Share

Chapter 19: Issues

Chapter 19: Issues

"Next time na lang, Imma, ha?"

Tumango ako kay Anjelika after she removed her arms from hugging me.

Noong nilabhan ni Caius ang damit ko at pinatuyo, busy naman si Kairus kaya kaming dalawa lang ni Anjelika ang nagka-usap sa hapag.

I actually enjoyed the time I spent with her. She's gregarious at hindi kami naubusan ng pag-uusapan. Well, it was all about me lang naman and a bit of Caius' life.

"I'll probably visit here again. Sana nandito kayo para makapasok ako ng bahay."

Lumingon si Anjelika sa loob. Narito kami ngayon sa labas ng gate nila. I followed her vision line and saw the two brothers at the lawn while talking seriously.

"Pinagsasabihan niya si Caius. He doesn't behave that way, e. Ngayon lang siya nagmamatigas. He's kind, though."

"Sa akin hindi siya kind."

She laughed. "Naku! Feeling ko type ka niyan at denial lang siya. Ganiyan din kuya niya sa akin noon. Kunyari suplado pero type pala ako."

Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi ni Anjelika. May chance pa rin ako kay Caius at panghahawakan ko iyon.

"Sa ganda at sexy kong ito, paniguradong gusto ako ni Caius." Tawa ko.

A big smile was plastered on my face habang nasa kotse. Caius was looking at the road while my eyes were fixed upon his handsome side view profile.

Hindi niya ako kinakausap habang nagdra-drive siya at ayos lang sa akin na hindi niya ako pinapansin. Itong pinagdra-drive niya ako pauwi ay kinababaliwan ko na. Para akong mababaliw sa thought na boyfriend ko siya.

Ibinaba ako ni Caius sa tapat ng gate namin. I hold his big and warm hand. "Sa Monday, ah?" Ngiti ko.

Nagkasalubong ang kaniyang mga kilay. "Anong sa Monday?"

Pinisil-pisil ko ang palad ni Caius. Hindi siya umimiik sa mga kamay naming magkasalikop. His palm is soft as cotton.

"See you!"

Pumikit siya nang nariin at umiling. "I don't wanna see you."

"Sinasabi mo lang 'yan pero alam kong gusto mo rin naman akong makita."

"I don't want to see a narcissistic face."

Pinisil ko ang kaniyang kamay pagkatapos ko siyang irapan. "Bakit ba ang mean mo? I'm not a narcissist!"

He hissed at binawi ang malambot na kamiya sa akin. Caius turned his back to me.

"Teka lang!" Hinawakan ko siya sa braso.

Inis niya naman akong nilingon at tinanggal ang pagkakahawak ko. "Ano na naman?"

"Ipapakilala kita sa grandparents ko." I said. "Wala ang parents ko ngayon, so kila Ina na lang muna."

"They already know who I am."

"Ipapakilala kita bilang—"

"Tutee again?"

I chuckled. "No, not as a tutee. As a future boyfriend na, Caius."

Kaagad kong nakitaan ng protesta ang kaniyang mukha. "Fuck, no way!"

Hinawakan ko siya sa braso. "Tara na! Ipakilala na kita, Caius!"

Hinatak ko siya at sinubukang buksan ang seradura ng pinto, but Caius firmly stand. Ako ang nahatak sa pinaggagagawa ko.

"Ayaw ko, Imma!"

"Come on, Caius. Mabait sila." I said habang pilit ko siyang tinutulak.

"Ikaw lang ang hindi."

I rolled my eyes. "Mabait din naman ako."

He hissed. "Uuwi na ako. Tapos na kitang ihatid."

"No, please… Caius!"

Anjelika said Caius is kind, but he's not. Nahirapan akong papasukin si Caius sa bahay.

But whatever! Hinatid niya ako rito. It's something I wish to happen.

Monday morning, I was late to school. I decided to attend the last three hours of my classes, in which the one hour is allotted for our vacant time.

I’m holding my phone after my driver dropped me off to school. Naglalakad ako patungo sa classroom. I even sent Caius a message if we have some activities pero sineen niya lang ako.

“Pakipot naman nito.” I murmured as I hold the doorknob of the room I usually spent time in.

Pagbukas ko ay napansin ko kaagad na bukas ang aircon dahil dumampi ang lamig nito sa aking balat.

Napaangat ako ng tingin ng mapansing hindi lang ako ang tao rito. Nakita kong nakatayo si Caius sa dulo ng classroom kung saan konektado ang dating ESP Department.

He's looking at the closed door intently. I smiled wider with the thought of him coming in this room for me.

“I knew it, Caius!”

Tumakbo ko ang distansya namin at niyakap ang kaniyang likod.

“Sabi ko na gusto mo ako kaya ka pumupunta rito, e.” I giggled.

Tahimik si Caius at hindi niya rin tinanggal ang pagkakayakap ko sa kaniyang likod. He smells so damn nice!

“What did you do?” May bahid ng diin ang bawat salita.

I slowly removed my arms. Caius faced me with his knitted brows. Bahagya akong napaatras dahil sa hindi inaasahang emosyon ni Caius.

I thought he was here because he missed me.

“H-huh?” I felt my heart beating fast. “A-anong… sinasabi mo?”

First time kong maramdaman ang ganitong kaba kay Caius. I normally like it whenever he's mad or teasing me.

“Stop acting innocent, Immanuel!” He snapped.

“Ano ba ‘yon? Wala naman akong ginagawa! Bakit ka ba galit, ha?”

He grabbed a chair and sit there. Nakapatong ang kanang siko niya sa arm chair habang ang daliri ay hinihilot ang kaniyang sentido.

I started to think about what I did about him. Wala naman akong naalala na may ginawa ako para ikagalit niya.

Nanatilinlamang akong nakatayo sa kaniyang tabi habang pinagmamasdan siya. "Were you mad with the thought that I am entertaining someone?" Tanong ko. "Caius, I already stopped entertaining those boys. Wala kang dapat—"

Natigil ako sa pagsasalita nang mangibabaw ang kaniyang boses sa aming dalawa. “My life was quiet when our paths didn’t cross before. I tried to build up walls against everyone because I want peace. But what are you doing, Immnuel?" He looked at me with disgust. "Why do you keep on destroying the walls I built?”

“I don't know what you’re talking about, Caius.”

“You always get everyone’s attention and you drag me along with your name. Kahit saan ako pumunta, I was labeled as the nerd-that-bullied-by-Immanuel. Fuck, it. I just want a peaceful life, now I am all wrecked.”

Umupo ako sa katabi niyang upuan at pumangalumbaba.

“I’m glad to unmask your handsome face, Caius. Saka, you don’t have to hide it to everyone. Hayaan mong makita ng mga tao kung sino ka.”

“No, you don’t get it.” Kinuha niya ang phone sa bulsa at tinatapat sa aking mukha ang laman nito. “This is the reason why I have to be that nerd and jologs.”

Kinuha ko ang kaniyang phone at binasa ang laman.

Maple University Secret Files

I saw a student of MU with her boyfriend enter a motel a few months ago. The girl is crazy over heels with the boy pero ayaw yatang panindigan ni guy. Haha! Her name is all over the University because she’s famous. :>

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa at tiningnan si Caius. “Ano namang kinalaman ko rito, ha?”

“Have you read the comments?” I shook my head. “Then, read it.”

I scrolled the screen and read the comments I shouldn’t have done.

I think it’s the I and C initials. HAHAHA! She’s famous pa naman sa kahit anong year level.

Naku po! Ganda pa naman niyan ni Imma. May video ba?

I gulped as I saw a lot of coments from girls and boys asking for a video. Kinagat ko ang aking labi. I feel disgusted sa mga nababasa ko, especially to all the girls who are asking for the video. Mga babae pa naman but they are like that?

Inis kong binalik kay Caius ang kaniyang phone. Ibinagsak ko ang aking likod sa back rest at humalukipkip.

“Ganiyan ba talaga tingin mo sa akin? Do you think I’m that kind of girl?” Irita kong tanong. “I’m malinis, Caius. Virgin pa ako!”

“No, Immanuel. That’s not what I’m talking about.” I could sense his heavy breaths. “I don’t care if you’re a virgin or not. What concerns me is the person behind the post. You probably used a dummy account and post an issue, so people will talk about us.”

Napasinghap ako sa kaniyang akusasyon. “Caius, gusto kita, but I’m not petty enough to do that!”

“Do you think I’ll believe in you?”

“E di don’t! Just keep whatever you think about me because I don’t care, Caius. Malinis ang konsensya ko na wala akong kinalaman d’yan!”

Tumayo ako bago umalis ay nilingon ko siya. “Gusto kita. I want you in my life, but I’m not petty.”

I heard Caius call my name but I never looked back. My heart is in pain after hearing those words from him. Alam ko namang wala siyang tiwala at hindi ko mababago ang kung ano ang tingin niya sa akin, but it actually hurts.

It hurts so much. Pero ano namang magagawa ko? Iyon na, e. Ang tanging magagawa ko na lang siguro ang maghintay na tingnan niya rin ako pabalik.

Kahit na alam kong imposible.

Diretso ang lakad ko paakyat sa rooftop habang nagbabasa ng comment sa Secret Files ng Maple University. Aside from asking the video, may nakita akong isang komento kasama ang isang larawang blurry.

Binuksan ko ang pinto ng rooftop at pumasok. The weather is neither sunny nor gloomy. Malakas lamang ang hangin na sumalubong sa akin. Sumandal ako sa gilid ng pinto habang naniningkit ang mga mata.

I’m trying to determine the blurry the picture as the commentator included that the girl behind the pic is the one with scandal. It’d indeed a girl with blue shirt and I think short.

Pinilit ko pang pasingkitin ang mga mata.

“Hindi naman ako ito!” I exclaimed.

Pinaningkitan ko ulit ang mga mata. Just I thought it wasn’t me, the background in the picture started to sink in.

It’s a familiar house interior I used to stay in before. Kumalabog ang aking puso nang may mapagtanto.

Mabilis ang aking takbo, hinahanap ang taong iniiwasan ko. Marami akong estudyanteng nababangga and a lot of them are looking at me while I run fast at the corridor.

“Excuse me!” Sigaw ko tuwing may mga nakaharang na estudyante.

Hinihingal kong hinawakan ang seradura ng pinto. I slowly entered the SSG room habang sapu-sapo ang aking dibdib as I tried to catch my breath from running fast.

Bumungad ang maraming tao sa SSG room. Lumipad ang aking mga mata sa bawat na narito sa room. Their faces are not familiar but I know most of them are from section two and three.

Three teacher's tables are used to connect them. May mga papel silang hawak at binabasa.

Nahagip ng mata ko si Emma na nabitawan ang papel na hawak habang naka-upo sa dulo ng lamesa.

“Emma!” Sigaw ko at nilapitan siya.

I gulped as I noticed the changes of her body. Nagkaroon ng laman ang dati niyang mga brasong payat. Her cheeks now are chubby like a bunny. Naging bilugan ang kaniyang mukha.

“Imma, bawal kang pumasok dito. May meeting kaming SSG ngayon. P’wede mo namang kausapin si Emma mamaya.” She said without looking at me.

Batid ko naman ang ilang pares na mga matang titig na titig sa aming dalawa.

“Oo nga, Imma. Medyo nakakaabala kasi.”

Ipinagsawalang bahala ko ang mga narinig. I still stayed in the room. Ibinaba ko ang phone sa mesa ni Emma and she looked at it for awhile at napahinto sa hawak na papel.

“Is that you?” Halos papiyok kong tanong.

Hindi siya umimik. Nanatiling nakayuko ang mga ulo habang nakatingin sa aking phone na nasa mesa niya.

Ang ibang SSG member ay hindi maiwasang tumayo para silipin kung ano ang aking ipinakita. 

“Gagi! Sino ba talaga ang may issue?”

“Hindi ba si Imma?”

“Parang si Emma yata?”

Nangingilid ang aking mga luha nang mapansing nanginginig ang mga kamay ni Emmarose na nakahawak sa mga papel.

I knew it. It wasn’t me but her.

“Are you the blind item posted in our Secret File page?” Halos bulong kong tanong.

Tumayo si Emma habang nakayuko ang ulo. “Hindi ako ‘yan, Immanunel.” I felt the coldness in her tone.

“But the—”

“I said it wasnt me!” Nagitla ako sa kaniyang sigaw.

Emma looked me in the eyes. Napansin kong namumula iyon at bahagyang nangingilid ang mga luha. “Huwag mong ipasa sa akin ang dumi mo, Immanuel.”

“Emmarose, wala akong issue. I know myself well. Wala rin akong boyfriend dahil gusto ko si Caius. I don’t have time to be at the motel.”

“Sabing hindi nga ako ‘yang blind item!”

Napayuko siya, nanginginig, at halos malukot na ang hawak na papel sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya.

Kumunot ang aking noo. “Even though the picture is blurry, the background is very familiar to me, Emmarose. I know that was you.”

Her lips are pursed. Napansin ko ring nagtataas-baba ang kaniyang mga balikat.

“And nananaba ka. Are you pregnant?”

She raised her head at me with her widened eyes. “Ano bang pinagsasabi mo, Immanuel?!”

“Hindi ganiyan ang katawan mo noon, Emma…”

“Grabe ka manghusga,, Imma. Totoo nga ang mga naririnig ko noon. Grabe ka manghusga. Hindi ba p’wedeng hiyang siya sa pag-aalaga ni Caius?”

Nilingon ko ang SSG member na nagsalita. “Are you blind? Tumataba si Emma.” Binalik ko ang tingin sa dating kaibigan na namumula na ang mukha sa galit. “She looks pregnant. I just want to confirm if—”

Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang maramdaman ang hapdi sa aking pisngi. Nawalan ako ng balanse sa pagkakatayo.

It was a painful slap I received from her.

I chuckled. Ganito rin siguro ang naramdaman ni Emma noong ako ang nanampal sa kaniya noon.

I look at Emmarose who looks mad as hell. “Kung sino man sa atin ang buntis, alam ng lahat na ikaw 'yon dahil marami kang naging boyfriend."

Napaawang aking mga labi sa narinig. I also heard the people around me na um-agree sa sinabi ng dati kong kaibigan.

I tried to open my mouth to defend myself but there was no voice na lumabas sa aking bibig.

Napapikit ako nang mariin. Slowly, I felt the tears running through my cheeks. Pinalis ko ang mga luhang nahulog sa aking mga pisngi.

I just want to clear my name, and at the same time clear my mind if my assumption is true. Malakas ang kutob kong si Emma ang blind item, lalo na sa naging reaksyon niya sa mga pinagsasabi ko.

"Ano na naman itong narinig ko sa adviser mo, Immanuel?!"

Napapikit ako sa sigaw ni mommy pagkatapak na pagkatapak ko pa lamang ng isang paa sa bahay. Nakapamaywang siya while she's still wearing her office attire. Sa likod niya ang grandparents ko na mukhang disappointed.

"Is that true, apo?" Tanong ni Ina.

I heaved a sigh. Ang daming nangyari ngayong araw at pagod na pagod ako.

"Tumawag kasi ang adviser mo. She wants your mother to go there to address the issue that is circulating there, and if there is evidence that it was you, you will…" Tumigil si Ina sa pagsasalita.

Umiwas ako ng tingin nang makitang napapikit si mommy sa inis. I saw how those tears started to fall down.

She looked at me with madness in eyes. "Hindi kita pinalaking ganiyan, Immanuel! Pagkatapos ka naming pag-aralin sa magandang paaralan at tustusan lahat ng luho at pangangailangan mo, kahihiyan ang isusukli mo?!"

"Mom—"

"Don't call me your mom!" Dinuro niya ako. "You are a filthy brat!"

Kinagat ko ang pang-ilalim na labi.

"You're a disgrace, Immanuel. Wala akong anak na marumi." Tumalikod sa akin si mommy. "Pack your things and leave. Hindi kita anak."

Napaawang ang aking mga labi at napatingin kila Ina. They both look shocked, too. Ama immediately followed my mom, while Ina went over to me.

"Imma…" Naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Ina. "Mag-sorry ka sa mommy mo. Kung mabuo man ang bata, ipalaglag natin para makapagtapos ka ng—"

Mabilis akong kumalas sa pagkakayakap ni Ina habang kunot ang noo. Ibubuka ko sana ang aking mga labi para magprotesta pero pinili kong itikom ang aking mga bibig.

Who would listen to me, anyway?

I went to my room and locked it. Malamig ang kwarto ko pagkapasok ko sa loob. I crawled into bed to ward off the cold.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status