Share

KABANATA 30

Bachelorette Party

"Mommy, daddy!" masiglang bati ni uranus nang makapasok kami ng condo. Dumapo ang tingin ko sa sofa, naroon si varione at lily na nakaupo. 

Pagkatapos ng pag-uusap namin kanina ni saturn ay naging maayos na rin kami. Hindi kami bumangon hangga't hindi nasasagot lahat ng katanungan namin. Siya pala ang kasama ko buong gabi. Nakakahiya 'yong ginawa ko kagabi!

Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang ginawa ko kay saturn. Talaga bang ginawa ko 'yon sa kan'ya? I feel so blessed naman kasi hindi pinutok sa bunganga ko. Gusto ko sanang tanungin si saturn kung maganda ba ang performance ko kagabi kaso kinakabahan ako! Baka mamaya asarin pa 'ko nito.

"Hey, baby." bati ni saturn sa anak sabay buhat dito.

Hinalikan naman ni uranus ang ama nito saka humarap sa 'kin sabay ngiti. "Good afternoon, mommy! I'm okay lang po dito, ba't po kayo umuwi?" bakas sa boses nito ang panghihinayang.

My brows furrowed. "Ayaw mo na bang umuwi si mommy, anak?"

Umiling ito. "Hindi naman po, mommy. Nagtatanong lang po..hehe." 

I heard saturn chuckled. Binigyan ko ito ng masamang tingin. Kung anong tinuturo niya sa anak namin, ha! Baka mamaya lumaking bastos 'tong si uranus. Huwag naman sana. Okay na 'yong kami nalang ang bastos na magulang niya. Nakakahiya kung pati ang anak namin ganoon. Pinalaki ko 'tong may takot sa diyos kaya alam kong mabait si uranus.

"Kuya, pwede bang kausapin ko si zandra?" bumaling ang tingin ko kay varione nang tumayo ito at lumapit sa gawi namin.

"You should put 'ate' next to zandra's name, varione." he glared at varione.

"Oa naman ni kuya. Magkasing edad lang naman kami, eh. Ate zandra, let's talk." natatawang ani nito.

"Daddy, what's oa po?" tanong naman ni uranus na agad na sinagot ni varione.

"Oa is your daddy. Your daddy is oa.." proud na sagot ni varione na ikinatawa namin. Agad namang binato ni saturn ang kapatid nito ng unan na galing sa sofa.

"You're matalino naman po pala, tito." Uranus giggled.

"Yes I am. And your ate lily is bobo." sabay baling ni varione sa nananahimik na pinsan ko.

Umiling na lamang ako saka dumiretso sa labas ng condo. Doon na lang kami mag uusap ni varione. Ano bang sasabihin ng lalaking 'to? Hindi pa rin talaga siya nagbago. Well, mas lalo siyang naging matured dahil sa features niya, pero isip bata pa rin. 

"Zandra... kumusta ka na?" tanong ni varione nang makalabas kami ng condo.

'Yan lang ba ang tanong niya? Luminga muna ako sa paligid saka tumikhim. "I'm good as well. Ikaw ba?"

Napakamot ito sa batok niya. "Ito gwapo pa rin. Architect na 'ko." 

I smiled. "Congrats. Libre ka naman diyan." pagbibiro ko pero ang totoo gusto ko talagang magpalibre. 

"Huwag ka nga. Mas mayaman si kuya sa 'kin. May bahay na nga kayo, eh. Ako architect no'n." proud na saad nito.

Agad na namilog ang mata ko dahil sa sinabi niya. May bahay kami? Bakit kasama ako? Nagpagawa si saturn? Nang tumingin ako kay varione ay tila napatigil ito sa pagsasalita at tila gulat nang makita akong naguguluhan.

"Oh shit. Huwag mong sabihin kay kuya. Surprise kasi 'yon with ring pa." 

Napatakip na 'ko sa bibig ko. Si varione naman ay tila hindi na maipinta ang mukha habang nakatingin sa 'kin. Ginugulo na nito ang buhok niya at tila nag iisip.

"Varione, Zandra." boses 'yon ni saturn.

"Kuya, wait lang. Mamaya na muna. Nag uusap pa kami." ani ni varione na hindi na mapakali.

Huminga siya ng malalim bago tumingin sa 'kin. "Zandra, kunwari wala kang alam. Hindi niya pipirmahan architectural plan ko. Tangina naman." Bulong nito sa sarili.

Tumango naman ako sa sinabi ni varione. So may bahay na kami ni saturn? Balak niya akong bigyan ng ring? Magpapakasal kami? Jusko mariya! Iniisip ko pa lang na bibigyan niya 'ko ng ring, kinikilig na ako. Magpakasal pa kaya sa kan'ya?

"And by the way, I'm sorry. Sorry sa lahat ng nasabi ko sa 'yo noon. Pinoprotektahan ko lang si kuya." mahinang saad nito na sapat para marinig ko.

Hinawakan ko ang balikat nito saka umiling. "Okay lang 'yon, ano ka ba! Naiintindihan ko naman. Kung ako rin naman ang nasa posisyon mo baka ginawa ko rin 'yon. At saka salamat pala sa pagbantay sa anak namin." mahabang litanya ko.

"Ano ka ba! Okay lang rin 'yon. Mabait naman si lily." ani nito na ikinanoot ng noo ko.

"Huh? Si uranus ang anak ko, pinsan ko si lily." 

"Ah oo nga pala..hehe" Si varione.

"Iba yata binabantayan mo, varione." pang aasar ko dito.

Matapos ang pag uusap namin ni varione ay pumasok na muli kami sa loob ng condo. Nakita kong nagkakatuwaan ang mag ama sa sala habang si lily naman ay nakatingin sa laptop nito at tila may ginagawa. Tumikhim ako para maagaw ang atensyon ng mag ama.

"Tapos na kayo mag usap?" Saturn asked.

"Oo, kuya. Tapos na kami ni ate zandra." saad ni varione saka pinagdiinan pa ang salitang 'ate'.

"Good, then. You may leave, moron." ani ni saturn sa kapatid.

"Tss. Tss." ani nalang ni varione saka nagpaalam sa pamangkin niya. Nagpicture pa ang dalawa bago umalis si varione. Si saturn naman ay naiwan dito sa condo. Wala yatang balak umuwi. 

Kinagabihan ay nagluto na ako ng dinner namin, beef steak, adobong manok at saka chopsuey. Iyan pa lang ang mga alam kong lutuin bukod sa sinigang na baboy at bangus. Si lily naman ay busy pa rin sa laptop nito. Umiling na lamang ako saka dumiretso sa kuwarto para tawagin ang mag-ama.

"Saturn, kakain na." ani ko nang buksan ang pinto. Bumungad sa 'kin ang mag-ama na nakahiga sa kama habang natutulog. Nakayakap si saturn kay uranus habang si uranus naman ay ginawang unan ang braso ng papa nito. Napangiti ako dahil sa nakita. Lumapit ako do'n para gisingin sila. Kailangan pa nilang kumain.

Nang makalapit ako sa kanila ay siya ring pagbalikwas ng higa ni uranus. Napanguso ako do'n. Ang kulit naman ng anak ko na 'to. Kahit sa pagtulog ang sarap kurutin sa singit. Unti unti kong hinawakan ang balikat ni saturn para gisingin siya. Baka mamaya magutom sila tapos ako na 'yong tulog. Masamang matulog ng gutom.

"Saturn.. gising." ani ko habang marahang niyugyog ang balikat nito.

Nakita ko ang paggalaw ni saturn saka marahang umupo. Inayos nito nang higa si uranus bago ako tingnan. Nagulo ang buhok nito at gusot na rin ang long sleeve na suot niya.

"Sorry. Inaantok ka pa ba?" 

"Nah. Nakatulog lang ako. Are you done? Ako na magluluto." ani ni saturn saka tumayo sa kama.

Hinawakan ko ang braso nito para patigilin siya. "Uhm, tapos na akong magluto. Ginising kita kasi kakain na tayo." nahihiyang saad ko.

Napaawang ang bibig nito dahil sa sinabi ko. Marahan siyang tumango saka ngumiti. "Let's eat, then? Ako ng bahala sa anak natin." ani nito saka bumalik sa kama para gisingin ang anak.

Tila nanlambot ang puso ko nang makita ang mag-ama. Dati gusto lang ni uranus makita ang daddy nito, ngayon kasama na namin siya. Hindi ko maipaliwanag ang emosyong nararamdaman ko ngayon. Siguro nagkamali ako do'n sa ang sinabi kong pinakamasayang araw ko ay 'yong may nangyari sa 'min ni saturn, may mas isasaya pa pala 'yon. At ito ay 'yong makita ko ang mag-ama ko na masaya at magkasama.

Matapos ang gabing 'yon ay hindi na umuwi si saturn. Doon na siya nagpalipas ng gabi. Syempre magkakatabi kaming matulog pero gitna namin si uranus. Nakatulog na rin ako kagabi nang maaga dahil sa pagod. Nang magising naman ako ay wala na sa tabi ko ang mag-ama. Ang aga naman nilang gumising.

Bumangon na 'ko para ligpitin ang pinaghigaan namin. Naligo na rin ako pagkatapos no'n at saka lumabas na ng kuwarto. Naabutan ko ang mag-ama sa kusina na nag uusap, habang si saturn naman ay nagluluto. Topless ito at tanging pants lang ang suot niya, naka apron rin ito. Luminga ako para tingnan ang paligid kung gising na ang pinsan ko.

"Saan ang ate lily mo?" tanong ko kay uranus nang makalapit sa kanila.

"I don't know po, mommy. Baka she's asleep pa po. Gisingin ko na po ba?" tanong ng anak ko.

"Hindi na. Siguro napagod rin ang ate lily mo. Busy 'yon sa pag aaral niya, kagabi pa." ani ko na ikinatango naman ni uranus.

"Let's eat." singit ni saturn na ikinatango naming dalawa ng anak niya. Narinig ko pa ang pagtawa ni uranus habang sinusubuan siya ng papa niya.

It's been three months. Nagkaayos na kaming lahat. Nakausap ko na si varione, nakapag-explain na 'ko kay saturn, at nakausap ko na rin sila mama. Umuwi kami ng pangasinan pagkatapos nang gabing magpropose sa 'kin si saturn. Bumiyahe kami pa-pangasinan para hingin nang maayos ni saturn ang kamay ko sa mga magulang ko na kahit hindi naman na kailangan, pero nagpumilit pa siya.

Hindi niya rin kasi alam ang nangyari noon, pero naikwento ko na rin sa kan'ya. Siya na ang nagsorry sa 'kin dahil sa sinabi ng mga magulang ko. Iyak ito nang iyak habang humihingi ng tawad sa 'kin. Ang sabi ko sa kan'ya ay okay lang, tapos na rin naman 'yon at saka maayos na kami. Nakausap ko na rin sila mama at papa, humingi na rin sila ng tawad sa mga sinabi nila. Si ate naman ay hindi na umuwi ng bahay nang malaman nito ang nangyari sa 'kin. Nagalit rin daw kasi ito kila mama. 

Matagal ko na silang pinatawad. Alam ko naman na kaya lang nila nasabi 'yon ay dahil sa emosyong nararamdaman nila. Hindi nila matanggap ang nangyari sa 'kin. Which is ang pagbubuntis ko nang maaga. Hindi ko naman sila masisisi, pero tuwing naaalala ko ang gabing 'yon, naiiyak nalang ako. Wala kasi akong lakas no'n. Tanging ang alam ko lang ay ang umiyak at masaktan. Pero, kahit na gano'n ay napatawad ko naman na sila. 

Sino ba naman ako para hindi magpatawad? Kahit baliktarin ko man ang mundo, magulang ko pa rin sila. Sila pa rin ang nagpalaki sa 'kin. Pero, hindi ibig sabihin no'n ay makakalimutan ko na ang ginawa nila. Tama nga sila, You can forgive, but never forget.

Kaya mong magpatawad pero hindi ang makalimot. Mahirap man para sa atin ang magpatawad, pero dapat natin 'yong gawin.. Hindi porket sinaktan ka niya ay hindi mo na siya patatawarin, hindi ganoon. Dapat nating isipin na lahat tayo ay nagkakamali, walang masama sa pagpapatawad. Ang masama ay 'yong nagpatawad ka nga, pero paulit ulit pa rin nilang ginagawa 'yong kasalanang ginawa nila noon. 

They say, the first to apologize is the bravest, and the first to forgive is the strongest... And so am I. That's what I did. Apologize and forgive them.

How do you fall in love?

Harder than a bullet could hit you

How do we fall apart?

Faster than a hairpin trigger

Nang mag umpisa ng tumugtog ang kanta ay siya ring paggiling ng katawan namin nila olivia. We are now here at club haze. Today is Haedi's Bachelorette Party. Bukas na ang kasal nito kaya dapat lang na mag enjoy kami ngayon. Nasa isang vip room kami kasama ang boys, ayaw nilang humiwalay sa'min. Ang sabi nila ay hindi sila makikialam at manonood lang, kaya pinagbigyan na namin.

Don't you say, don't you say it

Don't say, don't you say it

One breath, it'll just break it

So shut your mouth and run me like a river

Kasabay ng tugtog ang pag-indayog ng balakang namin. Nakasuot kami nila Aia nang maiksing dress, kaya bawat paggiling namin ay makikita talaga ang maselang parte ng katawan namin. Sa malaking couch, nakaupo sila Acher, Saturn, Deus at Dr. Stan, habang pinapanood kami. May katabi si acher na lalaki na hindi ko naman kilala, nakatulala ito at mukhang malaki-laki ang problema kaya hindi ko nalang 'yon pinansin.

Shut your mouth, baby, stand and deliver

Holy hands, will they make me a sinner?

Like a river, like a river

Shut your mouth and run me like a river

Choke this love 'til the veins start to shiver

One last breath 'til the tears start to wither

Like a river, like a river

Shut your mouth and run me like a river

Nang mag-chorus na ay lumapit na kami sa mga boyfriend namin at doon sumayaw sa harapan nila. Naririnig ko na ang pagmumura ni Oivia sa gilid habang gumigiling, si Aia naman ay may papalo pa sa pwet habang nakatingin kay deus, si haedi ay tinatawanan lang kami. At nang makalapit ako kay saturn ay agad akong umupo sa kandungan nito at doon nag-lap dance.

His jaw clenched. "Fucking sexy." he whispered.

Ngumisi nalang ako saka tuloy pa rin sa pagsayaw. Ang mga kaibigan ko naman ay niyayaya nang sumayaw ang mga boyfriend nila.

"Baby, I don't know how to dance." boses 'yon ng boyfriend ni Olivia. Nakalimutan ko pa lang sabihin na may boyfriend na si olivia, itong lalaki na 'to ang naghatid sa'min noon sa school. Akalain mo ba naman, sila pala ang magkakatuluyan. Next next year pa ang kasal nila pero prepared na si gaga.

"Sasayaw o sa labas matutulog?" naiinis na tanong ni Olivia.

"Go, dude. Show your fucking talent." pang-che-cheer naman ng supportive na kaibigan ni Dr. Stan, Si Deus.

"Deus come on, puro ka diyan cheer! Sumayaw ka rin." ani naman ng kaibigan kong si Aia. Hila hila nito si deus. 

"We should go. I wanna taste you." Saturn whispered.

My face heated. Uuwi na ba kami? Mamaya na siguro, gusto ko pang mag enjoy. I cleared my throat. "Later, daddy." 

Narinig ko ang malutong na pagmumura nito na ikinatawa ko. Kinuha ko ang isang baso ng jack daniels at agad 'yong ininom. Nakita ko naman sa gilid ko si haedi na umiinom ng juice. Bawal kasi ito sa alak dahil buntis na ang gaga. 

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kandungan ni saturn saka tumabi sa kaibigan. "Hoy gaga! Congrats."

Bumaling sa 'kin si haedi saka ngumuso. "Thank you. Congrats rin sa'yo." ani nito habang nakatingin sa singsing na bigay sa 'kin ni saturn. Tama nga si varione, may bahay na pinagawa si saturn para sa'min at may pa singsing pa. Mangiyak-ngiyak pa ako noong araw na 'yon kahit alam ko naman na dahil nasabi na ni varione. Teka ba't pala wala ang lalaking 'yon dito? Akala ko sasama siya..

"Congrats sa'tin!" sigaw ni Aia nang makalapit sa'min, nasa likuran naman nito si Olivia. 

Nang makaupo sila sa tabi namin ay agad kaming nagkwentuhan. To be honest, si Olivia talaga ang nakaisip nito. Siya talaga ang may pakana ng sayaw kemerut. Akala ko nga noong sinabi niya sa'min 'to ay nagbibiro siya, pero totoo pala.

"Grabe naman kayo. Ang galing ko kayang sumayaw." ngumuso si haedi.

"Lap dance mo nga si acher nonstop." pang aasar ni Olivia na ikinatawa namin. 

"Gago. Si zandra nga walang hiya, eh. Kaya niya pa nga laplap nonstop." pangsusulsol ni Aia. Inabot ko ang buhok nito saka 'yon sinabunutan.

"Tarantado, baka marinig kayo ni saturn. Maniwala pa." bulong ko habang nakatingin kay saturn na hawak ang whiskey. Tumingin sa'kin si saturn saka ngumiti. 

"Wanna go home?" he mouthed.

Agad naman akong umiling. Tumango naman 'to saka ngumiti muli. "I love you, so damn much." He mouthed.

"Aray." asik ko nang kurutin ako ni Aia. Hindi pa nga ako nakakapag- I love you too!

"Landi mo naman, beh." Si Aia.

"What the fuck! Go fuck yourself." sigaw ng isang baritonong boses.

Napatingin kami sa pinanggalingan nang sigaw na 'yon. Sa puwesto 'yon nila Acher. 'Yong lalaking katabi niya pala ang sumigaw. Ano bang problema ng lalaking 'yan? Pinaglihi yata sa sama ng loob. Si Acher ay nakatayo na habang kaharap 'yong lalaki na sumigaw, tila pinagsasabihan niya 'yon. Ang lalaki naman ay walang emosyong nakikinig sa kay Acher. Tumango lang ito saka ininom ang vodka na nasa harapan.

"Broken si Aiden. Hayaan niyo na." singit ni haedi kaya bumaling kami sa kanya. Kilala niya pala 'yong lalaki. 

"Aiden pala name niya. Nice name, ha. Mukhang babaero." uyam ni olivia.

"Buti pa pangalan ng bebe ko, Deus. Hindi babaero." Si Aia.

"Bobo nito. Malamang pag nang babae 'yan, tanggal license niyan bilang attorney." ani ni olivia.

"Ge, wala akong pake." Aia rolled her eyes.

"Si saturn talaga ang hindi babaero." I smiled at them. Binigyan nila ako ng masamang tingin. Ay wow! Ba't parang tutol pa sila? Kasalanan ko bang loyal ang mapapangasawa ko?

"Mahiya naman kayo sa doctor ko. Faithful 'yan. Sa 'kin lang kakalampag." ani ni Olivia habang nakatingin sa boyfriend niyang nakikipag-usap sa boyfriend ni Aia.

Matagal na pala silang close no'ng si deus at stan. Well, hindi na ako magtataka. Si saturn naman ay nakikipag-usap kila acher at aiden. 

"Feeling ko pinag-uusapan na nila tayo." boses 'yon ni Aia.

"Feeling ko rin. Nakatingin sa'tin oh." saad naman ni Olivia.

"Feeling niyo talaga." pang aasar ni Haedi.

"Kung hindi ka lang buntis kanina pa kita sinabunutan." asik ni Aia na ikinatawa namin.

"I love you, bitches." agaw pansing saad ko. Dumapo ang tingin sa 'kin ni olivia na nakaawang ang labi. 

"Grabe ka naman, zandra. Ayokong umiyak." Nangilid na ang luha sa mata ni Aia.

I chuckled. Ayoko rin naman pero hindi ko mapigilan. Ilang taon rin kaming hindi nagsama-sama. At ngayon lang kami nakapag-bonding ng ganito.

"I miss you all. Nakakamiss rin pala." ani naman ni Haedi.

"True. Mahal na mahal ko kayo mga jejemon." saad ni olivia saka kami hinila at nagyakapan.

Nakakamiss pala ang bonding naming magkakaibigan. Parang dati lang nasa isawan pa kami at bumibili ng betamax, ngayon nandito na kami sa bar, nag-ce-celebrate ng party ni Haedi. Halos ilang taon rin kaming hindi nagsama-sama. At ngayong gabi lang kami ulit nakapag-bonding ng matagal. 

Hindi ko talaga masasabi na malupit sa 'kin ang mundo, kasi may mga kaibigan akong nariyan para pasayahin ako. Marami man ang problemang dumating, subukin man nang hindi inaasahang pagkakataon, nariyan pa rin sila para sa 'kin. Ang swerte ko pa rin kasi meron akong sila. Sila na nagmamahal at umiintindi sa 'kin. Sila na nariyan pag may problema ako, At sila na laging nariyan para gabayan ako. 

Nagpapasalamat talaga ako sa diyos dahil biniyayaan ako ng kaibigan na katulad nila olivia. Kaya habang maaga pa at buhay pa ang mga taong nagmamahal sa'yo, magulang mo, kaibigan mo, asawa mo, anak mo o kahit kung sino pa man 'yan. Huwag kang mahihiyang sabihin sa kanila na mahal mo sila, na mahalaga sila sa 'yo. Because, love never ends, and having them in your life is such a blessing. So Be grateful and love them with all your heart.

:>

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status