Share

KABANATA 12

Birthday

Nang makarating kami sa cottage nila saturn ay bumungad na sa amin ang ina nito na nakangiti habang hawak ang cake at kinakantahan ito ng happy birthday. Si varione naman ay nasa likod lang ng ginang habang nagvi-video at ang babae namang kasama nito ay nakangiti habang nakatingin kay saturn.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero feeling ko ay hindi ako nababagay rito. Para akong na out of place ng wala sa oras. Lumingon ako kay saturn ngayon na nakangiti habang nakatingin sa mama nito.

"Blow your candle na kuya." masiglang saad ni varione.

"Make a wish, babe." bulong ng babae na sapat para marinig ko.

Nakita ko naman ang marahang pagsiko sa kanya ni varione. Ngumiwi lang ang babae at saka sinabunutan si varione. Umiling nalang ako at saka tumingin sa ginang.

"Happy Birthday, kuya! Tanda mo na." pahabol ni varione.

Nang matapos kantahan si saturn ay agad kaming pumasok sa cottage nila. Hindi ko alam kung papasok ba ako pero hinila na agad ako ni saturn at saka pinaupo malapit sa tabi niya. Lumapit naman ang babae kay saturn at saka inabot dito ang regalo. 

"Happy Birthday!" bati ng babae.

Bumaling ang atensyon namin kay varione nang kunin nito ang regalo ng babae na para kay saturn.

"Thank you, ringot! Kain ka na. Na appreciate ni kuya." saad ni varione at saka ngumiti sa kuya niya na nakaupo sa tabi ko.

Nakita ko naman ang marahang paghawak sa akin ng mama ni saturn kaya napatingin ako sa ginang.

"Kain ka na, hija. Huwag ka nang mahiya." saad nito at saka nilagyan ang plato ko ng pancit palabok at palitaw. Nilagyan niya rin 'yon ng bibingka at leche flan.

"Ma, ako na ho diyan. Kumain na ho kayo." saad ni saturn at saka pinaupo ang ginang.

Nilagyan ni saturn ng pagkain sa plato ang ginang. Ganoon rin ang ginawa ni varione. Binigyan niya rin ang babae ng pagkain sa plato nito..Ngumuso ang babae at saka tinuro si saturn.

"I want your kuya to do that to me too. Please, tell him naman oh to give me foods rin." maarteng saad nito.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni varione at saka ngumiwi.

"Arte pota." bulong nito.

"'Yong bibig mo, varione." suway ng mama nito.

"Sorry, ma." malambing saad ni varione at saka marahang hinalikan ang ginang sa pisngi.

Lumingon ako ngayon sa babae na nag iwas ng tingin. Inabot ko sa kanya ang pagkaing binigay sa'kin ng mama nila saturn. Nanlaki ang singkit nitong mata. Tila hindi ito makapaniwala na binigay ko sa kanya ang pagkaing bigay ng mama nila varione. Ngumiti ito at saka kinuha ang plato.

Nang matapos lagyan ni saturn nang pagkain ang plato ng mama nito, ay saka ito tumingin sa akin at inabot ang plato. May laman na rin ito pero hindi nga lang katulad ng binigay ng mama niya.

Maraming kanin, hipon, lobster at crab ang binigay niya sa akin! 

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Tinanggap ko nalang ito at saka marahang ngumiti.

"Salamat." I murmurred.

Hindi ko alam kung pa'no kainin ang lobster at crab! Tanging ang alam ko lang kainin ay hipon. Paano na 'yan? Tapos ang dami pang kanin. Hindi ko naman 'to mauubos, e!

Napatingin ako ngayon kay saturn nang ibigay nito sa akin ang binalatan niyang hipon. Nasa plato ko na 'yon ngayon. Hindi agad ako nakagalaw dahil sa ginawa nito.

"Eat." bulong nito.

Napangiti ako sa marahang bulong nito kaya agad akong tumango at kinain ang binalatan niyang hipon. Ang sinunod niya naman ay ang lobster at crab. Inabot niya rin sa akin ang nabalatan na kaya agad ko itong kinain at inubos.

Nang matapos ako ay agad akong inabutan ni saturn ng malamig na tubig at saka ganoon rin ang mama niya. Si varione naman ay nakatingin lang sa amin ng kuya niya at tila may iniisip. Ang babae naman ay nakanguso sa cake habang hinihila ang damit ni varione. 

I chuckled.

Magjowa ba ang dalawang 'to? 

Bumaling ako sa plato ni saturn na walang ano mang bakas na pagkain. Nangunot ang noo ko nang marealize na hindi pala ito kumain dahil mas inuna ako nitong balatan ng hipon!

Umayos ako ng upo at saka humarap sa mama nila. Nakita ko ang pag ngiti ng ginang sa akin at saka hinawakan ang kamay ko. Tumango nalang ako at saka sinuklian ang ngiti nito.

Hiniwa ni varione ang cake at saka lumapit sa mama nila para bigyan ito ng isang hiwa. Ganoon rin ang ginawa niya sa babaeng katabi nito. Si saturn naman ay nakaupo lang sa tabi ko habang umiinom ng tubig.

Busog na naman ako kaya hindi ko na kailangan kumain ng cake. Agad akong tumayo at saka naghiwa ng cake para kay saturn. Hindi pa siya kumain dahil sa'kin! Dapat siya naman ang pagsilbihan ko. Nakakahiya naman.

Nang makapaghiwa ako ng cake ay agad ko itong niligay sa plato niya at saka kumuha ng tinidor. Humarap ako sa kanya at saka ngumiti.

"Kain ka na." saad ko at saka inabot ang plato na may lamang cake.

Bakas sa mukha ni saturn ang pagkamangha dahil sa ginawa ko kaya agad na namula ang pisngi ko.

"Ay sorry. Sige, ikaw na." bawi ko nang marealize na ayaw niya pala sa malanding tulad ko. 

Kinuha nito ang platong hawak ko at saka kinain ang hiniwa kong cake. Narinig ko ang pag hagikhik ng mama nila kaya tumungo nalang ako.

Nang matapos ang konting salo-salo nila ay agad na akong nagpaalam sa kanila. Bago ako bumalik sa cottage ay nagkwentuhan muna kami ng mama nila saturn. Nagkwento lang ito tungkol kay saturn at minsan naman ay napupunta kay varione. 

Umalis na rin ang babaeng kasama ni varione kanina. Nagpaalam na rin ito sa ginang. Hinatid ni varione mula sa gate ang dalaga at saka bumalik rin dito.

Nang maihatid ako ni saturn sa cottage namin ay agad akong nag angat ng tingin sa kanya. Tumikhim ako para mabawasan ang tensiyon sa pagitan naming dalawa.

"Happy Birthday. Salamat sa pagkain. Nabusog ako." masiglang saad ko.

Nakita ko ang marahang pagtango nito at saka nag iwas ng tingin.

He cleared his throat.

"Thank you." his voice was husky.

Agad na sumilay sa labi ko nang maalala ang nagyari noong isang araw. Matagal na 'yon pero hindi ko pa rin makalimutan. Nagpasalamat sa 'kin si saturn kaya talagang hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon!

Nang matapos ang araw na 'yon ay umuwi na rin kami pagkatapos. Nagpahatid nalang ako sa apartment namin ni olivia. Nagkwento ako kay olivia pero tila wala itong pakealam sa kwento ko. Puro siya 'sana ol'... At natulog na rin kalaunan.

Tapos na ang weekend kaya narito ulit kami sa school para mag aral. Mag uumpisa pa lang ang first subject ko kaya dapat umakyat na 'ko sa department ko. Napatingin ako ngayon sa hawak kong panyo.

Matagal na rin pala sa akin 'tong panyo na 'to pero hindi ko pa rin nababalik. Luminga-linga ako sa paligid at napansin ang ibang estudyante na nag uusap sa corridor. Inamoy ko muna ang panyo at akmang ibubulsa ko na sana ito nang marinig ko ang isang sigaw ng lalaki. Paakyat na sana ako sa third floor nang lumapit ito sa akin.

"Hey! You! That's mine!" sigaw ng isang lalaki na sa tingin ko ay kasing edad lang ni saturn.

Hindi agad ako kumibo nang tuluyan na itong makalapit sa akin. Rinig ko naman ang mga bulungan ng ibang estudyanteng nanonood sa amin ngayon.

Hinablot ng lalaking pogi ang panyong hawak ko kaya agad na nangunot ang noo ko. Ano bang ginagawa ng lalaking 'to? Kulang ba 'to sa aruga ng parents niya, ha?

"It's mine." his voice was firm.

Takang taka ako sa nangyayari ngayon. Ano bang pinagsasabi ng lalaking 'to? Alam kong kay saturn 'tong panyo!

Bumuntong hininga muna ako bago magsalita.

"Pogi ka pero masama ang basta basta nalang nangunguha, you know that, right?" I said calmly.

Kahit na ang totoo ay gusto ko ng magwala dahil hawak ngayon ng isang lalaking hindi ko kilala ang panyo ng crush ko!

"The handkerchief that you grabbed was saturn's, I saw how it dislodged itself from his slacks." I added.

I saw how he clenched his jaw. 

Nakakunot ang makapal nitong kilay at tila naiirita na sa nangyayari ngayon.

Nagulat nalang ako nang marinig ang sigawan at tilaan ng ibang estudyante.

"Look! Is that saturn? Omy!" sigaw ng babae sa hindi kalayuan.

Agad na bumaling ang atensyon ko sa paakyat na ngayon na grupo nila saturn. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya agad akong tumingin sa lalaking nasa harap ko. Binigay ko sa kanya ang panyo. Nakita ko ang gulat sa mukha nito kaya umirap nalang ako.

"Sa 'yo na! Wala naman akong pake sa saturn na 'yan. K bye!" nagmamadaling saad ko at saka umakyat pataas. 

May nabunggo pa akong babae at laking pasasalamat ko nang makitang si haedi 'yon!

"Preeee! Shems..... Ba't ka nandito?" tanong ko.

"Ihahatid ko lang 'tong libro kay prof laine." sagot ni haedi.

Tila nagproseso sa akin lahat nang nagyari kanina! "Oh shit 'yong panyo! Dapat hindi ko binigay 'yon, e! Kay saturn 'yon!" asik ko.

"Ha?" tila nagugulahang saad ni haedi.

Nangunot ang noo nito.

Tipid lang akong ngumiti kay haedi at saka kumapit sa braso nito. "Nevermind. Tara na. Alam ko kung nasa'n si prof." pag iiba ko sa usapan.

Tumango lang naman si haedi kaya nakahinga ako ng maluwag. Buti nalang hindi mausisa ang babaeng 'to.

:>

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status