Late
~*~*~*~
HALOS itulak ko na paalis sa dinaraanan ko ang mga tao. Late na ako sa first subject at tiyak na malilintikan ako. Dala ang dalawang makakapal na libro habang tumatakbo. Na aakalaing mong isang paglisan ng paunahan! Gah! Minalas na nga ba ako ng tuluyan? Nakailang ulit ng sumagi sa isipan ko ang mukha ng lalaki kanina. Kung hindi lang sana umepal, ‘e may chance pa sana siya sa akin. Kung hindi lang sana siya epal, kanina pa ako nakarating dito at nakikipagchikahan! Nakuuu, ‘yang gwapo mong mukha, dudungisan ko talaga ng aking super power! Kainis!
Habol ang hiningang nakarating ako sa aming classroom. Sinilip ko ito at nagdiwang nang husto nang mapagtantong wala pa ang terror naming guro! Nakanganga nila akong tinapunan ng tingin na inirapan ko lang ‘t saka ako tumungo sa aking upuan. Padabog kong tinapon ang aking pwet sa silya at pinunasan ang gabutil kong pawis sa noo. Ngumisi ako kay Jev at inilahad ang aking palad sa harapan niya. “Pahinging powder,” Mas inilapit ko pa ang kamay sa mukha niya nang hindi siya gumalaw. “Hoy, bakla! Bilis at baka dumating si Ma’am!” Mukhang nagising ko naman ang diwa niya kasi agad siyang kumurap at inabot ang pulbo na nasa gilid lang ng kanyang mesa.
“A--Aura?” Aniya. Dinilatan ko siya ng mata. Anong problema mo at nang masampal na kita sa realidad? “Where have you been? Buhaghag ang hair mo. Tapos pawisan ka pa. Ewww! Para kang ginahasa ng sampung maton!” Bulalas pa niya.
Pabiro ko siyang sinuntok. “Anong maton? Sumali ako sa marathon kamo! Sayang ‘yong takbo ko ‘e late naman si Ma’am!” Kung alam ko lang, edi sana hindi naging haggard ‘tong feslak ko. Kaimbyerna! “Almost late na ba ako?” Tanong ko.
Bumungisngis naman si Erich na ngayon ay nasa harapan ko nakaupo. “You’re not almost late, Aura dear. Late ka na talaga! Mind you, plus points kami kay Ma’am at minus fifty points sa iyo! Mukhang nasagad mo na talaga ang pagka-bitter niya sa iyo… Ano?”
Napatanga ako sa sinabi niya. Ano raw?! Minus fifty points sa akin?! “Eh, ako ba ginagago mo, Riri? Wala pa nga si Ma-” Anak ng pating! “Hi-Hindi ko ba naa--naabutan si Ma’am?”
“Exactly! Lagot ka sa nanay mo!” Palatak ng isa pa naming kaibigan na si Letty. Napalunok ako ng ilang beses. Lagot.
Minalas na nga ako ng tuluyan! Syeteeeeee!
NAKAHALUMBABA ako habang nakikinita ko na sa aking isipan ang mahabang sermon ni nanay sa akin. Kesyo hindi ko raw sineseryoso ang pag-aaral ko. Kesyo todo puyat raw ako na parang walang pasok kaya tinanghali. Hays.
Ang laking epal kasi eh! Sinulyapan ko ang lalaking dahilan kung bakit ako na-late. Nakaupo ito sa dulo at nakayuko sa kanyang libro. Sobrang weird niya! Pero naging sanhi siya ng aking latest prob. Tsk!
Papasakay na sana ako sa jeep na magdadala sa amin sa paaralang ito kanina nang bigla siyang pumasok at inupuan ang pwesto na sana ay para sa pwet ko.
Marahan ko pa siyang tinulak para iparamdam sa kanya na, ‘Hello! I exist! Ako po ang nakauna.’ Aba’t binalewala ako ng gag- No, hindi ko siya bibigyan ng masamang pangalan.
Siya ang pinakaweirdo sa school na ito, pero mukha naman siyang harmless. Ang kaso lang, nainis ako ng slight sa kanya. Slight lang kasi nahirapan lang naman ako sa paghahanap ng tricycle kanina at na-late lang naman ako na may bonus pang minus fifty points.
Kaya slight lang ang pagkainis ko. At bakit ko ba siya naging kapitbahay?! Kung minamalas ka nga naman, Aura Beatriz, oh!
Magulo at maingay ang buong classroom. Maliit lang rin ito at kinakapos pa sa hangin sa sobrang init. Oh, akala n’yo ba mayaman kami? Hindi, noh! Public school lang itong tinatapakan namin. Though, magbabayad parin kami kasi college nga pero at least tumutulong parin ang gobyerno. Pero ayos lang, kahit papaano masaya naman!
Tumayo ako at inupuan ang bakanteng pwesto sa gilid niya, ng bago kong kaibigan na kinaiinisan ko ng slight. Mas yumuko siya nang maramdaman ang aking presence sa kanyang tabi. Mahiyaing guwapo. Humugot ako ng malalim na hininga.
“Shintaro Terrano,” Tawag ko sa pangalan niya habang patuloy naman siya sa pagbuklat ng pahina sa librong nasa harapan. Tumikhim ako. “Hindi naman ako bad ‘e. Pero kailangan nating magpalit ng points... Hindi ako papayag na ako ang maagrabyado dito. Please,”
Napapatingin sa akin ang iba naming kaklase. Ito ang unang beses na may kumakausap sa weirdong si Terrano. Haka-haka kasi na pinatay niya raw ang pamilya niya kaya siya nalang ang nag-iisa. May haka-haka ring may lahing mangkukulam siya at pati narin ang pamilya niya kaya ang iba ay tumakas. At marami pang iba.. Pero marami rin naman ang hindi naniniwala sa haka-hakang iyon.. Talagang ulila raw si Shintaro Terrano at talagang tahimik na tao. Sa lugar nga namin, sa t’wing mapapadaan ako sa bahay niya, gusto kong pumasok sa bakuran. Nakakahalina kasi ang garden niya. Walang mintis sa pag-aalaga.
“Ta-Talagang nakipag-u-usap ka sa a-akin para di-diyan?” Nauutal niyang sagot.
Ngali-ngali ko siyang batukan. Suminghap ako. “Oo, para sa points. Aba! Hindi ako makakapayag na ikaw ay plus-points samantalang na-late ako dahil sa iyo.”
Kita ko ang mga sulyap sa akin nina Jev, Riri at Letty. Nakapaikot sila at alam kong ako ang pinag-uusapan nila. Aba! Fighter yata ang lola n’yo! Kumindat pa sa akin ang baklitang si Jev at nginisihan ako ng dalawang bruha. Alam nilang gagawin ko ito. Alam nilang hahanap ako ng hustisya. Alam nilang siya ang ebidensiya.
Mahina siyang tumikhim at sinubukang inangat ang kanyang mukha. Natatakpan ang mga mata niya ng kanyang buhok na ‘di gaanong mataas. “Okay lang.”
“A—Ano?” Ako naman ang napautal sa biglaan niyang pagpayag.
“Okay lang sa akin na magpalit tayo ng points. But,”
“But? Ano! Wait! H--Hindi ka na u-utal!” Muntikan kong naisigaw. Napanganga ako nang makita ang multong ngisi sa kanyang labi. Huli na nang napagtanto kong hahawakan ko na sana ang labi niya kasi nahawakan niya ang kamay ko. Bumalik siya sa dating Shintaro Terrano.
Alam kong totoo iyon. Ngumisi siya. Hindi siya nauutal. Presko niya akong kinausap. Kanina, hindi siya weirdo! Ang cool niya.
“Bakit naman importante sa iyo ang mga points na iyon? Anong makukuha mo rito? Sagutin mo muna iyan.” Ako lang ba? Ako lang ba ang nakakita ng pagngisi niya? Agad akong lumingon sa paligid. Walang nagmamasid at nakikinig sa amin, maski na ‘yong tatlo. Binalik ko rin agad ang tingin sa kanya. “Answer it already.” Bulong niya ulet.
Napakunot ang noo ko. Kaya naman pala niyang makipag-usap ng normal. Bakit ang tahimik niya at wala manlang siyang naging kaibigan dito? Bumuntong hininga muna ako. Sinusubukang ipatid palabas ang daga sa aking dibdib. Kinakabahan ako sa nakikita ko sa kanya!
“Kapag hindi ko makukuha i-iyon, bababa ang grades ko. Ayaw kong ma-disappoint si nanay! Ayan, happy? Mukhang hindi mo naman papakinabangan ang points mo e, ibigay mo nalang sa akin. Shintaro,” Nakakatakot ka. Lumunok ako. “Nagpapanggap ka lang bang weirdo?”
“Sino naman ang nagsasabi sa iyong ayaw ko ng points? Pasensiya ka na, ‘di ko magagawa iyan...” Nanliit ang mga mata ko. Mahina lang ang boses niya pero kaya niyang makipag-usap... at umiwas siya sa tanong ko! Nakakagago naman oh! “Pero may ibang paraan ako para makakuha ka nito...”
“Ano?”
“Babaguhin natin ang nakaraan.”
Ano raw? “Baliw ka-”
Napatigil ako nang hawakan niya ang kamay ko at kasabay niyon ang dahan-dahang pag-ikot ng aking mundo. Literal! Literal na umiikot ang mundo kaya napayakap ako sa kamay niya upang hindi mahiwalay at manginig ang aking tuhod. Ano ito? Para akong nakatanaw sa isang maze na umiikot sa akin, sa amin. Pumikit ako ng mariin. Nanginginig. ‘Di nagtagal. Parang bumalik na kami sa dati. Tumigil ang pag-ikot at unti-unti na akong nagmulat. Pareho na kaming nakatayo ni Shintaro. Hi-Hindi.. Nasa classroom dapat kami! Pero, anong ginagawa namin dito?! What the hell? Paano kami na-nakarating dito?! Sasampalin ko na sana ang sarili ko nang agad niyang hinawakan ang aking kamay.
“Anong gagawin mo?” Tangang tanong niya.
“Gusto kong magising! Nanaginip ako!”
Sa kabila ng pagkagulat ko, napailing lamang siya at natawa ng bahagya. Nasa waiting shed kami kung saan hihinto ang jeep sa aming lugar. Papasikat pa ang araw at ramdam ko ito sa aking balat. Anong nangyari? Totoo ba ito? Kinurot ko ang sarili at nakaramdam ako ng sakit! Talaga bang may lahing mangkukulam si Shintaro Terrano? Anak ng patis! Nanlaki ang mga mata ko at gulat ko siyang tiningnan. Ba-Bakit ako pa?
“Huwag mong sabihing natatakot ka na sa akin?”
Dahan-dahan akong tumango habang nanlalaki ang aking mga mata.“P-Paano mo nagawa ito? I-Isa ka bang w-wizard? G-Guardian? Guardian angel?!” Mababaliw na siguro ako!
Alam kong nasa paaralan na ako! Siguradong-sigurado akong nag-uusap lang kaming dalawa sa classroom. Magising ka, Aura! Kaya ba siya ganoon ka weird! Shit na ‘yan. Talaga bang may tinatago siyang spell sa bulsa niya? Tumalikod ako at sinampal-sampal ng bahagya ang sarili ko. Sa lugar na ito kami nag-agawan ng pwesto sa jeep kanina kaya na-late ako. Oo, tama! Gaga ka, Aura Beatriz! Baka nanaginip ka lang kanina at ito ang totoo! Umayos ka at nagkasalubong lang kayo ng kapitbahay mong weird! Tama! Binangungot lang ako. Either, kanina ‘o ngayon. Tama. Ito ang realidad!
Napatalon ako nang tumikhim siya. “You looked like a crazy girl who is talking to herself.” Aba. Englishero ang kumag! Sumimangot ako’t tinaasan siya ng isang kilay. “Totoo ang nangyari ngayon at kanina. Bumalik tayo rito dahil sa ninais mong points. I just want to help you and your grades. Alam kong nabigla kita pero sa maniwala ka at sa hindi, all was true. Huwag mo nalang ikwento sa iba ang mga nangyari sa iyo kasi pagkakamalan ka lang nilang baliw at magsisisi ka.”
Napasabunot ako sa buhok ko. “Nakakabaliw naman kasi ito! Anong ginawa mo? Anong nangyari? Ano ka ba? Paano mo nagawa iyon?” Napatigil ako nang namalayan kong bakit ang iba niya sa Shintaro na kilala ng lahat. Bakit parang ang taas ng tingin niya sarili niya? Bakit hindi siya nahihiya? Bakit hindi siya umiiwas? Si Shintaro Terrano na kapitbahay ko ay ibang-iba sa kaharap ko ngayon. Tiningnan ko siya ng masama. “Saan mo dinala ang totoong Shintaro? Huh? Sumagot ka!”
Umangat ang gilid ng labi niya. “Akala ko ba matalino ang isang Aura Beatriz Cortes Diaz? Bakit hindi mo napagtagping maaaring isa akong manglalakbay sa kahapon, kasalukuyan at hinaharap... Oo, manlalakbay ako. Kaya kong baguhin ang nangyari na. Itong kaharap mo ngayon ang totoong Shintaro. Ikaw lang ang nakakaalam ng totoong Shintaro Terrano.. Ikaw lang ang hahayaan kong makaalam.”
Manlalakbay~*~*~*~DUMATINGang maluwang na jeep kaya komportable kaming nakasakay. Bumalik siya sa dating Shintaro, iyong palaging nakayuko. Tumikhim ako. Ano ba itong nangyayari? Binilang ko ang aking baon at ganoon parin iyon. Salamat naman at hindi nabawasan ang aking baon sa tricycle kanina. Wait! Kanina ba iyon ‘o ngayon? K. Whatever. Wala rin namang makakasagot sa tanong ng utak ko. Totoo ba ang lahat na iyon? Baka naman naka-drugs ako? Anong nahithit ko? Mygash!Pagkababa namin ay ganoon parin ang atmospera. Parang hindi ko nakausap ang totoong Shintaro. Maniniwala ba ako sa kanya? ‘O parehas lang kaming naka-drugs dalawa? Mabibilang palang ang mga estudyante sa aming classroom. Ang iba ay patuloy nagtsitsismisan at ang iba naman ay napakunot ang noong napatingin sa amin. Pakialam ko sa inyo? Duh. Kung alam lang ninyong
Ang Pumapatay~*~*~*~MUNTIKna akong mahulog sa kama sa kakapalit ko ng pwesto. Nahihirapan ako sa pagtulog lalo na’t buhay na buhay pa sa isipan ko ang sinabi ni Shintaro. Anong alam niya at parang kinakabahan ako sa bawat salita niya? Bakit parang ang laki ng tiwala niya sa akin at sinama niya pa ako sa paglalakbay niya? Ganito na ba talaga ako kaganda at naakit ko nalang siya ng basta-basta? Alam naman pala niyang dahil lang sa points kaya ko siya kinausap pero... Wala akong idea bakit! Nakakainis!“Ate! Magpatulog ka nga ng mahimbing!” Reklamo ng kapatid ko sa akin.“Heh! Matulog ka nga diyan ng mahimbing!” Ginugulo mo pa ako eh ang laki na nga ng problema ko sa utak!Sinabi ni Shintaro sa akin na bago niya napagdesisyonang tulungan ako, pinuntahan muna niya ang hi
Si Shintaro Terrano ~*~*~*~ “AURA, may problema ka ba?” tanong sa akin ni Eliz. Niyakap ko siya agad pagkakita ko sa kanya. Nagtataka man, sinuklian rin niya ang yakap ko. Suminghot pa ako. Naiisip ko kasing hindi ko ito nagawa noon bago siya nawala. “Wala, na miss lang kita!” Natawa siya. “Nagkatabi pa tayo kanina sa room ah! Pinakita ko pa nga sa iyo ang picture ng isang kabaong na Hello Kitty painted!” Buo pa sa alaala ko iyon. Sinabi niyang bibili siya ng ganon kapag yayaman siya.“Eliz...” “Hmm?” Humiwalay na ako ng yakap sa kanya at ngumiti. Pinunasan ko rin ang aking basang pisngi nang dahil sa luha. “Makinig kang mabuti. Huwag mong isiping walang nagmamahal sa iyo kasi nandito lang kami. Mahal ka namin... Patawarin mo sana kami kung nai
Heartbreak ~*~*~*~ KINABUKASAN hindi pa tumilaok ang manok, gising na ako. Oh, buhay. Kay hirap ‘pag may kaaway! Kailangan kong makapunta ng maaga sa paaralan. Kasi kung hindi ko gagawin iyon, tiyak na makakasalubong ko si Shintaro sa sakayan. Huli pa naman namin iyong pag-uusap, alangan namang may kasunod pa? Tsk. Bahala siya sa buhay niya. Ako na nga lang itong nag-iisa niyang kaibigan ‘e umaariba pa ang kasungitan niya. “Oh, Triz, okay lang namang makitulog ka sa boyfriend pero kailangang magpaalam. Paano ‘pag pinatay ka? Sinong makakaalam sa pumatay sa iyo, ha?” Umirap ako nang marinig na naman ang simulang umaga ni Inay. “Ma! Hindi ko nga boyfriend! Naubusan ng masakyan kaya nakitulog ako…” Inis kong sagot. Pagkatapos kong kumain ng agahan ay dumating na ang bunso kong kapatid. Ma
Burst~*~*~*~PAGKARATING ko sa aking kwarto ay agad akong nakatulog nang dahil sa pagod. Napagod ako sa kadahilanang iniyakan ko ang taong napagod rin sa akin. Na-drain na lahat ng energy ko kasi inubos ko sa pang-isahang iyak ang sakit na iyon. Lagpas alas diyes ng gabi nang muntik akong mahulog sa kama. Inayos ko nalang ang aking sarili at lumabas ng silid.Hindi ko kinausap si Shintaro kahit panay ang kakasunod niya sa akin. “May boyfriend ka pala?” Ang tinanong niya sa akin kanina. Hindi ko siya sinagot habang nagpapatuloy naman siya. “He talked to me. Ako lang daw ang malalapitan niya upang tulungan ka. Did he mean about dragging you away from him? Iyon ba ang hiningi niyang tulong?” Umigting na ang panga ko pero nagpipigil parin ako. Papanindigan ko. Hindi ko siya kakausapin! “He’s heartless, huh. He br
Team Shin ~*~*~*~ NAGKUMPULAN ang mga estudyante sa labas ng aming classroom. Tinitingnan nila ako at pinag-uusapan habang diretso ang aking mga mata sa whiteboard na nakikinig sa guro. Iritado akong bumaba sa kotse ni Austin kanina kasi pinipilit niya pa akong ihatid. Inaasar niya pa ako na hindi raw bagay ang get up ko sa pampublikong sasakyan! Kagaya ng mood ko kanina ay iritado narin ang aming guro sa bulong-bulongan sa labas. Tumingin si Mrs. Torre sa akin. “Diaz, bakit hindi ka muna lumabas upang kausapin ang mga fans mo na class hour ngayon at nakakaistorbo sila!” Tumikhim ako. “With all due respect Mrs. Torre, but I cannot tell them what to do with their lives. It’s their choice, and I won’t shoo them because they have disturbed the class. Though,” Sumulyap ako sa nakikinig sa labas. “If they are educated eno
Bisita~*~*~*~BINATUKAN ko si Riri nang literal siyang ngumanga pagkakita sa kapatid ko. Ngumuso siya at tumitig ulit kay Austin na ngayon ay papalapit sa amin. “Sayang, ngayon ko lang nakita ang kuya mo...” Binatukan ko ulit siya. Ngayon, mas malakas kaya asar siyang tumingin sa akin.“Baby brother ko ‘yan, uy!” Sabi ko. “Tsaka, anong nakita mo sa damuhong iyan? Trust me. He’s the worst nightmare!” Kutya ko pa.Kumunot naman ang noo ni Tin pagkarinig no’n. Tuluyan na siyang nakarating sa harapan namin. “Hi, baby,” Ngali-ngali ko siyang batukan nang marinig iyon. Hinalikan niya ako sa noo bago siya lumingon kay Erich. “What’s the name, beautiful?”“Austin Benjamin! What are you doing here?” ‘Wag mong la
Team ShinRa ~*~*~*~ NAKAHINGA ako ng maluwag nang hindi namin nakasalubong si Shintaro sa back door. Kailangan pa naming dumaan sa makitid na daan bago talaga makarating sa kalsada. Sana naman ‘di na niya ako hinintay. ‘Wag sana siyang umasa na sasakay ako sa kanya. Excuse me, ayaw ko siyang makasama. Never! “Dito, Aura!” Sigaw ni Riri nang muntik na akong mawala. Hinihingal na ako sapagkat tumakbo kami. First time kong dumaan dito at ewan ko lang sa tatlo. Hindi ako backdoorista, ‘di kagaya ng tatlo. “Malayo pa ba?” Tanong ko. Kanina ko pa gustong makaalis pero ang tagal ng oras. Ang oras kapag hinihintay, bumabagal. Nilingon naman ako ni Jev. “Malapit na. Kalsada na ang tungo niyan,” sabay turo niya sa kaliwa. Tumango ako at sumunod sa kanila. Nang malapit na kami