na. I'll just accept whatever life throws at me.

"Do you have a boyfriend?"

"Wala." Mabilis kong tugon. "I've been pursuing someone who doesn't even like me. I think that's enough to clear everyone's judgment against me."

Sa table niya ay maraming papel. Kami ni mommy ang nasa tapat ng table ng Guidance Counselor.

She massages her temporalis for a while at napabuntong hininga. "That's not enough, Miss Botero. You have to be honest—"

"Do you think I'm lying right now?"

Tumingin siya kay mommy na napapikit sa inis. I saw my mom's jaw clenched at binigyan ako ng isang masamang tingin bago ibaling muli ang mga mata sa Counselor.

"Please, excuse her behavior. Hindi nasuplahan ang bibig niyan."

"Ayos lang, Madame." The Counselor chuckled. "Immanuel, I'd like to know the name of the person you've been pursuing. Can you tell me his name?"

"Caius."

She looked at my mom again at may isinulat sa papel. "Friends?"

Kumunot ang aking noo. "I don't want to be Caius' friend."

'I want him to be my boyfriend.' Hindi ko isinatinig ang laman ng aking isipan.

"I like him." Iyon na lamang ang idinugtong ko. "I like Caius, but I know my limits as a young girl."

Napailing ang Counselor nang may isulat muli sa papel. "Mrs. Botero, your daughter and the other party have the same sentiments about the issue. As per Mr. Vonschiksal…"

Kumalabog ang aking dibdib nang marinig ang apelyido ni Caius. I don't know how it went for Caius when he talked to the Counselor. Hindi ko rin alam kung ano ang mangyayari sa akin, sa amin, after this.

But if the Counselor didn't believe me and chose to give us repercussions, tatanggapin ko na lang.

The Counselor reads the paper on her desk. "Immanuel is a brat who always pisses him off. He never had feelings towards her, if he showed any feelings, it was either irritation or kindness."

“E, kasi hindi naman ako at si Caius ang blind item sa post.” Bulong ko.

My mom immediately snaps. "Does that mean hindi maaalis ang anak ko rito? Will she have a bad record? Makaka-graduate pa ba siya as a salutatorian?" Sunod-sunod niyang tanong.

Hindi ko maiwasang mapangiwi. After everything, those were her concerns. Wala na nga akong pakialam if I graduate with honor or none at all. Hindi ko naman yon madadala sa hukay.

I was under monitoring, as well as Caius. All posts about the issue were turned down on the internet. I have to make my account private pa dahil times three ang notifications ko sa lahat ng social media accounts ko.

Nakatalukbong ang hood sa aking ulo habang naglalakad. Underneath my beige hoodie is my uniform.

Mabuti at late ako. Walang tao sa koridor but I can't help but be sad. Nakatungo ang aking ulo at pinagmamasdan ang bawat yapak.

"Fuck life…" I whispered as I walked towards the room I usually stay in.

Pagbukas ko ng pinto, a girl was already there, sitting on the chair. As soon as she saw me, kaagad siyang tumayo mula sa kinauupuan para harapin ko.

"Imma…"

Kapansin-pansin talaga ang pagbabago sa katawan ni Emma. Bukod pa roon, her eyes are swollen.

Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang makita ang kalagayan ng kaibigan ko. Sa tagal naming walang matinong pag-uusap, I don't know what's happening in her life. Seeing her right now concerns me dahil hindi siya ganito noon.

"Anong ginagawa mo rito? You usually stay at the SSG department." Mahina kong tanong.

Emma walks towards me with her eyes swollen. "I'm…" Nanginginig ang kaniyang mga kamay na humawak sa akin. "... sorry, Imma…"

I gulped when I saw how shattered she was in front of me. Her tears fell on my hands that made my heart ache.

"I'm… very sorry…" A cracked voice.

Her lips are quivering as she tries to suppress her emotions, but her body fails to conceal what she truly feels. Emma bursted in tears.

"It wasn't you, Imma… Hindi mo deserve lahat ng mga sinasabi ng ibang tao sa paligid. It should be…" Nanginginig ang kaniyang mga labi nang kinagat niya ang pang-ibaba nito para pigilan ang malakas na paghikbi. "... me…" Almost a whisper.

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha sa aking mga mata.

I knew it already. I knew it was her but I have to accept what everyone thinks about me. Mahirap ng baguhin ang pag-iisip ng mga tao sa paligid ko. The only thing I can do is to accept everything.

In this situation, I'd rather suffer than see my best friend shatter into pieces. Hindi kakayanin ng puso kong makita kung paano magpalahaw ng iyak ang isang taong importante sa buhay ko.

"Everyone thinks I have a scandal because I had plenty of boyfriends." I said. Pinilit kong ngumiti at pinalis ang mga luha sa kaniyang mga pisngi. "I'll let them think whatever they want to think about, Emma. Wala akong pakialam kung marumi ang tingin nila sa akin."

Napaawang ang kaniyang labi. "Pero ako 'yon…"

Niyakap ko ang aking kaibigan. Hinimas ko ang kaniyang likod para patahanin siya.

"Shut up, Emma. It was me."

If life throws rock at my best friend, I am her armor ready to shield her against those. If life drowns her to the depth of the ocean, I am her buoyancy that will make her afloat and rise on top.

Mabuti pang ako ang husgahan, h'wag lang si Emma.

Kumalas si Emma sa pagkakayakap and she shook her head. "Imma, ako iyong may scandal. Ako 'yon…" Her voice cracked. "... at hindi ikaw…"

"I know. That's why ako ang may scandal sa ating dalawa."

“I said it was me! Ako iyon! Why are you playing as if you are the main character in a story? Imma, h’wag mong akuin lahat ng kasalanan ko!” Pinunasan niya ang sariling luha. “I hurted you before at hindi ko na kakayanin kung pati itong problema ko ay aakuin mo.”

“What are you talking about? The scandal is about me and Caius.”

“Immanuel!”

Umiling ako. "Don’t try to clean your name, Emma. Ako dapat ang marumi sa ating dalawa.”

Nanliit ang kaniyang mga mata. “Sinasabi mo ba ‘yan dahil binaliktad kita sa harap ng SSG members?”

“What?” Kunot noo kong tanong. “Of course not! It’s just…” I stopped mid-air, thinking if she should know what I was thinking earlier.

As I looked into her eyes, I saw her tears sparkling from the reflection of the room’s light. I heaved a sigh.

“Everyone perceives me wrongly, and even if I try to clean my name, I just couldn’t. Para akong naglalaba ng putik. No one listens to me, Emma.” I chuckled sarcastically. “Maybe because of how I dress? My behavior?” I shrug off my shoulders at ngumiwi.

“I’m sorry…”

“No, Emma. Don’t be sorry. I’ll let them think na ako iyon, basta ikaw hindi dapat. Kaya huwag mong susubukang sabihin sa iba ang totoo.”

Her tears started to fall again pero kaagad niya iyong pinunasan. Emma hugged me again, this time, tightly and she cried in my arms.

"Imma, I'm pregnant…"

Pumikit ako nang mariin. Emma tried to remove my arms pero hindi ko inalis ang aking mga braso when I felt tears starting to form in my eyes.

I don’t want her to see me weak. I'm tough as steel.

Malakas ang kabog ng aking dibdib sa mga susunod niya pang sasabihin. I'm anticipating that the father of her child is Caius, kaya gano'n na lamang ang pag-reject sa akin ni Caius. Kung hindi si Caius, maybe her boyfriend?

"I know…" I whispered, trying to calm myself pero sa loob ko ay sasabog na ako.

"A-ayaw ta… tanggapin ng b-boyfriend ko…"

I felt relieved after knowing who the father was. I look like stupid with my tears falling while I am smiling. Pero damn it. Kalahati ng puso ko ay naiinis dahil sa boyfriend niya.

Hindi ko maintindihan ang sarili kung dapat ba akong matuwa o mainis… o awa towards Emma.

"Imma, I'm afraid… I don't know what to do in my life anymore. Ang daming… umaasa sa akin. They expect me to be a role model and excel in every aspect of life. Pero sa isang pagkakamali ko, I don't think they will look at me the same way they look at me before."

Emma was pressured to be a good girl ever since I knew her. Sa likod ng pagiging masiyahin at maligaling ng kaniyang ina, nakakubli ang pagiging malupit niya sa mga anak. Bawal siyang magkamali because she’s the only girl on both sides of her family. Her mom was impregnated when she was young, sa takot sa sariling multo, kay Emma niya pinapasa ang pressure na ipakita sa mga kamag-anak na she will finish her studies.

"Natatakot ako sa mga posibilidad na pumapasok sa isip ko. Imma, hindi ko na kaya. Gusto kong ipalaglag ang bata…"

Nanlaki ang aking mga mata at kaagad na napahiwalay sa kaniya. “Emma, bakit—”

"Pero sa kabilang parte ng puso ko, ayaw kong ipalaglag. Gusto kong panindigan ang responsibilidad na sinimulan ko…"

I gasped habang sapu-sapo ang aking noo. Hindi ko kinakaya ang mga lumalabas sa bibig ni Emma.

"At bukod pa roon, I'm still anticipating my boyfriend to act up as a father of our baby."

Hinatak ko siya nang marahan para paupuin sa bakanteng upuan. She sat beside me.

"I won't help you to decide because it's your life and I'm not in your shoes. But I want you to know that you are not alone in this journey. Since you opened it up to me, I'll be with you. I'll stick with you because I am your best friend."

She smiled at me weakly. "I'm sorry, Imma. I'm sorry for everything."

I chuckled while my tears were forming again in my eyes. "Silly! I should be the one to say that!"

Natawa rin si Emma. "Ako iyon. Ako ang may mali."

"Hindi, ako nga iyon."

Parehas kaming napahinto at nagkakatitigan. Sabay kaming natawa.

"I miss you!"

"Miss na miss din kita, Imma." She held my hands tightly. "Promise mo, sa atin lang ito, ah?"

Tumango ako. "I promise. Sa atin lang."

We decided to leave the room. But, as soon as we try to leave. Napahinto ako nang mapansing gumalaw ang pinto ng karugtong na room na dating ESP department nitong bakanteng silid.

"Bakit, Imma?" Tanong ni Emma.

Umiling ako, hindi pa rin naaalis ang mga mata sa karugtong na pinto. "Wala." I assured her. "Tara! Kain tayo sa labas!"

"Ha?" Napakamot siya ng kaniyang ulo. "Inutusan ko kasi si Caius, e."

"Anong inutos mo?"

"Sabi ko bilhan niya ako ng buko juice sa labas. Iyong nasa plastic bottle at matamis-tamis. Saka isang pizza na mura lang na mabibili sa kanto pero walang pizza sauce."

"Buntis ka nga." Tawa ko na ikinasimangot niya.

Pumunta kami sa SSG department. Pagdating namin doon ay walang tao pero mayamaya lamang ay dumating si Caius na may dalang pizza at buko juice. Sa kabilang kamay niya ay may plastik ng dalawang styrofoam box for food.

"What's happening?" Ibinaba niya ang mga biniling pagkain sa mesa at mariin akong tiningnan.

"Relax. Okay na kami." Si Emma.

Caius immediately checks Emma’s arms and face. Tumawa ang kaibigan ko at pinalo si Caius sa braso.

"Are you sure? Hindi ka niya sinakyan?"

Umirap ako. "Why would I hurt my best friend, Caius?"

Binaling niya ang tingin sa akin. "Tinulak mo siya noong prom."

Tinikom ko ang aking bibig. Hindi ko alam ang sasabihin sa binato niya sa akin dahil totoo naman iyon. I pushed my best friend para lang makasayaw si Caius.

"It's fine, Caius. Okay na talaga kami ni Imma. Nakapag-usap na kaming dalawa."

Despite Emma’sassurance, masama pa rin ang tingin ni Caius sa akin. He sat beside me, sa harap ay ang buntis kong kaibigan at ang electricfan sa kaniyang tabi. 

Caius prepared our food.

"Kumusta pala kayo ni Caius?"

Napangisi ako sa tanong ng kaibigan. "Ang hirap suyuin niyan. Lagi akong tinataboy."

She chuckled. "Cai, sabi ko i-date mo si Imma, e! Hindi naman ‘yan naghahabol ng lalaki, unless gusto niya. But really, ikaw yata unang kinukulit niyan. Saka mas may tiwala ako sa'yo kaysa sa mga lalaking nakikilala niya lang sa internet tapos ime-meet niya."

“Hey!” Saway ko dahil ayaw kong malaman ni Caius ang mga ginagawa ko noon na hindi ko na nagagawa dahil sa kaniya.

"Ayaw ko." Mabilis na sagot ni Caius.

Ibinigay niya ang isang styrofoam sa akin at ang isa sa kaniya. He opened the box of pizza at inurong sa direksyon ni Emma.

"Bakit?"

Inabutan ako ni Caius ng plastic utensils. Inirapan ko siya nang tanggapin iyon. "E, ikaw kasi ang gusto niyan, Emma."

"Huh?" Kunot noo niyang tanong at binalingan muli ng tingin si Caius na binuksan ang dalawang buko juice. Inilapag niya ang isa kay Emma at sa akin.

"Matagal na kitang binasted, 'di ba? Ako pa rin ba ang gusto mo, Cai?" Si Emma.

"I told him he doesn't stand a chance with you. Ayaw niyang makinig."

Emma chuckled. "Siguro kung naging mabait ka kay Cai noon, baka siya ang naghahabol sa'yo." Lumingon siya kay Caius. "'Di ba, Cai?"

Umiling si Caius. "I don't date narcissists."

Narinig ko ang marahang halakhak ni Emma.

"I'm not a narcissist, Caius!"

"You are." Ani Caius matapos lumunok ng kanin.

I rolled my eyes. "I'm not a narcissist. I'm just confident. Tandaan mo 'yan."

Pinagpalit ko ang kutsarang ginamit niya sa akin. Kaagad na nanlaki ang kaniyang mga mata nang gamitin ko ang kutsara niya para isubo ang kanin at ulam.

"Hey! That's mine!"

I make face to him pagkatapos kong lumunok. "No, akin na ito. Sa iyo na 'yang kutsara ko."

Napapikit si Caius sa inis. "May laway ko 'yan."

"Ano naman?"

"Anong 'ano naman'? Hygiene, Imma!"

I shrug off my shoulder at nagpatuloy sa pagkain. "I don't care. Sa future naman maghahalikan tayo. Anong pinagkaiba na gamitin ko ang kutsarang ginamit mo na?"

Nilingon ko siya bago isubo muli ang pagkain. I saw him smirking. Masyado siyang g’wapo sa paningin ko tuwing ngumingisi.

"Masyadong…"

"Ano?"

"Masyadong mataas ang lipad mo."

Nawala ang tingin namin sa isa't isa nang marinig namin ang hikbi ni Emma. We both looked at her with confusion in our eyes.

"Emma, what's wrong?" Tanong ni Caius na kaagad napatayo sa kinauupuan.

I could see his eyes full of concern towards my friend. Yeah, it hurts a bit. But like I always claim, magiging akin din si Caius. One day, I’ll get his attention at hindi niya na magagawang lumingon pa sa iba.

Pinalis niya ang sariling luha. "Hindi ko rin alam."

"Ayaw mo ba ng pizza na binili ko?"

"Gusto…"

"Then, why are you crying? May masakit ba sa'yo?" Hindi ko na mapigilang magtanong.

"Wala nga!" She started to cry again. "Hindi ko rin alam…"

I bursted in laughter. Tiningnan ako ni Caius. Kunot ang kaniyang noo habang hindi maalis ang tingin sa akin.

"What's funny?" He asked.

I scooped some food and offered it to his mouth. Caius opens his mouth while his eyebrows are formed in one line and his forehead is creased. Dahan-dahan niyang nginuya ang sinubo ko.

"Preggy probs." I answered. "Baka ganiyan din ako kapag may baby na tayo."

He was choked. Inabutan ko siya ng tubig habang natatawa.

Nang mahimasmasan, pinalis niya ang basang tubig sa labi.

"Hell, no." Caius uttered.

Umiwas siya ng tingin at inasikaso ang pagkain ni Emma. But even though he's busy asking her about the food, I could see how his ears turned red.

I chuckled.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status