Share

KABANATA 11

Pulled

"D-ito na."

Agad na bumaling ang tingin sa akin ni saturn nang marinig niya akong magsalita.

"Dito na? You sure?" tanong pa nito at saka sumilip sa loob ng cottage.

"Oo." tipid kong sagot.

Tumango ito at saka muling tumingin sa akin.

I sighed.

"Thank you sa paghatid. Bumalik ka na sa cottage niyo." saad ko at saka ngumiti.

He just nodded and left me here. 

Tinanaw ko ang papalayong bulto ni saturn sa malayo. Hindi ito lumingon sa akin kaya hindi na rin ako umasa. Nang makapasok ako sa cottage ay  narinig ko na agad ang sigawan ng mga kaibigan ni ate.

Nakita ako si ate na pinapaikot ang isang bote ng tubig na wala ng laman.

Agad na nangunot ang noo ko at saka masamang tinignan si ate.

"Ate." 

"Walang alak, gaga. Suka ang iinumin pag hindi ginawa yung dare." saad ni ate kahit hindi ko pa naman natutuloy ang sasabihin ko.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niyang 'yon. Napatingin ako kay mama ngayon na nakikipag usap sa mga lalaking kaibigan ni ate. 

Ano na naman 'to?!

Lumapit ako kay mama at saka inabot sa kanya ang dalawang baunan na may lamang leche flan. 

"Happy Birthday, ma." bati ko at saka ito niyakap.

"Itong batang 'to. Saan mo nakuha 'yan?" tanong ni mama.

Ngumuso ako at saka umupo sa tabi niya. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na nakatingin sa akin ngayon ang kaibigang lalaki ni ate.

"Sa balae niyo po." pagbibiro ko.

"Loko ka." saad ni mama at saka marahang hinampas ang braso ko.

Narinig ko naman ang pagtikhim ng isa sa mga kaibigan ni ate na lalaki.

"Zandra, right? I'm jay." pagpapakilala nito at saka inabot ang kamay niya sa akin.

Agad ko naman itong tinanggap at saka marahang tumango.

"Nice to meet you po."

"Ako rin zandra. I'm kyle." 

"I'm sherwin."

Nginitian ko nalang sila at saka iniwan sa loob ng cottage. Kanina pa sila tanong nang tanong tungkol sa akin. At saka akala ko ba para sa amin 'to? Bakit nag invite si ate ng mga kaibigan niyang jejemon? 

Umirap nalang ako at saka naglakad patungo sa pool area. Gusto kong magrelax. Habang tinatahak ko ang pool area ay nahagip ng mata ko ang mga grupo ng lalaki na naglalaro sa pool. Hiyawan at sigawan ang

naririnig ko kaya agad akong lumayo roon at saka naghanap ng puwedeng paglibangan. 

Nang medyo nakalayo na ako roon ay agad na dumapo ang tingin ko sa isang pamilyar na bulto ng lalaki na nakatayo mula sa gate ng resort. May kausap itong babae na hawak ang isang box ng cake at saka isang gift. Mukhang mayaman ang babae dahil sa pormahan nito. May kaputian rin ito at masasabi mo talagang maganda siya kahit sa malayuan.

Lumapit ako sa puwesto nila para marinig ang usapan. 

"Anong dala mo, bitch?" tanong ng isang pamilyar na boses.

Agad akong tumingin sa lalaki at halos malaglag ang panga ko nang makitang si varione 'yon!

"Cake? You told me to buy a cake, 'di ba? Where is he ba?" bakas sa boses ng babae ang arte sa pananalita nito.

Conyo.

"Gaga. Pa'no 'yong ano? Alam mo na. 'Yong sinabi ko sa'yo kahapon." pabulong na saad ni varione na sapat para marinig ko.

Grabe naman ang tengang meron ako. Masyado na ba akong chismosa para marinig kahit pabulong na?

"What? The brief ba? Of course, hindi ko naforget. It's in my bag." maarteng saad ng babae.

Halos dumugo na ang ilong ko sa pakikinig sa usapan nila.

"Anong size binili mo? Baka maliit 'yan, ha?" ani ni varione.

"It's XL, right? why naman so malaki?" tanong ng babaeng maarte.

Anong malaki ba ang tinatanong nito?! 

"Ganoon talaga ang lahi namin. Malaki lahat. Gusto mo bang makita?" pagbibiro ni varione sa babae.

Agad namang hinampas ng babae si varione sa braso at saka ito inirapan.

"You're so engot talaga. You're kadiri! So gross, eww. You know naman na I like your brother, e." maarteng saad ng babae.

Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. So, si saturn pala ang gusto ng maarteng babae na 'to? Ayaw ni saturn sa malandi, hoy! Okay, maarte lang siya pero mukhang hindi naman siya malandi. Mukha lang siyang malandi dahil sa pananalita nito. 

Napatungo ako at saka marahang umalis sa puwesto nila. Bumalik ako sa cottage namin at saka kumain na. Ang ibang kaibigan naman ni ate ay nasa pool na at naglalaro. Ako, si mama at papa nalang ang naiwan dito. 

Hindi ko man lang nabilhan si mama ng regalo. Sa susunod nalang siguro pag may pera na. At least may leche flan akong dala na bigay ng mama ni saturn. Na bigay ng mother in law ko!

Napangiwi nalang ako nang maalala na naman ang narinig kanina. Hindi kaya girlfriend ni saturn 'yong maarte na 'yon? Hindi hamak na mas maganda ako doon, 'no! 

Nang matapos akong kumain ay dumiretso na ako sa kabilang pool at saka doon nag swimming. Pinilit ko ang sarili kong maging masaya kahit na kanina ko pa iniisip kung girlfriend nga ni saturn ang babae kanina.

Ano ba naman 'yan, zandra! Huwag mo nang isipin si saturn. Ang mas mabuti pa ay mag enjoy ka at humanap ng pogi!

Nang medyo nakalayo na ako sa 5feet ay agad akong kinabahan. Medyo nasa malalim na kasi ako na parte ng swimming pool kaya muntik na akong malunod. Buti nalang may humila sa akin palayo roon. Nagulat pa ako pero nagpaubaya nalang ako. Ayoko naman na mamatay na virgin, 'no!

Napatingin ako sa lalaki ngayon na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang kamay ko. Lumingon ito sa akin kaya naaninag ko ang mukha nito. Singkit ang mata nito at makapal rin ang kilay. Pogi rin siya pero iba pa rin pag si saturn. Napansin ko rin ang mata nitong lalaki. Pareho sila ng kulay ng mata ni saturn. Blue rin!

"Are you okay, miss? Nakita kita kanina. Muntik ka nang malunod kaya hinila na kita." saad ng lalaki.

"Thank you." saad ko at saka agad na umahon sa pool.

Nakita ko naman ang pagsunod nito sa akin. Kaya mas binilisan ko ang paglalakad at saka lumingon sa kanya at nakita kong sinusundan pa rin ako nito hanggang ngayon!

Halos matalisod ako sa kakamadali. Nagpunta ako sa maraming tao para maiwala ito. At laking pasasalamat ko nang tuluyan ko na itong maiwala.

Huminga ako nang malalim at saka tumingin sa paligid. Ang iba ay naglalaro at saka nagtatakbuhan. Bumaling ang atensyon ko ngayon sa isang grupo ng lalaki na lumapit sa akin ngayon.

"Puwede po bang magpapicture?" tanong ng isang lalaki na sapalagay ko ay mas matanda sa akin ng ilang taon.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi naman sa first time ko 'yong ganito pero nakakailang kasi lalo pa at marami sila. 

"Sige na po. Kahit isang beses lang po." pagmamakaawa ng lalaki.

Hindi siya pogi kaya hindi ko alam kung papayag ako. Dapat pogi para pumayag agad ako!

Dahil sa ayoko naman na mapahiya ang lalaki ay tumango nalang ako at saka pumayag sa gusto niya.. Isang picture lang naman. Hindi naman mawawala virginity ko pagkatapos nito!

Tumango nalang ako saka marahang ngumiti. Narinig ko pa ang asaran ng mga tropa niya.

"Oy si caloy. Binata na." pang aasar ng isa sa mga kaibigan nito.

Tumabi ito mula sa akin at saka ngumiti. Humarap ako sa camera at saka nagpose ng peace sign.

"1.....2...."

Hindi natuloy ang pagkuha sa'min ng litrato nang may humapit sa baywang ko. Napatingin ako sa humapit sa'kin at laking gulat ko nang makitang si saturn 'yon at madilim na nakatingin sa lalaking may hawak ng cellphone ngayon.

"U-hm k-uya..... p-asensya na po. A-kala po namin single si ate. Ito kasing si caloy, crush niya si ate!" saad ng lalaking may hawak ng cellphone.

Napasinghap ako nang marahang haplusin ni saturn ang baywang ko.

Bumaling ang atensyon ko sa mga lalaki ngayon nang makita nila ang ginawa ni saturn. Napalunok sila at saka yumuko.

"Sorry po talaga. Aalis na po kami." saad ng lalaki at saka hinila ang lalaking caloy ang pangalan.

Ngumuso ako at saka nag angat ng tingin para tignan si saturn. Malayo ang tingin nito pero nakayapos pa rin ang braso niya sa baywang ko.

"Okay na. Wala na sila." bulong ko.

I heard him sighed.

"Hinahanap ka ni mama." saad nito at saka binitawan ang pagkakayapos sa baywang ko.

Agad na nanlumo ako nang tanggalin nito ang braso niya roon. Ang ganda na sana, e. Feel na feel ko na nga na ako ang girlfriend, e. Tapos biglang babawiin?!

"Susunod nalang ako." saad ko at saka tumungo.

"Ngayon na." ani ni saturn at saka nag umpisa nang maglakad.

Napatingin ako sa likuran niya at saka ito sinundan. Bumaba ang tingin ko sa kamay nito at pilit 'yong inaabot kahit hindi niya naman ito kita. 

Binilisan ko ang paglalakad at saka pilit na inaabot ang kamay niya kahit na imposibleng maabot 'yon. Nagulat nalang ako nang tumigil si saturn sa paglalakad at saka tumingin sa akin. Hindi ko agad nababa ang kamay ko kaya napatingin siya do'n.

Agad akong nag iwas ng tingin at saka marahang nagmura sa isip. Tangina ka naman, zandra. 

Napatalon ako nang hawakan ni saturn ang kamay ko at saka ito hinila palapit sa kanya. Hindi agad ako nakagalaw sa ginawa niya. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Halos hindi ko na maramdaman ang sahig dahil feeling ko ay lumulutang na ako sa sobrang saya!

Ito na ba 'yong sinasabi nilang butterfly in your stomach?

Bumalik ang tingin ko kay saturn nang tumikhim ito.

"Tara na." his voice was firm.

:>

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status