Share

KABANATA 27

Father

"How old is she?" bungad na tanong ni saturn nang tuluyan ng makapasok

sa kuwarto si lily at ang anak ko.

I gulped. Anong sasabihin ko? Dapat ko na bang sabihin sa kanya na anak niya si uranus? Nag angat ako ng tingin para tingnan siya at laking gulat ko nang lumapit ito sa 'kin.

"Zandra, answer me!" mariing saad nito.

I stiffened.

"She's s-six years old." I murmurred.

"Is she my child? Akin ba, zandra?" bakas sa boses nito ang sakit.

Hindi na ako makatingin ng diretso dito dahil sa nagbabadyang luha sa mata ko. Hindi.. hindi ko sasabihin. Maayos na ang buhay namin ng anak ko, at hindi ko siya kailangan sa buhay namin!

"Hindi. Hindi mo siya anak." matapang kong sagot.

"So you're saying that while we're both in a relationship, you h-ave a-nother man?" His voice broke.

Nag iwas na ako ng tingin nang hawakan nito ang pisngi ko.

"Zandra, Tell me! You had an affair with ethan?" kasing lamig na ngayon ng yelo ang boses ni saturn.

Mariin akong pumikit para pigilan ang pagtulo ng luha. Ayoko siyang tingnan, hindi ko alam. Baka pagmulat ko malaman niya ang totoo. 

"Minahal mo ba 'ko, zandra? Baby, please answer me." He pleaded.

"S-aturn.. j-ust leave, please. Maayos na ang buhay ko, ang buhay namin ng anak ko." ani ko saka tinanggal ang kamay nitong nakawahak sa pisngi ko. 

Nagbaba ito ng tingin saka marahang tumango. "You love ethan that much that's why you're doing this, huh?"

"Hindi ko mahal si ethan. Umalis ka nalang saturn." nahihirapan na ako.

Ayoko ng magsinungaling. Ayoko ng itago lahat ng nararamdaman ko, pagod na pagod na ako! Gusto kong sabihin sa kanya 'yon, pero hindi ko magawa. Hindi ko magawa kasi alam kong pagkatapos nito, magiging komplikado ulit ang lahat.

"Please, just leave." nanghihinang saad ko.

I heard him sighed. "She's my child. Uranus is mine. She's my daughter."

Napaawang ang labi ko dahil sa narinig galing sa kanya. Paano niya nasasabi ang lahat ng 'to? Bumaling ang tingin ko dito nang iabot nito sa 'kin ang isang brown envelope.

"Open it. You can't fool me." Si saturn.

Dali dali kong binuksan ang envelope na inabot nito sa 'kin. Hindi na 'ko makahinga ng maayos ngayon nang makita ang result ng DNA test.

Probability of Paternity: 99.9998%

"H-ow c-ould you do this to me, zandra? Where did I go wrong?" napaluhod na si saturn.

My tears fell. 

"Hindi ako nagkulang na mahalin ka, zandra. I gave you all the love that you deserve. Hindi pa ba sapat lahat ng 'yon? Hindi pa ba sapat lahat ng 'yon para mag stay ka sa 'kin?" gumaralgal ang boses nito.

"S-aturn....please umuwi ka nalang."

"No. Unless you tell me all the truth, zandra, saka lang ako aalis." 

Saturn held my hand as he knelt down. "Minahal mo ba ako, zandra?"

Hindi agad ako nakasagot. Pilit ko itong pinapatayo mula sa pagkakaluhod, pero hindi pa rin ito nagpatinag. 

"Stand up, please. Umuwi ka nalang saturn. Hindi ka namin kailangan." 

His eyes were bloodshot now while looking at me. "W-hat did you say?"

"Umuwi ka na." I said firmly.

"No.. zandra, tell me the truth. Minahal mo ba ako?" tanong muli nito.

Naririnig ko na ngayon ang hikbi nito habang nakaluhod, nakatungo ang ulo, nanginginig ang balikat at tila batang naghihintay ng kasagutan sa tanong niya.

"Pagkatapos kong sabihin sa'yo ang totoo, aalis ka na ba?" tanong ko sa kawalan. Hindi ko siya kayang tingnan.

Hindi 'to sumagot bagkus suminghap lamang ito. Sasabihin ko na sa kanya ang totoo at pagkatapos nito, hindi niya na kami makikita ng anak ko. Ayokong bumalik sa dati ang lahat, naghirap ako sa kung na saan ako ngayon at ayokong masira lang 'yon.

"Oo, anak mo si uranus." ani ko at nagbaba ng tingin para tingnan ang reaction ni saturn.

Nakatingin lang ito sa 'kin habang pinapakinggan ako. Tumikhim muna ako bago magsalita.

"Wala kaming relasiyon ni ethan. At w-ala akong naging karelasiyon sa loob ng anim na taon." pagtutuloy ko.

"Minahal mo ba 'ko?" tanong muli ni saturn. Bakas sa boses nito ang sakit nang hindi ko masagot ang tanong niya.

Pag sinabi ko bang mahal ko pa siya, babalik ba kami sa dati? Magiging maayos ba ang lahat? Bumaling na ngayon ang tingin ko sa kuwarto nang bumukas ito. Lumabas si uranus, at tumakbo palapit sa 'kin.

"Mommy." niyakap ako ni uranus.

Nabitawan ni saturn ang pagkakahawak niya kamay ko at saka marahang tumingin sa anak. Pinalis nito ang luha sa kanyang pisngi at akmang lalapit kay uranus nang umatras ang bata.

"Mommy, inaaway ka po ba ni shir?" natatakot na saad nito.

Lumuhod ako para magpantay ang mukha namin ng anak. Hinaplos ko ang pisngi nito saka umiling. 

"Hindi, baby." ani ko.

"Batet ka po umiiyak? Sinasaktan ka po ba niya?" tanong muli ng anak saka hinawakan ang pisngi ko.

"I'm sorry." Saturn muttered.

"Gabi na po shir, uwi na po kayo." ani ni uranus. 

"U-hm, I d-on't t-hink I can d-rive. Can I stay for a while?" nanghihinang boses ni saturn.

Tumingin ako sa anak para tingnan ang reaction niya sa sinabi ng ama nito. Hindi pala niya alam na papa niya ang nasa harap namin ngayon. Hindi ko pa nasabi sa anak ko ang totoo, kailangan ko ba talagang sabihin? Puwede bang itago ko nalang ang anak ko at magpakalayo nalang kami?

"Dito na po kayo matulog, shir. May gweust room po kami." masiglang saad ng anak ko.

Tumingin naman sa 'kin si saturn at tila nang hihingi ng permiso na dito talaga matulog. Akala ko ba stay for a a while lang? Bakit dito matutulog?

"Anak..." pag-aagaw ko sa atensyon ni uranus.

"Yes po, mommy?" Si uranus.

"Nasabi ko na sa'yo noon na malapit mo ng makita si daddy, 'di ba?" 

Uranus giggled. "Yes po. Pag hindi na po busy si daddy. Hindi na po ba sha busy?" excited na tanong ni uranus.

I stared at saturn. Manghang mangha ang tingin nito sa 'ming dalawa ng anak. Kahit medyo madilim ang puwesto namin, mapapansin mo pa rin ang tensiyon sa aming dalawa.

He swallowed hard.

"Uranus, anak. He's your father. Si sir ang daddy mo." saad ko habang nakatingin kay saturn na nasa harapan namin.

Nawala ang ngiti sa labi ni uranus saka kumalas sa pagkakahawak sa 'kin. Lumapit ito kay saturn na nakatungo na ngayon. 

"D-addy?" nanginig ang boses ni uranus.

Tuluyan na akong napahikbi nang yakapin ng anak ko ang papa niya. Humikbi na rin ito ngayon habang nakaakap sa ama.

"Daddy... B-akit? Bakit mo po kami iniwan ni mommy? D-addy.." iyak ni uranus.

Saturn cold eyes went to me. Hinaplos nito ang likuran ng anak habang hinahalikan ang noo.

"I'm sorry, baby. Daddy won't leave you again, sorry. I love you so much." ani ni saturn habang pinapatahan ang anak.

"I waited for shix years, daddy. And now, you're here. Please, don't leave us, again." hikbi ni uranus.

Hindi na ako makatingin ng diretso ngayon sa mag ama. Tuloy pa rin ang pagbuhos ng luha sa mga mata ko na sa tingin ko'y wala nang balak tumigil. Nakita ko si lily sa hindi kalayuan na puwesto habang hawak ang cellphone na nakatutok sa 'min ngayon.

Holy shit, lily!

Matapos ang gabing 'yon ay doon nga natulog si saturn sa guest room, katabi nito ang anak. Ako naman ay sa kuwarto namin ni uranus natulog. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi sa kakaisip kung paano ko haharapin bukas si saturn. Maaga akong nagising at dumiretso sa kusina para magluto ng almusal.

Habang nagluluto ako ay naramdaman kong may nakatingin sa 'kin mula sa likuran kaya agad kong tinignan 'yon. 

Si saturn. Gano'n pa rin ang suot niya gaya ng kagabi, hindi ito nagpalit. Long sleeve na nakatupi hanggang siko at black pants. Magulo rin ang buhok nito na dulot sa pagkakatulog niya, mas lalo ring naging singkit ang mata nito. 

Nag init ang pisngi ko nang hagurin nito ng tingin ang katawan ko.

"Morning." napapaos na ani nito.

"U-hm morning. Dito ka na kumain." saad ko at agad na tinalikuran si saturn para tingnan ang pinipritong bacon.

"I'll stay here with OUR daughter." mariing ani nito.

"Saturn. Gaya ng sabi ko sa'yo kagabi, hindi ka namin kailangan. Kung gusto mong makita ang anak ko pw-."

"Anak natin." He cut me off. "And please stop with that bullshit 'hindi ka namin kailangan.' Ano ngayon kung hindi nin'yo ako kailangan? Paano ako zandra? Kailangan ko kayo." dagdag nito.

Tila bumara sa lalamunan ko ang dapat kong sabihin. Nag iwas nalang ako ng tingin at tinuon ang pansin sa piniprito.

"Daddy." boses 'yon ni uranus nang makalabas siya ng guest room.

"I thought you'd leave us again." mahinang saad ng anak.

"Daddy regret everything. Now I will make sure that you and your mom will not leave me again." mariing saad ni saturn habang nakatingin sa 'kin.

Nanginginig kong nilapag ang plato sa lamesa, lumapit sa 'kin ang mag ama. Naririnig ko ang tawanan nila, si lily naman ay tulog pa rin hanggang ngayon. Isa pa ang babaeng 'yon, nagagawa niya pang kuhanan ng picture ang anak ko at si saturn kagabi, hindi lang nahiya. 

Nang matapos kaming mag almusal ay naligo na ako. May trabaho ako ngayon kaya dapat hindi ako malate. May meeting si sir ng 9 am kaya dapat by 8 nando'n na 'ko. Maaga pa naman kaya may oras pa 'ko para mag ayos. Nagulat nalang ako nang pagbukas ko ng pinto ay bumungad na sa 'kin ang mukha ni saturn na nakaupo sa kama at nakatingin sa direksyon ko.

"Where are you going?" matigas na tanong nito.

"Magtatrabaho." ani ko at dumiretso sa walk in closet para doon magbihis.

Sumunod naman siya. Agad akong naalerto nang lumapit siya sa 'kin.

"Anong gagawin mo?" tarantang tanong ko.

His brows furrowed. "What?"

"Anong what? Bakit mo 'ko sinusundan hanggang dito? Can't you see, magbibihis ako!" iritadong saad ko.

"I'm not gonna take you here, calm your tits." mapanuyang saad nito.

Agad kong nahablot ang lotion at saka binato sa kanya. Nagagawa niya pang sabihin 'yan sa 'kin ngayon, ha! Hindi porket dito siya pinatulog ng anak ko, maayos na kaming dalawa. Hindi gano'n 'yon! Narinig ko ang paghalakhak nito na ikinanoot ng noo ko.

"You will marry me." ani ni saturn.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. 

"Ano?! Nahihibang ka na ba? Hindi ako magpapakasal sa'yo!" sigaw ko.

"You don't have a choice. You will marry me, period. Change now. Kakausapin ko lang ang anak natin." ani nito at agad akong tinalikuran.

Hindi na ako makapag isip ngayon ng maayos, ni pagsuot ng panty ay nakalimutan ko na kung paano dahil sa sinabi ni saturn kanina. Sino siya para sabihin na pakakasalan ko siya? Pumayag lang akong makilala niya ang anak ko pero walang kasalang magaganap!

Matapos kong makapagbihis ay lumabas agad ako ng kuwarto, nadatnan kong nag aasaran ang mag ama habang nakaupo si uranus sa kandungan ni saturn. Panay ang tawa ni uranus samantalang si saturn naman ay nakangiti habang nakatingin sa anak. 

I cleared my throat.

"Mommy!" ani ni uranus at dali daling lumapit sa 'kin.

"Mommy, isasama po ako ni daddy sa work niya. Pumayag ka na daw kaya nagbihis na po ako." masiglang saad ng anak.

Napaawang ang labi kong tumingin kay saturn, ngumuso ito at tila nagpipigil ng tawa. At sino siya para sabihin na pumayag ako, ha? Wala naman kaming pinag usapan kanina na isasama niya ang anak ko. 

"Don't worry, hindi ko pababayaan ang anak natin." tumayo si saturn sa pagkakaupo at lumapit sa'min. 

Bumilis na ngayon ang tibok ng puso ko. Hindi na normal ang paghinga ko. 

Nang makalapit sa 'kin si saturn, binuhat nito si uranus saka nakangiting tumingin sa anak. 

"Hatid natin si mommy?" Si saturn.

"Yes po, daddy!" Uranus nodded.

"Saturn, may kotse ako. Ako ng bahala sa sarili ko." ani ko agad.

"Let's go, hatid na natin si mommy." tila walang narinig si saturn saka ako tinalikuran.

Lumabas sila ng condo nang hindi ako nililingon. Nagngitngit ako sa galit dahil sa sinabi ni saturn. Desisyon de pota! Sino siya para ihatid ako, ha? Wala pa nga akong sinasabi, nag-de-desisyon na agad siya. 

I heard lily laughed.

"Sanaol hinahatid." ani nito na mas lalong ikinainis ko.

Fuck you, saturn!

:>

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status