Share

KABANATA 26

Card

Sinundan namin ni ethan ang kotse ni saturn ngayon. Kanina pa ako hindi mapakali dito dahil sa sobrang kaba. Baka kung anong gawin niya sa anak ko! Hindi naman niya siguro napansin na kamukha niya si uranus, 'di ba? Shit, I can't think straight anymore!

Nang makarating kami sa hospital kung saan dinala ni saturn ang anak ko ay dali dali akong bumaba ng kotse at sumunod sa kanya. Narinig ko ang pagtawa ni ethan sa gilid at tila nang aasar pa. Hindi ko nalang 'yon pinansin bagkus dumiretso na ako sa loob.

Halos hindi na ako makahinga dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Nakapasok na si saturn ngayon sa loob ng room ni uranus, samantalang ako naman ay nandito sa labas at hindi mapakali. Kanina pa ako pabalik balik ng lakad, natigil lang 'yon nang lumabas si saturn kasama ang isang babae na sapalagay ko ay doctor. 

"Kayo po ba ang magulang ng bata?" tanong ni dra.

"Opo, ako po. Ano pong nangyari sa anak ko?" nag aalalang tanong ko.

"By the way, I'm Dra. Sanchez. Your daughter is fine. Nahimatay lang ito dahil sa init ng panahon. Dapat po ay hindi nin'yo hinahayaang matambad sa araw ang anak niyo." mahabang litanya ng dra.

Agad naman akong napatango dahil do'n. Kasalanan to ni ethan! Sinabi ko na sa kanya na 'wag niyang pababayaan ang anak ko! Malilintikan talaga sa 'kin ang lalaking 'yon.

"Thank you, dra." ani ni saturn, dahilan nang pagtingin ko sa kanila.

Dra. Sanchez smiled then suddenly pat the shoulder of saturn.

"You're always welcome, engineer. Para ka namang others." Dra. Sanchez said.

I rolled my eyes. Nagagawa niyo pang maglandian sa harapan ko. Feeling niyo naman magseselos ako. Ano kayo gold? Halos mag-usok na ako ngayon sa galit nang kamayan ni saturn ang doctora. Tumikhim ako para maagaw ang atensyon nila. 

"Puwede na po bang pumasok sa loob?" tanong ko.

Saturn eyes went to me. He lick his lowerlip while looking at me. Anong tinitingin nito!?

"Yes, you may. Maiwan ko na muna kayo dito, engineer." ani ng dra na ikinatango nalang ni saturn.

Pumasok na ako sa loob at saka lumapit sa hospital bed. Nakahiga do'n ang anak ko habang mahimbing na natutulog. Umupo ako malapit sa tabi ng anak saka hinalikan 'to sa noo.

"Sorry, baby. Hindi ko na hahayaan na mangyari 'to ulit. Mahal na mahal ka ni mommy." bulong ko habang hinahalikan ang kamay ng anak ko.

"What's her name?" Saturn asked.

Agad na bumaling ang tingin ko dito nang lumapit 'to sa gawi ko. Tila tumigil ang lahat nang magtama ang mata naming dalawa. Halos himatayin na ako ngayon dahil sa lapit naming dalawa.

"Zandra, I'm asking you. What's her name?" tanong muli ni saturn saka tumingin sa anak ko.

"Yumi. That's her name. Our daughter's name." singit ni ethan na kakapasok lang ngayon.

Nakita ko ang pagtagis ng bagang ni saturn habang nakatingin sa anak ko. Tila nagpipigil ito sa narinig niya. Lumingon ako ngayon kay ethan na nakangisi na, lunapit ito sa 'kin saka hinawakan ang kamay ko.

"Is she okay?" ethan asked.

"Yes, she's okay." sagot ni saturn.

Narinig ko ang pagtawa ni ethan na ikinanoot ng noo ko.

"I'm not asking you, engineer. I'm asking my wife. Babe, our daughter is okay?" bakas sa boses ni ethan ang pang aasar.

"I'm just answering your question. Hindi ko alam na masama na pa lang sumagot ngayon." ani ni saturn.

"And please before you asked, clarify your question first. Because, as I heard earlier, you asked 'Is she okay?' I can't remember you calling your wife's name in whatever you called it." pangbabara pa nito.

Nalaglag ang panga ni ethan dahil sa narinig kay saturn, kahit ako ay napanganga dahil sa sinabi niya. Umayos ako sa pagkakaupo at saka tumingin kay ethan na nakakunot na ang noo ngayon.

"Mommy. Daddy." boses ni uranus.

Agad na dumapo ang tingin ko sa anak at akmang lalapitan ko na ito nang harangan ako ni saturn. 

"Hey, little girl. What do you feel? May masakit ba sayo?" tanong agad ni saturn.

"Daddy Ethan...." rinig kong saad ni uranus. Napaatras si saturn sa narinig, tumungo lamang ito at hindi na nagsalita.

Hindi na ako makatingin nang maayos ngayon sa anak ko at kay saturn. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko.

I heard ethan chuckled. 

"Yes, my princess? Daddy ethan is here." saad ni ethan at agad na lumapit kay uranus.

"Daddy ethan, nauuhaw po ako." mahinang bulong ni uranus na sapat para marinig naming tatlo.

"What do you want? Water, juice, milk?" tanong naman ni ethan.

"H-ere, u-hm water." dali daling inabot ni saturn ang isang bottled water sa anak.

Kinuha naman 'yon ni uranus saka ngumiti. "Tenchu po, shir." 

Bakas sa mukha ni saturn ang mangha nang marinig ang boses ng anak. Tumikhim ito bago magsalita.

"Y-you're welcome." saturn uttered.

Matapos ang nangyari sa hospital ay umuwi na rin kami. Balak ko sanang bayaran ang bill ng hospital ni uranus nang malaman kong nabayaran na pala 'to. Tinanong ko sa cashier kung sinong nagbayad kaso ayaw naman nitong sabihin. Confidential 'yon.

Tinanong ko rin si ethan kung siya ba ang nagbayad, ang sabi nito ay hindi siya kaya nagtaka ako kung sinong nagbayad no'n. Bago kami makauwi ng gabing 'yon ay may binigay pa sa 'min ang dra, vitamins ni uranus at isang basket ng prutas. Sabi niya ay libre 'yon at galing sa hospital kaya hindi na ako nagtanong.

Pinagsabihan ko rin si ethan nang gabing 'yon, nag sorry naman na ito pero hindi ibig sabihin no'n ay makakalimutan ko na ang ginawa niya sa anak ko! Nang nakauwi kami sa condo ay pinakain ko muna si uranus bago matulog.

Kinaumagahan ay gano'n pa rin ang routine. Iiwan ko si uranus dito sa condo kasama ang pinsan ko at ako naman ay magtatrabaho. Marami akong ginawa sa araw na 'yon kaya ginabi na ako umuwi. 

"Ate zandra, may pumunta dito kanina, ang pogi!" sambit ni lily pagkapasok ko pa lang ng condo.

My eyes widened.

"Sino?" nagmamadaling tanong ko.

"Hindi ko kilala, may inabot lang naman siya kay uranus, eh." ani nito saka ako tinalikuran.

Dahil sa balisa ko ay dumiretso na 'ko sa kuwarto at bumungad sa 'kin si uranus na naglalaro sa iPad niya. Bumaling ang tingin nito sa 'kin kaya bumaba ito sa pagkakaupo sa kama.

"Mommy, look oh! Si shir binigyan po ako ng toys, tapos shabi niya po pag nagkita kami ulit, bibilhan niya po ako ng marami." ngiting saad ng anak ko.

Tiningnan ko ngayon ang sandamakmak na paper bag na nasa ibaba ng kama, malalaking bags 'yon na mukhang mamahalin. Binuhat ko ang anak at muling tumingin sa kanya.

"Anong sabi sa'yo ni mommy noon?" kumunot na ang noo ko.

"Don't talk to ugly stwangers." ginaya ni uranus ang boses ko.

"Not that." umiling ako.

Ngumuso ito saka nag isip.

"Huwag tatanggap ng gifts sa stwanger!" uranus said.

I nodded. "Tama! So, bakit mo tinanggap 'yang mga toys?" 

"Because, he's not stwanger anymore! I saw him yesterday po and he gives me water, mommy." ngumuso ulit ito.

Bumuntong hininga na lamang ako. Ano ng gagawin ko sa batang 'to? Hindi ako aware na pag stranger dapat may itsura, paano kung pangit 'yong nagbigay, hindi niya tatanggapin? 

"Matulog ka na nga. Sumasakit ulo ko sa'yo." saad ko at hiniga ang anak sa kama.

"Mommy, may binigay po pala si shir para sa 'yo." tumayo si uranus sa pagkakahiga at bumaba ng kama.

Agad na nag init ang pisngi ko dahil sa narinig galing sa anak. Anong binigay sa 'kin ni saturn? Kinakabahan ako, ha! 

"Here, mommy." inabot ni uranus sa 'kin ang isang card.

Kinuha ko 'yon sa kamay ng anak at tiningnan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano 'yon.

Black card! Halos mahulog ako sa kama dahil sa nakita. Ano namang gagawin ko dito?!

"Sabi ni shir mommy, bilhin mo daw po lahat ng gusto mo. Binigyan rin po ako ni shir ng MacBook Air. Para daw po 'yon pag mag school na daw ako." dagdag muli ni uranus.

"Ano pang sabi ni sir, anak? May tinanong ba siya sa'yo?" gumaralgal na ang boses ko.

"Wala naman po, mommy. Batet po?" ani agad ng anak.

Umiling nalang ako saka ngumiti.

Hindi siya nagtanong. Wala siyang sinabi sa anak ko. Anong ibig sabihin nito? Wala na ba siyang pakealam sa'min kaya binibigay niya ang lahat ng 'to? Anong gagawin ko sa mga 'to!

Matapos ang gabing 'yon ay hindi na ako nakatulog ng maayos. Iniisip ko pa rin kung para saan ang lahat ng binigay niya. Nagpunta ako sa isang bangko para itanong kung alam ba nila kung sinong may a*i ng black card na dala ko.. Alam kong kay saturn 'yon, pero hindi ko alam kung na saan siya. Ibabalik ko lahat ng binigay niya sa'min ng anak ko! Hindi ko kailangan ang lahat ng to!

Lumipas ng ilang buwan ay hindi ko pa rin nakita si saturn, tila nawala ito ng parang bula. Nandito kami ngayon ng anak ko sa isang coffee shop, si lily naman ay naiwan lang sa condo. Ngayon rin ang unang araw ng sahod ko kaya napagpasiyahan kong ipasyal si uranus. Minsan lang kami lumabas kaya dapat memorable 'to sa anak ko.

Nilibot ko ang paningin sa kabuoan ng coffee shop, malaki ito at maganda ang ambience. Amoy na amoy ang aroma ng kape na galing sa pinakaloob nitong shop. Biglang pumasok sa isip ko ang kaibigan kong si olivia, balak niya rin magpatayo ng coffee shop noon, mahilig rin kasi sa kape ang isang 'yon.

"One espresso, 2 slice of kerot cake and one glass of water." ani ko habang nakatingin sa menu, unti unti kong binaba 'yon at tumingin sa babae.

"Zandra?"

"Olivia?" 

Nangilid ang luha ko nang makita ang kaibigan. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at h******n si olivia.

"Gago, na miss kita!" hikbi ko.

She hugged me tight. "I miss you more , bitch!"

"Dito ka nagtatrabaho?" tanong ko nang humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Oo, Akin 'tong coffee shop." Si olivia.

"Naks, mayaman. Namiss kita!" ani ko.

"Mommy.." 

Sabay kami ni olivia na bumaling sa anak ko na nagugulahang nakatingin sa amin.

"Anak mo?" bulong ni olivia na ikinatango ko.

"Kay saturn?" tanong muli ni olivia na ikinatango ko muli.

"Oh shit. Sabi nga eh!" malutong na mura ni olivia.

"Tumahimik ka nga baka marinig ka ng anak ko." suway ko dito.

"Kamukhang kamukha ni saturn, gaga. Girl version ni saturn, gawa kayo ulit, boy version mo naman." pagbibiro nito kaya hinampas ko na siya sa balikat.

"Tangina mo, bwesit." iritadong saad ko.

Pagkatapos ng bangayan namin ni olivia ay kinuha niya na ang order namin. Nag usap lang kami tungkol sa mga nangyari sa buhay namin, tinanong ko rin ito kung paano siya nakarecover sa amnesia niya. Ang sabi nito ay may tumulong sa kanya. Hindi ko na tinanong kung sino 'yon dahil bilang privacy na rin.

Pinakilala ko sa kanya ang anak kong si uranus. Tuwang tuwa siya sa anak ko at gusto niya pang iwan ko nalang do'n si uranus sa coffee shop niya! Kinamusta ko na rin sa kanya sila aia at haedi, binigay sa 'kin ni olivia ang contact number ni haedi at address ng firm ni Aia. Mas maganda raw kung kakausapin ko si aia sa personal kaya pagkatapos ng pagkikita namin ni olivia ay nagpunta kami agad ng anak ko sa firm ni Aia. 

May mga bumati pa sa 'king mga lawyer, at tinanong kung anong kaso ko. Tinawanan ko nalang sila at dumiretso sa floor ng office ni aia. Mayaman na pala ang Aia namin, may sariling firm na ang gaga. May sumalubong sa'min na babae at hinatid kami sa office ni aia.

Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay tumingin na sa 'kin si Aia. Halos malaglag ito sa swivel chair niya nang makita ako. Dali dali itong tumayo at lumapit sa 'kin. 

"Gago?! Totoo ba 'to? Akala ko patay ka na!" Aia hissed.

"Tanga?" 

Nanubig ang mata nito at agad akong niyakap. Bumuhos muli ang luha ko dahil sa emosyong nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag, ganito ba talaga pag ilang taon ng hindi mo nakita ang kaibigan?

"Gago! Ang tagal ka naming hinanap." asik nito habang yakap pa rin ako.

Pinalis ko ang luha sa pisngi at hinarap si aia. Bakas pa rin sa mukha nito ang gulat, tila hindi makapaniwala sa nakita.

"Mommy, who is she po?" my daughter said.

Bumaling ang tingin ni aia kay uranus. Nangunot ang noo nito kay hinawakan ng anak ko ang kamay ni aia. "I'm Uranus po." pagpapakilala nito.

"How old are you, baby girl?" Aia asked.

"I'm alweady shix years old po." sagot naman ni uranus.

Tuluyan ng napatingin sa 'kin si Aia saka nagtaas ng kilay. Tinawag ni aia ang secretary nito at dinala na muna ang anak ko. Nang maiwan kami sa loob ay nagsimula nang magtanong si aia. Nagdrama pa kaming dalawa, naikwento rin nito ang ex boyfriend niyang si deus, nagloko raw 'to kaya single na siya ngayon. Naikwento ko rin sa kanya ang nangyari sa 'min ni saturn, nagkaiyakan ulit,tapos umuwi na rin kami ni uranus kalaunan. Hindi na rin kami nagtagal dahil baka gabihin pa kami.

Pagkauwi namin ng condo ay naabutan kong bukas ang pinto. Agad na pumasok ako sa loob para tingnan kung sinong nando'n, at laking gulat ko nang makita si saturn na nakaupo sa sofa habang nakikipag usap sa pinsan ko!

Anong ginagawa niya dito?! Ilang buwan siyang nawala tapos magpapakita siya dito na parang okay na ang lahat? Na parang hindi kami nagbreak noon?! What the fuck, saturn!

"Shir!" sigaw ni uranus at agad na dumalo kay saturn.

Saturn smiled.

"Hey, little girl." saturn greeted. Binuhat nito ang anak at saka tumingin sa 'kin.

"We need to talk." he firmly said.

:>

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status