Share

KABANATA 9

Tomatoe

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nasa akin pa rin ang panyo ni saturn. Ilang linggo na ang nakalipas pero hindi ko pa rin mabalik sa kanya ang panyo nito. Pinapangunahan ako ng takot at hiya, dahil nga sa sinabi niya sa'kin na malandi ako.

Matapos ang party ay hindi ko na rin ito nakita at halos iwasan niya rin ako sa school. Minsan ay nakikita ko rin itong kasama ni ethan. Hindi kaya may sinabi si ethan kay saturn para iwasan niya ako!?

Bumuntong hininga nalang ako at saka namili ng gulay para sa ilulutong sinigang ni mama. Umuwi na rin kasi ako ngayon sa amin dahil birthday ni mama. Bukas pa ang birthday nito pero umuwi na ako ngayon. May outing rin kasi kami bukas at ayoko ring magtampo si mama kung hindi ako sasama. Balak ko nga sanang isama si olivia kaso ayaw nito.

"Ganda, bili ka na dito oh. Sampung piso nalang." 

"Pst ganda." 

Isa lang 'yan sa mga naririnig kong sigawan ng mga tindero't tindera dito sa palengke. Hindi naman sa assuming ako pero sa tingin ko ay ako ang tinatawag nila. Ako lang naman ang naglalakad dito para tignan ang mga tinda nila. Ang ibang mamimili naman ay nasa kabilang puwesto.

Bumaling ang atensyon ko sa isang puwesto na punong puno ngayon ng mga mamimili. At halos ng naroon ay puros babae! Ang kaharap naman nitong puwesto ay walang bumibili. Kaya doon nalang ako dumiretso para bumili ng mga gulay. Mas mabuti na rin 'yong ako lang ang bebentahan nila para makauwi ako agad.

Nang tuluyan na akong makalapit ay rinig ko na agad ang paghagikhik ng ilang kababaihan. Sumilip ako roon para tignan kung sino ang nagtitinda. Babae ang tindera at mukhang may katandaan na ito pero bakit ang daming bumibili sa kanya?

"Tita, pabili naman po nitong talong niyo. Magkano po ang isang kilo?" isa  sa mga bumibili sa matanda.

"Tita, sabi ni mama gusto niya raw kayong maging kapamilya.." ani ng isang babae na halos kasing edad ko lang.

"Tita, tulungan ko na po kayong magtinda."

Umirap nalang ako sa mga naririnig na bulongan ng mga mamimili. Lumingon ako sa katabi nilang puwesto at saka roon namili ng gulay. Hindi pa ako nakakapili ng gulay ay narinig ko na ang isang pamilyar na boses.

"Ma, ako na ang bahala diyan. Mapaghinga na ho kayo."

Tumingin ako sa nagsalitang 'yon at halos mahulog ko ang mga pinamili ko dahil sa nakita.

Si saturn habang inaalalayan ang tinatawag nilang tita kanina!

Anak niya si saturn? Hindi ko agad nahalata na kamukha pala ng matanda si saturn. Bakit ngayon ko lang napansin 'yon? Agad kong binitawan ang hawak kong talong at saka lumipat sa puwesto nila saturn.

"Miss, hindi ka na rin ba bibili dito?" tanong ng tindero.

Agad akong lumingon sa matanda at saka umiling dito. Pasensya na po pero mas gusto ko sa kabila. Mas gusto ko kay saturn.

Nang lumipat ako kila saturn ay mas lalong parami nang parami ang mga bumibili ng mga gulay nila. Hindi agad ako makalapit sa kanya dahil sa dami nila.

"Huwag po tayong magtulukan. Lahat makakabili." marahang saad ni saturn.

"Oo nga. 'Yong mga nasa likod, nagtutulukan." saad ng isang babae.

"Hoy 'yong mga nasa likod nagtutulukan." sigaw pa ng isa.

Nangunot ang noo ko dahil sa akin na lahat nakatingin ang mga mamimili.

Hoy hindi ako 'yong nanunulak, ha!

Umiling nalang ako at saka hinintay na matapos ang ibang mamimili. 

"Kuya, ano po f* name niyo?" tanong ng isang mamimili.

Tumingin ako kay saturn ngayon at bakas sa mukha nito na iritado ito. Hindi ito nagsalita at saka inabot nalang ang binili ng babae.

Halos matawa ako sa mukha nong babae. Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. Anong akala mo ha? Ibibigay ni saturn sa'yo f* niya? Kapal mo naman girl.

"Tita, ano pong pangalan nitong anak niyo?" tanong ng isang babae.

Napatingin ako ngayon sa mama ni saturn na nakangiti at saka marahang tumingin sa anak niya na inaabot ang binili ng babae.

"60 pesos po lahat, ma'am." saad ni saturn.

Inabot naman agad ng babae ang isang daan at saka agad na kinuha ni saturn ang pera para masuklian ito. Nang iaabot na ni saturn ang sukli sa babae ay saka ito hinawakan ng babae at saka ngumiti.

"Keep the change." malambing saad ng babae.

Halos kumulo ang dugo ko sa boses ng babae. Halatang nilalandi lang nito si saturn dahil sa tono ng pananalita niya. Akala ko ba ayaw ni saturn sa malandi?!

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni saturn at saka ito umiling.

"Masyado hong malaki ang sukli. Pamasahe niyo nalang ho." saad ni saturn at saka inabot ang pera. 

Agad namang namula ang babae dahil sa ginawa ni saturn. Tumango nalang ang babae at saka ito umalis. Halata sa mukha ng babae ang pagkamangha dahil sa ginawa ni saturn. Ang iba nga ay masayang tinatanggap ang sukli tapos si saturn, ibabalik niya pa? Iba ka saturn.

Nang umalis ang ibang mamimili ay ako na agad ang sumunod. Nakayuko na si saturn ngayon kaya hindi agad ako nito nakita. Tumingin ako sa mama ni saturn at halos manlaki ang mata ko nang makitang nakatingin rin ito sa akin!

Agad akong ngumiti at saka marahang tumungo. Nahuli niya ba akong nakatitig sa anak niya?

"Ano hong bibilhin niyo?" tanong ni saturn.

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses nito! Hindi ko alam kung lilingon ba ako kay saturn o hindi! Agad na nanlamig ang kamay ko nang nilingon nito ang mukha ko. 

Mariin akong pumikit at saka nangapa nang puwedeng bilhin. Kumalma ka zandra! Bibili ka lang. Pagkatapos nito, uuwi ka na.

Nang may makapa ako ay agad kong binuksan ang mata ko at saka tumingin kay saturn. 

"M-agkano 'to?" I uttered.

Nangunot ang noo nito at saka marahang ngumisi.

"You mean, magkano ako?" tanong ni saturn at saka marahang tinaas ang kamay niyang hawak ko.

Agad kong binitawan ang kamay nito at saka tumungo. Ano ka ba naman, zandra! Nakakahiya ka!

Ilang beses akong lumunok at saka naghanap ng kamatis para sa sinigang. Nang may makita akong kamatis ay agad akong namili at saka binigay kay saturn.

"Magkano po ang isang kilo?" tanong ko pero sa kamatis ako nakatingin.

"80." tipid na sagot ni saturn.

Agad akong kumuha ng pera sa wallet ko. Isang daan ang kinuha ko at saka ito binigay sa kanya. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya dahil sa kahihiyan. Bakit hindi ko napansin na hawak ko ang kamay niya kanina!

Nag angat ako nang tingin kay saturn nang kinukuha na nito ang  sukli sa isang bag na nakasabit sa ibaba nang sinturon nito. Parang gusto ko maging bag!

Nang matapos niyang kunin ang sukli ay saka agad akong yumuko. Baka isipin niya na tinitignan ko siya. Nang hindi niya pa inaabot sa akin ang sukli ay agad na nangunot ang noo ko.

Ang tagal niya namang ibigay sa 'kin ang sukli. Parang kanina lang nagmamadali siyang ibigay ang sukli sa iba tapos sa akin ang tagal!

Tumikhim ako at saka marahang inabot ang kamay kay saturn habang nakayuko.

"'Yong sukli ko po." saad ko.

Napasinghap ako nang marahang hawakan ni saturn ang baba ko.

"Ang bastos naman kung kukunin mo ang sukli nang hindi tumitingin sa akin, 'di ba?" mapanuyang saad nito.

Tumingin ako sa mama ni saturn na nakatingin sa amin ngayon at bakas sa mukha nito ang gulat sa ginawa ng anak niya.

"Ito 'yong sukli mo." saad ni saturn at saka inabot sa akin ang sukli.

"Salamat." bulong ko na sapat para marinig niya.

Binitawan agad nito ang baba ko at saka tumango.

Hindi na agad ako nagsalita at saka umalis sa puwesto nila saturn. Lumingon ako sa kanila nang makalayo na ako. Lumapit si saturn sa ina niya at saka ito kinausap. Hindi ko alam ang pinag uusapan ng dalawa pero parang seryoso 'yon, kaya agad na akong pumara ng tricycle para makauwi.

Napatingin ako ngayon sa sukli na inabot sa'kin ni saturn kanina.

Singkwenta? Akala ko ba 80 pesos ang isang kilo? Bakit singkwenta ang sukli ko?

:>

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status