Share

KABANATA 2

Waiter

"Hey, za!"

Napatalon ako sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot ni sin sa likod ko.

"Oh hi sin.. n-andiyan ka pala hehe."

Kumunot ang makapal nitong kilay bago muling nagsalita.

"Hinahanap kita. Saan ka galing?" Sin asked.

"Uhm.. u-minom ng juice. Nauhaw kasi ako." sagot ko at saka ininom ang juice na binigay sa akin ng waiter.

Tumango naman ito at hinila ako palayo doon sa kinaroroonan ko kanina. 

Shems. Saan na kaya 'yong waiter? Kilala kaya ni sin 'yong lalaki?

Nang makarating kami sa lamesa kung na saan ang parents niya at parents ko ay agad niya akong pinaghila ng upuan. Hindi sana ako uupo sa tabi niya dahil hindi naman kami ganito ka close kaso baka sabihin pa nila na nag iinarte pa ako kaya umupo nalang ako at nakinig sa usapan nila.

Halos ilang oras rin akong nakinig sa pag uusap nila. Hindi ako makarelate dahil puro pag aasawa at business ang topic nila. Nang matapos ang gabing 'yon ay umuwi na rin ako agad. Si sin na rin ang naghatid sa akin pauwi sa apartment. 

"Magkikita pa naman tayo, right?" 

Napatingin ako ngayon kay sin nang magsalita ito at tumingin sa akin.

"Oo naman. Why not?" I chuckled. 

"Nothing. I just miss you." Sin said.

"I miss you too. hehe. uhm.. can i ask you something?"

Gusto ko lang malaman kung kilala ni sin ang lalaki kanina. Kanina pa hindi mawala sa isip ko ang maamo nitong mukha. 

"Sure. What is it?" 

"Kilala mo ba 'yong lalaki kanina? Uhm.. 'yong waiter?" 

"Why? You like him?"

Agad na nag init ang pisngi ko dahil sa tanong nito. Nag iwas agad ako ng tingin at lumunok.

I heard him laughed.

"Just kidding. I don't know him. Baka nag part time lang kasi you know mahirap." Sin said.

"Oh kung mahirap? Hindi naman masama 'yon ha!" I hissed.

"Lol. I'm just saying na h-."

I cut him off.

"Stop. Walang problema sa pagiging mahirap at sa paghahanap ng part time. At least nakakatulong sila sa parents nila. Ikaw? Wala ka pa ngang napapatunayan ang laki na ng tingin mo sa sarili mo." I gritted my teeth.

Agad akong bumaba sa kotse nito at pumasok sa loob ng apartment namin ni olivia. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni sin pero hindi ko nalang ito pinansin. Masyado siyang judgemental samantalang galing rin naman siya sa hirap.

Bumuntong hininga ako nang sa wakas ay wala na akong marinig sa labas. Umuwi na siguro ang mayabang na 'yon. I don't want to see him again! Ayoko sa mayabang.

Bumaling ang atensyon ko ngayon kay olivia na kakalabas lang ng kwarto namin at nakaready na para umalis.

"Aalis ka na agad?" I asked.

"Isn't it obvious? duh. Aalis ako kaya tumabi ka diyan." seryosong saad nito.

Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Meron ba siya ngayon? Ba't parang ang init ng ulo niya?

"Sasama ako!" saad ko.

"Umaga ang shift mo. Gabi na." Olivia said.

"Pero wala akong kasama dito! Gusto ko ng makakausap!" singhal ko.

"Omegle ka muna o kaya mag litmatch ka. Hanapin mo ka-match mo." saad nito at saka ako tinalikuran.

"Walang hiya ka talaga! Sasama ako, bahala ka diyan!" sigaw ko at agad na pumasok sa kwarto at nagpalit ng damit. Nag t-shirt lang ako at pants. Pagkalabas ko ng kwarto ay wala na si olivia kaya agad na nag init ang dugo ko. 

"Wtf, Olivia! Ano bang problema mong babaita ka?!" bulong ko.

I locked our apartment at agad na pumara ng tricycle. Sinabi ko kay manong na sa 7/11 ako ibaba dahil roon ang tungo ko. 

I texted olivia but she didn't reply!

Aba! Walang hiya talaga.

Nang makababa ako sa tricycle ay agad kong binigay kay manong ang bayad at saka naman ito umalis sa harap ko. Napatingin ako sa cellphone ko nang bigla itong mag vibrate. Agad kong tinignan ang isang text message roon. 

Sin:

Hey, za. Still up?

I'm sorry. It's not what you think. Galing din ako sa hirap, za. Sorry. Let's meet up tomorrow. Please.

Hindi na ako nagreply at binaba na ang phone ko sa bag. Ano pang silbi ng pagpapaliwanag niya? Hindi na ako interesado.

I sighed.

Bahala ka sa buhay mo sin. Para kang pangalan mo...makasalanan.

Akma ko na sanang bubuksan ang pinto sa 7/11 nang may unang pumasok dito buhat ang isang box. Delivery boy yata? Agad naman akong tumabi para mabigyan sila ng espasyo sa pagpasok sa loob.

Sumilip ako sa loob ng 7/11 at nakita kong nandoon si olivia sa counter na kinakausap ang delivery boy. May inabot itong pera at saka naman umalis ang lalaki. Dumaan ito sa harap ko na ikanalaki ng mata ko. Baka akalain niya stalker ako?! Agad akong yumuko.

Napahinga ako ng maluwag nang umalis na ito kasama ang mga kasamahan niya. Pumasok ako sa loob at naabutan ko si olivia na inaayos ang box kanina.

"Hi pre!" I smiled at her.

Ngumiwi ito nang makita ako.

"Oh? Sabi ko h'wag ka nang sumama." masungit na saad nito.

"Boring e. Saka namiss kita." I raised my brows.

Narinig ko ang mahihinang mura nito na ikinatawa ko.

"Ew. Cringe ha." saad ni olivia.

"Dito lang ako ha. Bantayan kita." I winked at her.

"Ulol. Pogi lang naman hanap mo dito." Olivia smirked.

"Kalma, ako lang 'to."

"Well, same. Pogi lang din hanap ko." Saad ni olivia na ikinatawa namin. 

Magkaibigan nga talaga kami.

Ilang oras na ang lumipas at may mga tao rin na pumasok dito sa loob at bumibili. Alas sonse na ng gabi pero marami pa ring bumibili rito. Karamihan sa iba ay magjowa at alam mo na talaga kung anong bibilhin nila.

"Miss, magkano dito sa condom niyo?" tanong ng lalaki.

Napatingin naman ako ngayon kay olivia na nakakunot na ang noo at tinitignan ang presyo ng condom.

"Ilang taon ka na?" maangas na tanong ni olivia na ikinangisi ko.

Agad na namula ang lalaki dahil sa tanong ni olivia. 

"Uhm...15 po." saad ng lalaki. 

Bakas sa mukha ng lalaki ang takot kaya yumuko ito.

"Palaki ka muna tapos bumalik ka rito." saad ni olivia at saka tinapik-tapik ang balikat ng lalaki.

Ngumuso naman ang lalaki at saka tumakbo palabas. Hindi ko na napigilan ang tawa ko.

"Wtf? Lt 'yong mukha niya shit. Parang naiihi na ewan." saad ni olvia.

"Gago ka! tinakot mo." saad ko at hindi pa rin tumitigil sa pagtawa.

"Kinse anyos gagamit ng condom? Anong gagawin niya roon? Magpapablobo?" saad nito na mas lalong ikinatawa ko.

Halos hindi na ako makahinga dahil sa sinabi ni olivia. Wtf. Magpapalobo de pota. 

"Excuse me." 

Napatigil ako sa pagtawa at napatingin sa lalaking kakapasok lang ngayon. Napansin ko ang suot nito at pareho sila ni olivia. Naka uniform rin ito ng pang 7/11 at mahahalata mo sa pangangatawan nito na makisig siya.

Bumaling naman ang atensyon ko ngayon kay olivia na tinatanggal ang sumbrero nito at apron na may logo ng 7/11. Mukhang ang lalaking ito ang may shift ngayon.

"Ikaw na bahala rito." saad ni olivia.

Tumingin naman ako ngayon sa lalaki na nakatalikod sa akin. Hindi ko maaninag ang mukha nito dahil sa sumbrerong nakaharang sa kanya.

Tumikhim si olivia kaya napatingin ako sa kanya. Ngumisi ito sa akin at mukhang alam niya na ang tinitignan ko.

Ang mukha nong lalaki!

"Alis na kami." pagpapaalam ni olivia.

Ngumuso ako dahil hindi ko man lang nakita ang lalaki. Matutulog akong may sama ng loob psh.

Lumapit na sa akin si olivia ngayon at saka naman dumiretso ang lalaki sa pwesto ni olivia kanina... dahil don ay naaninag ko ang mukha nito.

Siya 'yong lalaki kanina...siya 'yong waiter!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status