Share

KABANATA 25

Carry

"Sis, bilhin niyo na. Mine Bulldog for only 50 pesos." ani ko habang hawak ang isang pajama na may mukha ng asong bulldog.

Kakauwi ko lang galing eskwelahan at napagpasiyahan kong mag live muna para makabenta ng mga bagong pajama na binili ko noong nakaraan. Dagdag na rin 'to para sa mga gastusin namin dito sa apartment.

"Bilhin niyo na po mga shish." ani ng anak ko habang nakaharap sa cellphone.

Si uranus ang tumutulong sa 'kin tuwing mag-la-live ako. Gusto niya raw tumulong para hindi na ako mahirapan. Siya na rin ang nagbabasa ng mga nag-co-comment ng mine.

"Mine, bulldog." b**a niya sa isang comment.

"Yours na po shish ashana." dagdag pa nito saka ngumiti sa camera.

Umiling na lamang ako saka naghanap muli ng puwedeng ibenta. Ilang minutes lang kaming naglive at natapos rin. Naubos ang mga pajama at shirts na benta ko.

Ang anak ko namang si uranus ay nakatingin na ngayon sa papel niya at mukhang may sinusulat do'n.

I walk closely towards her.

"Ang sipag mo naman, beh." pang aasar ko sa anak.

"Mommy, what did you call me po?" 

I laughed.

"Beh." pang uulit ko.

"Mommy naman, eh! Why beh? It sounds jeje po." ngumuso ito.

"Ang cute kaya pag beh, parang magkapatid lang. Tabi ka nga diyan, beh." pang aasar ko muli.

Sumimangot na ito ngayon kaya napatawa na ako.

"Joke lang, beh." 

"Mommy!" sumigaw na ito ngayon na ikinatawa ko.

Matapos ang ilang kulitan at asaran namin ng anak ko ay nagluto na ako ng dinner namin. Gusto raw nito ng sinigang na baboy kaya naghanap ako ng ingredients sa ref. Magmula nang isilang ko si uranus ay natuto na rin akong magluto. Pero, minsan mas gusto kong sa labas nalang kami kumain. Wala lang, mas gusto ko kasi 'yong wala akong hinuhugasan.

Nang matapos ang gabing 'yon ay pumasok muli ako sa klase ko. Iniwan ko si uranus sa pinsan kong si lily. Malapit na rin pala akong umalis dito sa pampanga. Napag isip isip ko rin na  dapat sa syudad na lang kami. Mas maraming opportunity ang naghihintay sa 'kin doon. Ang problema nga lang ay hindi ko alam kung saan kami tutuloy ng anak ko.

Hindi rin puwedeng kay ethan kami tumira, sobra na ang naitulong nito sa'min ng anak ko kaya okay na 'yon. Kailangan ko na rin palang ayusin ang mga papeles namin ng anak ko. Ililipat ko na rin kasi ito ng school habang maaga pa. Pagkatapos siguro mapirmahan ang resignation letter ko, hahanap ako agad sa maynila ng puwedeng pagkakitaan. 

"Kanina ka pa tulala diyan." ani ni sabrina. Isa sa mga naging kaibigan ko dito sa school.

Kakatapos lang ng klase ko at nandito kami ngayon sa canteen para kumain. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapagdesisiyon ng maayos. Saan puwedeng maghanap ng matitirhan namin ng anak ko sa maynila? Mahal ba pag sa condo? Malaki na naman ang ipon ko kaya puwede na siguro 'yon. Kakausapin ko na rin siguro si tita aricia para payagan na isama ko si lily sa 'kin. Wala rin kasing magbabantay sa anak ko kung sakaling makahanap man ako ng trabaho roon.

"Hoy, zandra! Ano ba? Tulala 'yan?" rinig kong boses ni sabrina.

"Maganda ba sa taguig?" tanong ko habang nakatingin sa mga condo na nakita ko sa g****e.

"Ha? Aalis na rin ba kayo dito? Akala ko ba resign lang?" 

Nag angat ako ng tingin kay sabrina. Nakita ko ang pag awang ng labi nito.

"Pag nagresign ako automatic na aalis na rin kami dito. Anong gagawin namin dito ng anak ko? Tatambay?" mapanuyang saad ko.

"Funny mo ha! Sabagay. Hanapan mo nalang ako ng pogi sa maynila." Si sabrina.

"Sarili ko nga hindi ko mahanapan, ikaw pa kaya?" ani ko na ikinatawa naming dalawa.

Pagkatapos ng araw na 'yon ay naghanap na ako ng mga sites sa f******k at g****e tungkol sa mga condo sa maynila. May nahanap na akong condo sa taguig, maganda ang ambience do'n dahil sa mga pictures na pinakita sa 'kin. Mukhang maayos naman, may kamahalan nga lang.

"Mommy, totoo po ba na aalis na tayo dito sa apartment? Sabi ni ate lily, sasama daw siya sa'tin." ani ng anak ko.

Binalingan ko ng tingin si uranus. Abot hanggang mata ang ngiti nito nang tingnan ko siya. Bahagyang nangunot ang noo ko dahil do'n.

"Mukhang masaya ka pa yata na lilipat tayo, ha?" 

"Medyo lang po, mommy. Nando'n po ba si daddy? Makikita ko na po ba siya?" uranus asked.

Hindi agad ako nakasagot sa tanong nito bagkus tila nagbara sa lalamunan ko ang dapat kong sabihin. Umayos ako sa pagkakaupo at saka binuhat ang anak paupo sa kandungan ko.

"Mahal mo ba si mommy, anak?"

Uranus raised her brows then suddenly nodded. "Of course, mommy! I love you always po."

"Okay lang ba na kahit si mommy na muna ang nandito sa tabi mo ngayon? Kahit 'wag na muna si daddy. Nasa malayong lugar kasi ang daddy mo, anak." ani ko.

Totoo naman. Hindi ko nga lang alam kung na saang lupalop 'yang saturn na 'yan. 

"Malayo? Si daddy? Like abroad po? Nasa abroad po si daddy?" tanong muli nito.

Agad naman akong tumango dahil do'n. 

"Bakit hindi po siya nagpapadala sa atin kung gano'n po? Mahal po ba ako ni daddy?" tanong muli ng anak ko.

"O-of course! Daddy loves you so much. Baka busy lang ang daddy mo." pagpapatahan ko sa anak. 

"Okay lang po, mommy. I understand po. Sana po makita ko na si daddy. Sabi po kasi ng friends ko, hindi po kita kamukha." sumimangot ito.

I chuckled. Hinaplos ko ang buhok nito. "Kamukha mo kaya ako. Mas lamang nga lang ang daddy mo." 

"Mommy, sabi ulit ng classmate ko na kung sino daw po nasarapan habang ginagawa niyo ako, siya daw kamukha ko." Si uranus.

Agad nag init ang pisngi ko dahil sa narinig sa anak. Sinong nagtuturo sa anak ko ng ganito?!

"Uranus anak, huwag mo ngang isipin 'yan. Ang mahalaga kumakain tayo tatlong beses sa isang araw." saad ko na ikinatawa niya.

"Ang mahalaga galing ka sa 'kin. Galing ka sa'min ng daddy mo." seryosong saad ko.

Unti unting pumatak ang luha sa pisngi ng anak ko na ikinagulat ko. Agad ko itong pinatahan. 

"I love you, mommy. Always." ani ni uranus saka mas sinubsob ang mukha sa leeg ko.

"I love you, baby. Mahal na mahal ka ni mommy." 

Pagkatapos ng gabing 'yon ay handa na kaming umalis ng anak ko kinagabihan. Pero, bago 'yon ay dumiretso muna ako sa school para sa event na para sa 'kin. Iniwan ko muna ang anak ko sa pinsan kong si lily. Siya na muna ang pinagbantay ko.

Bago ako makaalis kanina sa apartment ay nakita ko sa isang newspaper ang mukha ng kaibigan kong si aia. Sikat na pala siya ngayon bilang isang lawyer. Kumusta na kaya si olivia? Nakakaalala na kaya siya?

Pagkababa ko nang tricycle ay agad kong binigay ang bayad kay manong at dumiretso sa school.

"Good morning ma'am." 

"Hello po ma'am."

Some students greeted me. Awit mga s****p. Ganito ako noon, eh.

I just smiled at them. Plastic.

"Morning ma'am! ako na po magdadala ng mga gamit niyo." saad ni owen. Isa siya sa mga SSG Officer dito sa school.

Tipid lang akong ngumiti at inabot sa kanya ang mga gamit ko. Dumiretso ako sa principal office para mag attendance.

Lumapit sa 'kin ang isa sa mga co- teacher ko. 

Si henry, "Good morning, beautiful." He smiled at me.

I know that he's trying to flirt with me but I won't let that happen.

I heard them giggles.

Tipid lang akong ngumiti kay henry at lumabas na ng office. Alam kong sinusundan ako ni henry dahil nakabuntot pa rin siya sa 'kin hanggang ngayon.

"Mag-re-resign ka na daw?" tanong nito.

I just nodded at him.

Ayoko siyang kausapin. I feel uncomfortable with him. Nakapasok na ako ng classroom nang makita kong nakasunod pa rin siya sa 'kin.

"GOOD MORNING MA'AM. GOOD MORNING SIR." sambit ng mga estudyante habang nakatayo sila.

I told them to sit down and they followed naman me.

"Pwede ka ng umalis." sambit ko kay henry at hindi na siya tiningnan.

Narinig ko namang nagtawanan ang mga estudyante ko. 

I just smirked.

Umalis naman na si henry kaya nagsimula na akong magdiscuss about sa lesson namin ngayon.

Pagkatapos ng ilang oras ay natapos din ang klase ko. Inayos ko ang sarili ko dahil may mga bisita daw na darating ngayon dito sa school.

Narinig ko pang nagtawanan ang mga estudyante na parang kinikilig sa pinag uusapan nila.

"Ang pogi niya, miya! Nakita ko siya kanina tapos feeling ko lumulutang ako." saad ng isa sa mga estudyante ko.

"Hoy ara matagal ka ng lutang." pangbabara sa kanya ni miya.

Nagtawanan naman ang iba nilang classmate at tumahimik naman sa gilid si ara. Biglang nag ring ang bell hudyat na magsisimula na ang event. Nagsitayuan naman ang mga estudyante at nagpaalam na sa 'kin.

"Pumila kayo nang maayos." I just said.

Tumango naman sila bilang pag sang ayon.

Sa auditorium gaganapin ang event. Agad ko namang niligpit ang mga gamit ko at lumabas ng classroom. Dumiretso agad ako sa auditorium.

"Zandra! Ditooo!" Tinaas ni sabrina ang kamay niya. Isa siya sa mga naging close ko dito sa school.

Lumapit naman ako sa kanya at ngumiti. Bago ako makaupo narinig ko ang mga tilian at sigawan ng mga estudyante.

Tinignan ko si sabrina na ngiting-ngiti ngayon na akala mo nakakita ng artista.

"Anong meron?" tanong ko.

"Hindi mo ba alam? Nandito 'yong sikat na banda na PLANETA. Para sa 'yo itong event na 'to kasi nga aalis ka na. Alam mo naman na gustong gusto ka ni principal, eh...kasi ang galing mo magturo." mahabang litanya nito at ngumiti pa.

Tumango nalang ako at ngumuso. Ang swerte ko rin naman pala kasi may mga taong na-a-apreciate ang pagtuturo ko.

Hindi mahanap sa lupa ang pag-asa

Biglang napantig ang tenga ko sa narinig. Pamilyar 'yong boses. This can't be! May kutob na akong siya 'yong kumakanta, pero mas pinili kong hindi ito pansinin.

Nakikiusap na lang

Napailing nalang ako at pinagkrus ang braso sa d****b. Wala akong ginawa kung hindi ang pakinggan lang ang boses niya. Ayoko siyang tignan!

Himala

Kasalanan bang humingi ako sa langit ng isang himala?

Naghiyawan ang mga tao sa paligid. Luminga linga ako at naisipang tumayo para umalis dito. Hindi pa ako handang harapin siya! Napatingin ako sa stage para tingnan kung tama ba ang hinala ko.

And when saturn opened his eyes, his vision went to me, directly. Namungay ang mga mata nito.

Himala

Kasalanan bang humingi ako sa langit ng isang himala?

Kasalanan bang humingi ako sa langit ng isang himala?

What the fuck he's thinking, huh? Ba't ba siya nandito? Hanggang ngayon nakatingin pa din siya sa'kin. Anong gagawin ko?

Humingi ako sa langit ng isang himala

I just looked away. Tangina?! Himala mo mukha mo. 

Akala ko tapos na siya. Akala ko makakahinga na ako ng maluwag ngunit nagsalita muli ito.

"Nasagot na ang himala." that was the last thing he said.

Agad namang nagtawanan ang mga estudyante na ikanabilis ng tibok ng puso ko. Pumara agad ako ng tricycle at nagmadaling umuwi. 

Bahala na.

"Mommy, saan na po ba tayo?" tanong ni uranus nang makababa kami ng kotse.

Pag uwi ko kanina galing eskwelahan ay dumiretso na kami ng anak ko at ni lily dito sa maynila. Bumiyahe pa kami ng ilang oras bago kami napunta ng taguig. Ang condo na nabili ko ay sa taguig pa kaya medyo na traffic pa kami.

"Wow, mommy! Daming buildings po!" manghang saad ni uranus habang nakatingala sa mga naglalakihang gusali.

"Ganda! Dami sigurong pogi dito." singit ni lily.

Narinig ko ang marahang paghalakhak nito na ikinailing ko nalang. Hindi ako aware na mahilig pala sa pogi 'tong pinsan ko. Kung alam ko lang edi sana nireto ko na sa kanya si peter.

Kumusta na rin kaya ang baklang 'yon? Si arline nasa maynila na rin, ewan ko ba sa kanila. Minsan lang rin kami magkita dahil busy. Si peter ay may a*i na ng isang boutique, samantalang si arline ay cabin crew.

Ethan's calling......

Agad na napatigil ako sa pag aayos nang marinig kong mag ring ang phone ko. Nakapasok na kami ngayon sa condo na nabili ko. Malaki naman ito at maganda rin ang ambience. Tatlo ang kuwarto dito, ang isang kuwarto ay kay lily, sa akin at sa anak ko naman ang isa at ang isa naman ay guest room. Ayaw ni uranus na hiwalay kami matulog dahil hindi ito sanay. Mas gusto nito na may katabi.

"Where are you? Kanina pa ako tumatawag.." Bungad ni ethan pagsagot ko pa lang mg call.

"Nasa condo ko lang, nag aayos." sagot ko sa tanong nito.

Narinig ko ang pagtawa nito sa kabilang linya. "Condo mo, ha? Mayaman. Pupunta ako diyan. Bye." ani nito at agad na pinatay ang call.

Aba ang bastos! Siya na nga may ganang tumawag, siya pa may ganang magpatay! Bumuntong hininga na lamang ako saka inayos ang mga damit namin ng anak ko. Marami pa pala akong dapat ayusin. Kailangan ko ring mag grocery para naman may stocks kami dito sa condo.

Agad na pumasok sa isip ko ang nakita kanina sa school. Nakita ko si saturn! Anong ginagawa niya do'n? Hindi kaya namamalikmata lang ako?

Sinusundan niya ba kami ng anak ko? Pero, paano niya nalaman na nando'n ako? After so many years, tapos ngayon pa kami nagkita? Bakit hindi noon? Bakit ngayon pa?

Napatalon ako sa pag iisip nang marinig kong may nag doorbell mula sa labas. Tinawag ko si lily para buksan 'yon. Bumaling naman ang tingin ko kay uranus na nakahiga ngayon sa kama habang nanonood sa cellphone ko. 

"Hi, evening. May dala akong pagkain para sa inyo." agaw pansing saad ni ethan na ikinagulat ko.

"Anak ng demonyo!" mahinang bulong ko.

"Bibig mo zandra." ani ni ethan saka ako nilagpasan at lumapit sa anak ko.

"Hey my princess. Daddy ethan is here." Si ethan.

Kumunot ang noo ko dahil sa narinig.

Tumigil sa panonood ang anak ko saka tumingin kay ethan at h******n 'to.

"Daddy Ethan." saad ni uranus at agad na niyakap si ethan.

Tila nanlambot ang tingin ko sa anak nang marinig na tawagin niya si ethan ng daddy. Hindi 'yan ang papa mo anak. Mas guwapo pa ang papa mo diyan. Gusto kong sabihin 'yon kaso ayokong ma offend si ethan. Matagal na rin siyang nakasama ni uranus at mukhang napamahal na rin ang anak ko sa kanya. Hindi ko rin masisisi ang anak ko dahil tila nangungulila na ito sa pagmamahal ng isang tunay na ama.

Napasinghap ako dahil sa naisip. Dapat ko na bang ipakilala ang anak ko sa papa niya? Kahit hindi na kami magkabalikan ni saturn. Kahit ang anak nalang namin ang mahalin niya, okay na 'ko do'n. Hindi ko naman hinihiling na magkabalikan kami, ang gusto ko lang ay ang makilala niya ang anak ko, na anak niya rin.

Matapos ang gabing 'yon ay umuwi na rin si ethan. Malapit lang raw dito sa condo namin ang kompanya nila. Balak sana ako nitong ihire bilang secretary nito kaso tumanggi ako. May nahanap na rin kasi akong trabaho sa isang kompanya at mas okay na ako do'n. Pinagpaalam rin nito sa 'kin na dadalhin niya si uranus sa site, ipapasiyal niya lang raw ito nang sa gano'n ay hindi ito maboring. Pumayag naman ako basta huwag niyang pababayaan ang anak ko.

Si lily naman ay naiwan sa condo. Ayaw sumama kay ethan, mas gusto niya lang humiga sa malambot na kama at magpicture. 

"Lily, ikaw na bahala dito. May pasok pa ako." pagpapaalam ko sa pinsan na ikinatango nalang nito.

Pagkalabas ko nang condo ay bumaba agad ako sa lobby. Dumiretso ako kung saan nakapark ang kotse ko. Agad ko itong minaneho at dumiretso sa kompanya na pinasukan ko. Na traffic pa 'ko kung minamalas ka nga naman.. Unang araw tapos late. 

Nang makarating ako sa building ay agad akong sumakay ng elevator at pinindot ang floor kung saan naroon ang boss ko. Tanggap na ako at ginawa na ako nitong secretary. Kahit hindi ko pa nakikita ang boss namin ay sigurado akong mabait ito. Akalain mo ba naman 'yon, hindi na ako na interview, basta tanggap agad.

Pagkabukas pa lang ng elevator ay bumungad na sa 'kin ang ganda ng building. Napatigil ako sa paglalakad at saka nilibot ang paningin sa kabuoan ng floor na 'to. Bumalik lang ang huwisyo ko nang may lumapit sa 'king babae.

"Miss Torres, right? Hinahanap na po kayo sa loob." saad ng mahinhing babae.

"Thank you." saad ko nalang.

Pagkapasok ko palang ng opisina ay bumungad na sa 'kin ang amoy nito. Amoy mamahalin. Halatang mayaman ang kompanya na napasukan ko. Big time. Siguro matanda na ang boss namin. 

Napatigil ako sa pag iisip nang marinig kong may tumikhim mula sa harapan ko.

"Good morning, Miss Torres. You're late." ani ng isang baritonong boses.

Agad akong tumungo dahil sa kahihiyan. "I'm sorry, sir. Traffic lang po." 

"Is that my fault? Kasalanan ko bang traffic?" mapanuyang tanong nito.

Agad nanlamig ang tiyan ko dahil sa narinig. Ano ba 'tong pinasok mo, zandra!

"Hindi na po mauulit, sir. Pasensya na po talaga." magalang na saad ko.

Tumayo ito sa pagkakaupo sa swivel chair niya at agad na lumapit sa 'kin. Biglang nanginig ang tuhod ko dahil sa takot.

Nang makalapit ito sa 'kin ay bigla akong nag angat ng tingin para tingnan 'yon, at laking gulat ko nang makita ang lalaking nagligtas sa 'kin noon. Siya ang boss ko? 

"I'm Clivonn Centaurus. Your boss. Pakiayos ang papeles na nasa mesa ko. I'll be back." ani nito at agad akong tinalikuran.

Halos mapaupo ako sa tiles dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Centaurus? Kaano ano niya si saturn? Hindi ba mali ang narinig ko? Baka puyat lang 'to.

Lumapit ako sa mesa ni clivonn at tinignan ang pangalan niya do'n. Centaurus nga ang surname nito! Akala ko mali lang ang pagkakarinig ko! Halos himatayin ako nang biglang bumukas ang pinto.

May babaeng pumasok. Ito ang babeng kumausap sa 'kin kanina. May nilagay lang ito sa lamesa at saka umalis rin. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil do'n. 

Matapos ang ilang oras ay natapos ko  rin ang mga pinapagawa sa 'kin ni sir clivonn. Nahirapan ako no'ng una pero nakaya ko naman. Dumating agad ang meryenda ko na galing sa baba kanina. Akma ko na sana itong kakainin nang marinig kong magring ang phone ko. 

Ethan's calling.......

Ano namang problema ng lalaking 'to? Oras ng meryenda ko oh! Agad ko itong sinagot.

"Oh?" iritadong ani ko.

"Si uranus nahimatay. Fuck. Iniwan ko siya kanina sa secretary ko ta-."

I cut him off.

"You asshole! Malilintikan ka sa 'king animal ka! I'm on my way. Saang site kayo? Fuck you, ethan!" sigaw ko.

Agad akong nagpaalam sa babae na naghatid ng pagkain ko kanina. Pagkababa ko ng lobby ay dumiretso na ako sa site kung na saan si ethan. Halos hindi na ako makahinga ngayon dahil sa sobrang takot. Bakit nahimatay ang anak ko? Wala naman siyang hika sa pagkakaalam ko.

Halos patayin ko na si ethan sa isip ko pagkababa ko palang ng kotse. Nakarating na rin ako sa site nito. Maraming tao at mga lalaking nagtatrabaho. Ang iba ay napatigil pa sa paghahalo ng semento at tumingin sa 'kin.

Agad na natanaw ko si ethan sa malayo. Bakas sa mukha nito ngayon ang takot nang makita ako. Tangina matakot ka talaga! Papatayin kitang bwesit ka! Nang makalapit ako kay ethan ay agad ko itong kinwelyuhan.

"Where's my daughter, you idiot!" mariing saad ko.

Agad nitong tinanggal ang kamay ko sa kwelyo niya at may tinuro sa gilid. Tiningnan ko ang tinuro nito at halos malalag ang panga ko nang makitang buhat ngayon ni saturn ang anak ko.

"Looks like saturn is worried about your child." bakas sa boses ngayon ni ethan ang pang aasar. Agad ko itong siniko nang matigil na ito sa pagsasalita.

"Balikan mo na kasi." pang aasar muli nito kaya binigyan ko na ito ng masamang tingin.

I heard him chuckled.

"Engineer, kami ng bahala sa anak namin.." Ethan pulled my waist closer to him.

Agad na dumapo ang tingin sa 'kin ni saturn at binigyan ako ng madilim na tingin. Nagtagis ang bagang nito at tila hindi makapaniwala sa narinig. Ilang beses akong lumunok bago magsalita.

"Tama si ethan. Ako ng bubuhat." malamig na saad ko.

"Babe, ako ng bahala." ani ni ethan at akmang kukunin si uranus nang ilayo ni saturn 'yon.

"Irresponsible parent." mariing saad ni saturn saka kami tinalikuran habang buhat ang anak ko.

Teka saan niya dadalhin ang anak ko?! 

"Sundan na ba natin?" pagbibiro pa ni ethan.

"Malamang, bobo!" I hissed.

:>

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status