Share

KABANATA 28

Still

Matapos ang paghatid nila sa 'kin ay umalis na rin ang mag ama. Tuwang tuwa pa si uranus nang makapasok ito sa building kung saan ako nagtatrabaho. Alam kaya ni saturn na kompanya 'to ng kapatid niya? Naalala ko noon na may kapatid pala ito sa ama. Akala ko silang dalawa ni varione pero may dalawa pa pala. Kumusta na kaya si varione? Bakit hindi siya kasama ni saturn? 

"Ang tahimik mo yata, zandra." ani ng isang katrabaho ko. Bumaba ako saglit ng opisina para dito nalang magmeryenda kasama ang iba. 

"Marami bang pinapagawa si sir clivonn sa'yo?" tanong ni criselda. Sa lahat ng katrabaho ko dito sa Real Estate, si criselda lang ang kilala ko. Siya 'yong babaeng nag approach sa akin noong first day ko.

"Wala naman masyadong pinapagawa si sir. Inaayos ko lang 'yong mga schedule niya tapos nagre-reprint rin ng mga papeles na kailangan niya." mahabang sagot ko.

Tumango naman si criselda. Kumain lang kami ng meryenda no'n, pagkatapos ay bumalik na rin kami sa sariling trabaho namin. 

"Sir clivonn, okay na po ba 'to? Ang sabi ng secretary ni Engr. Guzman ay ibabalik na raw nila ang shares dito." saad ko habang pinapakita sa kanya ang mga papeles. Nasa tabi ako nito at siya naman ay nakaupo sa swivel chair.

Binalingan ko ito nang tingin para tingnan ang reaction niya. Hindi na ako nagulat nang nakatingin 'to sa 'kin. Lagi naman siyang nakatingin sa'kin pag nagsasalita ako, eh. 

He cleared his throat. "Do you have a boyfriend, Ms. Torres?" he asked.

Nangunot ang noo ko dahil sa tanong niya. Bakit niya ako tinatanong ng gan'yan? Kasali ba 'yan sa trabaho ko dito? Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. Wala namang masama kung sasagutin ko ang tanong niya.

"May anak na po ako." sagot ko.

"I'm asking you if you have a boyfriend. I'm not asking you about your child." puno ng sarkasmong saad nito.

I bit my tongue. "U-hm wala po akong boyfriend." tanging sagot ko nalang.

Tumango ito saka pinilig ang ulo sa swivel chair. "Good, then." ani niya at hindi na nagsalita.

Hindi ko na rin sinubukan pang magsalita dahil awkward. Alam niyang may anak ako pero hindi niya alam na ang ama no'n ay kapatid niya. Alam ba ni clivonn na kapatid niya si saturn o hindi? Kasi kung alam niya edi dapat dito rin nagtatrabaho ang dalawang magkapatid. 

Tila may kung anong pumasok sa utak ko. Alam ko na.....mapride sila varione at saturn. Mas gugustuhin nilang maghirap kaysa ang humingi ng tulong sa ama nila. Kung sabagay ang hirap rin ng naging buhay nila noon. Hindi ko pa pala nadadalaw ang mama nila saturn. Saan kaya ito nailibing? 

Nang matapos ang trabaho ko ay sinundo ako ng mag ama sa lobby. Buhat ni saturn ang anak namin habang papunta sa 'kin. Nakanguso na si uranus habang nakatingin sa gawi ko. Nang makalapit sila ay agad na dumampi ang labi ng anak ko sa pisngi at hinalikan ako. 

"Hi, mommy! How was youy day po?" Uranus asked. Bumaling ang tingin ko kay saturn na nakanguso rin habang nakatingin sa 'kin. Gusto niya rin magpahalik? Nag iwas nalang ako ng tingin at tumingin sa anak.

"Good as well. How about you, baby? Baka naging pasaway ka do'n." 

"Hindi po mommy, ha! Ang dami pong pogi do'n sa work ni daddy. Engineer po pala si daddy, mommy." ani ni uranus na ikinalaki ng mata ko. Nagulat ako do'n. Hindi ko alam na engineer pala ito. Akala ko architecture ang course niya noon? Paano siya naging engineer? 

"U-hm gano'n ba anak? Wow." saad ko nalang. Narinig ko ang pagtikhim ni saturn kaya bumaling ang tingin ko sa kanya. Nagtaas ako ng kilay pero nag iwas nalang siya ng tingin.

Pagkatapos ng gabing 'yon ay hinatid kami ni saturn sa condo. Nagtaka pa ako dahil maling direksyon ang tinatahak niya. Hindi na rin ito natulog sa condo namin, may aasekasuhin pa raw kasi 'to kaya hindi na ako nagtanong kung ano pa 'yon.

Paggising ko nang umaga ay dumiretso na ako sa kusina para magluto ng kakainin namin ng anak ko. Si lily naman ay naabutan kong nanonood ng balita sa tv. Binalingan ko nang tingin ang tv at laking gulat ko nang makitang picture 'yon ni saturn yakap ang anak ko. Shitty!

"Vocalist ng planeta, totoong may anak na nga ba? Kita sa picture na 'to na may yakap itong bata. Alamin natin ang lahat ng 'yan kay Cjay Marasigan."

Napaupo na ako sa sahig nang makita si saturn na ini-interview ng isang reporter. Ayokong pati ang anak ko ay madamay. Sumikat na ang banda nila saturn, at ngayong alam na ng mga fans nito na may anak siya baka mas lalo lang siyang dumugin. Hindi pwede... Ilang taon kong tinago ang anak ko dahil dito. Gusto ko ng tahimik na buhay kasama ang anak ko at kung hindi mabibigay ni saturn 'yon, wala na akong magagawa kung hindi ang magpakalayo-layo. 

Habang pinapanood ko ang interview ni saturn ay parang mas lalo lang akong nasasaktan. Tinanggi niya sa lahat na may anak siya, na may anak kami. Pero, hindi ba ito ang gusto ko? Bakit nasasaktan ako para sa anak ko? Hindi deserve ni uranus ang lahat ng 'to. Aalis muna kami at babalik nalang pag naging maayos na ang lahat.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Bumiyahe kami kinagabihan. Nagtaka pa si lily dahil bakit daw aalis kami, maganda naman sa condo. Pero, ang hindi niya alam ay ayaw ko lang ipahamak ang anak ko. Dumiretso ako sa bahay ni olivia. Doon na muna kami, tinawagan ko naman na siya kanina at sinabi niyang okay lang daw kung doon muna kami.

Nang makarating kami sa bahay ni olivia ay namangha pa 'ko. Gate pa lang nila ay makabasag pinggan na. Parang dati lang ay pangarap pa naming magpagawa ng sarili naming bahay tapos dapat magkakapitbahay kami. Napatawa ako dahil sa naisip. Well, noon 'yon. Iba naman na ngayon.

"Kumain na ba kayo?" tanong ni olivia nang makapasok kami sa loob ng mansion nito. Malaki 'yon at mukhang mamahalin ang mga gamit.

"Yup, Bago kami umalis kumain muna kami. Nakakahiya naman sa'yo, beh." pagbibiro ko na ikinatawa niya.

Hinatid niya na lamang kami sa guest room at doon natulog. Pumapasok pa rin ako sa trabaho ko, gano'n pa rin ang routine. Ang kaibahan lang ay kay olivia ako umuuwi. Umabot kami ng isang buwan sa bahay ni olivia bago bumalik ng condo. Iniiwasan ko na rin ang makarinig nang kung anong balita kay saturn, dahil wala naman akong pake.

"Hoy ang tagal mo naman." asik ko habang hawak ang isang kahon ng cake. 

Ngayon ang uwi ni haedi sa pilipinas at balak naming isurprise ito. Nasa airport na siya at mukhang papunta na siya sa bahay nila deus, ang boyfriend ni aia. Si olivia naman ay nasa loob lang ng kotse nito at hinihintay kami.

Matapos makapagbayad ni aia ay lumabas na kami ng shop. Hinawakan ko naman ang kamay ni uranus para hindi ito mawala. Sinama ko pala siya dahil wala itong magawa sa condo. Naiwan naman si lily dahil may klase pa raw ito.

"Mommy, where are we going na po?" uranus asked.

Agad namang dumapo ang tingin ko sa kan'ya at saka ngumiti. "Sa bahay ng boyfriend ni tita aia mo, baby." 

Uranus giggled. "May boyfwiend ka na po pala, tita."

"Syempre naman. Ang ganda kaya ng tita mo." saad ni aia na ikinatawa ko.

"Kapal." singit ko.

Matapos ang konting asaran nilang magtita ay sumakay na kami ng kotse ni olivia, siya na ang nagdrive. Hinatid na rin namin ang anak ko sa condo dahil inaantok na raw ito. Hindi ko naman siya masisisi dahil maaga kaming gumising at namasyal  kanina.

Nang maihatid namin si uranus sa condo ay dumiretso na rin kami sa bahay ni deus. Wala pa do'n si haedi kaya nag ayos na kami. Ilang minutes ang lumipas ay nakita na namin si haedi na papasok sa loob. 

"WELCOME BACK, HAEDI!" sigaw namin nang makapasok na ng tuluyan si haedi. Nagulat ito nang makita kami, nangilid ang luha ko nang makita ang kaibigan. Ang tagal na rin pala noong huli naming kita. Seven years kaming hindi nagkita ni haedi at heto na siya ngayon, natupad na lahat ng pangarap niya sa buhay. Si Aia na lawyer, Olivia na may coffee shop at sariling bahay. Lahat ng pangarap nila natupad na. I'm so proud of them.

Pagkatapos ng yakapan naming apat ay nagulat nalang ako nang bumukas ang pinto at niluwa no'n sila ting, acher at ang lalaking tinataguan ko, si saturn!

"Shit tangina! Pre, uuwi na 'ko." nagmamadaling saad ko saka ako tumakbo palabas ng mansion.

Hindi ako tumingin sa likuran. Nanginginig kong hinanap ang cellphone sa bag ko. Tatawagan ko si ethan. Bago pa ako makalabas ng gate ay may kamay ng humila sa braso ko. Mariin 'yon kaya hindi ko agad natanggal. Nilingon ko si saturn na madilim ng nakatingin sa 'kin.

"Ano, aalis ka ulit? Iiwan mo ko ulit?" mariing tanong ni saturn.

"Hindi... U-hm.." Nag iwas ako ng tingin.

"Lagi nalang ba zandra? Tatakbuhan mo 'ko tuwing makikita mo 'ko? Tataguan niyo 'ko ng anak natin?." he said without humor.

Tila namanhid na ngayon ang braso ko sa kakahawak niya do'n. Tila naging isa na akong pipi, hindi makapagsalita at walang masabi. Bumara lahat sa lalamunan ko ang dapat kong sabihin.

"Zandra, bakit mo pa ba ako pinapahirapan ng ganito? Hindi pa ba halata? I'm chasing you because I am still in love with you." bakas sa boses nito ang sakit.

"I'm still in love with you. Na kahit anong gawin mong pag iwan sa 'kin, kaya kitang tanggapin ng paulit ulit. Kasi gano'n 'yong alam kong pagmamahal, e. 'Yon lang ang alam ko, zandra." humikbi na ito.

"Sabi ko sa sarili ko, pag nagkita tayo at may anak ka na sa ibang lalaki, tatanggapin kita. Kaya kong tumayong ama kahit hindi ko anak ang dinadala mo. Kaya ko tanggapin ang lahat ng sakit basta bumalik ka lang ulit sa 'kin." 

"Hindi pa ba sapat lahat ng rason ko para bumalik ka at magstay nalang sa 'kin? Kulang pa ba? What do you want, zandra? I can give you a better life."

"Tama na, saturn. Ayoko na! Hindi mo pa ba nakikita? Tama na 'yong sakit na binigay ko sa'yo. Hindi na... Hindi na pwede." iyak ko.

"Why? Do you love someone else? Zandra, please give me another chance. Ano pa bang mali sa 'kin? Babaguhin ko. Tell me. Ano pa zandra?"

Umiling ako. Wala kang mali saturn. Ako ang may mali!

"Enlighten me, please. Kasi hindi ko na maintindihan kung bakit mo 'ko pinapahirapan ng ganito."

"Ako ang may mali saturn! Naiintindihan mo ba? Tama na 'yong nasaktan tayong dalawa. Pwede mo namang dalawin si uranus eh, hindi kita bab-." 

He cut me off.

"Bullshit." malutong na mura nito.

"Huwag mong idamay ang anak natin dito dahil labas siya dito. Ang pinag uusapan dito ay ang relasyon natin kaya huwag mong idamay ang anak natin." matigas na saad ni saturn.

"Iniwan mo 'ko dahil 'yon ang sabi ng kapatid ko sa 'yo, 'di ba? Hindi ka man lang ba nagdalawang isip na huwag siyang sundin at manatili nalang sa 'kin kasama 'ko?" tumungo ito.

Unti-unti akong nag iwas ng tingin saka marahang tumango. Lumandas na naman ang panibagong luha sa mata ko.

Ang tanging naririnig ko nalang ngayon ay ang hikbi ni saturn habang nakatungo. Nanginginig ang balikat at walang balak mag angat ng tingin sa 'kin.

Umiling na lamang ako saka tumakbo palayo sa kan'ya. Sorry saturn pero tama na 'yong isang pagkakamaling ginawa ko at iyon ay ang iwan ka. Hindi ko deserve ang pagmamahal mo. Puro nalang sakit ang binigay ko sa'yo at ngayon nasaktan ulit kita. Sorry, saturn, pero tama na. 

:>

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status