Share

4 Seconds

Si Shintaro Terrano

~*~*~*~

 “AURA, may problema ka ba?” tanong sa akin ni Eliz. Niyakap ko siya agad pagkakita ko sa kanya. Nagtataka man, sinuklian rin niya ang yakap ko. Suminghot pa ako. Naiisip ko kasing hindi ko ito nagawa noon bago siya nawala.

“Wala, na miss lang kita!”

Natawa siya. “Nagkatabi pa tayo kanina sa room ah! Pinakita ko pa nga sa iyo ang picture ng isang kabaong na Hello Kitty painted!”

Buo pa sa alaala ko iyon. Sinabi niyang bibili siya ng ganon kapag yayaman siya.“Eliz...”

“Hmm?”

Humiwalay na ako ng yakap sa kanya at ngumiti. Pinunasan ko rin ang aking basang pisngi nang dahil sa luha. “Makinig kang mabuti. Huwag mong isiping walang nagmamahal sa iyo kasi nandito lang kami. Mahal ka namin... Patawarin mo sana kami kung naiparamdam namin sa iyo ang pag-iisa. Hindi namin ginusto iyon... Nararamdaman din namin iyan. Lahat ng tao ay kailangang makaramdam ng pag-iisa nang sa ganoon, matuto siya kung paano harapin ang buhay ng walang kasama. Eliz, mananatili ang bawat alaala. Mahal ka namin...”

Ang tinik sa dibdib ko noong mga oras na kinuha siya sa amin. Biglang naglaho. Nakaramdam kami ng pangungulila, oo. Pero malalagpasan rin namin ‘to. Sobrang sakit mawalan ng kaibigan. Kahit na masakit, dapat tanggapin. Kasi kahit siya ay nawala sa ating mundo, tutungo naman siya sa mundo kung saan lahat ng sakit ay maglalaho. Magiging masaya siya.

“Salamat at bumalik ka, Aura.” Narinig kong bulong niya pero ‘di na ako sumagot. Yinakap ko na lang siya ulet at sa mga oras na ito, mas mahigpit pa. Ako ang dapat na magpasalamat, Eliz. Salamat at naging kaibigan kita.

NASAAN ako? Inilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto. Hindi ko alam kung kaninong kwarto ito. Hindi pa ako nakapunta dito. Isa-isa kong tiningnan ang bawat gamit, nagbabaka-sakaling kilala ko ang nagmamay-ari pero wala. Wala akong makuhang tip kung nasaan ako! Wala naman akong kakilalang mahilig sa black and white. Dahan-dahan kong inilapat ang aking mga paa sa sahig na marmol. Kulay itim na marmol kaya dapat matakot na ako pero wala. Wala ulit. Wala akong nakuhang takot sa nakikita ko sa paligid. Parang ang cool nga eh! Para akong nasa libro ng Fifty Shades of Grey. To the point na nasa kama niya ako!

Huminga ako ng malalim at sinuklay ang aking buhok gamit lang ang aking kamay. Dapat ‘I woke up like this.’ ang peg ko. Nakita ko ang bag ko na komportableng nakaupo sa sofa at agad ko itong nilapitan. Binuksan at tiningnan ang lamang loob kung kompleto pa. Mukha namang ‘di ginalaw. Pero… Nasaan nga ba ako? Kaninong kwarto ito? Sino ang kasam- Shit! Si Shintaro! Tama. Nasaan si Shintaro? Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Wala naman akong nararamdamang kakaiba. Maliban nalang sa suot ko. Iba na ito! Oh, my God! Don’t tell me-

“Awww.” Mahinang daing ko nang maramdaman ko ang sakit sa binatong damit sa akin. Inis ko itong inilayo sa mukha ko at tiningnan ng maigi. Ang school uniform ko! Binalingan ko ang bumato at binigyan siya ng pinakamasama kong tingin. “Ang sama mo, ah! Pwede mo naman iabot ng maayos!” Singhal ko. Napatigil ako saglit nang napagtanto kong hubad siya! Maliban nalang sa suot niyang apron, magiging hubad siya! Syempre, biro lang. Naka-Jersey short siya at topless. Ayon na nga, may apron. Ang hot! Lumunok ako. “S-Shintaro, ano kasi.. A-Anong nangyari? Bakit tayo nandito?”

Sinuklian rin niya ako ng masamang tingin. “Magbihis ka para makauwi ka na.” Malamig niyang wika. Nanlaki ang mga mata ko. Wala akong maaalala! Anong nangyari sa kanya? May ginawa ba akong ikinagagalit niya? Napatitig nalang ako sa pintuang nilabasan niya at pinoproseso ang lahat. Gawwd! Tama! Aura, maling tanong kasi! Dapat ang tanong ko sa kanya ay kung nasaan si Eliz. Si Eliz ang huli kong nakausap at ‘di ko manlang naalala kung bakit nakatulog ako. Bakit ‘di manlang ako nagtaka kung bakit narito si Shintaro! Ah, right. Sa kanya ang bahay na ito. K-Kwarto niya ito! Malamang!

Hindi ko na inabala ang sarili kong tumakbo pa sa C.R.. Itinupi ko ang damit na ipinangtulog ko at nilagay sa kanyang kama. Inayos ko na rin ang aking mukha at buhok. Kung galit man siya, sana mabawasan man lang iyon ng ganda ko. Syempre, naghilamos ako at dumikit ang aking paningin sa nag-iisang toothbrush na naroon na alam kong kay Shintaro. Kukunin ko na sana ang toothbrush ngunit lumiko ang kamay ko at kinuha nalang ang mouthwash bilang pamalit. Nang umayos na ang mukha ko ay nagpabango pa ako.

“S-Shintaro,” Nauutal kong harap sa kanya. Lately, kapag siya ang kaharap ko. Lagi nalang akong nauutal! “Shintaro,” Ulet ko nang hindi man lang siya lumingon.

Isang palapag lang ang bahay pero malaki. Malawak ang kanyang sala at nakaupo siya sa isang parihabang sofa na nakapaharap sa isang flat screen T.V. Nagmistulang bingi siya kaya tatawagin ko na sana siya ulet nang bigla siyang tumingin sa akin. Napalunok ako nang makita ang blanko niyang titig. “Huli na natin itong pag-uusap, Aura. Umuwi ka na at nag-aalala na ang nanay mo.”

“Anong nangyari? Bakit ako nandito? Bakit ang sungit mo?” Pinanliitan ko siya ng mata. “Galit ka. Pero ako ang dapat magalit!” Nagtaas-baba na ang aking dibdib. Hindi, eh. Ang unfair niya. Okay lang naman kami, eh. Tapos, ito na? Huling pag-uusap? Babahain ko pa sana siya ng maraming tanong nang may napagtanto ako. Umiwas ako ng tingin sa kanya at hinigpitan ang kapit sa aking bag. “Hindi mo ako tinuring na kaibigan. Hindi naman talaga tayo magkaibigan, ‘di ba? Feeling close lang ako…” Sabi ko nalang at humakbang na papunta sa nakabukas na nilang pintuan.

Siguro kinausap lang niya ako nang dahil sa kakulitan ko. Napundi na siya sa akin. Bakit kasi sinabi niya pa sa akin ang totoo niyang pagkatao? Tapos ito. Hindi na kami friends. Hindi na magiging normal ang araw ko sa paaralan panigurado. Kasi, kahit anong kunwari niya sa pagiging weirdo, makikita at makikita ko parin ang totoong siya. Hubad na siya sa mga mata ko. Para sa akin, hindi na siya ang weirdong si Shintaro Terrano. Isa na siyang masungit, guwapo at cool. Asar!

Mataas ang bakod ng kanilang bahay. Kanya lang pala... Mataas nga ang bakod. Bakal naman.  Paniguradong makikita ako kapag may mapapadaan dito. Mabuti nalang at maraming haka-haka tungkol sa kanya kaya iniiwasan ang parte dito sa lugar namin. Pinasadahan ko pa ng tingin ang iba’t ibang tanim na bulaklak sa mismong harapan ng kanyang tanggapan. Gugustuhin ko mang mamitas ng walang paalam pero mahigpit ang pagpigil ko sa sarili. LQ kami ng may-ari. Hindi ako magdadala ng kahit anuman galing sa kanya. Nang nasa gate na ako, lumingon ako sa may sala at nahuli ko siyang seryosong nagmamasid sa akin. Akala ko, gaya ng nasa libro, iiwas siya ng tingin. Pero, ‘di niya ginawa. Patuloy siya sa pagtitig, sa puntong ako na ang umiwas. Huminga ako ng malalim at lumabas na ng tuluyan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status