Share

8 Seconds

Bisita

~*~*~*~

BINATUKAN ko si Riri nang literal siyang ngumanga pagkakita sa kapatid ko. Ngumuso siya at tumitig ulit kay Austin na ngayon ay papalapit sa amin. “Sayang, ngayon ko lang nakita ang kuya mo...” Binatukan ko ulit siya. Ngayon, mas malakas kaya asar siyang tumingin sa akin.

“Baby brother ko ‘yan, uy!” Sabi ko. “Tsaka, anong nakita mo sa damuhong iyan? Trust me. He’s the worst nightmare!” Kutya ko pa.

Kumunot naman ang noo ni Tin pagkarinig no’n. Tuluyan na siyang nakarating sa harapan namin. “Hi, baby,” Ngali-ngali ko siyang batukan nang marinig iyon. Hinalikan niya ako sa noo bago siya lumingon kay Erich. “What’s the name, beautiful?”

“Austin Benjamin! What are you doing here?” ‘Wag mong landiin si Riri at marupok ‘yan! Gusto kong isigaw sa kanya.

Lunch time ngayon at ‘di kagaya kahapon, nasa may gitna kami ng canteen nakatambay. Pareho kaming nakaupong dalawa habang niyuyuko kami ng aking kapatid. Kung alam ko lang sanang darating siya, hindi ako pumayag na ditong banda umupo. Nakita ko pang pumasok si Shintaro dito at dumiretso sa bilihan. Alam ko namang doon siya sa tambayan niya naglalagi kaya nagulat ako nang pagkatapos niyang bumili ay umupo siya sa pang-apat na mesa na nasa gilid lang namin. Niyuko niya ang pagkain niya at parang wala siyang pakialam sa kung ano man ang nangyayari.  “Anong kailangan mo, kapatid?” Nasulyapan ko ang pagtigil sa pagsubo ni Shintaro at ang kanyang pagkagat-labi kaya umiwas ako.

Ang magaling na si Austin naman ay walanghiyang kumuha ng upuan at nakiupo sa aming mesa. Tumitig siya kay Riri. “Hindi ako aalis kapag ‘di ko malalaman ang pangalan niya...” Aniya.

“I’m E-Erich,”

“Austin...” Pakilala ni Tin.

“Alam ko. She called you, ‘di ba?” Mukhang nagising na ang diwa ni Riri kasi ngumisi na siya.

Natulala kasi siya at nautal pa. Hays.

“Ngayong alam mo na ang pangalan niya... You need to go! Pinagtitinginan na tayo!” Inis ko pang saad. Mukhang sanay na naman si Austin sa mga ganitong eksina. Pero, ayaw ko talaga ng attention! At masyado siyang attention-seeker! “Tin!” Sigaw ko pa nang hindi siya natinag.

Nag-pfft si Riri. Sinamaan ko rin siya ng tingin. Damay-damay na ‘to. Nakakainis si Tin, ‘e! Kesyo gumawa pa ng eksina... Tumikhim naman siya at hinarap na ako finally. Ngumisi rin siya. “May klase na kami… I won’t be able to fetch you kaya hinatid ko ang kotse mo.”

“Kaya kong mag-jeep!” Kontra ko. He must be kidding me. Bakit dinala pa niya ang kotse ko dito? Shit. Maraming mabibigla kung magdadala man ako ng kotse! ‘Tsaka, sanay naman na ako mag-jeep!

Mukhang marami rin ang nakarinig kaya inis kong sinipa ang paa ni Austin sa ilalim ng mesa. He makes faces bago niya ako tinawanan. Natawa rin si Riri sa kanya. I like Austin, but damn! Ang kulit niya!

“Papa would be furious if he’ll know you’re hiding your car, ate!” Giit pa niya.

Mukhang tatanda ako ng maaga sa mga pinagsasabi at kinakalat niya. He’s loud enough to be heard by the whole canteen room! Tinaas ko ang dalawang kamay ko. I’m giving up on him. Pumikit muna ako ng mariin. “Tin, kung ibibigay mo sa akin ang kotse ngayon, maglalakad ka. Take the car, please...”

“Ma’s with me... She’s visiting the registrar's office.”

Bumaling naman ako sa katabi ko na ngayon ay ‘di na naman kumukurap. Siniko ko siya. Hoping she’ll help me putting up with Tin. Tumikhim si Riri. “Hindi siya sanay mag-drive, Austin...” Sali niya.

Nagulat naman si Austin sa kanyang sinabi. Tin eyed me curiously. “Maalam siya, Erich. She’s a racer way back in highschool. Though, she crashed lots of cars already pero sanay naman siya.”

Sa makalawang beses, sinipa ko ulit ang paa niya. Ang sama niya. Pinapahiya niya ang kaibigan ko!

“Paano kung maaksidente siya?” Bumuga ng malakas na hininga si Erich pagkatapos niyang sabihin iyon. Nagtaas siya ng isang kilay. “I won’t let her drive kung racer pala siya. Racers had the hormone of hunger for speed...” Napangiti ako. She’s right.

Napailing si Austin at mukhang nasiyahan kay Riri. He smiled at her. “I won’t let her drive then.”

Right, yes. Papalaki na ang ngiti ko nang bigla niyang nilingon si Shintaro. Imbis na ‘yong ngiti ko ang lumaki ay ‘yong mata ko. Tinawag niya si Shintaro at tumingin naman ang huli! “Shintaro!” Akala ko ‘di siya papansinin nito pero nagtaas ito ng isang kilay. Please, Shintaro... Bumalik ka na sa pagkain mo! ‘Wag mong pansinin! Ngumisi ulit si Tin. Oh, my God! “Take ate’s car! Be her driver,” Shit. Kinuha niya ang susi ng kotse at binato ito kay Shintaro. Sinalo naman ito ng huli at tumango! Oh, my God!

HINDI na ako mapakali habang tinitingnan ko ang oras. Malapit na ang uwian at kailangan ko pang makatakas kay Shintaro! Wala akong pakialam kung sa kanya na ang kotse ko. Bahala na siya kung anong gagawin niya roon. Ang importante, hindi ako sasakay sa  kanya! Bahala na kung mag j-jeep ako basta hindi parin ako sasakay! “Samahan n’yo ako...”

Sabay-sabay na napatingin sa akin ang tatlo. “Saan?”

“Sa likod ako dadaan ngayong uwian!” Sagot ko.

Kumislap ang mata ni Letty. “Oo nga pala, si Shintaro ang driver mo!”

Nakakainis na Shintaro! Bakit ba siya pumayag? Sa paaralang ito, hindi lang ako ang nagkunwaring mahirap, siya rin! Wait… Nagkunwari ba ako? Siguro, oo. Bumuntong hininga ako. Base doon sa mga gamit niya sa bahay. Na pawang mamahalin! Alam kong kaya niyang makabili ng isang sasakyan! Bakit ba kasi siya pumayag kay Austin na iyon?! Pwede rin naman siyang humindi!

“Ayaw kong makausap ang weird na iyon,” Umirap ako sa kawalan. “Naiinis ako sa kanya!”

Tumahimik na kami ng binigyan kami ng matalim na tingin ng aming guro sa panghuling subject. Nakataas ang isang kilay ni Riri habang nakikinig sa kanya. Siniko ko siya. Bumaling naman siya sa akin at ngumiti ng alanganin. “’Y-Yong binanggit ni Austin,” Namula ang pisngi niya. Pinanlakihan ko naman siya ng mata. “May klase na sila… T-Tungkol doon. Ahm...”

“Magtanong ka na,”

Bumaling na rin sa amin ang dalawa sa binuksang topic ni Riri. Mas namula naman siya ng inasar siya ni Jev. “Dali na, Riri. Nahiya ka pa kay ate, eh,” Kinurot ko siya sa gilid nang marinig iyon.

“S-Saan s-siya nag-aaral?”

Ngumisi ako ng nakakaloko. “Si ano?”

“Si Austin,”

Tinaasan ko siya ng kilay. Bumulong si Letty sa akin na ‘wag ko rawng sabihin at baka mabaliw si Riri nang tuluyan. Nag-pout naman siya. “Please, saan nag-aaral si Austin? B-Baka makapunta ako doon at m-mabisita ko siya…”

“Hernandez Boarding School,” Naubo si Jev at nanlaki ang mga matang nakatingin sa akin. Nalaglag naman ang panga ni Letty roon. Habang natulala lang si Riri sa akin. Kinunutan ko lang sila ng noo. Nagtataka sa inaasal nila. “Okay lang kayo?”

“N-Nagbibiro ka ba?” Gulat na tanong ni Riri.

Umiling ako. “Of course not,” Kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa at agad na pumunta sa gallery. Pinapakita sa kanila ang picture namin ni Austin sa paaralan niya. Naka-uniporme siya doon samantalang naka-dress ako. “Noong foundation day nila, kumanta siya...”

Mas napaawang ang labi ni Riri sa akin. Inagaw niya ang cellphone sa akin at tinitigan iyon. Nag-swap pa siya upang makita ang iba pang kuha. Nandoon sa folder na iyon ang lahat ng litrato namin noong kumanta si Austin. Nandoon rin iyong nagpa-picture sa akin ang ibang schoolmate ni Tin. “Anak ng... My gosh, Au! You’re one of the elites!”

Tinaasan ko sila ng kilay. “I’m just Aura,” Sagot ko na lang at umiling sa kanila. Nag-dismissed na kaya nag-concentrate na ako. Kailangan ko pang ma-success ang, ‘Operation; Escaping away from Shintaro Terrano.’

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status