Smitten
~*~*~*~
SINABI ko na kay Shintaro ang tungkol kay Drake. Nagulat siya pero wala na siyang magawa. Nakakapagdesisyon na ako na hindi na itutuloy ang plano. Ang tanging matutuloy ay ang pag-inom ko ng gamot upang makalimot.
“Ayaw mo na ba talagang makilala ang isang weird na time-traveler na si Shintaro Terrano? Baka magsisi ka. Minsan mo na nga lang akong makikitang weird tapos hindi pa matutuloy? Tss. Pinapaalis mo pa ako. Akala ko ba si David lang ang kakalimutan mo?” Nakasimangot na tanong niya.
Napailing ako at bahagyang napangiti. “Magpakilala ka nalang ulit sa akin. Sa ngayon ay bumalik ka na muna sa dati mong buhay. Nagpapasalamat ako kasi nandito ka parati para sa amin Shintaro pero sasabihin ko sayo, hindi lang sa amin, sa akin umiikot ang mundo mo. May buhay ka rin na dapat mong alagaan. Hi
Not Bad~*~*~*~HABANG pinagmamasdan ko sina Jev at Letty na naglalambingan, si Riri na nang-aasar sa akin habang naliligo sa pool at sina Mama at Papa na parang batang nagtatalo habang nag-iihaw, alam kong naging mabuti ang takbo ng plano na tinuloy nila para sa akin. Masaya ako kasi sa kabila ng lahat, ganito na kami. Sa lahat ng iyak, takot at saya ay magkakasama parin kami.Hindi na muna bumalik si Austin pero tumawag naman siya kanina. Sinabi niyang maganda ang pinagbabakasyonan niyang lugar. Though, hindi niya sinabi kung nasaan talaga siya. Naalala ko pa 'yon sa plano ko, mawawala siya at tutulungan ako ni Shintaro na mahanap siya upang magkalapit kami. Nakakatawa na nangyari nga iyon at sobrang kinabahan ako. Hindi ko na talaga uulitin ang ganun, nakakamatay pala sa kaba.Pero sa t'wing maaalala ko ang mga pangyayari
NASAANako?Inilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto. Hindi ko alam kung kaninong kwarto ito. Hindi pa ako nakapunta dito.Isa-isa kong tiningnan ang bawat gamit, nagbabaka-sakaling kilala ko ang nagmamay-ari pero wala. Wala akong makuhang tip kung nasaan ako! Wala naman akong kakilalang mahilig sa black and white.Dahan-dahan kong inilapat ang aking mga paa sa sahig na marmol. Kulay itim na marmol kaya dapat matakot na ako pero wala. Wala ulit. Wala akong nakuhang takot sa nakikita ko sa paligid. Parang ang cool nga, ‘e! Para akong nasa libro ng Fifty Shades of Grey. To the point na nasa kama niya ako!Huminga ako ng malalim at sinuklay ang aking buhok gamit lang ang aking kamay. Dapat‘I woke up like this.’ang peg ko. Nakita ko ang bag ko na komportableng nakaupo sa sofa at agad ko itong nilapitan. Binuksan at tiningnan ang lamang lo
Late~*~*~*~HALOS itulak ko na paalis sa dinaraanan ko ang mga tao. Late na ako sa first subject at tiyak na malilintikan ako. Dala ang dalawang makakapal na libro habang tumatakbo.Na aakalaing mong isang paglisan ng paunahan!Gah! Minalas na nga ba ako ng tuluyan? Nakailang ulit ng sumagi sa isipan ko ang mukha ng lalaki kanina. Kung hindi lang sana umepal, ‘e may chance pa sana siya sa akin. Kung hindi lang sana siya epal, kanina pa ako nakarating dito at nakikipagchikahan!Nakuuu, ‘yang gwapo mong mukha, dudungisan ko talaga ng aking super power! Kainis!Habol ang hiningang nakarating ako sa aming classroom. Sinilip ko ito at nagdiwang nang husto nang mapagtantong wala pa ang terror naming guro! Nakanganga nila akong tinapunan ng tingin na inirapan ko lang ‘t saka ako tumungo sa aking
Manlalakbay~*~*~*~DUMATINGang maluwang na jeep kaya komportable kaming nakasakay. Bumalik siya sa dating Shintaro, iyong palaging nakayuko. Tumikhim ako. Ano ba itong nangyayari? Binilang ko ang aking baon at ganoon parin iyon. Salamat naman at hindi nabawasan ang aking baon sa tricycle kanina. Wait! Kanina ba iyon ‘o ngayon? K. Whatever. Wala rin namang makakasagot sa tanong ng utak ko. Totoo ba ang lahat na iyon? Baka naman naka-drugs ako? Anong nahithit ko? Mygash!Pagkababa namin ay ganoon parin ang atmospera. Parang hindi ko nakausap ang totoong Shintaro. Maniniwala ba ako sa kanya? ‘O parehas lang kaming naka-drugs dalawa? Mabibilang palang ang mga estudyante sa aming classroom. Ang iba ay patuloy nagtsitsismisan at ang iba naman ay napakunot ang noong napatingin sa amin. Pakialam ko sa inyo? Duh. Kung alam lang ninyong
Ang Pumapatay~*~*~*~MUNTIKna akong mahulog sa kama sa kakapalit ko ng pwesto. Nahihirapan ako sa pagtulog lalo na’t buhay na buhay pa sa isipan ko ang sinabi ni Shintaro. Anong alam niya at parang kinakabahan ako sa bawat salita niya? Bakit parang ang laki ng tiwala niya sa akin at sinama niya pa ako sa paglalakbay niya? Ganito na ba talaga ako kaganda at naakit ko nalang siya ng basta-basta? Alam naman pala niyang dahil lang sa points kaya ko siya kinausap pero... Wala akong idea bakit! Nakakainis!“Ate! Magpatulog ka nga ng mahimbing!” Reklamo ng kapatid ko sa akin.“Heh! Matulog ka nga diyan ng mahimbing!” Ginugulo mo pa ako eh ang laki na nga ng problema ko sa utak!Sinabi ni Shintaro sa akin na bago niya napagdesisyonang tulungan ako, pinuntahan muna niya ang hi
Si Shintaro Terrano ~*~*~*~ “AURA, may problema ka ba?” tanong sa akin ni Eliz. Niyakap ko siya agad pagkakita ko sa kanya. Nagtataka man, sinuklian rin niya ang yakap ko. Suminghot pa ako. Naiisip ko kasing hindi ko ito nagawa noon bago siya nawala. “Wala, na miss lang kita!” Natawa siya. “Nagkatabi pa tayo kanina sa room ah! Pinakita ko pa nga sa iyo ang picture ng isang kabaong na Hello Kitty painted!” Buo pa sa alaala ko iyon. Sinabi niyang bibili siya ng ganon kapag yayaman siya.“Eliz...” “Hmm?” Humiwalay na ako ng yakap sa kanya at ngumiti. Pinunasan ko rin ang aking basang pisngi nang dahil sa luha. “Makinig kang mabuti. Huwag mong isiping walang nagmamahal sa iyo kasi nandito lang kami. Mahal ka namin... Patawarin mo sana kami kung nai
Heartbreak ~*~*~*~ KINABUKASAN hindi pa tumilaok ang manok, gising na ako. Oh, buhay. Kay hirap ‘pag may kaaway! Kailangan kong makapunta ng maaga sa paaralan. Kasi kung hindi ko gagawin iyon, tiyak na makakasalubong ko si Shintaro sa sakayan. Huli pa naman namin iyong pag-uusap, alangan namang may kasunod pa? Tsk. Bahala siya sa buhay niya. Ako na nga lang itong nag-iisa niyang kaibigan ‘e umaariba pa ang kasungitan niya. “Oh, Triz, okay lang namang makitulog ka sa boyfriend pero kailangang magpaalam. Paano ‘pag pinatay ka? Sinong makakaalam sa pumatay sa iyo, ha?” Umirap ako nang marinig na naman ang simulang umaga ni Inay. “Ma! Hindi ko nga boyfriend! Naubusan ng masakyan kaya nakitulog ako…” Inis kong sagot. Pagkatapos kong kumain ng agahan ay dumating na ang bunso kong kapatid. Ma
Burst~*~*~*~PAGKARATING ko sa aking kwarto ay agad akong nakatulog nang dahil sa pagod. Napagod ako sa kadahilanang iniyakan ko ang taong napagod rin sa akin. Na-drain na lahat ng energy ko kasi inubos ko sa pang-isahang iyak ang sakit na iyon. Lagpas alas diyes ng gabi nang muntik akong mahulog sa kama. Inayos ko nalang ang aking sarili at lumabas ng silid.Hindi ko kinausap si Shintaro kahit panay ang kakasunod niya sa akin. “May boyfriend ka pala?” Ang tinanong niya sa akin kanina. Hindi ko siya sinagot habang nagpapatuloy naman siya. “He talked to me. Ako lang daw ang malalapitan niya upang tulungan ka. Did he mean about dragging you away from him? Iyon ba ang hiningi niyang tulong?” Umigting na ang panga ko pero nagpipigil parin ako. Papanindigan ko. Hindi ko siya kakausapin! “He’s heartless, huh. He br