Share

7 Seconds

Team Shin

~*~*~*~

NAGKUMPULAN ang mga estudyante sa labas ng aming classroom. Tinitingnan nila ako at pinag-uusapan habang diretso ang aking mga mata sa whiteboard na nakikinig sa guro. Iritado akong bumaba sa kotse ni Austin kanina kasi pinipilit niya pa akong ihatid. Inaasar niya pa ako na hindi raw bagay ang get up ko sa pampublikong sasakyan!

Kagaya ng mood ko kanina ay iritado narin ang aming guro sa bulong-bulongan sa labas. Tumingin si Mrs. Torre sa akin. “Diaz, bakit hindi ka muna lumabas upang kausapin ang mga fans mo na class hour ngayon at nakakaistorbo sila!”

Tumikhim ako. “With all due respect Mrs. Torre, but I cannot tell them what to do with their lives. It’s their choice, and I won’t shoo them because they have disturbed the class. Though,” Sumulyap ako sa nakikinig sa labas. “If they are educated enough, they’ll leave because we have our class topic here.” And I gave them an apologetic smile.

Ramdam ko naman ang pag-awang ng labi ni Mrs. Torre at ang pananahimik rin ng lahat sa sinabi ko. Siguro nabigla sila sa sinagot ko. I’m properly trained with speaking and the right choices of words. Sana ‘di nakaka-offend iyon. I’m just showing formality.

“I’m sorry Mrs. Torre at sa iyo rin D-Diaz, sa istorbo,” Nagsalita ang babaeng nasa pinakamalapit ng pintuan. Kita ko ang pagwawala ng kulay sa mukha niya habang tumitingin siya sa akin. “H-Hindi na po mauulit...” Aniya at umalis na siya tangan ang kanyang grupo.

Marami ang nagtaka kanina no’ng hinatid ako ng isang kotse. Walangyang Austin kasi... Binaba ba naman ako sa loob ng paaralan kung saan makikita ng mga estudyante.

Mukhang nagtaka rin sila sa pagbabago ko ngayon. Hindi kagaya ng lagi kong suot na t-shirt at simpleng maong, nakasuot ako ng puting tank-top na kung hindi lang high-waist ang suot kong itim na ripped jeans ay kita ang aking pusod. Isang pares rin ng heeled-sneakers ang sapatos ko habang ginamit ko naman ang isa sa mga nakatago kong bagong bag na galing sa ibang bansa. I don’t do make-ups and jewelries kaya hindi ako gaano nahihirapan. Inayos lang naman ni Mama ang buhok ko into messy buns at plano pa niya akong lagyan ng bangs na hinayaan ko lang. Alam kong susuportahan ako ni mama sa kahit anong gusto ko. Mas susuportahan niya pa ako ngayon kasi magagamit ko na ang mga signature dresses and bags na binili pa niya para sa akin tuwing sinasama siya ni papa sa ibang bansa.

“Magkwento ka, ‘a.” Bulong ni Riri sa akin. “May biglaang fans ka, ‘teh. Hindi manlang namin napag-alaman na celebrity ka pala.” Humagikhik siya.

Kinurot ko siya sa gilid na agad naman niyang iniwasan. “Tumahimik ka nga muna,”

“Aura,” Ngayong tumahimik si Riri ay si Letty naman ngayon ang kumukulit sa akin. “Anong nangyari? Pansin ko ‘di mo pinapansin si Shintaro...”

“Galit ako sa kanya, Letty...” Diretsahan kong sagot habang hindi siya hinaharap. Pero hindi ako nakapagpigil at napatingin na ako sa kanya. Nginuso ko si Jev na ngayon ay nakaakbay sa upuan ni Letty habang nakatungo ang ulo sa mesa. “Anong nangyari diyan?”

Umiwas naman siya ng tingin saglit at nagkibit balikat. “E-Ewan ko..” Tumaas ang isang kilay niya at may panunukso akong nilingon ulit. “Kanina ka pa tinitigan ni Shintaro, uy. Maya-maya siya umiirap. Nag-away kayo, ano? Lover’s quarrel?”

Narinig iyon ni Riri kaya humagikhik ulit siya. “Kaya todo-paganda, hah. Paano naman si Edison niyan? Tiyak na may dadagdag pa ngayong looking gorgeous and hot ka na!”

Binigyan ko sila ng magkakambal na kurot bago ako bumaling kay Shintaro. True enough, seryoso siyang nakatitig sa akin. Inirapan ko siya.

SIMULA no’ng araw na iyon ay hindi na ako tinantanan ng karamihang lalaki. Kung may pagkakataon ay nagpapalipad-hangin sila sa akin. Mas dumadami rin ang pumapansin sa akin. Ang noong haters ko kuno ay feeling close na ngayon.

“Edison!” Napaawang ang labi ko nang marinig ko iyon mula sa bibig ni Jev. Natatawa siyang kumaway sa kung sinuman. “Sumabay ka na sa amin. Nang sa ganun walang umaaligid na iba rito kay Aura.”

Kinalma ko ang sarili. Ang tanging Edison na kakilala ni Jev ay nag-iisa lang. Kumalabog ang aking puso at nagpakurap-kurap ako.

“Jev,” Shit. Nandito nga si Edison! “Hi Aura, it’s been a while. Ang ganda mo na ngayon...” Aniya.

Napilitan akong iangat ang aking mukha at sinalubong ang kanyang mata. “So, n-noon, ‘di ako maganda?” Alanganin akong ngumiti.

Umiling naman siya habang nakatayo parin malapit sa mesa namin. “Maganda ka na noon. Maganda ka parin ngayon... Mas lalo kang gumanda…”

Bolero!

“S-Salamat,” Sagot ko nalang. Uminit ang aking pisngi kaya yumuko ako at tinuloy ang kinakain. Nagpaalam naman siya kina Jev na para bang walang ilangan sa amin. Talaga naman ‘di ba? Hindi siya naiilang sa akin at parang walang aminan ang naganap sa amin. Na para bang hindi siya tumigil sa akin.

Nang makaalis na siya ng tuluyan ay tinukso ako ng tatlo. Mas niyuko ko naman ang ulo ko kasi ayaw kong makita nilang nasasaktan ako. Parang wala lang ako sa kanya ngayon. Namimiss ko na siya.

Wala na ba akong halaga sa kanya? No’ng nakipag-usap siya ay parang walang bahid ng lungkot ang tono niya. Walang halong galit, hinayang at sakit. Parang mas masaya siya ngayong nakalaya siya.

“Aura, okay ka lang?” Tanong ni Letty nang maramdaman nila ang pananahimik ko. Hinagod naman ni Riri ang aking likod.

Umiling ako.

“Anong problema?”

Tumawa ako ng mapakla. Hanggang ngayon, hindi ko parin sinasabi sa kanila ang rason ng pagbabago ko. ‘Di ako nag-open sa kanila. Pero nanatili parin sila sa akin bilang kaibigan. Gustong-gusto kong magkwento sa kanila tungkol sa pag-uusap namin ni Edison. Kung ano ang pinag-awayan namin ni Shintaro. Kaya lang… hindi ko alam kung paano ‘o saan ako magsisimula. Doon na lang kaya sa una naming pag-uusap ni Shintaro?

“Break na kami ni Edison,”

“Naging kayo!?” Agad nilang tanong.

“Kaya nga, ‘e. Hindi na magiging kami kasi tumigil na siya... Noong nakipagkita siya sa akin sa pamamagitan ng love letter. Sinabi niya na pagod na raw siya... Pinagod ko, ‘e.” Ngumiti ako. “Doon ko inamin sa kanyang mahal ko rin siya, matagal na… Pero wala na talaga,”

Umaawang ang labi ni Jev samantalang blangkong expression lang ang dalawa.

“Ngayon, nakikita ko namang masaya na siya kaya... Kaya siguro, sana maging masaya narin ako. Naisip ko, papahalagan at mamahalin ko ang mga bagay na meron ako ngayon. Gagamitin ko upang hindi masayang at para hindi narin ako magsisisi sa kinahulihan.”

“Oh, God!” Ani ni Letty at hinila niya ako palapit sa kanya. “Bakit ‘di mo sinabi sa amin na ganoon pala?” Niyakap niya ako ng mahigpit.

“Sorry kung hindi ako nag-open up sa inyo.. Pinagkatiwalaan ko kayo at mahal ko kayo pero magulo lang talaga ang utak ko... Ayaw kong pati kayo mapagod rin sa akin…” Bulong ko. “Salamat at nandyan kayo… Salamat at naiintindihan n’yo.”

“Ano ka ba naman, Au? Mahal ka rin naming gaga ka!” Si Jev.

Hinawakan naman ni Riri ang kamay ko at ngumisi siya. “Naiintindihan namin, Aura... Maging kayo man ni Edison ‘o hindi ay kaibigan ka pa rin namin. Nagmamahalan tayo, ‘di ba?” Tumango ako. “Ngayon, #TeamShintaro na kami!”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status