Team ShinRa
~*~*~*~
NAKAHINGA ako ng maluwag nang hindi namin nakasalubong si Shintaro sa back door. Kailangan pa naming dumaan sa makitid na daan bago talaga makarating sa kalsada. Sana naman ‘di na niya ako hinintay. ‘Wag sana siyang umasa na sasakay ako sa kanya. Excuse me, ayaw ko siyang makasama. Never!
“Dito, Aura!” Sigaw ni Riri nang muntik na akong mawala.
Hinihingal na ako sapagkat tumakbo kami. First time kong dumaan dito at ewan ko lang sa tatlo. Hindi ako backdoorista, ‘di kagaya ng tatlo. “Malayo pa ba?” Tanong ko. Kanina ko pa gustong makaalis pero ang tagal ng oras. Ang oras kapag hinihintay, bumabagal.
Nilingon naman ako ni Jev. “Malapit na. Kalsada na ang tungo niyan,” sabay turo niya sa kaliwa. Tumango ako at sumunod sa kanila.
Nang malapit na kaming makalabas sa kalsada ay pinauna nila ako. Baka daw mapag-iwanan kasi first time. Mabuti na lang at airmax ang sinuot ko ngayon! Malaki ang aking mga hakbang habang nakikita ko na ang kalsada. Sa wakas! Nagpaalam ako sa kanilang tatlo at balak ko sanang dumiretso na sa tricycle na nasa kabila. Kailangan pa kasing magpahatid ng tricycle sa sakayan ng jeep kasi malayo ito. Nang may humila ng braso ko at namutla ako ng makita ko ang umaapoy na mga mata ni Shintaro! “You’re so hard-headed! Sumakay ka na at uuwi na tayo! I know what you’re thinking, Aura... Nababasa kita.” Aniya. ‘Di napapansin ang natigilang tatlo sa kanyang likod.
Nasulyapan ko ang aking kotse at napaawang ang labi ko. Fuck! Mission failed!
“Hindi ako sasama sa iyo,” Hindi ako sumigaw pero buo ang aking boses. “Umuwi ka na kung gusto mong umuwi. Pupunta ako rito ng mag-isa, aalis ako ng mag-isa. Kaya bitawan mo na ako!”
Tagos ang kanyang tingin at nakakapaso ito. Hindi ko alam kung bakit nakaya ko pang makipagtitigan sa kanya. “You’re coming with me.” Pinal niyang saad. “Sa ayaw at sa gusto mo.”
“Shintaro! Ayoko, kaya ko ang sarili ko!” Pulang-pula na ang kanyang mukha at leeg. Galit na galit siya sa akin! “Huwag ka ng mag-abala!”
Namumula na siya’t lahat-lahat ay saka ko nakitaan ang pamumungay sa kanyang mga mata. Galit ang ekspresyon niya pero nag-aalala ang tingin niya. “Gago ako... I admit it! Pero makisama ka naman ngayon! Kaya mo nga ang sarili mo pero nag-aalala parin ako! You’re always putting people around you worried… Your mom, dad and Austin, they’re all worried about you. Including me…”
Napasinghap ako sa sinabi niya.
TAHIMIK ang tatlo sa likod ng sasakyan. Alam kong nabigla sila sa inasal ni Shintaro. Malayo ito sa ugali niya kapag nasa paaralan siya. Sus, kung alam lang nila kung ano talaga siya! Hindi siya ordinaryong tao kasi kaya niyang bumalik sa nakaraan at pumunta sa kasalukuyan.
Hindi lang naman ang mga tingin niya ang tagos, pati rin ang mga pinagsasabi niya ay sobrang tumagos!
Mukhang tama nga siya... Lagi ko na lang pinag-alala ang mga tao sa paligid ko. Nag-away na nga kami ni Papa kasi hindi ako pumasok sa boarding school. Ayaw niyang mag-public ako kasi baka daw mapahamak ako. Si Mama rin, ayaw niyang sumasakay ako sa pampublikong sasakyan kasi delikado. Nainis ako sa kanila noon. Akala ko ‘di nila ako sinusuportahan sa mga gusto ko kaya sumali ako sa car racing, ilang ulit na akong naaksidente. They seem alarmed kaya ngayon ay nakukuha ko na ang gusto ko. I stopped racing.
I felt bad. I’m a wicked daughter to them.
“Shin,” I called him.
“Hmm?”
“Sorry for being mean,” I silently said. Ayaw kong sabihin sa kanya ito ngayon kasi nasa likod lang ang mga kaibigan ko at nakikinig. Pero kailan pa? Ngayon ang tamang oras upang humingi ng tawad. “Ang sama ko sa iyo...”
He groaned. “Huwag ka ngang magsalita ng ganyan. It’s not your fault that you’re mean,”
Umaawang ang labi ko sa kanyang sinabi. Did he mean that? Oo. “I hate you...”
Humalakhak siya. “Yeah, talk to my hand...” Hindi na ako nakapagpigil at sinapak ko na siya. Mas rinig na sa buong sasakyan ang tawa niya. “So mean,”
“Shut up,” Inis kong sabi.
“Ahem,” Eksaheradong tikhim ni Riri. Tumingin ako sa kanya at tinaasan sila ng kilay. “Sa may sakayan lang kami ng jeep, ah?”
Tutal, may driver na naman ako. Bakit ‘di ko pa ihatid ang mga kaibigan ko? Umiling ako. “Okay...” Sagot ko.
Nagthumbs-up si Jev at nakita iyon ni Shintaro sapagkat sumulyap ito sa salamin. Malaki naman ang ngisi ni Letty habang pinanlakihan ako ng mga mata.
“Ihatid na lang kaya namin kayo.” Ani Shintaro. Tinaas-baba ko ang aking mga kilay. Nice idea, Terrano. Bukas na tayo makakauwi niyan kaya nice.
Umiling si Riri. “No need, S-Shintaro. Parehong malayo ang mga bahay naming tatlo tapos sobrang h-hiwalay pa.”
Umangat ulit ang mga mata ni Shintaro sa salamin. “Okay... But, what’s the stuttering about? Ah, I get it. Hindi kayo sanay makausap ako, is that right?”
“Of course,” Tumango ako. “You’re one heck of a weird guy.”
Sinamaan ako ng tingin ng tatlo. It’s like I’m saying something hilarious. Napasulyap naman si Shintaro sa akin saglit at nakitaan ko ang kibot sa kanyang labi. Natatawa siya! “Pasensiya na kayo... She’s mean, you know that, right?” Ngumiti siya sa akin. “Of course, I’m weird. I’m not much of a talker guy. Sasabihan ko na kayo... Hindi naman ako mahiyain. Ayaw ko lang talagang nagsasayang ng laway and I don’t do friends.” Umawang ang kanilang mga labi. “Don’t worry... I don’t do friends with others, but I can befriend you three. You’re Au’s friend, and I am her friend too.”
Not much of a talker, ‘e?
“Okay lang kayo?” Tanong ko sa kanila nang matulala sila.
Unang kumurap-kurap si Jev at tumango sa akin. Nakitaan ko naman ng dahan-dahang pagngisi si Riri at tinanguan ako. “He’s cool pala.” She mouthed.
“Ako si Letty, ito si Jev at siya si Riri,” Pakilala ni Letty. Ngumiti siya. “And we are team S! Confidential ang name ng team namin, eh, kaya S muna. Stands for S-” Nag-pause siya at sinulyapan ako. Geh, sabihin n’yo ‘yan sa kanya nang sa ganun baguhin niya ang kinabukasan n’yo! “E-C-R-E-T!”
Tumango naman si Shintaro. “Ganoon ba? Okay!” Lumingon siya sa akin. “May team sila, paano tayo?”
Napalunok ako sa sinabi niya. A-Ano raw? “A-Anong t-tayo?” Nauutal kong tanong.
“Team rin natin!” Excited na sigaw niya na para bang first-time niya sa ganito.
Oo nga naman. First time niya ito.
“Ah! Magandang idea ‘yan!” Sigaw ni Riri na para bang close na close na sila ni Shintaro. Samantalang nautal siya kanina! “Team AuTaro!”
Tinapunan ko siya ng bottled water at ngumiwi ako. “Ang laswa!”
“Team Aura-Shintaro!” Suhestyon ni Jev.
“Ang haba, eh.”
Natawa ako at ihinilig na ang aking likod sa upuan. “Team ShinRa nalang kaya?”
Naghintay pala… ~*~*~*~ “MA, nakaalis na po ba si Austin?” Sinundan ko si Mama sa kitchen upang tulungan siyang kumuha ng pagkain. “May pabaon po ako sa kanya,” “Oh, ano naman ‘yon at ng maipadala na natin.” Ngumisi ako. “Isang batok po sana...” Natigilan si Mama at mataman niya akong tiningnan. Ngumiti siya. “Sus, mabuti iyong ginawa niya at mukhang mabait naman na bata si Shintaro at gwapo pa. Tapos kaibigan mo pa, naku, baka naman nanliligaw ‘yan sa’yo, Triz.” “Ma naman! ‘Di po,” “Kapag manligaw, sagutin mo agad, ah,” Juicecolored! Ika nga niya, isa siyang time-traveler! Ayaw ko naman ‘yong umaalis ang asawa ko papunta sa ibang oras. Ay naku, manliligaw lang, Au! Manliligaw, hindi asawa! “Malayo po sa realidad, Ma,” Sagot k
Biglaan ~*~*~*~ HATID-SUNDO ako ni Shintaro sa paaralan. Sa akin nga ang kotse pero siya naman ang nagpapa-gas. Napagkasunduan narin namin na kung may ibang lakad ang bawat isa, pwedeng magamit ang kotse. Ngayong may kailangan akong puntahan, sumama siya sa akin. Ayaw niya daw na magda-drive ako sapagkat alam niya ang history ko. Nakakainis! Kaya ko namang mag-ingat at alagaan ang sarili ko pero pumayag nalang ako. Siguro naman mapapagod rin siya sa kabaitan niya. “Ang weird mo,” Salubong ko sa kanya nang makita kong umiiwas siya sa mga tao. Sinamaan naman niya ako ng tingin bilang sagot. “Ang weird mo talaga, promise,” May napalingon na sa akin. Maraming tao ang dumadaan dito ngayon sapagkat marami ang mga naka-display na bilihan. Inirapan ko siya at tinalikuran nang hindi na niya ako pinansin.
Cold War ~*~*~*~ MAKAILANG ulit kong inuntog ang aking ulo sa unan. Alam kong nahihibang na nga ako! Imagine, nasabi ko iyon kay Shintaro? Ang desperadang tingnan! Ibang-iba ang sinabi ko sa naging reaksiyon ko. Kasi naman ehhhh. Bakit biglaan kong nasabi 'yon? Damn it! Pinatay ko naman agad ang topic at sinabi ko sa kanyang kalimutan na niya iyon. Pero parang nag-iba ang pakikitungo niya sa akin. Ni hindi niya ako kinausap sa sasakyan pagkauwi! Sa tingin ko, naisip niyang ginagamit ko lang siya. Sinasama na nga niya ako tapos umaabuso pa ako? Asar. Kinabukasan ay maaga kaming nagsimba ni Mama at nagmovie-mara sa hapon. Ilang ulit ko ng dinasal na sana mas humaba pa ang araw, mas humaba ang gabi nang sa gano'n ay ‘di muna kami magkita ni Shintaro! “Triz, nandito na ang sundo mo!”
Canvass~*~*~*~TAMA nga ang hinala ko. Kinuyom ko ang aking kamay upang maramdaman ang binigay na regalo ni Shintaro sa akin. Ngayon lang ako nakahawak neto kaya ako na-ignorante. “Next time, ‘wag na itong snow ang dalhin mo. Ako nalang. Sasama naman ako ‘e.” marahan kong sinabi.Presko lang siyang nakasandal sa hood ng kotse habang tamad akong pinagmamasdan. Nasa may dulo kami ng paaralan kaya walang makakapansin sa kanya kung magpapakanormal siya sa harapan ko.“Aura,” Maya-maya ay tawag niya. Inangat ko lang ang aking tingin habang dinadama ang papagunaw na snow sa aking kamay. “Kailangan mo ng tulong ko ‘di ba? I can help you, you know…”“Ha? Saan?”“About Edison… I can help you with him.&rdquo
Nagmamasid~*~*~*~“GOD of love?!” Sigaw ko. As in, God of love ba talaga na si Cupid?!Nanlaki ang mga mata ko habang humaharap kay Shintaro. Muntik pa akong nasamid nang mapagtanto ko ang pangalan kanina. Napatayo rin ako agad-agad! Nag-abot sa gitna ang kaniyang kilay. Hinampas ko siya. “Nagj-joke ka lang ba? Anong nahithit mo?!”“Bakit?” Takang tanong niya. “Sabi mo ‘di mo kilala?”Nalaglag ang panga ko. “Anong ‘di kilala? Pero, seryoso, pinagtritripan mo lang ba ako? Ha? Ha!”Nakakunot parin ang noo niya at animo ay parang nawe-weirdohan na sa pinagsasabi ko. Kahit sa totoo lang, siya ang tunay na weirdo! Grabi, ha. Humingi ba daw ng tulong kay God of love? Kay Cupid?! ‘Di ba siya nahihibang? Ang alam
Missing~*~*~*~“READY?” Napatigil ako sa pagkatulala nang marinig ang boses ni Shintaro. Hinalukipkip ko ang aking mga kamay at bumuntong hininga nang makailang ulit.Ready na ba ako? Baka naman magaya na naman ako nung bumisita ako kay Eliz sa nakaraan? Baka naman sa kwarto ulit ako ni Shintaro magising? Ilang mga tanong lamang sa isip ko. Bumuga ulit ako ng hininga at tumingin na sa kanya. “Kaya ko ba ito? I mean, baka ‘di na ako magising ‘pag bumalik tayo dito?” Nag-aalalang tanong ko. Kasi ngayon ko lang naalala ang pangyayaring iyon. Ang pagising ko sa kama ni Shintaro. ‘Di ko nga alam kung sino ang nagbihis sa akin, e. Umamin naman siyang ‘di daw siya. Iyan lang ang binigay niyang impormasyon tungkol doon. “Ahmmm.. Siguro mapapanatag lang ako kapag sasabihin mo na talaga sa akin
Problema~*~*~*~“TUMAWAG ang admin ng paaralan, kahapon pa daw pinaghahanap si Tin sa buong school. They couldn’t find him...”Nanginig ang labi ng aming ina. Nangilid naman ang luha ko nang dahil sa biglaang kaba nang marinig iyon. Imposibleng hindi siya mahanap sa paaralan nila. It was a boarding school for selective elites, siguro naman matigas ang kanilang security roon.“Ma, sa CCTV po? Wala bang nakita?”Umiling siya. “Pumunta na ang Papa mo sa paaralan. Nagpatulong narin siya sa alagad ng batas sapagkat marami siyang kakilala na pwedeng tumulong.”“Saan po siya huling nakita?”“Sa school ground daw.. Sa mismong tapat ng entrance papasok sa building...”Oh, God!&
Puno~*~*~*~MABILIS ang lakad ko habang nakasunod kay Shintaro. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante habang kinakalabit ko siya. Binalewala ko na ang pagtataka nila. Kanina pa hindi sinasagot ni Shintaro ang mga tanong ko. Ni hindi niya ako nililingon!“Shintaro! Tumigil ka nga!” Nainis kong wika habang nilalakihan parin ang hakbang. Kung ikokumpara ang mga hakbang namin, mas malaki iyong kanya kaya halos takbo na ang ginawa ko. “Shintaro!”Marami na akong nakasalubong pero hindi ko na sila pinansin. Parang wala lang naman kay Shintaro ang mga matang nakatingin sa amin, sa kanya. Duh! Parang ‘di na sila nasanay ngayong si Shintaro naman ang driver ko! Sabagay, si Edison nga pala ang lagi kong kasamang lalaki noon.Nakarating muna kami sa tambayan niya bago ako hinarap.