Share

Chapter 6: Galit

Chapter 6: Galit

I am 30 minutes ahead sa time ng class namin. Hindi ko rin ine-expect na makakasabay ang best friend ko sa parking.

Busangot ako habang papunta kami sa room ni Emma. Mainit ang ulo ko dahil hindi ako maka-get over na inapakan ni Caius ang aking pride.

Damn him.

Diretso ang lakad ko at kunot ang noo samantalang si Emma ay nagmumulti-tasking. Naglalakad habang nagtitipa sa sarili niyang phone. Nakahawak ako sa kaliwang braso ni Emma para alalayan kung sakaling mabunggo man.

Gusto ko sana i-open kay Emma ang nangyari kaya lang childhood friends nga pala sila.

"Kailangan daw ng representative?" Tanong ni Emma sa kalagitnaan ng paglalakad namin.

Marami na ang mga estudyante sa paligid ng corridor. Maingay pero walang buhay ang mga silid na nadaraanan namin. Lahat ng estudyante ay nasa labas para magdaldalan at magharutan.

Huminto siya at gano'n din ako. Hindi maalis ang ngiti sa kaniyang labi habang ako ay manlisik na ang mata.

"May upcoming event daw agad sa Friday. Kailangan ng mag emcee from our section. Muse and escort daw to attract the attention of all students." Tinaas niya ang kilay niya at ipinakita ang phone sa akin.

Hinablot ko iyon at binasa. Isang text iyon mula sa adviser namin. Ang sabi roon ay kailangan ng emcee— which should be the muse and escort— at mago-organize ng event.

Binalik ko ang phone niya na busangot pa rin ang mukha.

"I can help to organize the event." I said confidently.

Nauna akong maglakad. Narinig ko pa ang tawa niya bago pantayan ang lakad ko sa aking gilid.

She's still laughing!

"Emma, not now. I'm not in the mood." I hissed at binuksan ang pinto ng silid namin.

Naroon na ang mga classmate naming maiingay. Muli akong umirap bago pumunta sa upuan ko at hindi na humamak tingnan pa sa mga kaklase kong bumati sa amin.

Nakita ng mata ko si Caius na naka-upo sa likod ng upuan ko. His eyes are fixed upon Emmarose.

Tss.

Umubob ako at naramdaman ko naman ang pag-upo ni Emma sa aking tabi na hanggang ngayon ay natatawa pa rin.

Kumukulo ang dugo ko. Umagang-umaga pa lang ay naiirita na ako.

"Caius..." Dinig kong tawa ni Emma. "You and Imma will be the emcee for the upcoming event this Friday."

Nakuyom ko ang aking kamao. Oh, God! Ano na lang ang iisipin ng ibang tao kung i-partner ako kay Caius?

Hindi mapapantayan ng pagiging jologs ni Caius ang ganda ko, 'no!

Tumingala ako at nakisawsaw sa usapan ng dalawa. Ngayon ko lang napansin na nandoon sa tabi niya sina Alaiza at nagtatawanan sa pinagkakaabalahan.

"Caius can't do that. Allen can be my partner, Emma." Pinasadahan ko ng tingin si Caius. "Right?"

As usual, with his thick glasses, naiirita ako. Lalo na sa kapal ng kilay niya. Ayaw ko sa taong hindi marunong mag-ayos ng sarili.

Pangit na nga, hindi pa marunong mag ayos.

"I can." He said, looking directly at my eyes.

Emma laughed. "Don't underestimate his ability, Imma. You don't know him well..." ani Emma.

"He's just a nerd. Anong alam ng nerd sa pagsalita sa harap?"

"Sinalo kita sa reporting natin." Sagot ni Caius.

Tumawa si Emma at ang mga babae sa row ni Caius, kasama si Alaiza.

"Shut up! Papansin ka lang, Caius. That was my spot. Kaya kong i-report 'yon kung hindi ka lang epal."

Ngumisi si Caius.

"And remember, mas mataas ako ng isang puntos sa'yo sa English quiz natin!"

"That was just a point ahead."

"At least I was ahead of you!"

"Imma, tama na 'yan." Kontrol ni Emma sa akin habang natatawa.

Tuwang-tuwa talaga si Emma kapag badtrip ako. Umirap ako sa inis at kinuha ang bag. Padabog akong umalis ng room.

Okay nang mag cutting basta makalayo lang doon. Hindi ko masisikmura na malapit sa tulad ni Caius!

Hindi ko namalayan kung ilang oras akong nasa rooftop at nasa may lilim na gawa ng isang yero mula sa tuktok ng tangke. Mainit na sa ganitong oras pero mararamdaman naman ang preskong hangin.

Bumuntong hininga ako bago tuluyang kitain sa cafeteria ang kaibigan ko. Pababa pa lamang ako ay nakasalubong ko si Caius. Hindi ko inaasahan ang pagtatagpo naming ito.

Mas matangkad siya sa akin sa ganitong posisyon. Nakatingala ako sa kaniya at nanlalaki ang mata sa gulat. Wala naman akong makitang ekspresyon sa mata niya na natatakpan ng makapal niyang salamin sa mata.

Hawak-hawak ng kanan niyang kamay ang isang makapal na libro.

Pinilit kong silipin ang title pero tinago niya iyon sa likod niya at naunang umakyat.

Napapikit ako sa inis at pumihit paakyat muli. "Caius!" Tawag ko sa kaniyang pangalan.

Narinig ko ang pagsarado ng pinto. Agad ko namang binuksan iyon at naabutan ko siyang nasa may lilim, kung saan ako naka-pwesto kanina.

"Hoy!" Hindi niya ako nilingon kaya ako na mismo ang lumapit sa kanya.

"Ano? Hindi mo ako papansinin?" Humalukipkip ako at pinagtaasan siya ng kilay.

Hindi niya ako tinitingnan pabalik. Nakatingin lamang siya sa kabuuan ng Unibersidad.

Napangiwi ako. "Kaya pala mainit ang dugo ko sa 'yo. Bastos ka talagang kausap."

Doon ko nakuha ang kaniyang atensyon. Lukot ang kaniyang mukha na mas lalong nakapagpairita sa akin.

"Ano'ng kailangan mo?" He said.

"Ikaw, Caius! Nakakainis ka na! Ilang beses na akong naba-badtrip sa'yo at ayaw kitang ka-partner sa upcoming event at gusto ko namang lumipat ka ng school! Kung ayaw mong lumipat ng school, p'wede naman ng section..." Lumapit pa ako nang kaonti sa kaniya para ibulong ang nais ko pang iparating.

"... kasi hindi bagay ang tulad mo sa section namin." Lumayo ako nang may ngisi sa labi.

Mas lalong kumunot ang noo niya, 'di kalauna'y tumingin ulit siya sa kawalan.

Napasigaw ako sa irita. "Ano ba? Hindi ka ba makakausap nang matino? Ha?"

Napapapadyak ako sa inis dahil hindi man lang ako kinikibo ni Caius.

Sumigaw ako sa inis at pumihit na patalikod. "Bahala ka sa buhay mo! Pag-isipan mo 'yong sagot dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!" I said before leaving him.

With my heart having wrath, I can't concentrate while having a lunch with Emma. Busy siya sa phone kaya hindi niya na siguro pansin ang pagka-badtrip ko habang kasama ko siya.

"Babae, bakit delivered lang messages ko sa'yo? Nag-message ako kagabi. Noong nakaraang na-ospital si Ina hindi ka nag-message. Anong rason mo ngayon bakit hindi mo pinapansin message ko?" Tanong ng kaibigan ko kahit hindi ako pinapasadahan ng tingin.

Sumimsim ako ng buko juice.

"Busy ako."

She fixed her eyes upon me at ngumisi. "May nakalandian ka?"

I smiled and nodded slowly. "Ospital. Mavie. Busy akong i-stalk after ghosting him."

"Pogi? Aba, s'yempre!"

"You know me well. Walang space ang mga pangit sa buhay ko."

"Ewan ko sa 'yo, Imma. Puro ka g'wapo. Wala kang mapapala sa mga may itsura na lalaki. Sasaktan ka lang nila." Ramdam ko ang bitterness sa tono ng kaniyang boses.

Hilaw akong napangisi. "Bakit, Emma? Wala ka bang napala sa may itsurang lalaki? Nasaktan ka na ba?"

Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay nauna na siyang tumayo at maglakad palayo.

Napangisi ako sa inakto niya.

Ayaw talagang magk'wento. Kung ayaw niya namang ik'wento sa akin ay maiintindihan ko. Irerespeto ko ang desisyon niya pero sana h'wag niya akong iwasan nang ganoon na lang.

Pinaikot ko ang ballpen sa daliri ko habang nagtuturo ang guro namin. Medyo nakahinga ako nang maluwag dahil boy-girl ang ayos ng pagkakaupo namin.

"Bago tayo magkahiwalay lahat, ia-announce ko lamang na may program ang Filipino. Inaasahan ng subject teacher ninyo na makikilahok kayo..." Lintaya ng adviser sa aming lahat.

"Imma, and Caius maiwan muna kayo." Napaawang ang labi ko sa sinabing iyon ng aming guro. "And class dismiss." Dugtong ni Ma'am.

Narinig ko ang asaran ng mga kaklase ko at nangunguna na roon si Emma.

What the hell?

Pati si Allen gumagatong na rin. Damn it.

Lumapit ako sa desk ni Mrs. Dela Cruz noong kaming tatlo na lamang ang naiwan. Katabi ko si Caius habang pinapanood sa harap namin si Mrs. Dela Cruz na inaayos ang desk.

"Ito iyong pagkakasunod ng programa..." Inabutan kami ni Mrs. Dela Cruz ng tig-isang copy. "Sinabi sa akin ni Ms. Cuizon na kailangan maaga kayo. At kung p'wede ay i-practice n'yo nang sabay para kapag nakasalang ay maganda ang daloy ng programa."

Hindi ako kumibo. Sabay pa talagang i-practice! E, ngayon pa lang ay mas pipiliin kong umuwi kaysa makasama si Caius!

"Sana magtulungan kayong dalawa, ha?"

Hilaw akong ngumiti. "Opo ma'am."

Ang plastik ko naman.

Tiningnan ko sa gilid ng aking mata si Caius. Batid ko ang pagtingin niya sa aming guro nang walang ekspresyon sa mukha.

"Sige, p'wede na kayong umuwi."

Ngumiti ako at mabilis na umalis sa silid.

Hindi ko talaga kayang maiwan kasama ang Caius na iyon. Tapos ano 'yon? I-practice nang sabay? No way!

Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Limang lalaki na naging boyfriend ko na ang pilit nag-entertain sa akin.

"Ano 'yong sinabi sa inyo ni Ma'am kahapon?"

"Oo nga! Bakit kayo pinaiwan?"

Napailing na lamang ako. Hay, ang sarap makipag-flirt sa mga lalaking maliit ang utak.

"About sa program, ayon lang." natatawa kong sagot.

"Weh?"

Gusto kong umirap sa naging reaksyon nila pero pinigilan kong hindi masira ang sariling composure.

Kung hindi makapaniwala akala mo naman jowa pa ako.

"Kung ayaw n'yong maniwala, di 'wag. Hindi ko naman kayo pipiliting maniwala." tugon ko sa mahinahong boses pero sa totoo lang triggered ako.

"Joke lang, Imma! Alam mo namang binabakuran ka namin kay Caius!"

"Oo nga! Baka naman kasi kunin ka sa amin ng pangit na 'yon!"

Natawa ako sa sinabi ni Hei, mapanlait din.

"Hindi naman ako papatol sa nerd." Natatawa kong pahayag.

Nakuha ko pang i-describe ang itsura at pananamit ni Caius. Tumatawa naman sila dahil ginagatungan ni Hei ang panlalait ko.

"Immanuel..."

We stopped laughing when I heard a familiar voice. Nanggaling iyon mula sa aking likod. Ang tingin naman ng mga kasama kong lalaki ay dumapo sa likuran ko at masama nila iyong binitawan ng tingin.

Humarap ako sa kaniya nang may ngiti and there, I saw his nerdy face again. Walang pinagbago sa description ko sa kaniya.

"Caius! Ikaw pala!" Pakikipagplastik ko. "What do you need? May problema ba?" I tried to sound nice.

Binigyan niya lamang ako nang isang masamang tingin. Anong kinagagalit nito? Dapat na ba ako matakot sa apat niyang mata? As if!

"I lost my copy for the upcoming program. I'm here to ask if I could have yours. Ipapa-photocopy ko lang at ibabalik ko rin."

Ngumiwi ako dahil sa naisip kong kalokohan. Nerd talaga. Pangatawanan ba naman ang tanyag sa kaniya!

"Ah, sure!" Ngiti ko. "Sa isang kondisyon."

Napansin ko naman ang pagkuyom ng kaniyang kamao.

Sabi ko sa'yo, may araw ka rin sa akin. At ngayong araw iyon.

"That's why I love you, Imma!" Natatawang pahayag ni Hei sa likod ko. Pumangalawa ang tawa ng apat niya pang kasama.

Ha! Naiinis ang nerd! Sige nga, magpakalalaki ka ngayon sa harap namin!

"What's your condition?" Naiinis na tanong ni Caius.

"Why should I lend you my own copy?"

"It's because—"

"Write your valid reasons on a one yellow sheet of pad paper. Minimum of fifty sentences, maximum of sixty. Back to back. Give it to me exactly at twelve in the afternoon."

His brows knitted. "Are you—"

"Nakalimutan ko pang idagdag, wala dapat akong makikitang space sa papel na ibibigay mo sa akin. Gusto kong i-occupy mo pati space sa taas at baba."

Naghari ang ligaya sa dibdib ko.

Damn, bullying him takes away my boredom. I guess I have a new hobby aside from playing with the feelings of boys.

Afternoon, napag-isipan kong tumambay ulit sa rooftop. Hawak ko ang plastik na buko juice at sinimsim ang straw nito habang nakatingin ako sa school ground.

Maraming estudyante ang pakalat-kalat. Lahat may kani-kanilang diresksyon na pupuntahan. May ibagn naglalaro sa ilalim ng siliong ng building, ang iba naman ay nakatambay.

Bumukas ang pinto ng rooftop. Agad akong lumingon. Iniluwal nito ang isang estudyanteng tabon. Lumapit ako kay Caius na mariin akong tinititigan. Para namang masinsinan akong kinausap ng kaniyang mata sa titig lang.

He showed me the yellow pad. Mahigpit niyang hinawakan iyon kaya kahit humangin ay hindi nilipad. Tumama ang sinag ng araw sa kalahati niyang mukha. Because of his eye glasses, napapikit ako nang masilaw.

I tried to look straight at his eyes and luckily saw the hue of brown.

Hinugot ko mula sa aking bulsa ang phone para i-check kung anong oras na.

It's twelve fourteen in the afternoon.

Ngumiwi ako. "Fourteen minutes late."

Softly and slowly, his face crumpled. I heard him cursing in a low tune of his baritone voice.

"Pambihira!"

Nagulat ako nang bilugin niya ang yellow pad na pinaghirapan niya at ibinato sa kung saan.

"Fourteen minutes lang late ko! I was writing my reasons the whole time while I was listening to our teachers! Tapos ikaw nga hinanap ko pa, inikot ko buong campus, makikita lang kita rito na parang walang naghahanap sa'yo!"

Na-trigger na ba siya? Ganito pala magalit ang isang nerd.

"Bakit ka pumapalag? H'wag kang papalag sa akin! Late ka, late ka! Hindi ko ibibigay ang kopya ko! Ang usapan, usapan talaga! It's not—"

Before I could finish my sermon, he turned his back to me at umalis. Pabagsak niya pang isinara ang metal door na sanhi ng ingay.

I hissed. At least may copy ako ng program. Bahala siya. Kung magkakalat siya sa Friday, ako ang sasalo sa kanya. Ako ang magiging highlight ng program.

Napangisi ako sa naisip.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status