Share

KABANATA 10

Resort

Nang makauwi ako ay agad kong binigay kay mama ang pinamili ko para sa sinigang na iluluto niya ngayon.

"Natagalan ka ha." puna ng ate ko na nakaupo ngayon sa sofa habang nanonood ng tv.

"Walang tricycle, e." pagsisinungaling ko.

Tumango naman si ate at saka hindi na ako pinansin. 

Dumiretso na ako sa kuwarto ko para makapagpahinga. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mag sink in sa utak ko ang nangyari kanina. Halos gusto ko nang magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan. Sa dami ng mahahawakan ko bakit kamay niya pa? At least kamay lang hindi penis!

Agad na uminit ang pisngi ko dahil sa sariling naisip. Ano ba naman 'yan, zandra! 

Nang matapos ang araw na 'yon ay nag ayos na kami ng mga dadalhin namin para sa outing. Madaling araw na nang marinig kong nagsesermon si mama dahil sa binili kong isang kilo ng kamatis.

"Siyempre, ma, para maraming kamatis sa sinigang. duh." pagdadahilan ko habang iinom ang mainit na kape.

"Tigilan mo 'ko, zandra. Magkano naman ang bili mo dito ha? Ang sabi ko ay kahit limang kamatis lang!" panenermon ni mama.

"Sorry, ma. Ito lang ako." saad ko at saka dumiretso sa banyo para maligo.

Narinig ko ang pagtawa ni ate dahil sa sinabi ko. Umiling nalang ako at saka naligo. Bahala sila diyan. Edi sana sila nalang bumili. Ikaw ba naman bumili sa crush mo ng limang kamatis. Nakakahiya 'yon! 

Nang matapos akong maligo ay agad akong naghanap ng isusuot ko sa outing. Sa isang resort gaganapin ang birthday ni mama. Mura lang daw kasi ang entrance fee kaya dito nalang kami. Gusto ko sana sa beach para ramdam ko 'yong sunset kaso ayaw nila papa!

Nang matapos ako ay narinig ko na agad ang sigaw ni mama sa baba.

"Zandra, bilisan mo. Aalis na tayo." sigaw ni mama.

"Opo, nandiyan na." sigaw ko pabalik. 

Nang matapos ako ay agad akong bumaba ng hagdan habang suot ang sunglass ko. Nakausot ako ngayon ng isang white sando crop top at saka white denim shorts. Naka white long sleeve rin ako ngayon para matakpan ang suot ko sa loob. Sa resort ko nalang 'to tatanggalin.

Nang makasakay ako sa van ay agad akong umupo malapit sa bintana para matanaw ko ang magandang tanawin. Nagsimula na ring magmaneho si papa kaya tumingin nalang muna ako sa labas. 

Napatingin ako kay ate ngayon nang marinig ko na may kausap ito sa cellphone.

"Pupunta rin kayo?" tanong ni ate.

Hindi naka loud speaker ang phone ni ate kaya hindi ko marinig ang usapan nila. Si ate ay tapos na ng pag aaral at nagtatrabaho na ito ngayon. Isa siya sa empleyado ng isang sikat na kompanya sa manila. Umuwi ito ngayon dahil birthday ni mama. Nasa tamang edad na rin ito pero wala pa 'tong asawa. Siguro balak niyang tumandang dalaga.

Nang makarating kami sa resort ay agad na bumaba si ate para magbayad ng entrance fee namin. Siya na rin ang nagpalista ng mga pangalan namin. Si ate zai ang may pakana nito. Sa resort nalang daw gaganapin ang birthday ni mama para daw maiba naman.

Bumuntong hininga nalang ako at saka lumingon sa paligid. Marami na ring tao ngayon dito sa resort. May mga nagpi-picture na rin sa iba't ibang part ng resort. 

Nang matapos si ate magpalista ay agad na chineck ng guard ang dala naming pagkain. Bawal raw ang alak dito kaya pag may nakita silang alak sa bag mo, automatic na paaalisin kayo agad. 

Matapos icheck ang gamit namin ay agad kaming naghanap ng matinong cottage. Gusto ko 'yong malapit lang sa swimming pool para makalangoy ako agad. Ayoko ng malayo, tamad pa naman ako maglakad.

Nang makahanap kami ng cottage ay agad kong hinubad ang suot kong long sleeve at saka kinuha ang monophad para magpicture. Nandito ako para mag enjoy at hindi para tumunganga lang. Sila mama at ate naman ay inaayos ang mga dala naming pagkain. Si papa naman ay naghahanap ng puwedeng pag ihawan ng dala naming bangus.

Luminga ako para maghanap nang puwedeng pag-ihawan namin. At nakita ko sa bandang malayo na may ihawan. Kaya agad ko 'yong tinuro kay papa. Tumango naman si papa at saka dumiretso doon.

Ako naman ngayon ay nandito sa labas ng cottage namin at saka naghahanap ng puwedeng pag picturan. Saan kaya magandang mag picture? 

Ang cottage namin ay malapit lang sa swimming pool kaya puwede na akong lumangoy kung kailan ko gusto. Kaso kailangan ko munang magpicture. Sayang naman 'tong outfit ko tapos wala man lang akong remembrance?

Naglibot ako sa resort para maghanap ng magandang background. At nang makahanap ako ay agad akong nagpicture doon. Medyo nailang pa ako dahil sa mga nakatingin sa aking babae at lalaki. Ngayon lang ba sila nakakita ng magandang tulad ko?

Inirapan ko nalang sila at saka dumiretso sa cottage namin. 

Laking gulat ko nang mabangga ko ang isang matandang babae at nahulog ang mga dala nitong gamit.

"Pasensya na po. Sorry po." saad ko at saka marahang yumuko para tulungan itong magpulot ng mga gamit niya.

"Okay lang, hija." saad ng babeng matanda.

"Pasensya na po talaga. Hindi ko po sinasadya." pagpapaliwanag ko habang tinutulungan pa rin ito sa gamit niya.

Nang matapos kong pulutin ang mga gamit niya ay saka ako tumingin sa matanda at saka ngumiti.

"Pasensya na po talaga." saad ko.

Nag angat ito ng tingin sa akin at ngumiti rin. Nanlaki ang mga mata ko nang marealize kung sino ang matandang babae na 'to.

Ang mama ni saturn!

"Okay lang talaga, hija." saad ng ginang.

Hindi agad ako nagsalita dahil sa gulat. Napabalikwas nalang ako nang lumapit sa amin ang dalawang anak nito.

Si saturn at varione!

Nakasuot ang dalawa ng khaki shorts at summer polo shirts. Medyo magulo rin ng buhok ni saturn samantalang si varione naman ay maayos. Bagay na bagay sa dalawa ang suot nila. Kung hindi lang sila mahirap baka napagkamalan ko na silang mayaman dahil sa porma nila.

"Zandra?" tila gulat na tanong ni varione.

Lumingon naman ako ngayon kay saturn na tinutulungan ang mama nila na buhatin ang gamit. Si varione naman ay dala ang mga pagkain nila.

"Ang dami mo ng dala anak. Ako na dito." saad ng ginang.

Napatingin naman ako sa buhat ni saturn na isang galon ng tubig at ibang gamit nila. Ang mama naman nila ay walang buhat at saka tinutulungan pa si saturn na buhatin ang iba.

"Ma, huwag na. Si kuya na ang bahala diyan!" iritadong saad ni varione at tila pinapagalitan pa ang mama nila.

"Maghanap ka nalang ng cottage natin, ma." saad muli ni varione.

Napanganga ako dahil sa sinabi ni varione. Talagang inutusan niya pa ang mama nila na maghanap ng cottage, ha?

"Samahan ko nalang po kayo." agaw pansing saad ko kaya napatingin sa akin ang tatlo.

Ngumisi ang mama ni saturn at saka lumapit sa akin.

"Tara na, hija." masiglang saad ng ginang.

Nakita ko naman ang mariing tingin sa akin ni saturn kaya nag iwas agad ako ng tingin.

Habang naghahanap kami ng cottage nila ay naririnig ko ang boses ni varione sa likod. Kanina pa siya daldal nang daldal. Hindi ba napapagod ang bunganga niya kakasalita?

"Sana pala sinama ko sila nia at erin." bakas sa boses ni varione ang pangungulila sa dalawang babae.

Babaero pala ang lalaking 'to. Pareho sila ng kuya niya!

"Puwede mo naman silang itext o kaya ay tawagan para makapunta sila dito, anak." saad ng mama nila na katabi ko ngayon.

Si saturn naman ay walang imik at tila kinukunsinti pa ang kapatid niyang dala-dalawa ang babae!

"Ma, wala akong load. Sayang rin 'yong pera kung magpapaload pa ako." saad ni varione.

Tumingin ako kay varione na nakanguso na ngayon habang nakayuko.

"May load ako." pangbabasag ko sa katahimikan.

Nakita ko ang pagliwanag ng mukha ni varione nang marinig ang sinabi ko. Agad itong lumapit sa akin at saka ngumiti.

"Puwedeng patawag ako kahit saglit lang?" malambing na tanong nito.

Agad akong tumingin kay saturn na madilim ang expression habang nakatingin sa kapatid niyang si varione. Binigay ko naman agad kay varione ang cellphone ko at saka tumango.

Agad namang kinuha ni varione ang cellphone ko at saka tinawagan ang mga babae niya. 

Nang makahanap kami ng cottage nila ay tinulungan ko na sila na ayusin ang mga gamit nila. Busy pa kasi si varione sa pakikapag-usap sa katawagan niya.

"Hoy, gaga. Tara outing. Nandito na us ng family ko sa resort. Pakisabi nalang kay nia kung gusto niyang pumunta. Pero sagot nin'yo ang entrance fee, ha! Wala akong pambayad. Ulol." pakikipag away ni varione sa katawagan niya.

"Sige, ringot." saad nito at saka binaba ang tawag. 

Bumaling ang tingin sa akin ni varione at saka binigay ang cellphone ko.

"Salamat." aniya at saka ngumiti.

"You're welcome." saad ko at saka ngumiti pabalik. 

"Hija, may kasama ka ba?" tanong ng ginang kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Opo, e. Kasama ko po sila mama." saad ko.

"Ganoon ba?" tanong nito at saka lumapit sa isang bag na puno ng pagkain nila. 

Inabot nito sa akin ang dalawang baunan na may lamang leche flan. Hindi ko agad tinanggap 'yon kaya kinuha ng ginang ang kamay ko at saka pinatong sa kamay ko ang baunan.

"Sana magustuhan nin'yo, hija." saad ng ginang.

"Hindi na po. Okay lang po, ma'am. Sa inyo po 'yan." marahan kong saad at saka pilit na ngumiti.

Ayokong tanggapin. Baka magalit pa sa'kin si saturn. Ayokong dahil dito ay mas magalit pa siya sa 'kin. Alam kong ayaw sa akin ni saturn dahil malandi ako, pero alam ko naman 'yong limitations ko. At ayokong umabot sa point na pati 'yong mama niya madamay sa alitan namin.

Ngumiwi naman ang ginang sa sinabi ko.

"Pero hija, tinulungan mo kaming maghanap ng cottage. Tanggapin mo na, please?" ani ng matanda.

Bumaling ang atensyon ko kay saturn nang magsalita ito.

"Ma, huwag niyo nalang pong pilitin kung ayaw niya." saturn coldly said.

"Pero anak, tinulungan niya tayo!" giit ng ginang.

Hindi ko alam kung sino ang titignan ko sa dalawa kaya yumuko ako at saka nag isip. Tatanggapin ko ba o hindi? Pag tinanggap ko baka mas lalong magalit si saturn... Pero pag hindi ko naman tinanggap, baka magalit rin si saturn! Ano ba talaga?

"Tatanggapin ko nalang po, ma'am. Baka po magustuhan ni mama. Birthday niya rin po kasi ngayon." bulong ko na sapat para marinig ng ginang.

Nag angat ako ng tingin sa ginang at nakita ko sa mukha nito ang saya nang marinig na tatanggapin ko ang leche flan na binibigay nito.

"Salamat, hija. At saka Happy Birthday sa mama mo." saad ng ginang at saka binigay sa akin ang leche flan.

"Salamat rin po dito, ma'am." 

Ngumiwi ang ginang kaya bahagyang nangunot ang noo ko.

"Tawagin mo nalang akong tita, hija. Nakakailang pag ma'am. Hindi naman ako guro." pagbibiro ng ginang.

I chuckled.

"Okay lang po. Sanay na po ako. Sige po una na po ako. Baka hinahanap na rin po ako ni mama." pagpapaalam ko sa ginang.

Tumango naman ang ginang at saka lumingon sa panganay niya na nakatingin sa amin ngayon.

"Saturn, anak. Ihatid mo siya." saad ng ginang.

"Huwag na po. Kaya ko na po." saad ko at agad na lumabas ng cottage nila.

"Hija, hindi na. Ipapahatid na kita kay saturn. Para naman kung sakaling makita ka ulit namin mamaya edi makapag usap pa tayo ng matagal." saad nito.

Hindi ko agad naproseso ang sinabi ng mama ni saturn kaya napakamot nalang ako sa batok ko. Narinig ko ang pagtawa ni varione sa likod ng mama nila. May binulong ito sa ginang kaya marahang tumawa ang ginang.

My brows furrowed.

"Sige na zandra, anak. Ipapahatid na kita sa panganay ko." saad ng ginang.

Nakita ko naman ang malakas na pagtulak ni varione sa kuya niya kaya nasa tabi ko na ngayon si saturn.

Halos umakyat lahat ng init sa mukha ko dahil sa pagtulak ni varione kay saturn kaya nagtama ang braso naming dalawa. Narinig ko naman ang mahinang pagmumura ni saturn sa kapatid niya.

"Tangina ka, varione." bulong ni saturn.

"Enjoy, kuya. Ingat ka, zandra. Happy Birthday sa mama mo!" saad ni varione at saka pumasok sa loob ng cottage habang hila-hila ang mama nila.

Hindi ko matignan si saturn ngayon dahil sa ginawa ni varione. Mauuna na siguro ako at hahayaan ko nalang siyang maiwan dito. Mas kailangan pa siya ng mama niya dito kaysa ang samahan ako pabalik ng cottage. Tama, zandra. Babalik akong mag isa at maiiwan si saturn dito sa cottage nila!

Tumikhim muna ako bago magsalita.

"Babalik na akong cottage namin. Huwag mo na akong ihatid." saad ko habang nakatingin sa baunan na hawak ko.

"Salamat dito sa leche flan." dagdag ko.

"Saan ba banda ang cottage niyo?" tanong ni saturn.

Tuluyan na akong napatingin sa kanya dahil sa tanong nito. Akala ko ba ayaw niya sa akin?

"U-hm d-oon pa sa ah m-edyo m-alayo d-ito." utal kong sagot.

Nakita ko ang pagkunot ng noo nito at saka marahang tumango.

"Ihahatid na kita." mariing saad nito at saka nauna ng maglakad sa akin.

:>

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status