Share

5 Seconds

Heartbreak

~*~*~*~

KINABUKASAN hindi pa tumilaok ang manok, gising na ako. Oh, buhay. Kay hirap ‘pag may kaaway! Kailangan kong makapunta ng maaga sa paaralan. Kasi kung hindi ko gagawin iyon, tiyak na makakasalubong ko si Shintaro sa sakayan. Huli pa naman namin iyong pag-uusap, alangan namang may kasunod pa? Tsk. Bahala siya sa buhay niya. Ako na nga lang itong nag-iisa niyang kaibigan ‘e umaariba pa ang kasungitan niya.

“Oh, Triz, okay lang namang makitulog ka sa boyfriend pero kailangang magpaalam. Paano ‘pag pinatay ka? Sinong makakaalam sa pumatay sa iyo, ha?” Umirap ako nang marinig na naman ang simulang umaga ni Inay.

“Ma! Hindi ko nga boyfriend! Naubusan ng masakyan kaya nakitulog ako…” Inis kong sagot.

Pagkatapos kong kumain ng agahan ay dumating na ang bunso kong kapatid. Malaki pa ang ngisi niya sa akin. “Ate, who’s that mad man Ma talked about? Give it a name already. ‘O gusto mo lang talagang tawagin siyang ‘boyfriend mo’?” Tapos mas lumaki pa ang ngisi niya. Lumapit naman ang aming ina sa kanya at tinapik siya sa balikat.

“Kumain ka na, Tin. Ihahatid mo pa ang ate mo...” Aniya.

Suminghap ako. “Ma naman, ‘e! Kaya ko pong mag-jeep!”

“What’s the use of car?” Padabog akong tumayo at kinuha ang aking bag. Sinapok ko pa si Tin bago ako tuluyang umalis. “Ate!” Tawag pa niya. “Bahala ka na nga!”

Nagmamadali ako sa paglalakad kasi kung hindi, maabutan ako ng sasakyan. Alam kong walang pasok sina Tin ngayon. Hindi naman siya magpe-presinta kung meron ‘e. Habang nagmamadali ako sa paglalakad ay narinig ko ang tunog ng makinang paparating. Malapit na ako sa waiting shed nang bumusina ito at inilabas ng driver ang kanyang ulo. “Ate, lagot ako kay mama ‘pag ‘di kita naihatid!” Tin shouted.

Mabigat ang hakbang ko habang patungo sa waiting shed. “Kaya ko ang sarili ko! Wala akong boyfriend kaya ‘wag mo na akong ihatid!” Sa kabila ng inis ko ay humalakhak lang siya.

“Fine,” Mamaya ay sagot niya habang nakasunod parin sa akin. Naramdaman ko naman  ang pagliko ng sasakyan pabalik at bago ito tuluyang lumiko ay tinawag niya ulet ako. “Just take care of yourself. I love you, bye!”

“Sige na,” wika ko. Kumaway ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Saktong paparating ang jeep na maluwag kaya hinintay ko na lamang ito. Iaangat ko na sana ang sarili ko nang may humawak sa aking bewang at tinulungan ako. Tiningnan ko kung sino ‘yon at agad akong nagsisi nang makita ko ang malamig na mga mata ni Shintaro. Umupo ako sa gilid ng pintuan at napalunok na lamang nang maramdaman ko ang braso niyang dumidikit sa akin. Bullshit.

GAYA ng madalas naming nakikita, nakayuko si Shintaro sa ‘di niya matapos-tapos na libro. Alam kong alam niya na tumatagos ang masama kong tingin sa utak niya. Halos maputol ko na ang lapis na aking hawak-hawak nang dahil sa inis. Nakakainis kasi simula noong nasa jeep kami hanggang dito sa classroom ay ‘di niya talaga ako pinansin. Parang ‘di niya ako kilala, samantalang magkakalapit-bahay kami.

“Para sayo raw, Aura,” May inilagay na nakatuping papel si Erich sa mesa ko. Hindi ko na sana ito papansinin nang makita ko ang mga hearts na drawing. Napakamot ako ng ulo. “From your admirer with love…” Ngumisi siya.

Agad namang nagsilapitan sina Letty at Jev sa akin nung marinig iyon. “Dali na,” Utos nila. Mas napakamot ako ng ulo. Muntikan ng mawala sa utak ko si Edison. Mabuti nalang rin at hindi na kami magkaibigan ni Shintaro. Magseselos kasi siya kapag may kinakausap akong iba. Though, hanggang selos lang. Pero ayaw ko namang sumasama ang loob ng tao sa akin.

Bumuntong hininga ako bago ko binuksan ang papel.

Gusto kitang makausap. 12pm.

-Ed

Isang hawak sa aking braso at nagising na ang aking diwa. Napatingin ako kay Jev at kita ko ang pagtaas ng kanyang kilay, nagtatanong. He’s gay but still, he looked so handsome. Kaya alam ko kung bakit ganon nalang ang pagtago ng tingin ni Letty sa kanya. Huminga akong malalim at kinagat ang aking labi. “Anong oras na?” Tumikhim si Letty at kinuha mismo galing sa aking kamay ang maliit na sulat.

“It’s eleven, forty-six,” Sagot ni Riri. Tumango ako at inihanda ang aking sarili.

Galing sa sulat ay bumaba ang tingin ni Letty sa akin. Kumunot ang kanyang noo. “Saan naman kayo magkikita?”

“Sa puno, malapit sa ilog…” Sagot ko.

Pinatay ko lang ang oras sa pamamagitan ng pakikipagkwentuhan sa kanila. May iba naman akong kaibigan pero sila ‘yong pinaka-close ko talaga. Nang limang minuto nalang bago mag-alas dose ay pinatayo na ako ni Riri at pinagtutulungan nila akong tinulak palabas sa pintuan. Isa-isa ko lang silang inirapan bago ako nagpaalam.

Sa labas ng paaralan kami magkikita ni Edison. Kapag kasi gumagala kami ay hindi namin kinakalimutang magpahinga sa lugar na iyon. Si Edison Villanueva ay hindi lang basta-basta sa paaralan namin. Galing kasi siya sa mayamang angkan at isa ang pamilya niya sa pinakamayaman dito sa aming lugar. Hindi ko nga alam kung bakit niya pinili ang public ‘e kaya naman nila siyang ipasok sa pribadong paaralan. Siya ang pinakasikat sa paaralan namin. Marami ang may gusto sa kanya at dahil doon marami rin ang may ayaw sa akin. Pero mas marami ang may gusto sa kanya na may gusto ring magkatuluyan kami. Ang labo, ‘no? Hindi lang naman siya mayaman kaya siya sikat. Sikat siya kasi nasa kanya na ang total-package na hinahanap ng mga dilag sa isang Adonis. Mayaman, matalino, maganda ang tikas, masiyahin, mabait at sobrang guwapo.

“Au,” Speaking of guwapo. Agad niya akong sinalubong ng yakap pagkakita sa akin. Segundo lang ang yakap na iyon. “Akala ko ‘di ka makakarating ‘eh. Kumain ka na ba? May dala akong pagkain. ‘Lika ubusin muna natin ito.”

Nginitian ko siya at lumagpas ang mga mata ko sa mga pagkain na nakalatag sa carpet. Nanlaki ang mga mata ko pero agad kong niliit iyon. Binalik ko ang tingin sa kanya. “Ang dami naman niyan. Anong meron?”

Hindi na ako nag-antay na paupuin niya ako. Kusa na akong lumapit sa carpet at doon umupo. May dalawang basket roon na alam kung pinaglalagyan ng mga pagkain. Kumuha ako ng dalawang plato na nilagyan ko ng naka-mix na prutas, naka-packed na sandwich, at spaghetti. Nakatitig lamang siya sa akin habang inabot ko sa kanya ang isa. “Kumain ka na.” ‘Di parin siya kumibo. Napailing ako at ‘di ko napigilan ang pagkawala ng tawa sa aking labi. “Ed,”

“S-sorry,” Tikhim niya. “Ang ganda mo kasi,”

“Alam ko...” Sinabi ko nalang at mas itinaas ang isang plato na para sa kanya.

Tumango-tango siya at sa mga oras na ito, kinuha na niya sa kamay ko ang plato at inimbitahan ang sarili sa pag-upo. Nagsimula na akong kumain at alam kong bawat subo niya ay sinusulyapan niya ako kaya pabiro ko siyang inirapan na tinawanan niya lang. “Ed,” Tawag ko ulit sa kanya. Tinaas naman niya ang isang kilay. “Bakit mo ako gustong makausap? Anong pag-uusapan natin?”

Saglit siyang natigilan. Napakagat-labi ako nang makita ko ang dumaang ibang emosyon sa kanyang mga mata. Hindi ito pagkatuwa. Kundi galit. Galit nga ba? ‘O baka naman guni-guni ko lang iyon? Bihira lang magalit si Edison. Iyong mga oras na nagagalit sa akin ay iyong mga panahong muntik na akong malunod sa field trip namin. Iyon ang una at huling beses ko siyang nakitaan ng galit. Alanganin siyang ngumiti. “Kumain ka na muna.” Aniya.

“Okay,” Sagot ko nalang.

Ang biglaang seryosong atmosphere ay nawala. Ibinaba niya ang pinagkainang plato at ngumiti sa akin ng nakakaloko. Kinunotan ko lang siya ng noo. “Anong mas mabigat, isang toneladang ginto, o isang toneladang piso?”

Mas kinunotan ko siya ng noo sa kanyang tanong.

“Syempre, ginto!” Presko kong sagot.

“Talaga?”

‘Di ko napigilan ang aking pag-irap sa kanya. Ang tigas ng bungo! “Oo! Paano bumigat ang isang toneladang piso, eh isang tonelada lang siya? Edi ba ‘yong ginto-” Isang tonelada rin? Napatigil ako at ngumuso. “P-parehas lang pala…”

Mukha namang nasiyahan si Ed kasi napatawa siya ng malakas. Kumati ang kamay kong batukan siya pero inirapan ko na lang. Nang makita niyang seryoso ako ay tumigil siya at tinakpan ang kanyang bibig. Pinipigilan ang pag-alpas ng kanyang halakhak na nanggaling sa kanyang tiyan. Tumikhim siya ng malakas at ipinakita na sa akin ang kanyang malaking ngiti na naroon. Kinuha niya ang kamay ko at nabigla ako nang dalhin niya ito sa kanyang dibdib kung saan nakatira ang kanyang puso. Sumeryoso ang kanyang mukha bago siya yumuko. “Mahal kita... Sobrang mahal kita, Aura.”

“E-Ed…”

“Alam kong wala akong pag-asa sa 'yo. Pero itinuloy ko parin. Sabi ‘ko, okay lang, mamahalin rin ako ni Aura. Hindi ako titigil kahit makailang ulit na niya akong sinabihan na tumigil. Kasi nga... mahal kita. Kahit anong mangyari, hindi ako titigil. Walang sukuan.” Humigpit ang kapit niya sa kamay ko. “Gustong-gusto ka ng pamilya ko. Maski sila ay tutol sa d-desisyon kong ito…”

“A-Anong desisyon?” Hinawakan ko rin ang kamay niya. Napakalamig nito.

“Pumayag ako sa alok ng business partner ni daddy… M-Mahal kita pero ipapakasal ako sa iba. Mahal kita pero pagod na ako... Ayaw na kitang mahalin. Kailangan ko ring mahalin ang sarili ko…”

Nanginig ang mga kamay ko nang dahil sa mga naririnig ko sa kanya. “Mahal mo ako, Edison... Please, ‘wag kang sumuko. Hindi ka susuko, pinangako mo ‘yan!” Pumiyok ang boses ko at  nagsilandasan ang mga luha sa aking pisngi. Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay niya. Hinawakan ko ito ng may pwersa. “Ed, nagbibiro ka lang, ‘di ba? Ed, mahal rin kita… Matagal na kitang mahal, ano ba!”

Umiling siya at tumayo. “Patawad,” Pinatakan niya ng magaan na halik ang aking noo. “Huli na. Bakit ngayon mo lang 'yan sinabi? Aura, alam kong nabigla ka lang ngayon… H'wag mong pilitin ang sarili mong mahalin ang taong hindi mo mahal.”

“Pero mahal kita...”

“Ibang uring pagmamahal ang meron ako sa’yo... Alam kong ganun ka rin. Hindi mo ako mahal bilang mas higit pa sa pagkakaibigan…”

Mas humagulhol ako sa pag-iyak habang inulit-ulit bigkasin ang mga katagang mahal ko rin siya. Mahal ko siya at sobrang huli na nang pinaalam ko. Magpapakasal na siya at hindi ako ang babaeng papakasalan niya.  Ang sakit. Bakit ba kasi ang duwag ko? Noong mga oras na mahal pa niya ako, bakit ‘di ko man lang pinaramdam? Mas maigi kung sinabi ko sa kanya nang mas maaga. Nagpatuloy ako sa pag-iyak at hindi ko na matingnan  ng maayos ang nasa aking harapan. Hindi ko narin napagsino ang kinausap ni Ed sa lugar na ito nang may tinawag siya. “Salamat at nandito ka. Ikaw na ang bahala sa kanya, Terrano.” Ang huli niyang sinabi.

AI Ragas

For those who reads this book. Thank you so much. I know it is not that good but I'll try my best for y'all.

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status