NASAAN ako?
Inilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto. Hindi ko alam kung kaninong kwarto ito. Hindi pa ako nakapunta dito.
Isa-isa kong tiningnan ang bawat gamit, nagbabaka-sakaling kilala ko ang nagmamay-ari pero wala. Wala akong makuhang tip kung nasaan ako! Wala naman akong kakilalang mahilig sa black and white.
Dahan-dahan kong inilapat ang aking mga paa sa sahig na marmol. Kulay itim na marmol kaya dapat matakot na ako pero wala. Wala ulit. Wala akong nakuhang takot sa nakikita ko sa paligid. Parang ang cool nga, ‘e! Para akong nasa libro ng Fifty Shades of Grey. To the point na nasa kama niya ako!
Huminga ako ng malalim at sinuklay ang aking buhok gamit lang ang aking kamay. Dapat ‘I woke up like this.’ ang peg ko. Nakita ko ang bag ko na komportableng nakaupo sa sofa at agad ko itong nilapitan. Binuksan at tiningnan ang lamang loob kung kompleto pa. Mukha namang ‘di ginalaw.
Pero… Nasaan nga ba ako? Kaninong kwarto ito? Sino ang kasam- Shit! Si Shintaro! Tama. Nasaan si Shintaro? Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Wala naman akong nararamdamang kakaiba. Maliban nalang sa suot ko. Iba na ito! Oh, my God! Don’t tell me-
“Awww.” Mahinang daing ko nang maramdaman ko ang sakit sa binatong damit sa akin. Inis ko itong inilayo sa mukha ko at tiningnan ng maigi. Ang school uniform ko! Binalingan ko ang bumato at binigyan siya ng pinakamasama kong tingin. “Ang sama mo, ah! Pwede mo naman iabot ng maayos!” Singhal ko. Napatigil ako saglit nang napagtanto kong hubad siya! Maliban nalang sa suot niyang apron, magiging hubad siya! Syempre, biro lang. Naka-Jersey short siya at topless. Ayon na nga, may apron. Ang hot! Lumunok ako. “S-Shintaro, ano kasi.. A-Anong nangyari? Bakit tayo nandito?”
Sinuklian rin niya ako ng masamang tingin. “Magbihis ka para makauwi ka na.” Malamig niyang wika. Nanlaki ang mga mata ko.
Wala akong maaalala! Anong nangyari sa kanya? May ginawa ba akong ikinagagalit niya? Napatitig nalang ako sa pintuang nilabasan niya at pinoproseso ang lahat. Gawd! Tama! Aura, maling tanong kasi! Dapat ang tanong ko sa kanya ay kung nasaan si Eliz.
Si Eliz ang huli kong nakausap at ‘di ko manlang naalala kung bakit nakatulog ako. Bakit ‘di manlang ako nagtaka kung bakit narito si Shintaro! Ah, right. Sa kanya ang bahay na ito. K-Kwarto niya ito! Malamang!
Hindi ko na inabala ang sarili kong tumakbo pa sa C.R.. Itinupi ko ang damit na ipinangtulog ko at nilagay sa kanyang kama. Inayos ko na rin ang aking mukha at buhok. Kung galit man siya, sana mabawasan man lang iyon ng ganda ko. Syempre, naghilamos ako at dumikit ang aking paningin sa nag-iisang toothbrush na naroon na alam kong kay Shintaro. Kukunin ko na sana ang toothbrush ngunit lumiko ang kamay ko at kinuha nalang ang mouthwash bilang pamalit. Nang umayos na ang mukha ko ay nagpabango pa ako.
“S-Shintaro,” Nauutal kong harap sa kanya. Lately, kapag siya ang kaharap ko. Lagi nalang akong nauutal! “Shintaro,” Ulet ko nang hindi man lang siya lumingon.
Isang palapag lang ang bahay pero malaki. Malawak ang kanyang sala at nakaupo siya sa isang parihabang sofa na nakapaharap sa isang flat screen T.V.
Nagmistulang bingi siya kaya tatawagin ko na sana siya ulet nang bigla siyang tumingin sa akin. Napalunok ako nang makita ang blanko niyang titig. “Huli na natin itong pag-uusap, Aura. Umuwi ka na at nag-aalala na ang nanay mo.”
Ang pinakaweirdo sa school at sa buong lugar na si Shintaro Terrano ay sinabi iyon sa sa nag-iisang Aura Beatriz Diaz.
Ang pinakaweirdo na si Shintaro Terrano ay hindi lang basta tao! Isa siyang malaking kalokohan na mahirap paniwalaan. Kaya niyang mag- leapt through time!
Para kay Aura, isang alamat ang makakakilala ng isang time-traveler. Isinama siya nito, naiba ang lahat!
Paano kung bigla-bigla nalang itong maging cold sa kanya? Hays. Paano kung dahil dito ay nasasabotahe ang takbo ng tadhana ng mga kaibigan niya? Hays. Paano kung pati lovelife niya ay napeperwisyo pa? Hays.
Late~*~*~*~HALOS itulak ko na paalis sa dinaraanan ko ang mga tao. Late na ako sa first subject at tiyak na malilintikan ako. Dala ang dalawang makakapal na libro habang tumatakbo.Na aakalaing mong isang paglisan ng paunahan!Gah! Minalas na nga ba ako ng tuluyan? Nakailang ulit ng sumagi sa isipan ko ang mukha ng lalaki kanina. Kung hindi lang sana umepal, ‘e may chance pa sana siya sa akin. Kung hindi lang sana siya epal, kanina pa ako nakarating dito at nakikipagchikahan!Nakuuu, ‘yang gwapo mong mukha, dudungisan ko talaga ng aking super power! Kainis!Habol ang hiningang nakarating ako sa aming classroom. Sinilip ko ito at nagdiwang nang husto nang mapagtantong wala pa ang terror naming guro! Nakanganga nila akong tinapunan ng tingin na inirapan ko lang ‘t saka ako tumungo sa aking
Manlalakbay~*~*~*~DUMATINGang maluwang na jeep kaya komportable kaming nakasakay. Bumalik siya sa dating Shintaro, iyong palaging nakayuko. Tumikhim ako. Ano ba itong nangyayari? Binilang ko ang aking baon at ganoon parin iyon. Salamat naman at hindi nabawasan ang aking baon sa tricycle kanina. Wait! Kanina ba iyon ‘o ngayon? K. Whatever. Wala rin namang makakasagot sa tanong ng utak ko. Totoo ba ang lahat na iyon? Baka naman naka-drugs ako? Anong nahithit ko? Mygash!Pagkababa namin ay ganoon parin ang atmospera. Parang hindi ko nakausap ang totoong Shintaro. Maniniwala ba ako sa kanya? ‘O parehas lang kaming naka-drugs dalawa? Mabibilang palang ang mga estudyante sa aming classroom. Ang iba ay patuloy nagtsitsismisan at ang iba naman ay napakunot ang noong napatingin sa amin. Pakialam ko sa inyo? Duh. Kung alam lang ninyong
Ang Pumapatay~*~*~*~MUNTIKna akong mahulog sa kama sa kakapalit ko ng pwesto. Nahihirapan ako sa pagtulog lalo na’t buhay na buhay pa sa isipan ko ang sinabi ni Shintaro. Anong alam niya at parang kinakabahan ako sa bawat salita niya? Bakit parang ang laki ng tiwala niya sa akin at sinama niya pa ako sa paglalakbay niya? Ganito na ba talaga ako kaganda at naakit ko nalang siya ng basta-basta? Alam naman pala niyang dahil lang sa points kaya ko siya kinausap pero... Wala akong idea bakit! Nakakainis!“Ate! Magpatulog ka nga ng mahimbing!” Reklamo ng kapatid ko sa akin.“Heh! Matulog ka nga diyan ng mahimbing!” Ginugulo mo pa ako eh ang laki na nga ng problema ko sa utak!Sinabi ni Shintaro sa akin na bago niya napagdesisyonang tulungan ako, pinuntahan muna niya ang hi
Si Shintaro Terrano ~*~*~*~ “AURA, may problema ka ba?” tanong sa akin ni Eliz. Niyakap ko siya agad pagkakita ko sa kanya. Nagtataka man, sinuklian rin niya ang yakap ko. Suminghot pa ako. Naiisip ko kasing hindi ko ito nagawa noon bago siya nawala. “Wala, na miss lang kita!” Natawa siya. “Nagkatabi pa tayo kanina sa room ah! Pinakita ko pa nga sa iyo ang picture ng isang kabaong na Hello Kitty painted!” Buo pa sa alaala ko iyon. Sinabi niyang bibili siya ng ganon kapag yayaman siya.“Eliz...” “Hmm?” Humiwalay na ako ng yakap sa kanya at ngumiti. Pinunasan ko rin ang aking basang pisngi nang dahil sa luha. “Makinig kang mabuti. Huwag mong isiping walang nagmamahal sa iyo kasi nandito lang kami. Mahal ka namin... Patawarin mo sana kami kung nai
Heartbreak ~*~*~*~ KINABUKASAN hindi pa tumilaok ang manok, gising na ako. Oh, buhay. Kay hirap ‘pag may kaaway! Kailangan kong makapunta ng maaga sa paaralan. Kasi kung hindi ko gagawin iyon, tiyak na makakasalubong ko si Shintaro sa sakayan. Huli pa naman namin iyong pag-uusap, alangan namang may kasunod pa? Tsk. Bahala siya sa buhay niya. Ako na nga lang itong nag-iisa niyang kaibigan ‘e umaariba pa ang kasungitan niya. “Oh, Triz, okay lang namang makitulog ka sa boyfriend pero kailangang magpaalam. Paano ‘pag pinatay ka? Sinong makakaalam sa pumatay sa iyo, ha?” Umirap ako nang marinig na naman ang simulang umaga ni Inay. “Ma! Hindi ko nga boyfriend! Naubusan ng masakyan kaya nakitulog ako…” Inis kong sagot. Pagkatapos kong kumain ng agahan ay dumating na ang bunso kong kapatid. Ma
Burst~*~*~*~PAGKARATING ko sa aking kwarto ay agad akong nakatulog nang dahil sa pagod. Napagod ako sa kadahilanang iniyakan ko ang taong napagod rin sa akin. Na-drain na lahat ng energy ko kasi inubos ko sa pang-isahang iyak ang sakit na iyon. Lagpas alas diyes ng gabi nang muntik akong mahulog sa kama. Inayos ko nalang ang aking sarili at lumabas ng silid.Hindi ko kinausap si Shintaro kahit panay ang kakasunod niya sa akin. “May boyfriend ka pala?” Ang tinanong niya sa akin kanina. Hindi ko siya sinagot habang nagpapatuloy naman siya. “He talked to me. Ako lang daw ang malalapitan niya upang tulungan ka. Did he mean about dragging you away from him? Iyon ba ang hiningi niyang tulong?” Umigting na ang panga ko pero nagpipigil parin ako. Papanindigan ko. Hindi ko siya kakausapin! “He’s heartless, huh. He br
Team Shin ~*~*~*~ NAGKUMPULAN ang mga estudyante sa labas ng aming classroom. Tinitingnan nila ako at pinag-uusapan habang diretso ang aking mga mata sa whiteboard na nakikinig sa guro. Iritado akong bumaba sa kotse ni Austin kanina kasi pinipilit niya pa akong ihatid. Inaasar niya pa ako na hindi raw bagay ang get up ko sa pampublikong sasakyan! Kagaya ng mood ko kanina ay iritado narin ang aming guro sa bulong-bulongan sa labas. Tumingin si Mrs. Torre sa akin. “Diaz, bakit hindi ka muna lumabas upang kausapin ang mga fans mo na class hour ngayon at nakakaistorbo sila!” Tumikhim ako. “With all due respect Mrs. Torre, but I cannot tell them what to do with their lives. It’s their choice, and I won’t shoo them because they have disturbed the class. Though,” Sumulyap ako sa nakikinig sa labas. “If they are educated eno
Bisita~*~*~*~BINATUKAN ko si Riri nang literal siyang ngumanga pagkakita sa kapatid ko. Ngumuso siya at tumitig ulit kay Austin na ngayon ay papalapit sa amin. “Sayang, ngayon ko lang nakita ang kuya mo...” Binatukan ko ulit siya. Ngayon, mas malakas kaya asar siyang tumingin sa akin.“Baby brother ko ‘yan, uy!” Sabi ko. “Tsaka, anong nakita mo sa damuhong iyan? Trust me. He’s the worst nightmare!” Kutya ko pa.Kumunot naman ang noo ni Tin pagkarinig no’n. Tuluyan na siyang nakarating sa harapan namin. “Hi, baby,” Ngali-ngali ko siyang batukan nang marinig iyon. Hinalikan niya ako sa noo bago siya lumingon kay Erich. “What’s the name, beautiful?”“Austin Benjamin! What are you doing here?” ‘Wag mong la