Share

6 Seconds

Burst

~*~*~*~

PAGKARATING ko sa aking kwarto ay agad akong nakatulog nang dahil sa pagod. Napagod ako sa kadahilanang iniyakan ko ang taong napagod rin sa akin. Na-drain na lahat ng energy ko kasi inubos ko sa pang-isahang iyak ang sakit na iyon. Lagpas alas diyes ng gabi nang muntik akong mahulog sa kama. Inayos ko nalang ang aking sarili at lumabas ng silid.

Hindi ko kinausap si Shintaro kahit panay ang kakasunod niya sa akin. “May boyfriend ka pala?” Ang tinanong niya sa akin kanina. Hindi ko siya sinagot habang nagpapatuloy naman siya. “He talked to me. Ako lang daw ang malalapitan niya upang tulungan ka. Did he mean about dragging you away from him? Iyon ba ang hiningi niyang tulong?” Umigting na ang panga ko pero nagpipigil parin ako. Papanindigan ko. Hindi ko siya kakausapin! “He’s heartless, huh. He broke your heart, then leave. Broke and leave pala siya… You know what, Au, hindi ka para sa ganoong lalaki. He’s a bastard good for nothing-”

“Shut your filthy mouth, asshole!” Sumabog ako na nagpatigil sa kanya upang magsalita. “Wala kang alam sa kanya! Ilang ulit ko na siyang nasaktan at ito ang unang beses na iniyakan ko siya! Ito ang unang beses na nasaktan ako nang dahil sa kanya! Kaya wala kang alam! You two are disparate! He’s human and you’re not! Wala kayong pagkakaparehas kaya ‘wag kang magmaang-maangan!” Sa pagsabog ko, alam kong malaki ang pinsalang iyon.

Nasaktan na nga ako ng sobra, dumadagdag pa siya. Rumaragasa pa ang galit ko sa kanya. Oo, galit ako sa kanya. Gusto ko siyang bigwasan! Anong nangyari sa huling pag-uusap? Hetong patay ang puso ko nakikiramay siya? Hah! Galit rin ako sa sarili ko. Kasi hanggang ngayon, wala paring sagot sa tanong kung bakit ganito nalang ang nararamdaman ko.

 Kung gagawin ko nalang kaya ang ginawa ni Ed sa akin? Iyong mamahalin ko siya kahit ‘di na niya ako mahal. Sasabihin ko sa kanya na okay lang kahit masaktan ako. Kaya ko ba? Mahal ko si Edison pero kaya ko ba?  Hinding-hindi ko matutumbasan ang mga ginawa na niya. Kung maaari, sana mapapakawalan ko na siya. Kasi… Sobrang paghihirap na ang dulot ko sa kanya. Tumigil siya kasi gusto na niyang maging malaya.

Kumurap muna ako bago ko itinaas ang aking kamay. Marahang katok ang dumantay sa pintuan ng silid ng aking kapatid. Sinubukan kong pihitin ang seradura at nakita kong ‘di pala nakasirado ito kaya tumuloy na ako at pumasok.

“Sira na naman ba ang air-con sa kwarto mo?” Salubong na tanong sa akin ni Tin. Tumango ako kahit hindi naman siya nakatingin. Busy siya sa kanyang computer at hindi manlang niya ako tinapunan ng isang lingon pagkapasok ko.

“N-Nahulog rin ako sa kama ‘e. Mahihirapan na akong makatulog ulit.” Itinapon ko ang sarili sa kanyang kama at pumikit. Sa t’wing mahihirapan akong matulog ‘o may gumugulo sa isipan ko, makikitulog talaga ako kay Tin. Kasi hindi kagaya sa akin, hindi katakot-takot ang kwarto niya. Nagmumukha kasi itong entertainment room para sa akin. Wala siyang sinabi kaya napamulat ako at nakita ko siyang nakaharap na pala sa akin.

Seryoso niya akong pinagmamasdan. Bumuntong-hininga siya. “Umiyak ka. Anong problema?” Aniya nang makita ang mugto sa mga mata ko.

“Austin,” Gamit ang aking bisig ay inangat ko ang sarili upang magkaharap talaga kami. “Sakit at galit ang nararamdaman ko ngayon. Nasaktan ako kasi ‘yong taong mahal ko ay napagod sa paghihintay sa akin. Nagalit ako kasi ngayon ko lang pinaramdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Ang bobo ko. Napagod siya kasi sobrang pinaghintay ko siya. Ang bobo ko kasi ‘di ko manlang naisip na mapapagod rin siya.”

Pigil ang luha ko. Ayaw kong umiyak lalo na’t sa harapan ni Tin. Inubos ko na ‘di ba? Akala ko ba, ubos na? Pero kahit anong pagpigil ko, nag-uunahan parin ito. Kasi kahit pigilan mo man ng mahigpit ang isang bagay, kung gugustuhin man nitong makawala, bubuhos at bubuhos talaga ito. Ibinaba ni Tin ang hawak niyang notebook. Agad siyang tumayo at lumapit sa akin at inakap ako.

“OKAY ka na ba?” Tumango ako bilang sagot sa tanong ni nanay.

Nilapag niya sa harapan ko ang basong may lamang alak. Nagpatuloy ako sa pag-inom at tumahimik ang paligid. Nang malaman niya kanina na brokenhearted ako, nagpresinta siyang magpa-inom. Ang alak raw ay ginawa para sa mga pusong sawi. Hinalughog namin ang fridge pero ni isa ay walang hard drinks ang naroon. Tanging wine lang at ilang mga pagkain. Kaya naman, nautusan si Tin na bumili sa bayan. Nagulat pa ako nang hindi lang isang klase ang binili niya. Marami. At ang binuksan ni Mama ngayon ay Black Label.

Makailang ulit ng gumuhit sa lalamunan ko ang tapang nito ngunit hindi ko parin ito tinigilan. Alam ko namang nandiyan sila mama upang ihatid ako sa kwarto. Gusto ko lang talagang makalimot kahit ngayon lang. “Ma, makakamove-on kaya ako?” Biglaang tanong ko.

“Anak, there’s no rush. Mukhang nabigla ka lang kasi nasasanay kang nandyan lagi sa gilid mo si Edison. 'Tsaka mo lang siya gustong hawakan nung binitawan ka na niya, ‘di ba? You cannot forget, Triz. But you’ll get over it. Hopefully… soon,”

“So… Hindi ko talaga siya mahal, ganoon po ba? Siguro kailangan ko lang si Edison kasi nasanay na ako.” Nararamdaman ko naman ang pangingilid ng aking mga luha. “Ma, kailangan ko siya... Kailangang kailangan ko siya kung ganoon.” Hinagod ni Mama ang likod ko.

Umigting naman ang panga ni Tin na ngayon ay nakikinig lang sa amin. Tanging kami lang ni Mama ang umiinom kasi back-up lang daw siya kung magkalasingan na.

“Ate, hindi mo mapapanatili ang tao kung kailangan mo lang siya. You need to let go.” Aniya.

Tumango na lamang ako. Austin and I live in the same house. We live in the same house but we’re living differently. He took his time as a teenager, as a millennial kid. Unlike me. Hindi ko sinasabing sobyang yaman namin pero sasabihin ko na, mayaman kami. Kasi kung hindi, Austin won’t afford to study in Hernandez Boarding School; The infamous school for the elites. May mga kompanya si Papa sa iba’t ibang bansa at miminsan na lamang siyang makakauwi dito. Na para bang sa kahit saang panig man siya makakarating ay ito parin ang base niya. Ilang ulit narin nila akong pinapaaral doon pero ayaw ko. I want my life normal, an average. Ang tatlo lang rin ang nakakaalam ng totoong estado ko sa buhay, sila pa lang ang nakakapunta sa amin. Sa mismong lugar namin. Pero… ano ito? Nahulog ako sa bitag ng isang anak mayaman. Nakatagpo ako ng isang abnormal na tao. Tell me, normal na pamumuhay pa ba ito? Ni hindi ako gumagamit ng cellphone tapos papasok sila sa buhay ko? Hindi sila normal lang na tao.

Bumuga ako ng malakas na hininga. “I want a new life...”

Kakalimutan ko si Edison at iiwasan ko si Shintaro.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status