Share

KABANATA 8

Handkerchief

"Hoy, zandra. Kanina ka pa hindi mapakali. Ano bang nangyayari sa'yo?" bulong ni olivia.

Nandito na kami ngayon sa school at halos nasa kalahati na rin ng estudyante ang nandito ngayon. May

mga lumapit pa sa'ming mga lalaki para alukin kami ng maiinom pero tinanggihan namin ito.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero kanina pa talaga ako kinakabahan! Halos pabalik balik ako sa tindahan para uminom ng tubig. Wala pa kasing mga nakahandang pagkain at inumin kaya sa labas muna ako bumibili.

"Zandra Veronica!" sigaw ni olivia.

"Ano?!" asik ko.

"Kanina pa kita tinatanong, hindi ka man lang sumagot! Ano bang nangyayari sa'yo?" tanong muli nito.

"Wala." tipid kong sagot.

"Bahala ka nga diyan, hahanapin ko nalang sila aia at haedi." aniya at saka tuluyan na akong iniwan dito.

Napangiwi nalang ako sa tinuran nito kaya umupo na muna ako. Nandito ako ngayon sa gilid ng malaking puno, nakaupo, at binabantayan ang mga estudyanteng masayang nagkwe-kwentuhan.

Para akong na out of place dito dahil sa suot ko. Pero hindi na bale, maganda pa rin naman ako! Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nakihalubilo sa mga classmates ko.

"You're hot as hell, zandra." puri ng isa sa mga classmate ko sa calculus.

"Oo nga, zandra. Where did you buy your dress nga pala?" maarteng tanong ni claudia.

Ang suot ko ngayon ay isang split midi dress burgundy na nabili ko sa isang mall sa dagupan. Ipinares ko dito ang silver ankle strap stiletto heels na binigay sa akin ni sin noong kaarawan ko. Matagal na ring na sa akin ang mga 'to kaso ngayon ko lang nasuot.

"Sa isang mall sa dugupan." sagot ko.

"Oh really? Doon ko rin nabili 'tong dress ko. Where in dagupan ba?" tanong muli ni claudia.

Tuluyan na akong napatingin sa suot ni claudia ngayon. At halos ngumiwi ako dahil sa medyo pagkajejemon nito. Maganda naman ang suot nito kaso hindi ko lang alam kung bakit rubber shoes ang pinares niya sa dress niya!

Napasinghap ako nang may humapit sa beywang ko. Lumingon ako ngayon sa lalaking humapit sa akin.

Si ethan.

"Hi, gorgeous." ethan whispered.

I smiled at him.

"Hi." 

"Oh, ethan? Is that you?" 

Bumaling ang atensyon ko ngayon kay claudia nang magsalita ito.

"Kilala mo ba ako? Ako 'yong nakas-." 

Agad na naputol sa pagsasalita si claudia nang biglang magsalita si ethan.

"I don't know you. Let's go, babe." ani ni ethan at agad akong hinila palayo kila claudia.

Lumingon ako sa likuran para makita sila claudia kaso wala na sila doon. Tuluyan na akong napatingin kay ethan nang tumigil kami sa isang puno ng molave. 

"Anong ginagawa natin dito?" I asked.

"Make out?" saad ni ethan at saka marahang hinaplos ang hita ko.

"Ethan, not now, okay? May party pa oh." pagpipigil ko sa kanya.

He lick his lips.

"Later, then?" 

Kumunot ang noo ko.

"Ethan, ayoko na ng ganito. Hindi pa tayo magjowa pero ginagawa na natin 'to. Mali 'to." I coldly said.

"Edi girlfriend na kita kung ganoon. Puwede na ba kitang halikan ngayon?" pumungay ang mga mata nito.

Agad akong napaatras sa tanong nito.

"Ethan! Hindi. Ayoko muna." mariing saad ko.

"What? Ayaw mo na? Natikman na kita, zandra. Ano pang inaarte mo diyan?" puno ng sarkasmo na tanong nito.

Agad na dumapo ang palad ko sa pisngi niya.

"Hindi ko alam na ganyan pala ang tingin mo sa akin, ethan! Akala ko, iba ka sa mga ibang lalaki diyan. Katulad ka lang rin pala nila." singhal ko.

"Look, zandra. Pareho nating ginusto ang mga nangyari noon. Ano pang inaarte mo ngayon? Bakit? May iba ka na bang gusto?" pansin ko ang pagkairita sa tono ng boses nito.

Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni ethan. Nag iwas ako ng tingin at saka lumunok.

"Si saturn ba?" tanong muli ni ethan.

"H'wag mong idamay si saturn dito." I uttered.

"At bakit hindi? You know him, right? Matagal na. Sa tingin mo ba hindi ko napapansin? C'mon zandra. Kilala kita." ngumuso ito.

Hindi agad ako kumibo. Kailangan ko ng umalis dito. 

"Ayaw ni saturn sa tira tira. Paano pa kaya pag nalaman niyang natikman na kita? Oh? Nakita niya nga pala tayo kanina. Ayaw pa naman non sa malandi." mapanuyang saad nito.

I gritted my teeth.

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago magsalita.

"Wala kang pakealam kung gusto ko si saturn. At least siya, hindi fuckboy at sadboy na gaya mo. Isa ka lang sa mga nakatikim sa akin at hanggang tikim ka nalang." I smirked.

Nakita ko ang pagtagis ng bagang nito. Inirapan ko nalang ito at saka iniwan doon. Hanggang tikim ka nalang, ethan. At hanggang do'n na lang 'yon.

Nang makarating ako sa gitna ng school ay natanaw ko na agad ang mga kaibigan ko na nakaupo sa gilid. Hanggang dito ba naman kj sila? Umiling nalang ako at saka nakipagsayawan sa mga med student. Kanina pa nila tinatanong ang name ko, buti nalang mabait ako.

Nang matapos ang konting sayawan ay dumiretso na ako kila haedi. Busangot na ito ngayon kaya agad akong umupo sa tabi niya.

"Problema mo?" I asked.

"Wala naman." ngumuso ito na ikinatawa ko.

Isip bata.

Napatingin ako ngayon sa stage nang marinig kong magsalita ang aming dean. Pinapakilala na nito ang mga bigating bisita sa school.

Mukhang mag uumpisa na ang party.

Nang matapos magsalita ang dean ay agad na naghiyawan ang mga estudyante. Lumabas mula sa stage ang grupo nila saturn.

We heard a loud strum of electric guitar and bang of drums.

"TANGINA ANG INGAY." pagrereklamo ko habang tinatakpan ang tenga ko.

Halos mabingi na ako sa mga sigawan at tilian nila. Ngayon lang ba sila nakakita ng guwapo, ha?

"Good evening, everyone!" Isang pamilyar na boses ng lalaki ang nagpatigil sa paghihiyawan ng mga babae.

Napatingin ako sa stage nang marinig ko ang boses ni saturn. Hawak nito ang mic ngayon at magulo ang buhok nito na bagay sa kanya. Lahat naman yata bagay sa kanya.

"HOY SATURN ANAKAN MO 'KO" sigaw ng isang babae.

Agad na nangunot ang noo ko dahil sa narinig. Ang kapal magpaanak, ha. Parang ang dali mag anak ha?

"ILABAS NIYO SI TING, AKIN LANG SI TING!" 

"FINGER FUCK ME, ACHER." 

Umiling nalang ako at saka tumingin sa stage. Nakita ko ang pagstrum ng electric guitar ni ting. Halos mabingi ako sa mga sigawan nila kaya nakisabay nalang ako. Hindi puwedeng ako lang ang mabingi dito!

Easy come, easy go, that's just how you live, oh

Take, take, take it all, but you never give

Should have known you was trouble from the first kiss

Had your eyes wide open

Why were they open? (Ooh)

Halos mamangha ako nang marinig ko ang boses ni saturn. Nakatingin lang ako sa kanya habang kinakanta niya ang grenade na kanta ni bruno mars.

"Pre, in love na yata ako." bulong ko.

Hindi ko na narinig ang sinabi ni haedi. Nakafocus lang ako ngayon sa pagkanta ni saturn. Nang mapunta siya sa chorus ay siya ring pagsigaw ko.

"BABYYYY." sigaw ko.

I'd catch a grenade for ya (yeah, yeah, yeah)

Throw my hand on a blade for ya (yeah, yeah, yeah)

I'd jump in front of a train for ya (yeah, yeah, yeah)

You know I'd do anything for ya (yeah, yeah, yeah)

Puno ng hiyawan at tilian ng mga estudyante ang naririnig ko kaya mas lalo akong sumigaw at hindi nagpatalo.

"HOY BABYYYYYYY SATURN!!!" sigaw ko.

Nakisabay ang ilang estudyante sa pagkanta kaya itinaas ko nalang ang kamay ko at saka iwinagayway ito. Ilang minutes ang lumipas ay natapos rin ang pagkanta ng banda nila saturn.

Nakaupo na kami ngayon sa isang round table..Kasama ko ngayon sila haedi, aia, olivia at ang bigatin niyang sugar daddy. Kumakain na kami ngayon at busy sila sa kung anong pinag uusapan nila. 

Hindi ko marinig ang pinag uusapan nila. Kaya tumingin nalang ako sa stage at nagba-baka sakaling makita si saturn. Halos manlaki ang mata ko nang makita ko si saturn na pababa ng backstage!

Agad akong tumayo para sundan siya. Ito na ang pagkakataon. Makakausap ko na siya!

"Hoy, gago!" sigaw ni haedi sabay hablot sa braso ko.

"Papakilala ko lang sarili ko." pagsisinungaling ko.

Kilala na ako ni saturn pero iba pa rin kung sa personal at saka kasama ko pa si haedi.

Nang makarating kami sa backstage ay agad akong lumapit kay saturn. Nanuot agad sa ilong ko ang mabangong amoy nito. Medyo pawis na rin siya at bakas sa mukha nito ang pagkagulat nang makita niya kami ni haedi.

"Hi, saturn." I said while making pacute to him.

Narinig ko ang hagikhik ni haedi. Hindi ko nalang 'yon pinansin bagkus hinayaan ko nalang siya..Lumingon ako ngayon kay saturn na dire-diretsong naglakad palabas ng backstage.

Umawang ang labi ko dahil sa kabastusang ginawa niya. Hindi niya man lang kami pinansin!

"HOY SATURN! HINDI PORKET POGI KA AY GINAGANYAN MO NA KAMI." I hissed.

"What did I do?" he said coldly.

Tila nagdilim ang paningin ko sa tanong nito. Ang kapal niya pa talagang tanungin 'yan?

"PORKET CRUSH KITA, HINDI MO NA KO PAPANSININ?!" singhal ko.

"ayoko sa babaeng malandi." that was the last thing he said. At iniwan niya kami dito ni haedi.

Agad na nanlamig ang kamay ko dahil sa sinabi ni saturn.

"TANGINA PRE MALANDI DAW AKO?!?"

Lumapit sa akin si haedi at saka ako hinila pabalik sa lamesa namin.

"Balik na tayo sa lamesa natin." saad ni haedi.

Tila nanuyo ang lalamunan ko dahil sa mga nangyari. Parang ang bilis... Ang bilis niyang saktan ako!

"Pre, nakakainis! Siya pa may ganang sabihin 'yon sa'kin. Fuck him." I murmured.

Nang makarating kami sa lamesa ay agad akong pinaupo ni haedi. Tumabi pa ito sa akin at saka ako inabutan ng tubig.

Hindi ko na namalayan ang oras at ngayon ay nagkakagulo na ang mga kaibigan ko. Kanina pa sila nagrereklamo sa lalaking mag uuwi kay haedi ngayon.

"Hoy si haedi! Anong gagawin natin?" sigaw ni aia.

Agad akong tumayo na ikinagulat nila olivia.

"Tutunganga lang kayo diyan? Sundan niyo sila! Baka mamaya kung ano pang gawin niya kay haedi." sigaw ko.

I heard olivia's laughed.

"May nangyari na nga, e. Don't mind them nalang. Matanda na si haedi." aniya at ininom ang juice na hawak nito.

Tumango nalang ako bilang pag sang ayon. Sabagay may point rin naman si olivia. Bumuntong hininga nalang ako at saka nagpaalam sa kanila na magc-cr muna.

Pagkarating ko nang cr ay bumungad na sa akin ang mukha kong sira na ang make up. Agad kong hinanap ang tissue sa hawak kong pouch. Pinunasan ko ang nagkalat na make up sa mukha ko at saka muling inayos ang itsura ko. Kaya pala walang lumapit sa akin kanina. Sira na pala make up ko!

Pagkalabas ko nang cr ay dumiretso na ako sa labas ng school para maghanap ng masasakyan. Uuwi na siguro ako. Itetext ko nalang si olivia na nakauwi na ako. Medyo inaantok na rin kasi ako.

Nang makalabas ako ng gate ay agad akong luminga sa paligid para maghanap ng tricycle. Bumaling ang atensyon ko ngayon sa isang lalaki. Nakasandal ito sa poste sa madilim na bahagi ng kalye habang nagyoyosi. Nakayuko ito kaya hindi ko maaninag ang itsura nito.

Nang mag angat ito ng tingin ay laking gulat ko nang makitang si saturn pala 'yon! 

Naninigarilyo si saturn?

Agad akong nag iwas ng tingin. Baka makita niya ako at akalain niya pa na sinusundan ko siya!

Pagtingin ko sa kinaroroonan ni saturn kanina, ay wala na ito ngayon doon. Tila naglaho siya na parang bula. Agad akong naglakad patungo roon para tignan kung umalis na nga si saturn.

Umalis na nga siya!

Bumaba ang tingin ko ngayon sa naapakan ko. Agad akong lumuhod para kunin ito. 

Panyo?

Kumunot ang noo ko.

Kanino naman 'to? Agad ko itong pinagpag para mawala ang alikabok na galing sa heels ko. Nalanghap ko agad ang isang pamilyar na pabango na naamoy ko kanina.

Kay saturn 'tong panyo!

:>

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status