Every Second Count

Every Second Count

By:  AI Ragas  Ongoing
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
42Chapters
1.8Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Sa inis ni Aura Beatriz Diaz, nakuha niyang makipag-usap sa kaklase at kapitbahay niyang iniiwasan ng lahat. Sa ngalan ng plus points, pinilit niya si Shintaro Terrano na magpalit sila ng points sapagkat ito ang dahilan kung bakit siya na-late sa klase. “Sino naman ang nagsasabi sa iyong ayaw ko ng points? Pasensiya ka na, ‘di ko magagawa iyan...” Sagot ni Shintaro sa kanya. “Pero may ibang paraan ako para makakuha ka nito...” Namangha niya nang namalayan niyang kaya naman palang makipag-usap nito sa mga tao. “Babaguhin natin ang nakaraan.” Sinabi pa nito. Napatigil siya nang hawakan nito ang kamay niya at literal na umikot ang kanyang mundo. Pumikit siya ng mariin at noong sa tingin niya'y tumigil na ang pag-ikot. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Wala na sila sa paaralan. Nasa waiting shed na sila kung saan sila nag-agawan ng pwesto sa jeep kanina. “P-Paano mo nagawa ito? I-Isa ka bang w-wizard? G-Guardian? Guardian angel?!” Halos pasigaw na tanong niya. Mababaliw na siya. Paano ito nagawa ng isang Shintaro Terrano? Ano nga ba si Shintaro Terrano? Umangat ang gilid ng labi nito. “Akala ko ba matalino ang isang Aura Beatriz Cortes Diaz? Bakit hindi mo napagtagping maaaring isa akong manglalakbay sa kahapon, kasalukuyan at hinaharap… Oo, manlalakbay ako. Kaya kong baguhin ang nangyari na. Itong kaharap mo ngayon ang totoong Shintaro. Ikaw lang ang nakakaalam ng totoong Shintaro Terrano… Ikaw lang ang hahayaan kong makaalam.”

View More
Every Second Count Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments
No Comments
42 Chapters
-----A-----
NASAAN ako? Inilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto. Hindi ko alam kung kaninong kwarto ito. Hindi pa ako nakapunta dito. Isa-isa kong tiningnan ang bawat gamit, nagbabaka-sakaling kilala ko ang nagmamay-ari pero wala. Wala akong makuhang tip kung nasaan ako! Wala naman akong kakilalang mahilig sa black and white. Dahan-dahan kong inilapat ang aking mga paa sa sahig na marmol. Kulay itim na marmol kaya dapat matakot na ako pero wala. Wala ulit. Wala akong nakuhang takot sa nakikita ko sa paligid. Parang ang cool nga, ‘e! Para akong nasa libro ng Fifty Shades of Grey. To the point na nasa kama niya ako! Huminga ako ng malalim at sinuklay ang aking buhok gamit lang ang aking kamay. Dapat ‘I woke up like this.’ ang peg ko. Nakita ko ang bag ko na komportableng nakaupo sa sofa at agad ko itong nilapitan. Binuksan at tiningnan ang lamang lo
Read more
1 Second
Late~*~*~*~  HALOS  itulak ko na paalis sa dinaraanan ko ang mga tao. Late na ako sa first subject at tiyak na malilintikan ako. Dala ang dalawang makakapal na libro habang tumatakbo. Na aakalaing mong isang paglisan ng paunahan! Gah! Minalas na nga ba ako ng tuluyan? Nakailang ulit ng sumagi sa isipan ko ang mukha ng lalaki kanina. Kung hindi lang sana umepal, ‘e may chance pa sana siya sa akin. Kung hindi lang sana siya epal, kanina pa ako nakarating dito at nakikipagchikahan! Nakuuu, ‘yang gwapo mong mukha, dudungisan ko talaga ng aking super power! Kainis! Habol ang hiningang nakarating ako sa aming classroom. Sinilip ko ito at nagdiwang nang husto nang mapagtantong wala pa ang terror naming guro! Nakanganga nila akong tinapunan ng tingin na inirapan ko lang ‘t saka ako tumungo sa aking
Read more
2 Seconds
Manlalakbay~*~*~*~  DUMATING ang maluwang na jeep kaya komportable kaming nakasakay. Bumalik siya sa dating Shintaro, iyong palaging nakayuko. Tumikhim ako. Ano ba itong nangyayari? Binilang ko ang aking baon at ganoon parin iyon. Salamat naman at hindi nabawasan ang aking baon sa tricycle kanina. Wait! Kanina ba iyon ‘o ngayon? K. Whatever. Wala rin namang makakasagot sa tanong ng utak ko. Totoo ba ang lahat na iyon? Baka naman naka-drugs ako? Anong nahithit ko? Mygash! Pagkababa namin ay ganoon parin ang atmospera. Parang hindi ko nakausap ang totoong Shintaro. Maniniwala ba ako sa kanya? ‘O parehas lang kaming naka-drugs dalawa? Mabibilang palang ang mga estudyante sa aming classroom. Ang iba ay patuloy nagtsitsismisan at ang iba naman ay napakunot ang noong napatingin sa amin. Pakialam ko sa inyo? Duh. Kung alam lang ninyong
Read more
3 Seconds
Ang Pumapatay~*~*~*~  MUNTIK na akong mahulog sa kama sa kakapalit ko ng pwesto. Nahihirapan ako sa pagtulog lalo na’t buhay na buhay pa sa isipan ko ang sinabi ni Shintaro. Anong alam niya at parang kinakabahan ako sa bawat salita niya? Bakit parang ang laki ng tiwala niya sa akin at sinama niya pa ako sa paglalakbay niya? Ganito na ba talaga ako kaganda at naakit ko nalang siya ng basta-basta? Alam naman pala niyang dahil lang sa points kaya ko siya kinausap pero... Wala akong idea bakit! Nakakainis! “Ate! Magpatulog ka nga ng mahimbing!” Reklamo ng kapatid ko sa akin. “Heh! Matulog ka nga diyan ng mahimbing!” Ginugulo mo pa ako eh ang laki na nga ng problema ko sa utak! Sinabi ni Shintaro sa akin na bago niya napagdesisyonang tulungan ako, pinuntahan muna niya ang hi
Read more
4 Seconds
Si Shintaro Terrano ~*~*~*~      “AURA, may problema ka ba?” tanong sa akin ni Eliz. Niyakap ko siya agad pagkakita ko sa kanya. Nagtataka man, sinuklian rin niya ang yakap ko. Suminghot pa ako. Naiisip ko kasing hindi ko ito nagawa noon bago siya nawala.   “Wala, na miss lang kita!”   Natawa siya. “Nagkatabi pa tayo kanina sa room ah! Pinakita ko pa nga sa iyo ang picture ng isang kabaong na Hello Kitty painted!”   Buo pa sa alaala ko iyon. Sinabi niyang bibili siya ng ganon kapag yayaman siya.“Eliz...”   “Hmm?”   Humiwalay na ako ng yakap sa kanya at ngumiti. Pinunasan ko rin ang aking basang pisngi nang dahil sa luha. “Makinig kang mabuti. Huwag mong isiping walang nagmamahal sa iyo kasi nandito lang kami. Mahal ka namin... Patawarin mo sana kami kung nai
Read more
5 Seconds
Heartbreak ~*~*~*~     KINABUKASAN hindi pa tumilaok ang manok, gising na ako. Oh, buhay. Kay hirap ‘pag may kaaway! Kailangan kong makapunta ng maaga sa paaralan. Kasi kung hindi ko gagawin iyon, tiyak na makakasalubong ko si Shintaro sa sakayan. Huli pa naman namin iyong pag-uusap, alangan namang may kasunod pa? Tsk. Bahala siya sa buhay niya. Ako na nga lang itong nag-iisa niyang kaibigan ‘e umaariba pa ang kasungitan niya.   “Oh, Triz, okay lang namang makitulog ka sa boyfriend pero kailangang magpaalam. Paano ‘pag pinatay ka? Sinong makakaalam sa pumatay sa iyo, ha?” Umirap ako nang marinig na naman ang simulang umaga ni Inay.   “Ma! Hindi ko nga boyfriend! Naubusan ng masakyan kaya nakitulog ako…” Inis kong sagot.   Pagkatapos kong kumain ng agahan ay dumating na ang bunso kong kapatid. Ma
Read more
6 Seconds
Burst~*~*~*~  PAGKARATING ko sa aking kwarto ay agad akong nakatulog nang dahil sa pagod. Napagod ako sa kadahilanang iniyakan ko ang taong napagod rin sa akin. Na-drain na lahat ng energy ko kasi inubos ko sa pang-isahang iyak ang sakit na iyon. Lagpas alas diyes ng gabi nang muntik akong mahulog sa kama. Inayos ko nalang ang aking sarili at lumabas ng silid. Hindi ko kinausap si Shintaro kahit panay ang kakasunod niya sa akin. “May boyfriend ka pala?” Ang tinanong niya sa akin kanina. Hindi ko siya sinagot habang nagpapatuloy naman siya. “He talked to me. Ako lang daw ang malalapitan niya upang tulungan ka. Did he mean about dragging you away from him? Iyon ba ang hiningi niyang tulong?” Umigting na ang panga ko pero nagpipigil parin ako. Papanindigan ko. Hindi ko siya kakausapin! “He’s heartless, huh. He br
Read more
7 Seconds
Team Shin ~*~*~*~     NAGKUMPULAN ang mga estudyante sa labas ng aming classroom. Tinitingnan nila ako at pinag-uusapan habang diretso ang aking mga mata sa whiteboard na nakikinig sa guro. Iritado akong bumaba sa kotse ni Austin kanina kasi pinipilit niya pa akong ihatid. Inaasar niya pa ako na hindi raw bagay ang get up ko sa pampublikong sasakyan!   Kagaya ng mood ko kanina ay iritado narin ang aming guro sa bulong-bulongan sa labas. Tumingin si Mrs. Torre sa akin. “Diaz, bakit hindi ka muna lumabas upang kausapin ang mga fans mo na class hour ngayon at nakakaistorbo sila!”   Tumikhim ako. “With all due respect Mrs. Torre, but I cannot tell them what to do with their lives. It’s their choice, and I won’t shoo them because they have disturbed the class. Though,” Sumulyap ako sa nakikinig sa labas. “If they are educated eno
Read more
8 Seconds
Bisita~*~*~*~  BINATUKAN ko si Riri nang literal siyang ngumanga pagkakita sa kapatid ko. Ngumuso siya at tumitig ulit kay Austin na ngayon ay papalapit sa amin. “Sayang, ngayon ko lang nakita ang kuya mo...” Binatukan ko ulit siya. Ngayon, mas malakas kaya asar siyang tumingin sa akin. “Baby brother ko ‘yan, uy!” Sabi ko. “Tsaka, anong nakita mo sa damuhong iyan? Trust me. He’s the worst nightmare!” Kutya ko pa. Kumunot naman ang noo ni Tin pagkarinig no’n. Tuluyan na siyang nakarating sa harapan namin. “Hi, baby,” Ngali-ngali ko siyang batukan nang marinig iyon. Hinalikan niya ako sa noo bago siya lumingon kay Erich. “What’s the name, beautiful?” “Austin Benjamin! What are you doing here?” ‘Wag mong la
Read more
9 Seconds
Team ShinRa ~*~*~*~     NAKAHINGA ako ng maluwag nang hindi namin nakasalubong si Shintaro sa back door. Kailangan pa naming dumaan sa makitid na daan bago talaga makarating sa kalsada. Sana naman ‘di na niya ako hinintay. ‘Wag sana siyang umasa na sasakay ako sa kanya. Excuse me, ayaw ko siyang makasama. Never!   “Dito, Aura!” Sigaw ni Riri nang muntik na akong mawala.   Hinihingal na ako sapagkat tumakbo kami. First time kong dumaan dito at ewan ko lang sa tatlo. Hindi ako backdoorista, ‘di kagaya  ng tatlo. “Malayo pa ba?” Tanong ko. Kanina ko pa gustong makaalis pero ang tagal ng oras. Ang oras kapag hinihintay, bumabagal.   Nilingon naman ako ni Jev. “Malapit na. Kalsada na ang tungo niyan,” sabay turo niya sa kaliwa. Tumango ako at sumunod sa kanila.   Nang malapit na kami
Read more
DMCA.com Protection Status