Share

Chapter 1: One Point

Chapter 1: One Point

Nakapangalumbaba ako habang ang isang kamay nagscri-scribble sa papel. My teacher is speaking in front at sa pandinig ko ay para siyang kumakanta.

Our room can accommodate a maximum of 40 students. But even so, maluwag at maaliwalas pa rin ang room namin.

We also have an air conditioner. Malamig sa room namin kaya I have my own hoodie on me. Mabilis kasi akong lamigin.

Kinalabit ako ni Emma. She's sitting on my right side. May dalawa pa kaming kaklaseng nakaupo sa gilid niya. Ako naman ang malapit sa aisle but the chair on the aisle is vacant.

Tamad ko siyang tiningnan. "Bakit?"

Nginuso niya ang teacher sa harap. Tumingin ako at napakurap nang makita ang nakalagay sa pisara.

Quiz 1

Items: 10

Nanlaki ang mata ko kay Emma. Malapit na mag-time pero may pahabol na quiz! Ang akala ko discussion lang ngayong araw!

Heto talaga ang ayaw ko. Matalino naman ako but I dislike surprize quiz. Lalo na't last minute ng klase. Nakaka-rattle ng mind.

"We have five minutes to review…" Bulong ng aking kaibigan.

Agad kong binuksan ang libro. I skim all the parts na narinig ko kanina habang hindi pa ako nagdi-dissociate sa reyalidad.

But my brain isn't working. Puyat kasi ako kaka-stalk ng mga poging TikTok user. Ngayon, inaantok ang buong diwa ko.

"Time's up! Please prepare a one-fourth sheet of paper."

Kinagat ko ang pang-ilalim na labi. Narinig ko ang marahang tawa ni Emma.

I pouted at umiling, giving my best friend a sign na hindi ko kakayanin ang quiz namin ngayong araw.

Inabutan ako ni Emma ng one-fourth sheet paper.

"Kaya mo 'yan!"

"Emma, hindi ko kaya…"

She chuckled. "Nakinig ka naman 'di ba?"

Umiling ako.

Nagsimula na ang teacher kong isulat sa pisara ang mga tanong. Number one pa lang wala na akong maisagot.

Habang nakatalikod ang teacher namin at nagsusulat sa pisara, I tried to open the book. Sinipa ni Emma ang upuan ko kaya napa-upo ako nang maayos.

I glared at her. "What's your problem?" I mouthed her.

Pinanlisikan niya ng mata ang nakabukas kong libro.

I sighed. Sinara ko ang libro at inilagay sa ilalim ng upuan.

Emma is really fair. Kahit kaibigan niya ako she won't let me cheat. Knowing na ako ang running salutatorian at baka ma-issue ako.

I am smart. Tamad lang talaga.

Tumingin ulit ako sa pisara at hindi ko talaga alam ang sagot. Identification pa naman.

"Exchange with your seatmates."

Sa oras na iyon, alam kong wala na talaga akong pag-asa. Malinis ang papel ko noong ibinigay ko kay Emma.

I heard her chuckle. "Ang linis, ah."

Hindi ko maiwasang mapabunting hininga habang tinitingnan ang repleksyon sa salamin. Isinara ko ang lipgloss at nilagay sa pouch.

Okay na sigurong zero ako. At least maganda naman.

Iyon ang naging comfort ko sa sarili.

Lumabas ako ng restroom at lumagpas si Caius papunta sa male's restroom.

Napangisi ako.

Hindi ko alam kung ano ang score niya. Pero since he's a nerd, I know for sure may naisagot si Caius kahit isang item.

Sumandal ako pader malapit sa pinto ng male's restroom. Hawak ko ang pouch kong puro pampaganda.

Mayamaya lamang ay lumabas si Caius.

"Hey, nerd!" Tawag ko.

Huminto si Caius at tiningnan ako. Inayos niya ang salamin. Matangkad si Caius. Hanggang dibdib niya lamang ako. Iyong pangit lang talaga sa kanya ay pananamit. Super jologs. At maliban pa roon ay makapal ang salamin at kilay. May iilang pimple patches din sa kanyang mukha 

Noong nakita niya ako ay naglakad siya ulit.

"Hey!"

Hindi niya ako pinansin. Mabilis maglakad si Caius. I tried to keep up with his pace. Bahagya akong tumakbo para mahablot ang kanyang kamay.

"What?" Irita niyang tanong nang mahawakan ko ang palapulsuan niya.

Tinanggal ko ang pagkakahawak kay Caius. Inihipan ko ang kamay na para bang nadapuan ng germs.

"Nakasagot ka ba kanina?"

Umiwas siya ng tingin. Malayo ang mata sa mga pasilyo. Walang tao rito. Kamimg dalawa lang at tahimik. Oras pa kasi ng klase ngayon.

"Oo naman."

Napangisi ako. "Tumabi ka sa akin kapag may quiz."

Nakuha ko ang atensyon ni Caius. Ang makapal niyang mga kilay ay nagsasalubong.

Ha! Lilingon ka lang sa akin kapag about academics, huh. Such a nerd, indeed.

"What for?" He asked. "Hindi ako kumokopya sa puro pa-ganda lang ang alam."

"Ha!" Singhal ko. "You think I'm pretty, Caius?"

"No. The word pa-ganda isn't even an adjective."

"You said I'm pretty!"

"I didn't!"

Natawa lamang ako. "Alam ko namang maganda ako. Maraming nagkakagusto sa akin."

Hindi ko maiwasang mapangiti. Kahit nerd si Caius, alam kong lalaki pa rin siya. I think he likes me!

Maganda naman ako, e. Pero kung crush niya ako, hindi ko 'yon kayang suklian. I don't date nerds.

Habang hawak ang pouch, inilagay ko ang isang kamay sa likod ko. I smiled sweetly. "A lot of boys want to sit beside me. Since you find me attractive, I can give you an exception."

Pinagtaasan niya ako ng kilay. He chuckled at napailing.

"Sit beside me kapag may quiz." Ulit ko.

"Hindi ako kumokopya. Hindi rin ako kokopya sa'yo."

"That's not what I mean." I crossed my arms at dinuro siya. "You will sit beside me because I will copy yours… or you can just give me your paper! Huwag mong lagyan ng pangalan because I'll be the one who'll write it. Ikaw lang sa answers!"

"Bakit ko ibibigay sa'yo ang papel ko?"

Aba! Nakakaubos naman 'to ng pasensya!

"Basta!" Sigaw ko.

Huminga siya nang malalim at matalim akong tiningnan.

"I don't care if you fail. You're not my responsibility." Aniya at iniwan ako.

That nerd was the first boy who rejected my offer! Lahat ng lalaki nagkakagusto sa akin. When I asked them what I want, binibigay nila ang gusto ko.

That was the first time na may tumanggi sa akin!

Hindi niya ba ako type? But he said I'm pretty! Caius admitted it himself. Or siguro masyado lang siyang loyal sa mga libro at papel?

Kinuha ko ang isang libro for Science at nilagay sa cart. Hindi iyon nahalata ni Emma dahil busy siyang tumingin sa Fiction Books.

"Ikaw ba Emma, tatanggihan mo ba ako kung lalaki ka?" I asked after I rant what happened earlier.

Dumiretso kami afterschool sa bookstore because Emma wants to paint pero wala siyang gamit. But we started here first sa mga libro. Aniya, she needs food for her brain— books.

Hawak-hawak ang isang libro, nilingon niya ako. "Kung gago ako s'yempre hindi. You know boys like girls with pretty faces. Someone they can call their trophy." Sagot ni Emma at muling ibinalik ang tingin sa libro.

"So, do you think Caius isn't a jerk?"

Tumango si Emma.

"He's a jerk!" Giit ko. "He said I'm pretty tapos he rejected me. Emma, mix signals 'yon, right?"

Inilagay ni Emma ang nakuhang libro sa cart. She started to push it. Sumunod ako sa kanya.

"I can't tell."

"Bakit?" I asked, trying to keep up with her.

Napadpad kami sa painting section. Nagsimulang kumuha si Emma ng mga kailangan niyang materials.

"I'm not biased. I have to hear his side, too."

I heave a sigh. Kunot noo ko siyang pinapanood. My arms are even crossed.

Kinakampihan lang ni Emma iyong nerd na iyon. Palibhasa nababaitan siya kay Caius.

"I'm your best friend, Emma. Kakampihan mo ba talaga si Caius?" I asked with frustration. "He said I'm pretty but he doesn't want to give me his paper."

Inilagay ni Emma ang tatlong small sizes ng canvas sa cart. "Imma, I know you are intelligent. Tamad ka lang mag-aral. Huwag kang dumepende sa ibang tao."

"Why not?"

"If that person leaves, ano ang mangyayari sa'yo?"

"I'll copy others' answers."

Napahilamos siya ng mukha. "Lord, bakit ganito any kaibigan ko?"

Nauubusan ng pasensya sa akin si Emma.

I know I can answer it by myself. Sa ganitong mga pagkakataon lang talaga ako hindi motivated. I know I'm smart pero I feel like hindi ko pa time para gamitin ang utak ko.

"Why don't you try to study? Matalino ka naman."

"I can't. Iba ang nasa isip ko."

"Ano ba ang nasa isip mo?"

"Mag-pogi hunt."

Nilagay niya ang hintuturo sa aking ulo at dinutdot iyon. "Puro ka landi! Nagka-zero ka tuloy! Mag-focus ka kasi, Imma! Gra-graduate tayong valedictorian at salutatorian!"

I pouted. "Emma…"

Bumuntong hininga ang kaibigan ko. "Ngayon ka pa magloloko, Imma? This is our last year together. Kung hindi mo aayusin ang pag-aaral, baka hindi ka maging salutatorian."

She has a point pero wala ako sa mood mag-aral. The thought na may new boyfriend ako makes me want to focus on that person rather than studying late at night.

"For today's lesson, we will talk about the sentence pattern: Subject + Verb + Object + Noun or Noun Phrase…"

While my teacher in English teaching us grammar, my eyes are fixed upon the board as she writes the sentence pattern. I jotted it down in my notebook.

Habang nagsasalita siya sa harap, I made my own sentence and determine each pattern.

I got it! Mabilis kong makuha kapag English because it's my favorite subject.

"Okay, let's have a quiz about this sentence pattern."

Tumingin ako sa likuran at nakita kong nakapikit si Caius.

Kinalabit siya ni Alaiza. "Caius… may quiz tayo…" Malimbing niyang boses.

Nagtaas agad ako ng kamay. "Ma'am!"

"Yes, Miss Botero?"

Tumayo ako at tinuro si Caius sa likod ko. Lumingon ako sa kanya na nagkukusot ng mata.

"Ma'am, Caius isn't interested in your subject. He fell asleep!"

Nagtaas ng kilay ang teacher ko kay Caius. Si Caius naman ay nataranta. Nahulog tuloy ang salamin niya na agad niya ring pinulot at sinuot.

Ha! Pagagalitan ka rin!

"I'll slip it this time, Mr. Vonshiksal. The next time I catch you sleeping, you'll face a consequence." She said with authority. "Understood?"

"Yes, ma'am."

That was it?

Tumingin ako sa teacher ko but she's now busy asking my classmate who's sitting in front. They are talking about something.

Bumalik ang tingin ko kay Caius. He just take a look at me at iniwasan ang tingin. Binasa niya ang nasa notebook.

Damn it. Akala ko pagagalitan siya ng husto! Nakakainis! Dati kasi may kaklase akong nakatulog at pinagalitan. Bakit si Caius hindi?

Gusto ko pa naman siyang mapahiya sa klase.

Nagsimula ang quiz namin. Easy! I think I can perfect this.

"Exchange paper with your seatmate."

Ngumisi ako. Makikipagpalitan sana sa akin si Emma ngunit lumingon ako sa likod. Si Alaiza sana ang kapalitan ni Caius pero kinuha ko iyon at ipinalit kay Caius ang akin.

"Check my paper!" Tinaasan ko ng kilay si Alaiza ng susubuksan niya sanang makipagpalit ulit.

Nakipagpalitan na lang siya sa katabi niyang babae.

I checked Caius' paper. In fairness. Maganda ang sulat kamay niya. He writes in all capital letters gamit ang makapal na ballpen's point.

Out of ten items, Caius got nine.

Nilingon ko siya at ngumisi. Sinilip ko ang papel ko sa desk niya and I saw may score. I got it perfect.

"See? I'm smarter than you!"

Ngumisi si Caius at umiling.

"P'wede kang kumopya sa akin next time kung hindi ka marunong sa grammar structure."

Binatukan ako ni Emma. "Your mouth, Imma!"

I chuckled. "I'm smarter than Caius, Emma!" Pagmamayabang ko. "Mas mataas ako!"

"Ilan ka ba? Ilan si Caius?" Si Emma.

"He's nine and I'm perfect!"

"One point lang, Imma."

"At least, I'm smarter!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status