Share

Chapter 8: Umbrella

Chapter 8: Umbrella

I was taught that people are kind either when you have everything or when they need something from you.

But kindness should not be driven by external forces; it should occur naturally when you choose to help and be kind to others.

I doubted Cauis' kindness when he helped me go to the parking lot and wait for my driver to come. He was just there helping me because I am his crush's friend. If I am not, Caius would've probably closed his eyes and walked away.

Tumayo ako sa kinauupuan ko para kunin ang bag.

Nahagip ng mata ko si Caius na nakatingin kay Emma at nagsusulat pa rin ng notes. Sa tabi ni Caius ang ibang transferee na nagtatawanan habang nagliligpit ng gamit.

Gusto ko mang mainis kay Caius ay hindi ko naman magawa. Just the thought that he helped even with that kind of reason shuts me up. He somehow saved me from being stuck in the room.

Umirap ako habang tinatanggal ang pink hoodie ko. Pagkatanggal ko ay bahagyang umangat ang maiksi kong palda. I immiediately ironed it using my hand.

“Emmarose, kasama mamaya si Allen sa library, ‘di ba?”

Kumunot ang noo ko sa tanong ni Alaiza kay Emmarose. Nilingon siya ni Emma at ngumiti sa kaklase namin.

“Oo. After 30 minutes saka tayo magsimula. Sa ngayon, magpahinga muna kayo and then diretso sa library, ha?”

Tumayo si Emma dala-dala ang mga gamit at sukbit naman ang bag. Hinarangan ko ang best friend ko.

“Bakit?”

Nilingon ko si Allen na kalalabas lang ng room. “Anong mayroon? Bakit kasama si Allen?”

“May group study akong in-announce sa GC. Hindi mo ba nabasa?”

Hilaw akong ngumisi. Busy ako makipag-usap lately sa mga nakaka-chat kong lalaki at wala akong time magtingin ng mga message sa group chats na naka-join ako.

"Mabuti pa at sumama ka mamaya, lalo na dahil marami kang lesson na na-miss.”

Tumango ako.

Mabuti pa ngang sumama ako sa kanila sa library para maka-catch up ako. May iilang topic akong hindi makuha dahil hindi ko nasundan ang mga naunang lesson.

"Emma, these are the white boards and markers you asked."

Kumunot ang noo ko habang nakapikit at nakapangalumbaba sa mesa. Boses pa lang niya naiirita na ako.

Hindi ko alam na kasama itong pangit. Kung alam ko lang, e di sana kahit kasama si Allen, nag-ditch na ako sa group study session.

"Sige, ilagay mo na muna riyan."

Tumunog ang mga upuan at gamit sa mesa. Binuksan ko ang mata at nahagip ng tingin ko si Caius na dini-distribute ang mga whiteboard at marker.

"What's with those things?"

"Oh, that…" Si Emma. "For effective and active learning, I decided to have these stuff para makita ko kung sino ang nale-left behind sa certain topic."

Nilagay ni Caius ang para sa akin at sumunod naman kay Emma.

Umiwas ako nang tingin kay Caius nang magtama ang mga mata namin. Pagkatapos ay umupo siya sa tapat na upuan ko.

Kung hindi lang talaga akong tinulungan ni Caius, siguro may karapatan akong bully-hin siya ulit.

Hindi nagtagal ay dumating na rin ang iba naming kaklase. Hindi ko masyadong kilala ang iba dahil wala akong panahon kilalanin ang mga kaklase kong babae.

Aside from Emma and Caius, narito si Allen, Hei, Jommar, Alexis, Marcus, at Shan.

Sa gitna ng lamesa ay si Emma na nagfa-facilitate sa amin. Ako naman ay sa kanang bahagi niya, katabi sila Allen. Sa tapat ko ay si Caius na katabi si Alaiza at iba pa niyang mga kaibigang babae.

"Simplify this…" Pinakita ni Emma ang mga numero at letra na nakasulat sa whiteboard.

Nanliit ang aking mata.

Ano 'yan? Anong simplify? Paano?

Geez! Ganito pala kapag parating absent. Parang alien sa paningin ko ang mga numero at letra.

2x + 3y - 4x + 5y

I bit my lips and started to write what I could remember.

I raised my hand.

"I'm done!"

Emma confidently nods. "Okay, what's your answer?"

Ibinaba ko ang ang isang kamay at itinaas naman ito ulit habang hawak ang whiteboard.

"6x+8y." I answered.

Caius chuckled.

Agad na sumama ang timpla ng mukha ko. "Anong nakakatawa, Caius?"

His giggles are like a mock towards me.

Umiinit na naman ang dugo ko sa kaniya. Inuumpisahan na naman ako ng Jologs na ito. Nawawala sa utak kong maging mabait after he showed me his kindness.

Hindi niya ako pinansin. Itinaas niya ang kaniyang sagot.

"It should be -2x+8y."

Nagpalakpakan ang iba kong kaklase. Si Allen na katabi ko ay bumulong sa akin.

"Paano?"

I hissed at umirap. "I don't know."

Emma gave another expression. Ako ulit ang nauna.

"4x+4y."

"Wrong." Kontra ni Caius. "It should be -2x-2y."

"Ang galing mo naman, Caius!" Ani Alaiza. She smiled sweetly at Caius at bahagyang dumantay sa kaniyang balikat.

"Paano mo nakuha?" Tanong pa ng isang babaeng katabi ni Alaiza.

Caius immediately assisted them. The girls nodded while Jologs was explaining. Ang ibang mga lalaki ay sinusubukang makinig pero nauuwi sa harutan dahil nagtutulukan silang makita ang papel.

Umirap ako.

"Nakakainis…" I whispered.

Absent lang ako ng ilang araw. Kung hindi ako absent paniguradong puro tama ang sagot ko!

May mga sumunod pang binigay si Emma. Hindi na ako nakipag-cooperate dahil bida-bida si Caius. Tuwing mali ako, lagi siyang sumasabat.

Si Emma naman palihim akong nginingisian. Natutuwa na namang naiinis ako.

Itinuon ko na lang ang atensyon kay Allen na hindi rin makasunod. Parehas na lang kaming nag-picture habang nag-aaral sila.

The next day, I was informed that there will be a group study again.

"Sasama ka?" Tanong ko kay Allen.

"Oo. Makikinig na ako this time." Halakhak niya.

Natawa rin ako. "Ako rin! Makikinig na ako. Lalo na't may quiz tayo bukas yata, 'no?"

"Hindi ko nga sure kung kailan. Pero baka surprise quiz."

Sabay sana kaming pupunta ni Allen sa library pero hinarang kami nila Hei.

"Uy, pre! Tawag tayo ni Sir!"

"Gago! Yari ka, Allen!"

"Huh? Bakit?"

Ginulo nila si Allen kaya bahagya kaming napahiwalay dalawa. Agad na tumingin sa akin si Allen nang mapansing napaalis ako ng tatlo niyang kaibigan.

"Uy! Imma, sandali lang, ah? May announcement yata sa TLE namin."

Tumango ako at humiwalay na rin sa kanila. Si Emma hindi ko kasama dahil kinausap oa siya ng last subject teacher namin.

Nauna ako sa library at naupo sa pwesto namin kahapon. Walang tao rito. Ako lang. Tahimik ang paligid at tanging buga lamang ng aircon ang maririnig.

Dumating si Caius dala ang mga gagamitin naming whiteboard at marker. Napansin ko ring may isang librong nakapatong sa pinaka-unang gamit.

Umupo siya sa tapat ko at pinaghiwalay ang mga whiteboard and markers.

I rolled my eyes nang makita ang makapal at kalat-kalat niyang kilay. Naiinis ako sa pagmumukha niya.

His help was just a facade. Ang tunay na Caius ay pangit— in and out!

Humalukipkip ako.

"Caius." Tawag ko sa kaniyang pangalan.

"Yeah?" Tugon niya habang nag-aayos.

"'Wag kang bida-bida mamaya, ah."

Napahinto siya at tumingin sa akin.

"What do you mean?"

"Huwag kang sasagot kapag mali ang sagot ko. Pinapahiya mo kasi ako, e."

"I'm just giving my answers. If you're concerned about your self-image, you should at least help yourself improve by asking someone who knows better than you."

"I'm not concerned about my self-image. You're just…" Napahinto ako. Hindi ko kasi alam kung paano dedepensahan ang sarili.

"Y-you're just epal!"

Ngumisi si Caius at tumayo. Isa-isa niyang inilagay ang mga gamit sa bawat bakanteng upuan.

"I'm epal, huh?"

"Oo. Isa kang malaking peste sa buhay ko ever since na nag-transfer ka rito."

Pumangalumbaba ako sa mesa at pinanood siya.

He's tall and white. Kung maitim siya baka mas malaki ang pagkainis ko kay Caius.

"Alam mo, minsan hindi kita matantya. There were times that you were there for me. May mga pagkakataon na para kang gago kausap at umakto."

Hindi nagsalita si Jologs.

"Saka, ano ba 'yan? Bakit mo ba pinagtitiisan 'yang uniform mo? Ang pangit-pangit. Para ka lang McDonald sa sapatos mo."

"It's comfortable."

Nanlaki ang mga mata ko. "What?"

Pagak akong natawa. How comfortable was it to wear those rag clothes? Kung ako ang pagsusuotin ng ganiyan— no, ayaw ko.

Hindi ako magsusuot ng damit na maluwang at pinaglumaan na ng panahon. If I have to deprive myself of eating just to buy decent clothes, I would deprive myself of death!

"What's funny?"

Pinunasan ko ang luha sa saya. "You think that's comfortable?"

"Yeah. Just like how you feel with your fitted uniform, short skirts, and hoodie…"

I nodded. "But at least mine is new. Hindi tulad iyo na naninilaw na."

Inilagay ni Caius ang gamit para sa akin bago umupo sa tapat kong upuan.

Kaonti lamang ang espasyo sa aming dalawa kaya amoy na amoy ko siya. Despite his rag look, Caius smells nice.

“Your words burn like fire, as if shot from a bow's arrow. You really enjoy seeing me hurt, huh?”

I nod. “I hate you. Everything, Caius. I hate everything about you. Kahit hininga mo kinaiinisan ko.”

Caius shrugs off his shoulders. “Go and hate me. You’re the one who’ll get tired of your feelings, and I’m not.”

Tumayo siya. I watched Caius as he sat in front of the empty monoblock.

Nagsimula niyang buklatin ang makapal na libro.

“Hindi ako mapapagod sa nararamdaman ko sa’yo Caius. Kahit sa huling hininga ko, magtatanim at magtatanim pa rin ako ng galit sa’yo.”

“Bakit?”

“Anong bakit?” Naiinis kong tanong. “Red flag ka sa akin! You called me stupid, iniwan mo ako sa ere… sometimes naiinis ako sa mga sinasabi mo. Pero madalas naiinis ako sa buong pagkatao mo, Caius. Your existence grows hatred in me.”

Tumango siya at tuluyan ng nagbasa ng libro.

“But if you’re handsome, I’ll probably have you as one of my boyfriends? Flings?” HIndi ko siguradong saad.

Hindi kumibo si Caius.

Damn it. Heto na naman si Caius. Mukha na naman akong tanga dahil hindi niya ako pinapansin.

Umubob ako sa mesa dahil hindi na ako pinapansin ni Caius.

Nakatulog akong nagbabasa si Jologs but when I wake up, nagulat ako dahil naka-ubob din ang mukha niya. Our faces are lying on opposite sides of the desk. Naamoy ko ang panlalaki niyang amoy mula sa malinis niyang mga buhok.

Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha.

Pimple patches, huh?

I wonder what he looks like kapag walang pimple patches at nag-ahit. I also want to see him in fashionable clothes.

Pero sa lagay niyang ‘yan, paniguradong wala siyang pambili ng bagong damit. I don’t know much about him. Siguro scholar lang ito sa school namin. Hindi katulad ng karamihan dito na kayang bumili ng sariling damit and carry out.

Umunat ako bago naisipang iwan si Caius mag-isa.

I slowly leave my monoblock. As I was about to put it back, tumunog ito.

Caius immediately raise his head at nahanap niya ang mga mata ko.

“What time is it already?” Tanong niya after he yawned.

“Mukha ba akong relo?” Pagtataray ko.

“I don’t have a watch here.”

“You’re holding your phone, Immanuel.”

Umirap ako at tiningnan ang orasan sa smart phone. “It’s quarter past four.”

“I guess the group study was canceled.”

Nagsimulang mag-ayos ni Caius ng gamit. I just watched him get those things and left it to the librarian before leaving the library.

Nauna akong magakad kay Caius. Tahimik ang pasilyo at tanging pagbagsak lamang ng ambon ang maririnig.

Habang naglalakad, pinagmamasdan ko ang pagbagsak ng ulan sa grounds. Malakas din ang ihip ng hangin at bahagya akong nababasa ng ambon.

"May payong ka ba?" Tanong ko nang hindi siya nililingon.

"Wala."

"Ang malas ko naman. Umaambon na nga, kasama ko pa 'tong pangit." Bulong ko.

Huminto ako sa dulo ng hallway kung saan kami daraan para bumalik sa kabilang building, kung nasaan ang locker room namin.

Sa tabi ko ay dalawang pader na nagsisilbing suporta sa gusali. Sa gilid naman ay cemented pot boxes attached on the building's walls.

Sa sobrang lakas ng ulan halos wala na akong makita sa grounds.

Nagulat ako nang huminto sa harap ko si Caius. He removed his big sized uniform.

My jaw dropped when I saw that Caius' body is not the big-fat body. It's actually a bit masculine. Hindi katabaan at hindi rin payatot. May suot siyang puting sando, which is very fit for his body.

"Saan ka pupunta?"

Nilingon niya ako. "Next building."

Isinukbit niya sa ulo ang malaking uniporme.

"Teka!"

Nilingon ulit ako ni Caius. "Bakit?"

"Hindi mo ba ako isasama?"

"Bakit?"

"Anong bakit? Iiwan mo ako rito?" Kunot noo kong tanong. "Caius, hindi ako p'wedeng magpaulan. Mabilis akong dapuan ng sakit."

He hissed. Tumalikod siya at nagsimulang tumakbo papunta sa kabilang building.

"Caius!" Sigaw ko sa inis.

Damn that nerd. Iniwan talaga ako!

Hindi ko maintindihan si Caius. Minsan nagpapakita ng kabaitan, madalas… bastos!

Parehas sila ni Emma. Hindi ko makuha ang mood parati.

I extended my hand. Damang-dama ko ang maliliit na patak ng tubig sa aking palad.

Kaya ko namang tawirin papuntang building. Ang problema nga lang ay sakitin ako.

Kinagat ko ang pang-ilalim na labi.

Bahala na kung magkasakit. Ayaw kong abutan ng dilim dito tapos mag-isa pa ako.

Sinuong ko ang ambon habang tinatakpan ng palad ko ang ulo. I was able to go into the locker room.

Kinuha ko ang extra kong damit at nagpalit na rin agad ng PE uniform ko. Pagkatapos ay lumabas na rin ako kaagad dala-dala ang iba kong importanteng gamit.

The tiles of the corridor produce more coldness due to the weather and the whisper of the wind.

Napayakap ako sa sarili nang maramdaman ang lamig.

"Sana hindi talaga ako sakitin nito!" Sambit ko.

My eyes fixed upon the boy's locker room when its door opened. Iniluwal nito si Caius na nakatalikod sa akin. Basa ang kaniyang buhok at white sando. Sa kabilang balikat niya nakasukbit ang malaking uniporme.

I gulped when I noticed his white complexion, which harmonized well with his broad, masculine shoulders.

He began walking in the same direction I had been earlier, holding an umbrella.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status