Share

2 Seconds

Manlalakbay

~*~*~*~

DUMATING ang maluwang na jeep kaya komportable kaming nakasakay. Bumalik siya sa dating Shintaro, iyong palaging nakayuko. Tumikhim ako. Ano ba itong nangyayari? Binilang ko ang aking baon at ganoon parin iyon. Salamat naman at hindi nabawasan ang aking baon sa tricycle kanina. Wait! Kanina ba iyon ‘o ngayon? K. Whatever. Wala rin namang makakasagot sa tanong ng utak ko. Totoo ba ang lahat na iyon? Baka naman naka-drugs ako? Anong nahithit ko? Mygash!

Pagkababa namin ay ganoon parin ang atmospera. Parang hindi ko nakausap ang totoong Shintaro. Maniniwala ba ako sa kanya? ‘O parehas lang kaming naka-drugs dalawa? Mabibilang palang ang mga estudyante sa aming classroom. Ang iba ay patuloy nagtsitsismisan at ang iba naman ay napakunot ang noong napatingin sa amin. Pakialam ko sa inyo? Duh. Kung alam lang ninyong acting front lang iyan ng isang Shintaro Terrano, mapapanganga talaga kayo. Hubaran niyo siya at nang malaglag ang panty niyo sa totoong kagwapuhan niya!

“Paparating na si Ma’am!” Sinigaw iyon ng isang kaklase namin kaya nagmistula kaming robot na nagmamadaling umayos sa pagkaupo.

Yumuko ako nang mapatingin sa akin ang aming unang guro ngayong araw. Alam kong inirapan na naman niya ako. Sarap kilitiin ng knife! Lagi akong pinag-iinitan nito at ‘di ko alam kung bakit. Nakakatanga ‘di ba? Alam ko namang nakaka-insecure ang beauty ko. Pero sa grades talaga? Nag-aaral ako rito ng maayos pero namemersonal siya!  Ngayon lang naman ako na-late sa klase niya! Ay wait! ‘Di pala ako na-late ngayon. Thanks to Shintaro!

“May lumiban ba ngayong araw?” Aniya.

“May mala-late po Ma’am...” Sagot ng isa sa mga kaklase namin.

“Sige, plus points sa nandito ngayon..” Napa-yes ako sa aking isipan at nagpalakpakan ang iba. “Iyong mga late, wala..”

Hinintay kong sasabihin niyang minus fifty points rin ang mga late pero hindi niya ginawa. Tsk. Pinagdidiskitahan talaga ako. Nilista lang ang aming mga pangalan bago siya umalis. Hindi pala talaga siya papasok ngayon… Ang daya, ano po? Kapag ako ang nale-late minus, kapag iba, wala lang points. Kasi naman, ‘e! Ang hirap na maging maganda at bata at fresh hah!

“TEKA, sino nga ulet ang hinahanap mo?” Balik tanong ni Riri sa akin.

“Sabi ko, kung nakita mo ba si Shintaro Terrano...”

Kanina ko pa kasi ginagala ang mga mata ko pero ‘di ko parin siya nakikita. Gusto ko na nga siyang puntahan sa sariling tambayan niya, ang likod ng abandonadong building. Kumakain na ba ang taong ‘yon? Teka! Tao ba ‘yon? Ah, ewan basta gusto ko lang magpasalamat! Pati narin ang magtanong. Aba, ginugulo niya ang mind ko, kaya dapat lang na sagutin niya ang mga katanungan ko!

“Aba, beh. Anong nakain mo?” Gulat na tanong niya.

“Nakita, kamo.”

Mas nanlaki ang kanyang mga mata. “Omg! Nakita mo na ang ano ni Shintaro?!” Agad ko siyang binatukan. Bastos na bata. Hindi pa nga, ‘e! Gusto ko ring makita ‘yon. “Aray, beh, masakit.”

“Kasalanan mo. Galumot na kasi ‘yang utak mo. Paki-vacuum please.” Umirap ako.

“Wala kaming vacuum sa bahay eh. Sorry.”

May iba pa siyang sinasabi ngunit nagliliwaliw na sa kahit saang panig ng mundo ang utak ko. Ano ba talagang kababalaghan iyon? Talaga bang may nagta-time travel? Yes, I read lots of books about that already pero hindi parin kapani-paniwala. Naengkanto lang ba ako? Juicecolored! Huwag naman po sanang may mapa-ibig akong engkanto! Okay lang sana kung Gods, ‘e. Like Cupid. Ahem. Si Cupid lang naman talaga ang choice ko sa mga Gods. I’m not into gors, you know. Kung mapapa-ibig ko man si Cupid...  That’s mean na kasing ganda ko si Psyche. Havey! Pwede ring ‘mas’ pa. Edi, mas havey! Omg. Paano kung engkanto talaga si Shintaro? Tapos na-inlababo siya sa akin? Shit na iyan! Ek-ek lang talaga ‘yong manlalakbay thingy niya. Hindi talaga siya makakapag-time-travel, nagawa lang niya iyon kasi inspired siya sa akin. Siguro Prinsipe siya sa kaharian nila kaya nagawa iyon? Pero, grabi ha! Ang haba ng hair ko! Baka maglalaway na si Rapunzel!

“Aura?”

“AY KALBONG SI RAPUNZEL!” Napatalon ako at agad na napalingon sa nagsasalita. Si Shintaro.

Asan na si Riri? “Asan ako?” Nilibot ko ang paningin at napabuntong hininga nang malamang papalapit ako sa abandonadong building. “Anong ginagawa ko rito?” Naguguluhan ko pang tanong.

Napakamot siya ng ulo. “Ewan ko. Sinasabayan lang naman kita sa paglalakad at baka mapano ka. Mukhang malalim pa naman ang iniisip mo... Sobrang lalim pala talaga. Teka... sino si Rapunzel?”

Iwinagayway ko ang aking isang kamay. “Wala! Wala! Napalalim lang talaga ng sobra ang pag-iisip ko. Huwag mo ng isipin si Rapunzel. Naputol na ang buhok nun kaya ‘di ka masasagip kapag nalunod ka.”

“Ha?” Napakunot ang noo niya saka lamang nag-sink in sa akin ang mga sinasabi ko.

Ano bang pinagsasabi ko sa Prinsipeng engkantong ito?

“Sabi ko, ang ganda ko!” Saka ko siya tinalikuran. Hindi pa ako nakalayo nang mapagtanto kong siya pala talaga ang pakay ko kaya naiwala ko si Riri. Hinarap ko ulet siya. “Engkan- Ay, este! Shintaro! Pwede mo bang ayusin ang utak ko? Ginugulo mo kasi ‘e.”

Napahalakhak siya. Anong nakakatawa?

“Sus! Ako pala ang dahilan kung bakit malalim ang iniisip mo. Tsk. Iba na talaga ‘pag gwapo!”

“Oy.” Mas humalakhak siya.

Napasimangot ako. Baliw pala ang totoong Shintaro Terrano.

“ENGKANTO ka ‘no?” Nasamid siya ng kanyang laway sa unang tapon ko ng tanong pagka-upo namin sa lilim ng puno sa likod ng abandonadong building. Tahimik pala dito. Nakakarelax saka ‘di pa mainit. Napatitig naman siya sa akin. “Ito na nga ba ang kinatatakutan ko!”

Magwawala na sana ako nang marahan niyang hinila ang pisngi ko palayo sa isa’t isa. Agad kong tinapik ang kamay niya at kumawala sa kanya. Aray ha, ang sakit. #CuteProblem

“Pfft!” Nakakainis na simula ng tawa niya. “Engkanto?! Ginawa mo akong engkanto?!”

Tinakpan ko ang bibig niya at pinanlakihan ko siya ng mga mata. “Tinatawag mo ba ang mga kalahi mo?”

Ibinaba niya ang kamay ko. “Ano ka ba? Panakot lang ‘yan. There’s no such thing like that.”

“Ano ka nga? Ang gulo mo ‘e!”

Napabuntong hininga siya. “Can I trust you then?”

Pansin ko lang, kanina pa siya english ng english! Pa-sosyal ang kumag!

Tumango ako sabay kindat sa kanya.“Opkors!”

“Magtanong ka. Hindi ako mind reader! Abusado!”

Napangiwi ako. “Sige, fine. Tao ka ba?”

“Tanga ka ba?” Kung maka-tanga, bes.

“Gago ka ba?” Balik tanong ko kaya napaayos siya ng upo.

Madadala ka naman pala eh.

“Oo, tao ako. Hindi ngalang ako normal kagaya ninyo.”

“So, abnormal ka?”

Napabungisngis ako saglit nang tumango siya. Gago! Abnormal nga! Ngumisi pa ang damuho.

“Enjoy ka talaga, ano po?” Tumango ako. Napailing nalang siya at itinuloy na ang kanyang storytelling. “Hindi kami ordinary kagaya ninyo. Tinatawag kaming traveler ‘o manlalakbay. Mas mataas ang mga anghel ng langit sa amin. Sila ay nagbibigay sa amin ng trabaho. Kung anong iniuutos nila, ay galing rin sa iniuutos ng ating Diyos. Past, present and future… Kahit saang lugar, kahit anong oras... Kaya naming baguhin...”

Napanganga ako. Life changer... Ano kaya ang mangyayari sa akin sa hinaharap? “Shintaro, bakit ginagawa mong weirdo ang sarili mo? Alam mo ba na ang gwapo mo?”

Napasimangot ako. Leche. Napuri ko pa ang isang abnormal na tao. “Alam ko, seyempre. Tinitingnan ko lang kung may papansin ba sa akin kahit nilalayuan ako ng ibang tao. I’m observing... At ikaw ang unang pumansin sa akin, Aura.”

“Hindi lang ako ang nakapansin sa iyo. Halos lahat nakapansin sa iyo...”

“Napansin nila ako bilang nakakatakot at nakakadiring weirdong tao. Hindi nila ako kinakausap gaya ng ginawa mo...”

Ow? “Napansin lang naman kita ng dahil sa points.” I honestly said.

“Alam  ko.” Ngumiti siya sa akin.

Anong meron sa ngiti niya at parang kinakabahan ako? May ibig sabihin ba iyon? “H-Hindi ka ba natatakot na baka ibenta ko ang existence mo sa media?” Alam mo ‘yon? Mga kababalaghang libro. Mga ‘di normal na tao.

“Do that. Walang maniniwala sayo, Aura… If I were you, I’d never do such a thing like that. Lalo na’t pinagkakatiwalaan ako ng tao.” Umiling-iling siya at tiningnan ako ng matamam.

Tinaasan ko siya ng kilay. “Sige na. Baka nga ‘e, ‘di ba? Baka lang. Kung makakonsensiya ka, todo! Tsk!” Nakakaasar.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status