Share

WAKAS

Saturn and Zandra's story has now reached the epilogue. Thank you for reading this story! I hope that you all learn a lot of lesson. And sorry for the typos and errors.

"Success is nothing without someone you love to share it with."

- Billy Dee Williams

Hatred

I hate her. 

That's a fact. 

Ayoko sa kan'ya. Hindi dahil sa hindi siya maganda siya, kung hindi dahil sa reputasyon niya sa school. Lagi ko nalang naririnig sa ibang estudyante na marami siyang lalaki. Well, I hate her because of that. I hate flirty people and zandra includes there..They are just the same.

"Pre, una na 'ko. May date pa 'ko." ani ni ethan habang inaayos ang mga gamit niya.

I just nodded at him. Ethan is one of my friend here. Hindi naman kami gano'n ka-close pero naging magkaibigan na rin kami dahil kila ting. Classmate ko sila sa isang minor subject. I'm taking Architecture while them, Bachelor of Civil Engineering.

Habang inaayos ko ang gamit ko ay may narinig akong tumawag mula sa likuran ko. Nangunot ang noo ko dahil do'n. Wala akong ibang kaibigan dito bukod kila ting kaya hindi ko alam kung ba't maraming feeling close sa school na 'to.

"Hi po, eh? I'm cherry from accounting department." ani ng isang babaeng putok ang pisngi dahil sa make up.

My brows furrowed. Who is she? Did I ask her name? 

"Crush po kita. Puwedeng pahingi ng number mo, loloadan na rin kita." dagdag pa nito.

I clenched my jaw. Anong pinakain sa'yo ng magulang mo ineng at ang lakas ng loob mong tanungin sa 'kin 'yan?

"Look, whoever you are. I don't know you, why are you asking for my number anyway? I hate flirty people, and that includes you." I said harshly.

Nakita ko ang pag atras ng babae saka bahagyang tumungo. "Sorry." 'yan lang ang sinabi nito bago ko siya iwan do'n.

Hindi ko alam kung ba't sa dinami dami ng lalaki dito sa eskwelahan, bakit ako ang laging nilalapitan? Mukha ba 'kong may pakealam sa kanila? Pagkatapos ng araw na 'yon ay dumiretso na 'ko sa trabaho ko.

"Saturn, patulong nga." saad ng katrabaho kong si olivia habang buhat ang isang kahon.

Dali dali naman akong lumapit sa kan'ya at binuhat 'yon. Pagkatapos kong ilagay 'yon sa katabi pa nitong kahon ay tumingin muli ako kay olivia.

"Meron pa ba?" tanong ko.

Nangunot ang noo nitong tumingala sa 'kin. Nilapit nito ang mukha niya sa akin na ikinalaki ng mata ko, napaatras na ako nang mas ilapit pa nito ang mukha niya. Ano bang problema ng babaeng 'to?

I held her shoulder to stop her. "What's your problem?"

She cleared her throat. Tila nahimasmasan na ito sa ginawa niya. "Para kasing may kamukha ka." ani nito.

Lumayo ako sa kan'ya at dumiretso sa counter. Sumunod naman ito sa 'kin. Tapos na ang shift ni olivia kaya nakakapagtaka lang na nandito pa siya at hindi pa umuuwi.

"Sino?" tanong ko habang naghahanap ng pagkakaabalahan. 

"Secret." ani nalang nito kaya bumaling na ang tingin ko sa kan'ya. Tinatanggal na nito ang cap at apron na nakasuot sa kanya.

Olivia looks natural with her white shirt and pants, wala siyang kaarte arte sa katawan unlike her friend na laging may kung anong nakalagay sa mukha at nagsusuot ng maiksi. Nagpaalam na sa 'kin si olivia na uuwi na ito kaya tinanguan ko nalang. 

I worked at 7/11 for 8 hours. Pang night shift ako, ito lang kasi ang oras na wala akong ginagawa. Sa umaga naman, tuwing walang pasok ay nasa palengke ako para tulungan sila mama na magbenta. May kapatid rin ako, si varione. Isa pa ang batang 'yon, kagabi lang ay umuwi itong lasing. Buti nalang at hindi siya naabutan ni mama.

"Tao po.." boses 'yon ng isang lalaki habang kumakatok sa pinto.

Agad akong bumangon para tingnan kung sino 'yon at laking gulat ko nang makita ang kapatid na akay-akay ng dalawang pinsan ko. Si ezriah at river.

"Nalasing hehe.." river said.

"Issa prank huehuehue balik ka na." mahinang bulong ni varione habang nakayuko.

"Ikaw na bahala, pre. Alis na kami." saad naman ni ezriah saka tuluyan ng umalis kasama si river.

Binalingan ko ng tingin si varione. Nakahiga na ito sa sahig. Anak ng... Ano bang problema ng gago na 'to? Hindi naman kami nagkulang ni mama na mahalin si varione, ha.

"Issa hik...balik ka na hik...hindi na ako magseselos hik." lasing na ani ni varione.

Umiling na lamang ako at inakay ang kapatid papasok sa kuwarto niya. Pasalamat siya't tulog na si mama, dahil kung hindi baka sa labas na siya pinatulog. Ako ang panganay, At bunso naman si varione. Dalawa lang kaming magkapatid, He's 1st year college while me 3rd year. Pareho lang kami ng eskwelahan na pinapasukan. Varione is taking Architecture. At pareho lang rin kami ng course.. 

Maaga na rin kaming minulat ni mama sa realidad. Wala na rin kasi kaming ama, may iba na 'tong pamilya at mas pinili niya ang ibang babae kaysa sa amin. Noong una nagalit ako kasi bakit hindi niya kami kayang panindigan? Bakit mas inuna niya ang ibang babae kaysa sa amin na anak niya? Dugo at pawis niya kami ni varione. Naalala ko pa noon na hindi ako pumapasok para lang mabantayan ko ang kapatid ko. May trabaho kasi no'n si mama sa isang shop at wala siyang inaasahan magbantay sa kapatid ko kung hindi ako lang.

"Kuya...." iyak ni varione nang mapansing wala ako sa tabi nito. Nasa kusina ako para magluto ng hapunan namin. Agad naman akong dumalo sa kapatid at saka ito pinatahan. Mataas ang lagnat nito kaya agad ko itong pinakain saka pinainom ng gamot.

Hindi rin kasi sanay si varione na walang katabi. Mas sanay siya na katabi ako o hindi kaya ay si mama. Mahal na mahal ni varione si mama kaya noong nalaman niyang may ibang babae si papa, sobrang nagalit siya. Sumugod ito sa bahay nila papa saka ito sinuntok. Hindi naman nagpumiglas si papa bagkus hinayaan niya lang si varione hanggang sa mapagod ito. Pagkatapos ng araw na 'yon ay hindi na kami lumapit kila papa, mas lalong lumayo ang loob namin sa kan'ya. Minsan ay dumadalaw ito sa bahay, pero hindi nalang namin pinapansin.

"Nakakapagod ang araw na 'to! Grabe na talaga." ani ni ting habang hawak ang paborito nitong gitara.

Mamayang gabi na ang acquaintance party at ang banda namin ang tutugtog do'n. Kami nila ting at acher. Speaking of acher, wala pa ang gago. Hindi pa kami tapos magpratice pero umuwi na agad. Well, Anong maasahan namin? He's the campus crush here. Lahat sa kan'ya lumuluhod, pero sa iba yata lumuluhod ang gago.

"Ting, nakita mo ba 'yong bag ko?" tanong ko habang hinahanap sa loob ng music room ang bag.

"Hindi, eh. Baka naiwan sa room." ani naman nito.

I bit my lowerlip. Mukhang naiwan ko nga. Babalikan ko muna saglit tapos babalik rin ako dito para makapagpractice pa kami. Agad akong dumiretso sa room para kunin ang bag, bago pa ako makapasok ay may narinig na akong hindi kaaya aya sa pandinig.

"Uhm ethan." ungol 'yon ng isang babae.

"Easy, babe. Wala pa akong ginagawa." natatawang boses ni ethan.

Hindi na ako naghintay sa sasabihin no'ng babae at agad na akong pumasok sa loob. Bumungad sa 'kin ang mukha ni ethan, nakuluhod ito sa harapan ng babae. Ang babae naman ay nakaparte ang hita at nasa balikat ni ethan ang mga paa nito. Nilibot ko ang tingin sa kabuoan ng room para hanapin ang sadya ko dito.

I cleared my throat. "Excuse me. May kukunin lang ako sa loob." ani ko at agad na dumiretso sa bag ko.

"Oh sure, Saturn." bakas sa boses ni ethan ang pang aasar.

What the fuck! Proud fuck boy?

Inayos ko ang gamit sa bag saka tumingin do'n sa babae na nakatalikod sa 'kin. Is that zandra? I dare you to look at me bitch. I want to see your damn face. Umiling agad ako sa naisip. Saturn, calm down. 

"Hindi ko ba kayo naistorbo?" tanong ko.

"Kinda...Aalis ka na ba?" hindi na maalis ang ngiti sa labi ni ethan dahil sa tanong.

Tumingin muli ako sa babae para makita ang mukha nito pero hindi pa rin ito lumilingon. What the heck!

"Hindi pa. May practice pa kami." I coldly said.

Ethan smirked. "Oh sige, pakisara nalang 'yong pinto." saad ni ethan, bakas sa boses nito ang sarkasmo.

Hindi nalang ako sumagot at tumango nalang. Wala akong pakialam kung naistorbo ko pa kayo. Nang makalabas ako ay agad akong naglakad palayo sa classroom kaso naalala ko na naiwan ko pala ang tumbler sa loob. Agad rin akong bumalik para kunin 'yon, At bumungad sa 'kin ang babaeng kinainisan ko, ang babaeng hate na hate ko. Magulo ang buhok nito at gusot ang uniform.

Si Zandra.

Umiling na lamang ako. Kahit kailan talaga. Hanggang school ba naman? Shit. "Nakalimutan ko pala 'yong tumbler ko." ani ko saka kinuha ang tumbler sa gilid.

I heard ethan laughed. Nangunot ang noo ko dahil do'n. Bakit kailangan niya pang tumawa?

"Una na kami, pre. By the way, this is zandra. And zandra, this is saturn." pagpapakilala ni ethan.

"I know her." tipid kong sagot.

Sinong hindi makakakilala sa kan'ya? Halos lahat ng lalaki dito sa school ay kilala siya, kahit sila ting at alex. Kahit na ang jejemon na si jeremy ay kilala niya si zandra. Iba talaga ang dating niya sa mga lalaki, at 'yon ang ayaw na ayaw ko. Hindi ko gusto ang babaeng katulad ni zandra. Buti nalang at hindi ako isa sa mga lalaking naghahabol sa kanya. In fact siya pa ang naghahabol sa 'kin.

Zandra confessed to me. Umamin siya sa 'kin na gusto niya ako pero agad ko siyang nireject. Duda na talaga ako sa feelings niya sa 'kin, eh. Akalain mo ba naman, minsan lang kami magkita tapos crush niya na ako. Ito pa, nag message pa siya sa 'kin sa f******k.

Noong una nag-pa-pa-accept lang siya na dapat ay hindi ko gagawin kaso ginawa ko. Damn it! Tapos ngayon nag message ulit siya habang nasa trabaho ako.

Zandra Torres:

I might not have a fancy car, but I fancy you.

I clenched my fist. Ano bang problema ng babaeng 'to? Wala ba siyang klase ngayon? Nagtatrabaho ako dito, tapos message siya nang message. Agad akong nagtipa ng puwedeng ireply sa kan'ya. Last na 'to. Pagkatapos nito hindi na ako magrereply. Hindi ko na siya papansinin.

Saturn Centaurus:

Lol. 

Zandra Torres:

Rosé by D.O Kyungsoo. Please listen to it. ʕ'• ᴥ•̥'ʔ

'Yan lang ang tanging reply ni zandra sa message ko. May sinend itong link. At kung minamalas ka nga naman, naubusan pa ako ng load! Agad na nagtagis ang bagang ko dahil sa inis. Nagpaload ako sa malapit na tindahan at nang maipasa ang load ay pinindot ko agad ang link na sinend ni zandra.



Nangunot ang noo ko habang pinapanood ang lalaki sa video. Who is he? Lalaki rin ba ni zandra? Ang dami niyang lalaki, ha...Aware naman ako na marami siyang lalaki, pero itong pinapanood ko na lalaki, iba. Parang mas lalo lang akong na insecure. Hindi naman kasi guwapo ang mga nagkakagusto kay zandra, ako lang yata? Damn! Bakit ko ba 'to iniisip? Hindi ko siya gusto. Ayoko sa malandi! Hindi ako gagaya sa papa ko na basta-basta nalang papatol sa malanding babae.

"Hoy saturn, tara sa canteen. Libre ko." ani ni ting habang hawak ang gitara.

Kagigising ko lang. Nakatulog ako sa last subject namin. Hindi naman nagklase si prof laine kaya tinulugan ko nalang 'to. Tumango ako sa sinabi ni ting at saka dumiretso sa pinto. Bago ako makalabas ng pinto ay may humarang na sa 'king babae na sa tingin ko ay kasing edad lang ni zandra. Nangunot ang noo kong tiningnan ang babae. 

"Hi, I'm Erin." saad ng maputing babae.

Did I ask her name? Hindi ako sumagot bagkus tiningnan ko lang siya. Maputi ito at may katangkaran. Napatingin ako sa mukha nito na kasing pula na ngayon ng kamatis habang nakatingin sa 'kin.

Bumaling ang tingin ko sa gilid ng hagdan nang makita si varione na halos mamatay na sa kakatawa habang nakatingin sa babae na nasa harapan ko.

My brows furrowed. Anong meron?

"I'm here to say that you're tite." saad ng babae na nagpatawa sa lahat.

Who is she again? Eva? Ella? Erlinda?

"Get out of my way." I coldly said. 

Gumilid naman siya kaya dumaan na ako. Sumunod naman sa 'kin si ting kaya hindi na ako nag abala na tingnan ang babae. Naririnig ko ang boses nito kahit sa malayo.

"It's a compliment! Why are you umaalis? You're so masungit, ha!" sigaw ng babae na mas lalong ikinatawa ng mga estudyante. 

I just ignored her and went to canteen with ting.

"Si Erin 'yon. Hindi mo kilala? Crush ko 'yon." ani ni ting at pinakita pa ang wallpaper ng cellphone niyang may mukha no'ng babae.

Do I look like I care? Wala akong time sa mga gan'yan. Mas priority ko ngayon ang pamilya ko at ang pag aaral ko. I will talk to varione later. Mukhang kilala niya 'yong babae.

"Hindi bagay sa'yo gift ni erin, kuya. Maliit sa'yo 'yon pramis kaya akin nalang..hehe." saad ni varione habang hawak ang regalo na binigay ni erin no'ng birthday ko. Siya pala 'yong sinabihan ako ng dick.

Sa isang resort ginanap ang birthday ko. Si papa ang nagbayad no'n na dapat ay ako. Kaso ang sabi ni mama ay hayaan ko nalang daw dahil minsan lang. Noong araw na rin 'yon ay nakita ko si zandra, kasama ang pamilya nito. May mga lumalapit rin sa kanyang mga lalaki kaya minsan ay imbes na samahan ko sila mama at varione, nando'n ako at pinapanood siya sa malayo. Mukhang masaya naman ito kaya hinayaan ko nalang. 

Habang lumilipas ang mga araw, pahulog naman ako nang pahulog kay zandra. Ewan ko ba kung bakit, pero tuwing nakikita ko siya, nakikita ko nalang ang sarili kong nakangiti. Kahit na anong pigil ko sa nararamdaman ko, parang mas lalo lang akong nahuhumaling sa kan'ya.

"You almost got raped." I firmly said.

Gusto kong pumatay. Hindi ako makapaniwala na kayang gawin 'yon ni ethan kay zandra. Halos mandilim ang paningin ko nang makita ang itsura ni zandra kanina. Magulo ang buhok, bakas sa mukha ang takot at nanginginig. Agad ko itong h******n palayo kay Ethan. How dare him do this to my girl! I will make him suffer.

"You asshole!" I punched his face back to back until it gets red.

Hindi nanlaban si ethan bagkus hinayaan niya lang ako. Samantalang si ting naman ay nasa likuran ko at inaawat kami.

"Saturn, tama na. Baka mapatay mo si ethan!" nag aalalang saad ni ting.

"Papatayin ko talaga siya." iritadong saad ko at saka sinuntok muli si ethan. Dumugo na ang ilong nito pero wala akong pakialam. 

Mas masahol pa nga sa hayop ang ginawa niya kay zandra kaya dapat lang 'yan sa kanya. Pagkatapos ng suntukan namin ay pinatawag ako ng dean. Kinausap ako kung anong nangyari. Hindi ko sinabi ang tungkol sa nangyari kay zandra dahil ayokong kumalat 'yon sa campus. Masisira siya sa ibang tao at baka husgahan pa nila. Ayokong mangyari 'yon sa kan'ya kaya nagsinungaling ako sa dean. Si Ethan naman ay hindi na nagpaliwanag at tinanggap nalang ang sinabi ng dean na iki-kick siya ng school. Napahinga naman ako ng maluwag dahil do'n. Kung maaari lang ay ayokong nakikita ang pagmumukha niya dahil naaalala ko lang ang ginawa niya sa babaeng mahal ko.

"Let's get married." ani ko habang nakatingin kay zandra. Tahimik lang ito habang nakatingin sa 'kin.

Nandito kami ngayon sa loob ng ferris wheel, kakatapos lang ng ilang rides namin at ito na ang pinakalast na sasakyan namin. Tumakbo ito pagkatapos magpaalam sa lalaking nagbukas ng pinto. Tumayo ako at saka lumapit kay manong para kunin ang singsing na pinag ipunan ko ng ilang taon.

"Baka nabigla lang, hijo." ani nito.

"Baka nga po." mahinang saad ko.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pagkatapos niyang tanggihan ang pagpapakasal naming dalawa. Handa na ako, eh. Siya nalang ang hindi. Maghihintay naman ako kung sakaling sabihin niya sa 'kin na hindi pa siya handa, huwag naman 'yong basta niya nalang akong iiwan doon.

"K-uya, si m-ama tinakbo namin sa hospital... Kuya....si mama... 'yong mama ko." iyak ni varione sa kabilang linya.

Kakatapos ko lang ihatid si zandra sa apartment nito nang tumawag ang kapatid ko. Hindi na ako dumiretso sa bahay, at nagpahatid nalang kay manong sa hospital. Naabutan ko ang kapatid kong nakaupo sa labas ng ER habang nakatungo.

Tila nanlamig ako nang makita ang kapatid na iyak nang iyak habang hinihintay na lumabas ang doctor sa er. Nanginginig ang balikat nito habang sinusuntok ang sahig.

"Varione." My voice broke.

Nag angat ito nang tingin sa 'kin at dali daling tumayo para yakapin ako. "Kuya....Si mama.... Magpapatayo pa ako ng bahay... Hindi pwede... Kuya.... Ang mama ko..." hikbi nito habang mahigpit na nakayakap sa 'kin.

"Shh... Mabubuhay si mama. Malakas 'yon, eh." gumaralgal ang boses ko.

"Varione?" isang pamilyar na boses ang narinig ko sa likuran.

Agad na bumitaw sa pagkakayakap sa 'kin si varione at saka lumapit sa babae. Ang ex girlfriend nito. Si Issa.

"Issa..." hikbi ni varione habang nakayap kay issa.

Naaawa ako sa kapatid ko. Natatakot ako...Hindi ko naisip na puwede pa lang mangyari 'to sa totoong buhay. Akala ko kasi sa teleserye lang may ganito. Alam kong lalaban si mama. Hindi niya kami iiwan. Mahal niya kami, eh..

Nakaupo na ako ngayon sa bleacher habang hinihintay ang sasabihin ng doctor. Hindi pa rin lumalabas ang doctor kaya kinakabahan ako. Binaling ko ang tingin sa kabuoan ng hospital at dumapo ang tingin ko sa babaeng nakatayo sa hindi kalayuan.

Si Erin. Ang girlfriend ni varione. Akma ko na sana itong tatawagin nang marinig ko ang pagbukas ng ER. Bumaling ang tingin ko sa doctor na kakalabas lang. Bakas sa mukha nito ang lungkot nang makalapit ako. Tumikhim muna ito bago magsalita.

"Sorry but we tried our best.... Hindi na talaga nakayanan ng mama niyo." ani ng doctor saka marahang tinapik ang balikat ko at ni varione.

Tuluyan ng bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Akala ko lalaban siya... Bakit niya kami iniwan? Napaupo na ako sa sahig dahil sa emosyong nararamdaman ko. Hindi ko matanggap na iiwan nalang kami ni mama ng ganito. Marami pa kaming pangarap ni varione para sa kan'ya. I can't understand. Bakit kailangang mangyari lahat ng 'to?

Bumaling ang tingin ko sa kapatid na wala pa ring tigil sa pag iyak. Nakayakap ito kay issa at tila walang balak na kumalma. Nangunot ang noo kong binalik ang tingin kung na saan si erin kanina pero wala na ito doon.

Tinawagan ko si zandra nang makauwi kami ng kapatid ko galing morgue, hindi nito sinasagot ang call kaya nagtext nalang ako dito. Tatawagan ko ulit siya mamaya. Inayos namin ang lamay ni mama. Matagal na palang may sakit si mama, pero hindi niya man lang sinabi sa amin. May sakit siyang leukemia. Sinolo niya ang sakit niya! Para saan pa ang lahat ng pagsisikap ko kung iiwan mo rin naman kami, ma?

"Anak, gusto ko lang malaman mo at ng kapatid mo na kayo ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Ikaw lang at si varione." saad ni mama habang yakap kaming dalawa ni varione.

"Siyempre naman, ma! Magandang nangyari kasi nga guwapo kami. Saan pa kami magmamana? Edi sa'yo. Ang ganda mo kasi, ma." ani ni varione na siyang nagpatawa kay mama.

"Ikaw Saturn. Bantayan mo 'tong kapatid mo, ha? Baka mamaya mag away na naman kayo. Pareho pa naman kayong mapride." pagbibilin ni mama na tila nagpapaalam na.

"Mama naman para kayong nagpapaalam na." iritadong saad ko.

"Binibilin ko lang kayo. Ayokong lumaki kayong basag ulo. At saka ikaw saturn, dahil ikaw ang panganay, Intindihin mo lagi ang kapatid mo. Kahit sa mahirap na sitwasiyon, intindihin mo siya." bakas na sa boses nito ang sakit.

"Ikaw ang panganay kaya dapat ikaw ang may alam kung anong makakabuti para sa kapatid mo. At ikaw naman bunso ko, varione anak. Mahalin mo ang kuya mo. Sundin mo lagi ang utos niya para hindi kayo nag aaway. Magmahalan kayong dalawa. Dadalawa na nga lang kayo tapos mag aaway pa kayo." Si mama.

"Lagi nin'yong tatandaan na kahit anong mangyari, mahal na mahal ko kayo. Kuya, ikaw na bahala kay bunso, At ikaw naman bunso, sundin lagi ang utos ni kuya at maging mabuting kapatid.. Mahal na mahal ko kayo, higit pa sa buhay ko mga anak." 

Ilang araw ang lumipas ay gano'n pa rin ang takbo ng lamay. Hindi ako pumasok, binantayan ko lang si mama habang mahimbing na natutulog. Si varione lang ang pinapasok ko dahil malapit na ang finals nila. Kaya ko pa naman, eh. Hindi pa ako pagod.

Napabalikwas ako sa pagkakatulog nang maramdamang may naglagay ng unan sa upuan ko. Tiningnan ko kung sino 'yon.. Akala ko si zandra, si erin lang pala. 

"You should sleep po muna, kuya." bulong nito saka tipid na ngumiti.

"Where's varione?" I asked.

Ngumuso ito sa sofa kung saan nakaupo si varione na katabi ni issa. Nakasandal ang balikat habang nakapikit ang mga mata nito. Binalingan ko ng tingin si erin na nasa tabi ko na walang kibo at tahimik lang. Tumikhim ako para maagaw ang atensyon niya. 

"Kakausapin ko si issa. Lapitan m-." 

"No need na po, kuya. I understand po." She cut me off.

Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Kaya niyang intindihin ang kapatid ko kahit nasa piling ito ng ibang babae? Is she okay? Kung si zandra ang ganito baka hindi ko kayanin. Hindi ko kayang hayaan ang sarili ko na mapunta sa piling ng iba ang babaeng pinakamamahal ko. Mababaliw ako! Pero gano'n naman talaga, 'di ba? Kaya mong magpakatanga para sa mahal mo. Na kahit ikakasakit mo ay okay lang kasi mahal mo 'yong tao. Pero hindi, eh. Hindi gano'n 'yong pagmamahal na alam ko.

"Tangina naman kuya, eh! Puro ka nalang zandra zandra! Namatay na si mama at babae mo pa rin ang inisip mo!" sigaw ni varione.

I punched his face. Napaupo ito dahil do'n. Ang kapal niyang isali dito si mama. Pinipigilan ko ang sarili ko, pero tuwing sinasabi niya ang pangalan ni zandra ay hindi ako nakakapagpigil.

"Ano kuya, Masakit ba? Pinili niya ang ibang lalaki kaysa sa'yo! Huwag ka ngang magbulag-bulagan. Hinalikan niya 'yong lalaki, kuya! Pareho lang sila ni papa! Sisirain ka lang niya, Sisirain niya tayong dalawa!" humikbi na ito.

"Huwag mong igaya si zandra sa lalaking 'yon, varione! Magkaiba sila!" I glared at him.

"Akala mo hindi ko malalaman. Hindi ka pumasa sa board exam! Kuya, anong nangyayari sa'yo?" galit na galit na sigaw nito.

"Dahil lang sa iisang babae nagkakagan'yan ka na! Bumagsak ka na nga, namatayan ka pa ng ina. Iniwan ka pa ng mahal mo para sa ibang lalaki!" dagdag pa nito.

Umiling ako. No she can't do that. Mahal niya ako..Hindi magagawa ni zandra 'yon. Halos dalawang taon kaming nagsama. Hindi niya magagawa sa 'kin 'yon!

"Kuya tama na! Pinaalis ko na siya. Huwag ka nang umasa." ani muli ni varione at agad na dumapo muli ang kamao ko sa pisngi niya.

"Tangina, varione. Bakit mo siya kailangang paalisin? Nababaliw ka na ba?" I hissed. Tuluyan na akong nasiraan ng bait at agad kong kinwelyuhan si varione. 

Ang kapal ng mukha niyang manipulahin ang lahat! Anong karapatan niya para paalisin si zandra? 

"You! Fuck varione!" I pushed him. Mariin kong pinikit ang mga mata ko para pigilan ang pagtulo ng luha.

Pagkabukas ng mga mata ko ay may mga lumapit na sa 'ming mga bisita. Lumapit na rin si erin at issa. Lalapit na sana si erin kay varione nang maunahan siya ni issa. Inalo ni issa si varione. Lumapit naman sa'kin si erin at hinawakan ang braso ko.

"Wala kayong kwenta!" asik ni varione at saka ako tinulak. Dumaan ito sa harap ni erin at akmang lalapit si erin sa kapatid ko nang sigawan niya ito.

"Isa ka pa! Wala ka ring kwenta! Magsama-sama kayo! Mga inutil." sigaw nito sabay tulak kay erin.

I gritted my teeth. "Varione!" sigaw ko.

Lumapit ako kay erin para alalayan ito sa pagkakatayo. Tiningnan ko ang mukha nito kung umiiyak ba siya, pero tanging ngiti lang ang pinakita nito sa 'kin. "I'm okay lang po, kuya." 

I clenched my jaw. What the fuck was wrong with that bastard? Pati ang girlfriend niya ay nadadamay na. Matapos ang pangyayaring 'yon ay dumiretso na 'ko sa apartment nila zandra. Wala siya roon kaya nagpunta ako sa mga lugar kung saan siya pwedeng magpunta.. Hahanapin ko siya. She can't leave me.

I texted her. Baka m****a niya at magreply siya. Tama, magrereply siya.

To my baby:

Baby, Where are you? Answer my call. please?

Are you with ethan?

Don't worry, I won't be jealous. I'm your boyfriend so I should understand. Just keep safe always. 

Is he hurting you? I'm on my way. 

Wala ka sa apartment. Na saan ka? 

Baby, where are you? Please reply.

Pagkatapos kong magtext kay zandra ay wala pa rin akong nareceive na reply galing sa kan'ya. Kanina pa ako hindi mapakali. Paano kung may ginawa ng hindi maganda si ethan sa kan'ya? Yes, I know. I saw her kissing that fucking man! Nakita rin 'yon ni varione, pero nagkunwari akong walang alam. H***k lang naman 'yon, 'di ba? Hindi niya ako iiwan para sa lalaking 'yon. Tatanggapin ko pa rin siya kahit hinalikan niya si ethan. Mahal ko siya, eh. At alam kong mahal niya rin ako.

"Saturn."

Agad akong nag angat ng tingin para tingnan kung sino 'yon. Agad rin akong nag iwas nang makita ang lalaking tumakwil sa amin.

"Pagkatapos ng burol ni venus. Isasama ko si varione sa akin." ani nito.

I clenched my fist. Bakit niya isasama ang kapatid ko? 

"No. He will stay with me. Ako na ang bahala sa kapatid ko." I said firmly.

I heard him sighed. "Anong ipapakain mo sa kapatid mo kung gan'yan ang itsura mo ngayon? Ni hindi mo nga kayang tumayo diyan at sumama sa burol ng mama mo. Napakawalang kwentang anak mo naman." matigas na saad nito.

"Coming from you?" I chuckled.

"Sino bang tumakwil sa amin at sumama sa ibang babae? Hindi ba ikaw? Tapos ako pa ang masama dito. Bakit nandito ka ba noong mga panahon na naghihirap si mama para lang buhayin kami? Nandito ka ba noong nagkasakit ang kapatid ko at halos magkanda kuba si mama sa pagtatrabaho makabili lang ng gamot? Wala. Wala ka sa mga panahon na 'yon. Ako! Ako ang kasama nila! Ako ang tumayong ama sa kapatid ko." I cried.

"Huwag na huwag mong gagalawin ang kapatid ko. Hindi siya sasama sa'yo." I said without humor.

"Let's see, then." ani nito saka ako tinalikuran.

Kahit magkagalit kami ngayon ni varione, hindi ko kayang ibigay siya sa lalaking 'yon. Nangako ako kay mama na kahit anong mangyari ay iintindihin ko ang kapatid ko kahit na pinaalis nito ang babaeng mahal ko. 

"Bakit ka nag-iimpake?" tanong ko kay varione nang makapasok sa kwarto niya.

Bakas sa mukha nito ang galit habang nakatingin sa 'kin. Kakatapos ko lang maligo at ilang oras nalang ay ihahatid na namin si mama sa huling hantungan niya. 

"Anong pakialam mo?" Si varione.

"I'm your brother, varione. Ibalik mo 'yan. Hindi ka sasama sa lalaking 'yon." utos ko dito, pero tila wala siyang narinig at tuloy pa rin sa pag-iimpake.

Lumapit ako dito saka nilabas ang mga damit na nasa bagahe. Padarag kong binuksan ang kabinet saka binalik doon ang mga damit niya. "Walang aalis sa pamamahay na 'to! Tumigil ka varione. Tama na 'yan." asik ko at patuloy pa rin sa pagbabalik ng mga damit niya.

"Tangina naman! Ano ba? Sabing aalis ako! Hindi mo ba naiintindihan 'yon? Aalis ako at sasama na kay papa! Siya nalang ang meron ako!" sigaw nito.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Tila nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nagbibiro lang siya, 'di ba? 

"Varione... You're joking right? Hindi nakakatuwa. Pagkatapos ng burol ni mama magte-take ulit ako ng exam. Sige na, ibalik mo na 'yan. Please." marahang saad ko.

Lumapit ako dito para guluhin ang buhok ng kapatid, pero agad ring iniwas ni varione ang ulo niya saka mariing tumingin sa 'kin. "Hindi magbabago ang desisyon ko. Aalis ako sa pamamahay na 'to at sasama kay papa.." 

"Hindi kita kailangan. Mas gaganda ang buhay ko pag wala ka. Si papa matutulungan niya 'ko. Eh, ikaw? Habang buhay kang mesirable!" sigaw nito at saka ako kinwelyuhan.

"Is that it?" hinawakan ko ang kamay ni varione saka marahang ngumiti. Bakas sa mukha nito ang gulat dahil sa ginawa ko. Kinuha ko ang mga gamit niyang nasa kabinet at binalik sa bagahe niya.

"Alright. Doon ka muna. Hindi magiging maganda ang buhay mo pag kasama mo 'ko. Tama ka hindi mo 'ko kailangan. Pero, varione kailangan kita, eh. Magkapatid tayo. Nangako ako kay mama na lagi kitang iintindihin. Kaya sige.. kung 'yan ang gusto mo." I wiped my tears.

"Hindi na kita pipigilan." pagkatapos kong sabihin 'yon ay niyakap ko na si varione ng mahigpit.

Nararamdaman ko ang panginginig ng katawan nito. "Pag ayaw mo na kay papa, tawagan mo lang ako. Susunduin agad kita." I whispered.

Pagkatapos ng sagutan namin ni varione kanina ay dumiretso na kami ng sementeryo. Marami ang nakiburol, naroon rin ang girlfriend ng kapatid ko, nasa dulo si erin habang nakatungo. Samantalang si varione naman ay katabi ni issa at nang bago niyang pamilya. 

I bowed my head and bit my tongue. Ano ng gagawin ko? Si mama, ang kapatid ko, at ang babaeng mahal ko. Wala na sila. Iniwan na nila ako. Paano na ako? 

"Kuya?" isang malamyos na boses ang gumising sa 'kin sa pagkakatulog.

Dinilat ko ang mga mata ko para tingnan kung sino 'yon. Nakatulog pala ako sa harap ng bahay namin. Hindi ko namalayan ang oras. Pag-uwi ko pagkatapos ng burol ay dumiretso agad ako sa bahay. Hindi ako tumuloy dahil wala naman akong kasama sa loob. Wala na akong pamilya. Lahat sila iniwan na ako.

"Kuya, Can I borrow your kusina? I will cook for you uhm just sit there nalang sa sofa niyo while waiting me." ani ni erin pagkatapos akong paupuin sa sofa. Siya na ang umalalay sa 'kin. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya dito, pero isa lang ang alam kong rason kung ba't pa siya nandito at dinadalaw ako.

Kinausap ko si erin nang matapos siyang magluto. Pinauwi ko muna ang kapitbahay naming si Aling mirasol. Binigyan kasi ako nito ng pagkain kaya hinayaan ko nalang. Ayoko rin namang tanggihan dahil naging close na rin sila ni mama noon.

"Erin, hayaan mo nalang ang kapatid ko. Marami ka ng nagawa para sa kan'ya." Yes. That was true. Noong lamay pa lang ay alam ko ng may hindi pagkakaintindihan ang kapatid ko at si erin. Si erin nalang ang laging nag-a-adjust sa kapatid ko, pang iinsulto, pangtutulak sa kan'ya at lahat ng masasakit na salita ay nasabi na sa kan'ya. Pero wala akong narinig na reklamo kay erin bagkus inintindi nito ang kapatid ko.

Hindi ko rin naman masisisi si varione, pero kahit na gano'n ay dapat hindi niya sinaktan ang babae. Girlfriend niya si erin at hindi lang siya kung sinong babae. Maganda si erin, matalino rin at masasabi kong mahal na mahal niya nga ang kapatid ko. 

"You deserve someone better, And that is not my brother. You should know your worth as a woman. Know the difference between what you're getting and what you deserve. Maganda ka, erin. Marami pa ang lalaking magmamahal sa'yo." After I said those words she hugged me tight. Narinig ko na ang pag iyak nito sa balikat ko. 

"Thank you, kuya." Erin said as I wiped her tears. Tipid lang akong ngumiti dito bago siya nagpaalam na umuwi. 

Kumusta na kaya si varione? I hope he's okay. Si zandra. May anak na ba siya? Damn. Babalikan ko pa rin siya kahit may anak siya. Kaya kong tumayong ama sa anak nito basta bumalik lang siya sa 'kin.

"Pre, may nakita akong bata kanina. Kasama ni ethan!" bulong ni ting nang makalapit siya sa 'kin.

We are here in pampanga. May event kaming pinuntahan rito. At dumiretso na rin kami sa mga school para magbigay ng donation. Ang pagkanta ay hilig lang namin at ang perang natatanggap namin ay hindi para sa'min. Binibigay namin 'to sa mga estudyante na nangangailangan ng pera para makapag-aral. Magmula nang iwan ako ni zandra mas minabuti kong pagtuonan ng pansin ang ibang bagay kaysa maghanap ng ibang babae.

"Bata?" I raised my brows.

"Oo gagi. Hindi ako nakita ni ethan kasi umalis ako agad. Pero, binigyan ko 'yong bata kanina ng cotton candy!" tuwang tuwang saad ni ting.

"May kasama bang babae?" 

"Wala. Silang dalawa lang. Anak siguro ni ethan." Si ting.

May anak si Ethan? Kanino naman? Agad kong hinanap ang phone sa bulsa ko at nagbrowse do'n. Sinearch ko ang pangalan ni ethan. Wala naman akong nakitang post na may kasama siyang bata. Binalingan ko ng tingin si ting na may tinitingnan sa phone niya.

"Damn. She's hot as hell, pre. Tangina pakakasalan ko talaga 'to." utas nito habang nakatingin pa rin sa phone niya.

Nangunot ang noo ko. "Sino? Let me see.." 

"Si Erin.." ani niya saka pinakita ang bagong post ni erin sa i* na nakabikini.

Agad ko itong binatukan. "Gago. Tigilan mo nga 'yan. She's not into you, bro. Back off." 

"Ay wow grabe.. Akala ko ba magkaibigan tayo? Balita ko ipaparenovate mansion nila. Sama ako." biglang lumambing ang boses niya na ikinailing ko.

I chuckled. Lahat talaga gagawin niya para lang mapansin ni erin, ha? Well, pwede rin. Hindi naman na siguro gusto ng kapatid ko si erin. At saka may boyfriend na si erin. Siguradong naka-move on na 'yon.

"Kuya! I missed you." sigaw ni erin nang makita ako. Agad itong lumapit sa 'kin saka ako h******n.

Nandito ako ngayon sa hospital. Kakalabas ko lang ng room. Nasa loob sila ethan at zandra kasama ang anak nila. Hinatid ko lang 'yong bata dito dahil sa pag-aalala. Naabutan ko kasi ito kanina na walang malay at namumutla na. Hindi ko alam kung anong ginagawa ng cute na batang 'yon sa site. Kasama niya ang isang babae na natataranta kaya ako na ang bumuhat sa bata saka ito pinaypayan.

I stared at her face. Parang may kung anong sumaksak sa puso ko nang makita ang pamilyar na mukha niya. 

"Sir, kamukha niyo po." ani ni mang dantes. Isa sa mga bodyguard ko. Magmula nang sumikat ang banda namin ay nag iingat na rin akong makita ng ibang nakakakilala sa 'kin. 

"Talaga po?" tanong ko sa kawalan.

"Opo, sir. Girl version niyo po. Siguradong maraming magkakagusto diyan. Ang guwapo ba naman ng daddy niya." puri ni mang dantes.

"I'm not her father. Iba po 'yong daddy niya." ani ko habang nakatingin sa bata. Hinaplos ko ang buhok nito na nagulo.

She's pretty. Mana sa mama niya. Sana hindi lumaking maarte.

"Weh? 'Yong Ethan po ba? Ang layo naman po sir. Kayo talaga kamukha niyan. Pusta ko 'yong sweldo ko sir." ani nito na ikinatawa ko.

"Puro po kayo kalokohan." I just said.

Probability of Paternity: 99.9998%

"H-ow c-ould you do this to me, zandra? Where did I go wrong?" napaluhod na ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. 

Her child is also my child. Anak ko si uranus. Ilang linggo ko pinag-isipan ang lahat ng 'to bago ko malaman mismo. Si ting ang nagsabi sa 'kin. Nakainuman raw nito si ethan at doon na nadulas ang gago. Nasabi nito na anak ko ang babaeng dinala ko sa hospital. Nang malaman ko 'yon ay dumiretso agad ako sa condo kung saan tumitira si zandra ngayon. Kinausap ko rin si dra. Sanchez kung may nakuha siyang sample kay uranus. At may nakuha nga. Ito 'yong nainuman niya sa isang bottled water.

"Hindi ako nagkulang na mahalin ka, zandra. I gave you all the love that you deserve. Hindi pa ba sapat lahat ng 'yon? Hindi pa ba sapat lahat ng 'yon para mag stay ka sa 'kin?" gumaralgal ang boses ko.

I want you to tell me all the truth, zandra. Stop with the chase, baby. 

"Saturn ohh.." zandra moaned as I thrust inside her.

Nang malaman kong may anak kami ni zandra ay gumawa na ako ng paraan para hindi pa siya ulit makawala. Magpapakasal na kami. Nakausap ko na rin si varione sa design ng bahay na ipapatayo ko.

"Kuya, pirmahan mo na architectural plan ko. Parang hindi kuya." ngumuso si varione.

"Magsorry ka muna kay zandra sa lahat ng nasabi mo." saad ko na ikinanoot ng noo niya.

Nang bumagsak ako sa board exam ay kumuha ulit ako ng panibago. Hindi naging madali 'yon dahil ako nalang mag isa.. Lagi akong babad sa trabaho at minsan ay hindi na umuuwi ng bahay para lang makapag-ipon ng pera. Kailangan ko kasi habulin 'yong oras ko. Hindi ako pwedeng mag aksaya ng panahon. Hanggang sa hindi ko na talaga nakaya. Kahit anong take ko ng exam ay bagsak talaga ako. Kailangan kong magshift ng course at umulit ulit ng taon. Nag engineering ako. At doon nakapasa ako. 

Ang hirap pala pag wala kang katuwang sa buhay. Lahat ng nagmamahal sa 'kin, iniwan ako. At ang tanging maaasahan ko na lang ay ang sarili ko. Kaya nagsikap akong marating ang kinatatayuan ko ngayon. Mahirap man sa umpisa pero kung may tiyaga at sikap ka, matutupad mo ang lahat ng pangarap mo. 

Nagkaayos na rin kami ni varione noong umuwi ito ng bahay. Sakto graduation ko no'n. Nag celebrate kaming dalawa sa loob ng sementeryo kung saan nailibing si mama. Nagkapatawaran na rin kami. Sino nga ba ako para hindi magpatawad? Mahal na mahal ko ang kapatid ko. At siya nalang ang pamilya ko na meron ako. 

"Kuya, sorry. Sorry kun-." Si varione

"Hush. Matagal na 'yon. Pinapatawad na kita. Sorry kung naging pabaya ako sa'yo noon. Masyado lang akong nalungkot sa pagkawala ni mama at pag iwan sa'kin ni zandra. I'm sorry." I cut him off. Tumungo naman ang kapatid saka suminghot.

"Namiss kita kuya. Namiss ko kayo ni mama." he said softly.

"I missed you more." ani ko at agad siyang h******n. Narinig ko ang pagtawa nito saka ako tinulak. "Cringe eww.." sigaw ni varione na nagpatawa sa'kin. Hindi pa rin talaga nagbago.

"Damn baby. I want you again." I whispered while kissing her neck.

"Kanina pa tayo. Hindi ka ba napapagod?" zandra asked.

I bit my lowerlip. "Nah. Let's make love again and again." 

"Psh. Susunduin mo pa ang anak natin." Si zandra.

Oh shit. I forgot. Ngayon pala ang card day ni uranus at sinabihan ko itong ako ang susundo sa kan'ya. Matapos ang kapatawarang nangyari sa'min ni zandra noon ay nagpropose na ako sa kan'ya. Hiningi ko sa magulang nito ang kamay niya. Ang sabi kasi noon ni mama, sign raw 'yon nang pagrespeto sa magulang ng mahal mo.. Doon ko lang rin nalaman na inabando nila si zandra dahil sa pagbubuntis nito. 

Nagalit ako sa sarili ko. Nasira ko ang pangarap ni zandra. Siguro kung nag ingat ako hindi mangyayari 'yon. Kinausap ko ang magulang ni zandra at saka humingi ng tawad sa kasalanan ko. Nawala sa 'kin ang mag ina dahil sa kapabayaan ko. At hindi ko ulit hahayaan na mangyari 'yon.

"Daddy!" uranus run towards me.

Agad ko itong binuhat nang makalapit siya sa'kin. "How was your day, baby?" I kissed her cheeks.

"Good as well, daddy. Si mommy po pala?" 

"She's busy. Kasama niya sila tita olivia mo." sagot ko.

Uranus pouted. "U-hm si callum po?" 

Agad na nangunot ang noo ko dahil sa sinabi ng anak. "Sino si callum?"

"Uhm 'yong bodyguard mo po." sagot naman ni uranus.

"Uranus. What's with you two? Crush mo ba ang kuya callum mo?" bakas na ngayon sa boses ko ang pagkairita.

Mas matanda si callum kay uranus. Anak siya ni mang dantes. Nang magkasakit si mang dantes ay ang anak na nito ang pumalit sa kan'ya sa trabaho. Uranus is just 12 years old while callum is 18. Hindi pwede! 

"Put 'kuya' next to callum's name, uranus. Mas matanda si callum sa'yo." saad ko habang buhat ito.

Nag iwas nalang ito ng tingin kaya hindi na ako nagsalita. Dumiretso kami ni uranus sa classroom nito para pirmahan ang card niya. Sakto ay nakasalubong ko si Aiden. Buhat nito ang anak ni acher na babae.

"Hyacinthus!" uranus giggled.

"Oh hi ate uranus." the girl said.

"Ikaw ulit nagpirma?" tanong ko kay aiden.

He chuckled. "Yup. You know daddy things." pagbibiro nito.

"Gago!" Boses 'yon ni acher sa likuran na ikinatawa namin.

"Nandito ka pala, pre. Tinext ka na naman ba ng anak ko?" tanong ni acher nang makalapit sa'min.

"No. Alam ko na talaga na ngayon ang card day nila kaya pumunta na ako. I thought you were busy.." Si Aiden.

"Buntis ang asawa ko. Kaya alam niyo na." ani ni acher saka binuhat ang anak niya. Si aiden naman ngayon ay napanganga sa binalita ni acher.

"Na naman?" mahinang tanong nito.

"Naman." saad ni acher na nagpatawa na sa amin. Halos batukan na ni aiden si acher kaya hinayaan ko na ang dalawa. Mga gagong 'yon. Sa harap pa talaga ng mga bata mag lolokohan.

Nakilala ko si Aiden noon sa isang event. Engineer rin kasi ito at doon rin nagtatrabaho ang kapatid ko sa kan'ya. Matagal na rin pala silang magkaibigan ni acher since grade school. Nagkwento kasi si acher kaya nalaman ko. Madaldal rin pala tong si acher, mas madaldal nga lang si varione. Siguro kung magsasama silang dalawa laging may giyera.

Nang matapos kong pirmahan ang card ni uranus ay umuwi na rin kami. Mataas naman ang grades nito at kasali siya sa mga with high honors. Dumiretso kami sa isang restaurant para itreat ang anak. Doon na kami kumain ni uranus bago umuwi.

Nang makauwi kami ay lumapit na agad sa amin si callum at binuhat ang mga dala ng anak ko. Binigyan ko ito ng masamang tingin. Damn you, callum! Huwag ang anak ko.

"Good afternoon, sir." mababang saad nito.

"We'll talk, later." ani ko dito at binato sa kan'ya ang susi ng kotse ko.

Nang makapasok kami ng mansion ay bumungad na sa 'kin ang mukha ng kapatid kong si varione. 

"Hi, dear brother. Hi bebe ko." bati ni varione saka binuhat si uranus.

"Tito, stop calling me bebe. I'm not bebe na." mataray na saad ni uranus.

Tiningnan ko ang bodyguard na si callum na nakatungo sa gilid habang may tinitipa sa cellphone nito. Busy, huh? 

"Anak yata to ni erin, kuya." pagbibiro ni varione.

I cleared my throat. "Dito ka muna varione. Mag-uusap lang kami ni callum." sabay tingin ko kay callum na lumapit na sa'kin.

"Sige, kuya. Sa kusina lang kami hehe....nakakamiss si manang flora huhu." ani ni varione bago ko sila talikuran.

Dumiretso ako sa library saka umupo sa swivel chair.. Hinarap ko si callum na wala na ngayong emosyon sa mukha nito. Kakausapin ko lang siya kung anong meron sa kanila ng anak ko.

"May gusto ka ba sa anak ko, callum?" matigas na tanong ko.

Agad itong nag angat ng tingin saka umiling. "Wala po akong gusto sa anak niyo, sir. May girlfriend na po ako." sagot nito. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil do'n.

"Good, then. To he honest, hindi kita gusto para sa anak ko. You don't deserve her. No one deserves her either. Kaya ayusin mo ang trabaho mo." I firmly said.

"Yes, sir."

"She's texting you, right? Uranus texting you. Let me see her messages." agad na inabot nito sa 'kin ang cellphone niya.

Pagbukas ko pa lang ay bumungad na sa 'kin ang message ng anak kong si uranus. Hijo de tonta!

Commander Uranus:

Please tell to daddy na bilhan ako ng pads. You know girl thingy.

Hey!!! I'm mad at you:/

Break up with your slut girlfriend. Sasabihin ko kay daddy na ifired ka. You're disgusting.

Sabi ni mommy, pwede na raw akong magboyfriend. Pwede ka ba?

Hey callum... Nothing...I just missed you.

Walang reply si callum sa mga text messages ng anak ko. Sinasabi ko na nga ba. May gusto talaga ang anak ko sa lalaking 'to. Tapos anong pads? 12 pa lang siya. Matapos ang usapan namin ni callum ay sakto ring pag uwi ng asawa ko galing shopping.

"Hey, honey." zandra greeted and give a peck on my lips.

"Hey, baby." namamaos kong saad.

"I'm done with my gucci bag, sunod naman 'yong prada." ani nito habang nakayakap sa'kin.

Nakahiga na kami ngayon sa kama at patulog na sana nang maikwento ko sa kan'ya ang nalaman ko tungkol sa anak namin. Ang sabi niya ay pagsasabihan niya si uranus kaya napanatag na 'ko do'n.

"I love you, baby." I whispered while kissing her lips.

"I love you even more, saturn." she said between our kisses.

I smiled.

Damn. The girl I hated the most is my lovely wife now. Under our sheet, making love with me and soon to be the mother of my children. 

Her kisses makes me trembled. She's my Dream, Success and Love.

THE END.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status