Puno
~*~*~*~
MABILIS ang lakad ko habang nakasunod kay Shintaro. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante habang kinakalabit ko siya. Binalewala ko na ang pagtataka nila. Kanina pa hindi sinasagot ni Shintaro ang mga tanong ko. Ni hindi niya ako nililingon!
“Shintaro! Tumigil ka nga!” Nainis kong wika habang nilalakihan parin ang hakbang. Kung ikokumpara ang mga hakbang namin, mas malaki iyong kanya kaya halos takbo na ang ginawa ko. “Shintaro!”
Marami na akong nakasalubong pero hindi ko na sila pinansin. Parang wala lang naman kay Shintaro ang mga matang nakatingin sa amin, sa kanya. Duh! Parang ‘di na sila nasanay ngayong si Shintaro naman ang driver ko! Sabagay, si Edison nga pala ang lagi kong kasamang lalaki noon.
Nakarating muna kami sa tambayan niya bago ako hinarap.
Pag-ibig~*~*~*~NANLAKI pa ang mga mata ko nang magalang na yumuko ang lalaki at binigyan muli ako ng isang matamis na ngiti. “Ikinagagalak ko ang makilala ka, binibini. Mabuti nalang at dinala ka ng aking kaibigan at pumarito kayo.” Lumingon siya kay Shintaro habang nilalahad niya ang silid na nasa harapan namin. May isang lamesa doon na puno ng mga pagkain.Muli akong tinulak ng marahan ni Shintaro kaya napahakbang ako. Naunang pumasok ang lalaki habang iginigiya niya sa amin ang daan kahit na obvious naman. Umubo ako bago umupo sa upuang ang lalaki mismo ang naglabas sa lamesa neto.Ngumiti ako sa kanya. “Pwede bang magtanong?”“Maaari, binibini. Ano ang iyong katanungan?”Medyo nahiya pa ako sa kagalangan niya sa akin. Nagmamasid lamang si Shi
Gulo ~*~*~*~ “KUNG hindi nawawala si Austin, sa tingin mo, nasaan siya?” Sabi ko kay Shintaro. Kakalabas lang namin sa paaralan. Pareho parin ang oras at araw nang makabalik kami galing sa panahon ni Cupid. Nalaman ko ring minsan ay pumupunta siya sa kasalukuyan kapag may aberya siyang kinakaharap sa trabaho niya. “Hindi ko trabahong paglapitin ang dalawang tao upang ipamahal sila sa isa’t isa. Mismo ang tao ang makakaramdam nun. Ang dami kayang tao sa mundo ang pinaglapit, pero 'di itinadhana.” Naaalala ko pang lokong sabi niya Gusto ko sana siyang tanungin kung itinadhana ba ako kay Edison 'o sadyang pinaglapit lang kami. Kaso baka isipin niya na abusado ako. “Nasa mabuting kalagayan...” Sagot ni Shintaro. Tumango na lamang ako sa kanya.
Posporo ~*~*~*~ “BALIW ka ba?” Natatawa kong tanong sa kanya nang makarating kami sa classroom. May napapatingin rin sa kanya pagkarating namin. Kagaya nung nag-change lifestyle ako, marami ang nagtaka. Ang weirdo na si Shintaro Terrano ay naging hot guy in a span of a time! Iyong mga mukha ng mga kaklase namin na noon ay nandiri sa kaweirdohan niya ay priceless! Para silang nanalo sa lotto at napagtanto kalaunan na hindi pala sila tumaya. Sad life. “I'm just doing you a favor..” May multong ngiti sa labi niya. “Ngayong ganito ako, bagay na tayo.” Medyo nag-hang pa ako ng konti bago ako napanganga sa sinabi niya. I don’t want to trigger my hypocrites mind kaya aamin ako. Gusto ko ang sinabi niya. At saka, may point rin siya! “A-Ano 'yon?” Bagay na kami! Uy. Matagal
Fri-ends~*~*~*~LIMANG araw na ang nagdaan at wala parin kaming balita tungkol kay Tin. Time moves slowly but passes quickly. Hays. The bad news is time flies. The good news is you are the pilot.“Hoy,” Taas noo kong nilingon si Riri nang sundutin niya ang gilid ko ng ballpen. “Okay ka lang? Tulala ka, ineng.”Tumango ako at bumuntong hininga. Wala akong ibang choice kung hindi ay maging okay. Kapag ba iisipin kong hindi ako okay ay magbabago ba ang lahat? Hindi.Nasa labas kami ng computer lab at hinintay nalang namin si Letty na puntahan kami dito. Sa kanilang dalawa, una kong kinausap si Jev. Pero ang gaga ay hindi man lang ako kinausap ng tama.“Bakla ka, minahal mo ba talaga si Letty? Kapag talaga makahanap ‘yon ng lalaki, magsisisi ka ta
Nasaktan~*~*~*~NAKABUSANGOT ako habang pinapatay ko ng kutsara ang ice cream na nasa baso ko. Nasa harapan ko si Shintaro na ngayon ay busy kakadila sa ice cream niya na nilagay pa niya sa cone na binili namin kanina. Buong magdamag siyang nakatitig sa ice cream habang kinakain ito. Hindi ko nga alam kung nakikinig ba siya sa mga reklamo ko sa buhay ‘o hindi.“Mamili ka, Shintaro. Iyang ice cream ‘o ako?”Napatigil siya. Napaatras pa ang ulo ko ng konti at tinaasan ng kilay ang kaseryosohan ng mukha niya sa sinabi ko.“Alin ba ang mas masarap?” Tanong niya.Napasinghap ako. “Hayon. Umamin rin. Ganyan kayong mga lalaki, e. Pinipili ang sarap kaysa sa pag-ibig. Ang galing-galing! Kung sana-”“Ikaw ang pipiliin
Boyfriend~*~*~*~NAPABALIKWAS ako nang marinig ang pamilyar na boses sa aking cellphone. Nagising ako sa alas kwatro ng madaling araw nang may tumawag sa akin. Tamad ko lang itong sinagot at nilapit sa tenga ko sa pag-aakalang isa ito sa mga kaibigan ko.“Austin..” Mahinang bulong ko. “Tin! Nasaan ka?”Mabilis ang pagtaas baba ng dibdib ko habang inabot ang isang tubig na nasa gilid lamang ng aking kama. Alam ko. Alam kong si Austin ‘to.. Narinig ko ang paghugot ng hininga sa kabilang linya. Pinapakiramdaman ko ang mga nasa paligid niya. Tahimik. Sobrang tahimik…“Ate...”“God! Austin, nasaan ka? Pupuntahan ko si Mama!” giit ko.“No! Please not now, Ate.” Tarantang sagot niya. “Okay l
Haven’t Move On ~*~*~*~ PINAGKAISAHAN ba ako ng tadhana? Ang malamang boyfriend ni Letty si Shintaro ay sobrang nakakabaliw! Ano ‘yon? Ako ang laging kasa-kasama ni Shintaro tapos si Letty pala ang girlfriend niya? Shit! Si Letty ba ang dahilan kung bakit nasasaktan si Shintaro ngayon? Pilit kong iwinaksi sa isipan ko ang pag-iisip na iyon. Masyadong na ba akong observant at pati maling bagay ay nabibigyan ko ng kahulugan? Pero.. bakit ganoon ang mga hitsura nila? Anong ibig nilang sabihin? “Triz, bakit ikaw lang? Nasaan si Shintaro?” Tanong ni nanay ‘pag pasok ko sa bahay namin. “Umalis na po.” Singhap ko. Malalim ang iniisip niya pagkarating ko at ‘di ko alam kung bakit pa niya ako namalayan at tinanong pa niyon. Kung sabagay, madalas si Shintaro rito at hindi ko alam k
Memories~*~*~*~MABABALIW na ako! Bakit hindi ko manlang naalala na may boyfriend na ako? Ang worse pa ay namatay ito nang dahil sa akin! David? Wala akong kakilalang David! Gusto kong tawagan si Shintaro ngunit naaalala ko si Letty. Kung totoo mang sila nga, siguro magkakasama sila ngayon. At hindi ko gugustuhing maging istorbo. Nagtext rin sa akin si Papa na umuwi raw siya sa amin. Mabuti lang rin na nandito ako ngayon sa mga pinsan ko para naman magkaroon sila ni Mama ng moments dalawa.“Ano 'to?” I asked nang may inabot sa akin si Veron na isang glass. Kapareha ang laman nito sa iniinom niya.“Merlot.. Cheers!”Kahit na maraming gumugulo sa utak ko, natuloy parin ang night out na binabanggit ng aking mga pinsan. Marami ang bumati sa akin. Iyong mga dati kong kaibigan. Marami