Share

KABANATA 5

Revenge

"Hoy, olivia! Bangon na." pangangalabit ko kay olivia na hanggang ngayon ay tulog pa.

Kanina ko pa siya ginigising kaso ayaw dumilat ng gaga. Hindi naman siya nagpuyat kagabi ha. Ako nga ang huling natulog sa amin tapos siya pa 'tong matagal gumising. 

Bumuntong hininga nalang ako at saka bumangon sa pagkakahiga para maligo. May pasok pa kami ngayon at kailangan naming maagang gumising dahil mahirap ang sakayan sa bayan. Ilang minutes pa bago kami makarating sa school kaya dapat ay maaga kami.

Nang tuluyan na akong matapos maligo ay saka ko narinig ang malakas na pagmumura ni olivia habang nililigpit ang higaan namin.

Lumabas na ako ng banyo at saka nag umpisa ng isuot ang uniform ko. Bale magkaiba kami ng uniform ni olivia dahil iba ang course niya sa akin. Napatingin ako sa cellphone ko at tinignan ang oras. Halos manlaki ang mata ko nang makitang alas siete na. 

"Tangina?" I whispered.

Lumingon ako ngayon kay olivia na nagmamadaling isuot ang uniform nito.

"Sa labas nalang tayo kakain, late na tayo." saad nito at saka nagpatuloy sa pagsusuklay.

Tumango nalang ako at saka binalik ang tingin sa cellphone ko. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Nagreply na kaya si saturn? Agad kong binuksan ang f******k account ko at ni isang message ay wala akong natanggap mula kay saturn. Sumimangot nalang ako at saka umiling. Baka hindi niya na napansin message ko.

Nang matapos si olivia sa pagsusuklay ay saka kami nagpasiyang umalis ng apartment at dumiretso sa school. Bago kami umalis ay minabuti muna naming nakalock ang apartment. Mahirap na baka manakawan pa kami ng million, joke...Wala naman kaming gano'ng kalaking pera. Siguro kung meron man, naka condo na kami ngayon at hindi sa apartment.

Nang makasakay kami ng tricycle ay agad naming sinabi kay manong na sa bayan kami ibaba. Dadaan pa kami sa sakayan ng jeep. Medyo malayo kasi ang apartment namin sa school. Hindi katulad nila haedi at aia na nilalakad lang nila. Siguro maaga ring gumigising ang mga 'yon. 

Nang makarating kami sa bayan ay sobrang hirap ng makahanap ng sakayan dahil halos lahat ng jeep ay puno na ng pasahero. Napatingin ako ngayon kay olivia na busy sa cellphone niya. May tinitipa ito roon at tila may katext ang gaga. Umirap nalang ako at saka naghanap ng jeep na puwede naming sakyan.

"Hoy zandra." tawag ni olivia sa akin.

Napatingin ako kay olivia nang tawagin ako nito. Kumunot ang noo ko at saka humarap sa kanya.

"Ano?" tanong ko.

"Dito na tayo dumaan, may alam akong sakayan." saad nito at saka ako hinila.

Hindi ko alam kung anong nasa isip ng babaeng 'to kaya umiling nalang ako at saka hinayaan siyang hilahin ako. Malayo na kami sa sakayan ng jeep at nasa bandang parte na kami ng isang mall.

"Hoy late na tayo! H'wag mong sabihing hindi tayo papasok ngayon?!" I raised my brows.

"Tanga. Hindi." tipid nitong saad.

Bumaling ang atensyon ko ngayon sa kotse na huminto sa harapan namin ngayon. Tinignan ko si olivia na nakangiti sa akin at saka binuksan ang pinto ng shotgun seat.

"Pasok na. Baka malate pa tayo." saad nito.

Ako naman ay tila naguguluhan sa nangyari. Nagbook ba siya ng sasakyan namin? Pero masyadong mahal ang bayad pag grab!

Tuluyan na akong pumasok sa loob ng kotse at agad na nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy ng kotse. Napapikit pa ako dahil sa amoy nito. Ang sarap amuyin...amoy mayaman.

Napatingin ako ngayon kay olivia na inaayos ang seatbelt niya. Lumingon naman ako ngayon sa katabi ni olivia na nagdadrive na ngayon. 

Tangina ang pogi!

Napansin ko agad ang suot nito. Naka white t-shirt at pants lang ito..Simple lang ang suot nito pero masasabi mo pa ring elegante dahil sa mamahaling relo at kuwintas na suot nito. May makakapal rin itong kilay at pilik mata. Bahagyang umangat ang labi ko nang mapansin ang kutis nito.

Moreno! Moreno siya!

May matangos rin itong ilong at saka manipis at mapulang labi. Hindi ako makapagsalita dahil sa gulat. Ang guwapo niya at mayaman pa! 

Napatingin ako ngayon kay olivia nang tumikhim ito. Kumunot pa ang noo ko at saka tinuro ang lalaking driver. Ngumisi lang ito at saka nagkibit balikat... Aba ang landi ha!

Nang tuluyan na kaming makarating sa school ay agad na kaming bumaba sa kotse ni pogi. Magpapaalam pa sana ako sa kanya kaso umalis na ito.

"Oh ito." 

Bumaling ang atensyon ko kay olivia nang iabot nito ang isang paper bag. Dalawa ang hawak nitong paper bag at ang isa ay kanya. Agad ko namang kinuha 'yon at saka tinignan ang laman.  Isang waffle at coffee galing starbucks. Agad na kumulo ang tiyan ko dahil sa bango ng waffle at kape.

Gutom na nga ako.

"Kita nalang tayo mamaya." saad ni olivia at saka nauna na sa paglalakad.

Tumango nalang ako kahit hindi niya naman kita. Kinuha ko ang waffle sa loob at saka ito kinagatan. Muntik pa akong masamid dahil sa naramdaman kong may tumulak sa akin. 

"Ay sorry, miss." saad ng lalaki.

Mukhang pamilyar ang mukha nito at laking gulat ko nalang nang makitang si varione 'yon!

"Varione?"

"Zandra?"

Sabay pa kami!

"Sorry, ha? Mukhang naistorbo ko pa ata ang pagkain mo ng waffle." saad nito at saka napakamot sa batok.

"Gusto mo ba?" tanong ko.

Agad itong umiling.

"Hindi na. Busog pa ako." saad nito.

"Gano'n ba?" 

"Oo." 

Luminga naman ako sa likuran niya at napansing hindi niya kasama ang kuya niya.

"Sige zandra, una na ako, ha? May klase pa kasi ako." saad ni varione at saka ako tinalikuran.

"Varione, wait lang!" sigaw ko at saka lumapit sa kanya. 

Tumigil naman si varione sa pagtakbo at saka lumingon sa akin. Tuluyan na akong nakalapit sa kanya kaya tumikhim muna ako bago magsalita.

"Uhm 'yong kuya mo? Hindi mo kasama?" pang uusisa ko.

"Hindi, e. May trabaho 'yon." sagot nito at saka nag umpisa ng maglakad kaya sinabayan ko nalang ito.

"Hindi na siya nag aaral?" kumunot noo ako.

"Nag aaral." tipid nitong sagot.

"E, ba't wala siya dito ngayon?" 

"Nagtatrabaho nga." tila naiinis na sagot nito.

"Kailan ang pasok niya?" tanong ko ulit.

Tumingin ito sa akin at saka kumunot ang noo. Namula pa ang pisngi ko dahil sa mapanghusgang tingin nito sa akin.

"Tuwing walang trabaho." saad nito.

"Gano'n ba?" 

"Oo." 

Bumuntong hininga nalang ako at saka ngumuso. 

Wala akong mapapala sa 'yo varione. Ang tipid mong sumagot at mukhang wala kang pakealam sa mga tanong ko. Nagpaalam nalang ako sa kanya at saka dumiretso sa department ko. 

Pagkapasok ko sa classroom ay wala pa ang first subject namin kaya umupo nalang ako at saka kinain ang binigay ni olivia. Feel na feel ko pa ang bawat pagkagat ko dahil sa sobrang sarap nito at mukhang mamahalin pa. Starbucks, e.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang lalaking driver kanina. Hindi ko man lang natanong pangalan niya. Siguro kilala ni olivia 'yon. Binigyan kami ng waffle at kape, e. Tinignan ko ang cellphone ko at saka chinat si saturn. Babatiin ko lang siya ng good morning. Baka mamaya magreply na siya.

Zandra Torres:

Hi, good morning! Keep safe po:)

Nang maisend ko 'yon ay siya ring biglang pagdating ng first subject namin at nag umpisa nang magdiscuss sa lesson ngayon. Umayos nalang ako sa pagkakaupo at saka nakinig sa klase. 

Naramdaman ko naman ang pagvibrate nang phone ko kaya agad ko itong tinignan. Halos mapamura  ako dahil sa nakita.

Nagreply si saturn!

Saturn Centaurus:

Mornin' too.

Hindi na ako nagreply sa kanya at saka tuluyan nang napangiti. Ayokong ako lang ang naghihintay ng reply, dapat ikaw rin, saturn. Magtiis ka diyan! Mukhang magiging masaya pa ata ang araw ko ngayon. Ngumisi ako at saka umayos ng upo. Lintik lang ang walang ganti.

:>

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status