Grocery
Natapos ang first day namin nang maayos. Hindi na namin kasabay sila haedi sa pag-uwi dahil iba ang inuuwian nila. Bago kami umuwi ay dumiretso muna kami ni olivia sa isang mall para mag grocery. Natanggap na rin kasi namin ang suweldo namin no'ng nakaraan. Hati kami sa bilihin at ganoon rin sa pagbabayad ng apartment namin.
"Anong gusto mong ulam?" tanong ni olivia habang tulak-tulak ko ang cart.
"Kahit ano na lang." sagot ko habang tumitingin sa mga presyo na binili namin.
"Walang ulam na kahit ano na lang. lol. So, ano nga?" naiiritang tanong ni olivia.
Nasa meat department kami kaya agad akong kumuha ng isang kilong manok. Tinignan ko ang presyo nito at nanlaki ang mga mata ko dahil sa mahal ng presyo nito. 200 pesos? Umirap nalang ako at saka binalik ang manok sa lagayan. Napatingin naman ako ngayon kay olivia na naglalakad na palayo sa akin. Halos umusok ang ilong ko dahil sa galit.
"Kahit kailan talaga! Mang iiwan." I whispered.
"Excuse me." A baritone voice said.
Napatingin ako ngayon sa likuran ko dahil sa narinig at halos manlaki ang mata ko nang makita ang lalaking nasa harap ko ngayon.
'Yong waiter na maraming sideline!
"Bibilhin mo ba 'yan o hindi?" tanong ng lalaki.
"U-hm h-indi." napalunok ako at saka nag iwas ng tingin.
Tumango lang ito at saka kinuha ang karne na hawak ko kanina.Napatingin ako sa suot nito..Nakablack t-shirt ito at khaki short. Napansin ko rin ang mauugat nitong kamay habang hawak ang karne na hinawakan ko kanina.
"Kuya, bibilhin pa ba natin 'to? Gusto ko ng mag ulam ng karne oh." saad ng katabi nitong lalaki.
Kung hindi ako nagkakamali ay kapatid niya ito. May katandaan na rin kasi ang katrabaho ni olivia samantalang ang lalaking kapatid nito ay baby face, kaya sigurado akong bata pa ang kapatid nito. Kaedad ko siguro 'tong kapatid niya. Pogi rin ito kaso hindi ko type at ayoko sa kaedad ko... Mas gusto ko 'yong older katulad ng kuya niya.
"Miss, kanina ka pa nakatingin sa kuya ko. Alam kong pogi kami." mapanuyang saad ng lalaki.
"Kapal." bulong ko.
"Anong sabi mo?" maangas na tanong nito.
"Varione." saad ng kuya niya.
Varione rolled his eyes.
"Ito kasi kuya, e! Bulong bulong pa." pagsusumbong nito.
Inirapan ko nalang ito at saka tumingin sa kuya niya na busy sa mga karne. Hindi niya man lang ako tignan! Ganito ba ako kaganda para hindi man lang tignan nang katulad niyang pogi?
Bumuntong hininga muna ako at saka tumingin sa isip bata nitong kapatid na varione ang pangalan.
"Hi, I'm zandra." pagpapakilala ko.
Ngumuso ito at saka kumunot noo.
"Varione nga pala at your service." inilahad nito ang kamay niya na agad ko namang tinanggap at nakipag shake hands.
Binitawan ko agad ang kamay nito at saka tumingin sa kuya ni varione.
"Ah ito nga pala ang kuya ko." saad ni varione at saka umakbay sa kuya niya.
Mas matangkad ang kuya nito kumpara kay varione kaya kailangan pa nitong tumingkayad para akbayan.
"Zandra.." sigaw ni olivia.
Panira naman ang babaeng 'to. Hindi ko pa nga nakikilala ang kuya ni varione tas biglang sisingit. Karmahin ka sana, olivia.
Tuluyan nang nakalapit sa amin si olivia at saka marahang inilagay sa cart ang mga pinamili niya.
"Kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala." saad nito at saka tumingin sa lalaking nasa harap namin ngayon.
"Oy nandito ka pala." saad ni olivia at saka tinapik sa braso ang kuya ni varione.
Ako ang nahihiya para sa'yo, olivia. Feeling close ang babaitang 'to. Umirap nalang ako at saka tumingin sa lalaki. Laking gulat ko pa nang makitang nakatingin ang lalaki sa akin at marahang umawang ang labi nito.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni olivia sa kuya ni varione.
Agad kong siniko si olivia kaya napatingin ito sa akin.
"Malamang nag grocery sila. Ang dami mong tanong." bulong ko.
"Oh ba't ka bumubulong?" tanong ni olivia kaya napatingin na sa amin ngayon ang dalawang lalaki na nasa harap namin.
Agad na namula ang pisngi ko dahil sa tanong ni olivia.
"Sige saturn, alis na kami." saad ni olivia at saka ako hinila paalis don.
"Ano ba olivia! Nakakahiya!" singhal ko.
"Anong nakakahiya?" tanong nito.
"Ba't mo sinabing bumubulong ako? Tanga ka ba?"
"E, bumubulong ka naman talaga. At oo tanga ka." pangbabara nito at saka ako hinila papunta sa counter para magbayad.
Halos buong magdamag akong nakasimangot sa loob ng apartment namin dahil sa kahihiyan kanina sa grocery store. Nakakahiya sa lalaki at kay varione. Ano nalang ang sasabihin nila sa akin? Baka mapagkalaman pa nila akong baliw.
Kanina pa kami nakauwi ni olivia. Hindi ko siya pinansin hanggang sa makauwi kami. Tanong siya nang tanong kung ba't ang tahimik ko, e, kasalanan niya naman 'yon! Kung hindi niya sana tinanong kung ba't ako bumubulong edi baka kanina pa ako nagwawala rito sa kwarto at nanonood ng kdrama...nakakawalang gana tuloy.
Naalala ko na naman ang lalaki kanina. Ang pogi niya pala sa malapitan...paano pa kaya pag nasa ibabaw ko na siya? joke hehe. Bakit ba ganito ang iniisip ko? Umirap nalang ako at saka tumayo sa pagkakahiga.
Agad kong hinagilap ang cellphone ko at nag online sa F******k. Hahanapin ko ang lalaki kanina. Ano kayang pangalan niya sa f*? Ano nga ulit pangalan niya? Sinabi na kanina ni olivia 'yon, e. Ang alam ko S 'yon tapos isa siya sa mga planet.
"Ano ba 'yong S na ibang planet? Supiter? ay tanga jupiter 'yon." bulong ko sa sarili.
Napahawak ako sa sentido ko at tila iniisip ang pangalan nong lalaki. Nang maalala ko ang pangalan ng lalaki ay agad ko itong tinipa sa search bar ng f******k.
Saturn
Pagkasearch ko pa lang ay marami nang lumabas na picture ng saturn. Hindi ang kuya ni varione ang nakita ko sa picture kung hindi ang literal na saturn! 'yong planet saturn!
Agad kong binura ang nasa search bar at saka tinipa ang pangalan ni varione. Kung hindi mahanap ang kuya, kapatid ang hanapin. Siguro naman friends ni varione ang kuya niya. Magkapatid sila kaya sure akong friend nila ang isa't isa sa f******k.
Nang masearch ko ang pangalan ni varione ay marami ring lumabas na picture...ang kaso lang ay hindi 'yon si varione kaya naghanap pa ako ng ibang profile picture na mukha ni varione. Pamilyar naman sa akin ang mukha nito dahil nakita ko ito kanina.
Halos magkakalahating oras na akong naghahanap rito ay wala pa rin akong makitang varione! Hindi ko makita ang mukha nito. Ang daming varione sa mundo pero sana naman ipakita niyo sa akin ang varione na nakilala ko kanina! Gusto ko lang talagang malaman f* ng kuya niya!
Napatalon ako sa gulat nang hablutin ni olivia ang cellphone ko.
"Varione?" basa nito habang hawak ang cellphone ko.
"Olivia Marie Santos! Ibigay mo sa akin ang cellphone ko! Binabalaan kita." pananakot ko.
"Talaga ba, Zandra Veronica Torres?" Olivia raised her brows.
Lumapit ako sa kanya at saka pilit na kinukuha ang cellphone ko. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa phone ko kaya sinimangutan ko ito.
"Ano ba 'yan! Amina kasi!"
"Crush mo ang kapatid ni saturn?" mapanuksong tanong nito.
"Hoy hindi ha! Ang kapal mo. Amina 'yang phone ko. Privacy naman, oy!"
Inirapan ako nito at saka may tinipa sa phone ko. Lumapit ako sa kanya pero lumayo ito..Ano na namang ginagawa ng babaeng 'to sa cellphone ko? Nang matapos siya sa ginagawa niya ay agad niyang binigay sa akin ang cellphone ko at saka ako tinalikuran.
"Thanks me later, pre. Landi well." saad nito at saka tuluyan nang dumiretso sa kwarto namin.
Halos manlaki ang mata ko nang makitang nagchat siya kay saturn gamit ang f******k account ko! Tila hindi na ako makahinga dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.
"Olivia, gaga ka!" sigaw ko.
Tinignan ko ang chat nito kay saturn at halos mahiya ako dahil sa nakalagay rito.
Zandra Torres:
Hi po. pa-accept naman po kuya...hahaxd.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at saka nagwala sa sala! Anong gagawin ko? Baka sabihan pa akong jejemon nito. Kasalanan mo 'to olivia the jejemon!
Ilang minutes akong nakatunganga dito sa sofa habang hinihintay ang reply sa akin ni saturn. Ini-stalk ko ang f******k nito at wala itong gaanong post sa timeline niya. Ni profile picture niya ay ang tanging picture niya noong bata pa siya. In fairness ang guwapo niya kahit noong baby pa siya. Sa susunod, sa akin ka naman magkakababy....joke lang po.
Napatawa ako sa sariling pag iisip ko. Ini-stalk ko ang f******k account ko at saka dinelete ang mga jejemon kong picture noong bata ako. Habang nagdedelete ako ng mga picture ko sa f******k ay biglang tumunog ang notification ko. Agad ko itong tinignan at halos manlaki ang mata ko dahil sa nakita.
Saturn Centaurus accepted your friend request.
Holy shit! Friends na kami sa f******k. Halos manginig ako sa tuwa dahil sa nakita. Inaccept niya ang friend request ni olivia! Bigla naman akong napatingin sa messenger ko nang lumitaw ang pangalan ni saturn. Hindi ko alam kung pipindutin ko ba o hindi pero dahil gusto kong malaman ang reply niya ay dali-dali ko itong pinindot.
Saturn Centaurus:
Done.
Agad na napawi ang ngiti ko dahil sa reply nito.
'Done' Parang napipilitan pa yata siya na iaccept ang friend request ni olivia, ha! Ngumuso nalang ako at saka nagtipa nang irereply sa kanya.
Zandra Torres:
Thank you po. Good evening po pala hehe.
Nanginginig pa ako nang isend ko ang reply ko pero dahil malakas ang loob ko ay hinayaan ko nalang ito at saka bumuntong hininga. Hindi agad ito nagreply sa akin kaya naghintay pa ako ng ilang minutes. Kumalma ka zandra baka busy lang siya.
Alas sonse na ng gabi at nasa kwarto na ako kasama si olivia. Hindi siya pumasok ngayon dahil alam naman ng boss namin na may pasok kami bukas. Alam rin kasi ng boss namin na tuwing ganitong may klase na ay sa weekends lang kami puwedeng mag shift. Tulog na si olivia kaya ako nalang ang gising ngayon.
Ilang oras na ang lumipas pero hindi pa rin nagrereply si saturn sa 'kin. Umayos nalang ako sa pagkakahiga at saka pumikit. Baka bukas magreply na siya. Matutulog na muna ako sa ngayon.
Goodnight, Saturn. Sana hindi ka bangungutin ka sana.
Humagikhik nalang ako saka tuluyan nang nagpalamon sa antok.
Revenge"Hoy, olivia! Bangon na." pangangalabit ko kay olivia na hanggang ngayon ay tulog pa.Kanina ko pa siya ginigising kaso ayaw dumilat ng gaga. Hindi naman siya nagpuyat kagabi ha. Ako nga ang huling natulog sa amin tapos siya pa 'tong matagal gumising.Bumuntong hininga nalang ako at saka bumangon sa pagkakahiga para maligo. May pasok pa kami ngayon at kailangan naming maagang gumising dahil mahirap ang sakayan sa bayan. Ilang minutes pa bago kami makarating sa school kaya dapat ay maaga kami.Nang tuluyan na akong matapos maligo ay saka ko narinig ang malakas na pagmumura ni olivia habang nililigpit ang higaan namin.Lumabas na ako ng banyo at saka nag umpisa ng isuot ang uniform ko. Bale magkaiba kami ng uniform ni olivia dahil iba ang course niya sa akin. Napatingin ako sa cellphone ko at tinignan ang oras. Halos manlaki ang mata ko nang makitang alas siete na.&nb
NumberNang matapos ang klase namin ay dumiretso na ako sa locker ko para ilagay ang mga bago kong libro. Ito na ang huling klase ko kaya uuwi na rin siguro ako. Didiretso muna ako sa department ni olivia.Habang tinatahak ko ang corridor patungo sa department ni olivia ay nakita ko ang grupo nila ethan na nag aabang sa gilid. Tila may hinihintay ang mga ito.Nang makadaan ako sa gilid nila ay saka ko naramdaman ang paghawak ng isang lalaki sa palapulsuhan ko. Agad ko itong tinanggal at saka lumingon sa kanila."Hi, zandra!" saad ng pangit na kaibigan ni ethan.I raised my brows."Jeremy nga pala." saad nito.Tumango nalang ako at saka ito tinalikuran pero bago 'yon ay may humarang na sa akin. Isa rin sa mga kaibigan ni ethan."Ang sungit mo naman, miss. Akala mo virgin pa." saad nito na ikinatawa ng iba pa niyang kas
CaughtMakalipas ang ilang araw ay ganoon pa rin ang routine namin. Lagi kaming nasa school dahil sa tambak na mga activities namin. At ngayong araw lang kami makakapag-enjoy!Ngayon ang araw ng acquaintance party namin. At halos buong gabi akong naghanap ng isusuot ko kagabi. Mamayang gabi na rin kasi ang party kaya dapat maganda ako!Minsan ay nakikita ko rin si saturn sa school... kasama niya ang bandmates niyang sila ting. Hindi ko alam na marunong pala kumanta si saturn. Minsan ko na siyang marinig kumanta pero isang beses lang 'yon at bitin pa! Tinawag kasi ako ni olivia non kaya hindi ko na napatapos ang kanta niya....sayang naman.Napabalikwas ako sa pagkakaupo nang maramdaman ko ang marahang paghalik ni ethan sa balikat ko."Hey, miss. Puwedeng pakiss?" ethan whispered while licking my earlobe."E-than.. b-aka m-ay m-akakita sa'tin." I murmurre
Handkerchief"Hoy, zandra. Kanina ka pa hindi mapakali. Ano bang nangyayari sa'yo?" bulong ni olivia.Nandito na kami ngayon sa school at halos nasa kalahati na rin ng estudyante ang nandito ngayon. Maymga lumapit pa sa'ming mga lalaki para alukin kami ng maiinom pero tinanggihan namin ito.Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero kanina pa talaga ako kinakabahan! Halos pabalik balik ako sa tindahan para uminom ng tubig. Wala pa kasing mga nakahandang pagkain at inumin kaya sa labas muna ako bumibili."Zandra Veronica!" sigaw ni olivia."Ano?!" asik ko."Kanina pa kita tinatanong, hindi ka man lang sumagot! Ano bang nangyayari sa'yo?" tanong muli nito."Wala." tipid kong sagot."Bahala ka nga diyan, hahanapin ko nalang sila aia at haedi." aniya at saka tuluyan na akong iniwan dito.
TomatoeHanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nasa akin pa rin ang panyo ni saturn. Ilang linggo na ang nakalipas pero hindi ko pa rin mabalik sa kanya ang panyo nito. Pinapangunahan ako ng takot at hiya, dahil nga sa sinabi niya sa'kin na malandi ako.Matapos ang party ay hindi ko na rin ito nakita at halos iwasan niya rin ako sa school. Minsan ay nakikita ko rin itong kasama ni ethan. Hindi kaya may sinabi si ethan kay saturn para iwasan niya ako!?Bumuntong hininga nalang ako at saka namili ng gulay para sa ilulutong sinigang ni mama. Umuwi na rin kasi ako ngayon sa amin dahil birthday ni mama. Bukas pa ang birthday nito pero umuwi na ako ngayon. May outing rin kasi kami bukas at ayoko ring magtampo si mama kung hindi ako sasama. Balak ko nga sanang isama si olivia kaso ayaw nito."Ganda, bili ka na dito oh. Sampung piso nalang.""Pst ganda."
ResortNang makauwi ako ay agad kong binigay kay mama ang pinamili ko para sa sinigang na iluluto niya ngayon."Natagalan ka ha." puna ng ate ko na nakaupo ngayon sa sofa habang nanonood ng tv."Walang tricycle, e." pagsisinungaling ko.Tumango naman si ate at saka hindi na ako pinansin.Dumiretso na ako sa kuwarto ko para makapagpahinga. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mag sink in sa utak ko ang nangyari kanina. Halos gusto ko nang magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan. Sa dami ng mahahawakan ko bakit kamay niya pa? At least kamaylang hindi penis!Agad na uminit ang pisngi ko dahil sa sariling naisip. Ano ba naman 'yan, zandra!Nang matapos ang araw na 'yon ay nag ayos na kami ng mga dadalhin namin para sa outing. Madaling araw na nang marinig kong nagsesermon si mama dahil sa binili kong isang kilo ng kamatis.&n
Pulled"D-ito na."Agad na bumaling ang tingin sa akin ni saturn nang marinig niya akong magsalita."Dito na? You sure?" tanong pa nito at saka sumilip sa loob ng cottage."Oo." tipid kong sagot.Tumango ito at saka muling tumingin sa akin.I sighed."Thank you sa paghatid. Bumalik ka na sa cottage niyo." saad ko at saka ngumiti.He just nodded and left me here.Tinanaw ko ang papalayong bulto ni saturn sa malayo. Hindi ito lumingon sa akin kaya hindi na rin ako umasa. Nang makapasok ako sa cottage ay narinig ko na agad ang sigawan ng mga kaibigan ni ate.Nakita ako si ate na pinapaikot ang isang bote ng tubig na wala ng laman.Agad na nangunot ang noo ko at saka masamang tinignan si ate."Ate.""
BirthdayNang makarating kami sa cottage nila saturn ay bumungad na sa amin ang ina nito na nakangiti habang hawak ang cake at kinakantahan ito ng happy birthday. Si varione naman ay nasa likod lang ng ginang habang nagvi-video at ang babae namang kasama nito ay nakangiti habang nakatingin kay saturn.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero feeling ko ay hindi ako nababagay rito. Para akong na out of place ng wala sa oras. Lumingon ako kay saturn ngayon na nakangiti habang nakatingin sa mama nito."Blow your candle na kuya." masiglang saad ni varione."Make a wish, babe." bulong ng babae na sapat para marinig ko.Nakita ko naman ang marahang pagsiko sa kanya ni varione. Ngumiwi lang ang babae at saka sinabunutan si varione. Umiling nalang ako at saka tumingin sa ginang."Happy Birthday, kuya! Tanda mo na." pahabol ni varione.Nang m