Share

My Bestfriend's Affection
My Bestfriend's Affection
Penulis: AtengKadiwa

His Arrival

  Athalia'sPOV

"ANAK, dalian mo kailangan natin magmadali. Ilang araw nalang darating na si Sir Luke at ang pamilya nito. Kailangan malinis ang hacienda, dahil paniguradong madaming bisitang darating." wika ng aking inay.

Papunta kami ngayon sa Hacienda Sebastian para maglinis at mag-ayos doon. Wala naman akong trabaho dahil linggo yun. Isa akong Marketing Staff sa Heirwone Enterprise na isang garment factory. Pagkagraduate ko ng kolehiyo, nagtrabaho na ako dahil narin inalok ito sa akin ni Ate Melissa na doon din nagtratrabaho. 

Ang ina ni Ate Melissa ay nakatatandang kapatid ng Ama ni Luke. Sila na ang naging katiwala ng Hacienda simula nung nag-migrate sa Canada. ang Pamilya Sebastian. Kaya ipinagkatiwala na sa mga ito ang Hacienda. 

Kababata ko si Luke. Mula limang taon hanggang sa mag sampo ako ay lagi na kaming magkasama. Dahil lagi ako sa bahay nila kapag dinadala ako ng nanay ko doon kapag wala akong pasok. Mas matanda siya ng dalawang taon. Pagka-graduate ni Luke ng elementarya sa isang pribadong paaralan ay nagpasya ang mga magulang niya na sa Canada na siya mag-aral ng High School at College. May negosyo rin kasi ang pamilya Sebastian sa Canada. 

Mayaman ang pamilya Sebastian. Kaya mayaman lang din ang nababagay para sa kanya. Nalungkot ako sa isiping iyon, dahil imposible na maging kami dahil sa katayuan namin sa buhay. Bakit ba yun ang iniisip ko? Dahil tiyak naman na di ako magugustuhan ni Luke. Dahil kababata lang ang turing niya sa akin. Bigla kong naalala yung sandali na nalaman ko na sa Canada na siya mag-aaral. 

*Nasa labas kami ngayon sa may hardin. Tinitingnan ang kagandahan nito. Ito yung parte ng Hacienda na gustong-gusto ko. Masarap sa paningin at masarap ang simoy ng hangin.

"May sasabihin sana ako sayo Athalia, aalis nako sa susunod na buwan. Pupunta na kaming Canada, doon na ako mag-aaral ng High School at College." paalam niya sakin.

"Iiwan mo na ako? Kelan ka babalik?" tanong ko sa kanya. 

Nangingilid na ang luha sa aking mga mata. Nasanay na akong kasama siya tapos ngayon maghihiwalay na kami. Hindi ko na napigilan ang umiyak. Itinaas niya ang ulo ko at pinunasan ang luha ko gamit ang mga daliri niya. 

"Huwag ka ng umiyak, ilang taon lang naman ako doon tapos babalik na ako dito. Ang sabi ng mga magulang ko, ako daw ang mamamahala sa Hacienda kaya kailangan sa ibang bansa ako mag-aral kasi mas magagaling daw mga guro doon at syempre mas madami akong matututunan doon."

"Mamimiss kita Best. Pangako mo yan huh. Babalik ka. Best Friends forever?" 

"Best Friends forever!" ang ikinawit namin  ang aming hinlilit na tanda na nangako kami sa isa't-isa.

Pagkatapos nun, sumama ako sa Airport. Sobrang iyak ko noong namamaalam na siya sa amin. Sobrang iyakin ko noong mga panahong iyon. Naudlot ang pagmumuni-muni ko ng tawagin ako ni Inay.

"Halika na. Baka tayo nalang ang wala doon" wika niya. 

Kinuha ko na ang bag ko at nagmadaling lumabas ng bahay. Sumakay kami sa tricycle na huminto sa harapan namin. Medyo malayo ang bahay sa Hacienda Sebastian kaya kailangan naming magcommute. Mga labing-limang minuto ang layo nito. 

Pagdating namin naabutan naming busy ang lahat sa bahay dahil bukas na ang dating ng mga Sebastian. Sa isipin iyong bigla akong naexcite.

Makikita ko na ang kaibigan ko na ilang taon ko ng di nakita. Sana hindi siya nakalimot. Pagpasok namin sa bahay ay binati kami ni Ate Melissa. Bumati rin kami pabalik. Bitbit ko ang isang paper bag, pumunta ako sa taas kung saan nandoon ang kwarto niya para palitan ang kobre kama. 

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang kulay abo na kwarto. Paborito niya ang kulay abo. Kapag may binibili ang Mommy niya mapa sapatos man o damit kailangan kulay abo iyon dahil panigaro hindi rin niya tatanggapin kapag hindi ganung kulay ang ibibigay. 

Pumasok ako sa loob at inilibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Ngayon ko lang ulit ito nasilayan. Ganun parin yung dati, walang nagbago sa kwarto. Nililinisan lang ito ng mga katiwala.

Nasulyapan ko ang dalawang mesang maliit. Lumapit ako doon, dito kami madalas gumawa ng mga asignatura namin sa paaralan.

Pinalitan ko na ang kobre kama ng panibago. Maging ang punda ng unan. Pagkatapos ay pumunta ako sa banyo sa kwarto rin niya para kumuha ng basahan at tubig para maglinis. Napadako ang tingin ko sa isang larawan. Larawan niya iyon noong magtapos siya ng elementarya. 

Napangiti ako. Kamusta na kaya siya? May asawa na kaya siya o nobya? Biglang kumirot ang puso ko sa isiping iyon. Naputol ang pagmumuni-muni ko nang tumawag sakin mula sa labas ng kwarto.

"Anak, halika na. Bumaba ka na at ng makapag-tanghalian tayo." Yaya sakin ng aking Inay na nasa labas ng kwarto. 

"Sige po Nay. Sunod po ako." wika ko at umalis na si Inay. 

Muli kong sinulyapan ang larawan at lumabas ng kwarto. Bumaba na ako at pumunta sa hapag-kainan. Nagsasandok ako ng kanin ng biglang magsalita si Manang Daisy. Isa rin sa mga katulong dito sa Hacienda.

"Kasama daw na darating ni Sir Luke yung nobya neto na Pilipino rin daw. Grabe, ang ganda niya. Isang sikat na modelo." kwento niya.

May nobya na nga siya. Parang may punyal na tumusok sa dibdib ko ng mga pagkakataong iyon. Napaka-imposible ng mabawi namin ang mga panahon na hindi kami magkasama dahil may nobya na pala siya. May mapagtutuunan na siya ng pansin.

Pagkatapos kong mananghalian itinuloy ko na ang ginagawa hanggang sa matapos ko lahat ng kwarto na dapat palitan ng punda at kobre kama. Dito kaya matutulog yung nobya niya. Magtatabi ba sila sa pagtulong at may nangyari na ba sa kanila? Hindi malabong mangyari yun. Liberated na bansa ang Canada.

Bakit ba iyon ang iniisip ko? Eh ano naman ngayon kung may nangyari sa kanila? Wala na akong pakielam dun. Sabagay, pangakong bata lang yun. Maaring nakalimutan na rin niya ang pangako niya sakin. Isa lang ang kailangang kong gawin ngayon. Kalimutan siya. 

"Mauna na kami Ate Melissa, kailangan ko pang gumawa ng liham para sa pagliban ko para bukas." paalam ko. 

Parang ayaw ko nalang pumunta bukas, parang mas gusto ko nalang ibuhos ang atensyon sa trabaho kaysa makita siya na kasama ang nobya niya. Pero kailangan kong harapin siya. Hindi ako duwag. 

"Osige. Mag-iingat po kayo, Tita." paalam ni Ate Melissa sa amin. 

Pagdating sa bahay ay agad kong hinarap ang laptop ko para gumawa ng liham. Pagkatapos gumawa at ipasa ay nahiga na ako sa kama. Kaya ko ba siyang harapin bukas? Nakatulugan ko na ang pag-iisip.

NARITO na ako sa Hacienda mga bandang alas kwatro ng hapon, inihahanda na ang buong Hacienda para sa pagdating ng mga ito. Paniguradong madaming darating na bisita ngayon. Mga kilalang tao sa industriya. Mga politiko at iba pa. 

Pasado alas syete na ng magsidatingan na ang mga bisita na sakay ang mga mamahaling sasakyan. Nakasuot ako ng puting polo blouse at skirt na kulay itim na hanggang taas ng tuhod ang haba kumbaga isa akong service crew ng mga pagkakataong iyon.

Nagsiupo na ang mga bisita. Binigyan ko ang isang mesa ng wine. Nilapag ko ang hawak kong wine sa mesa. Tumayo ang isang lalaki na nakaupo na sa tantya ko nasa 28 pataas ang edad.

"Good Evening. I'm Charles Andrew. And you?" Nilahad niya ang kamay sakin, bilang paggalang tinanggap ko iyun. 

"Good Evening din Sir. Athalia Patricia Ramos po" pagpapakilala ko sa aking sarili.

Nagpaalam na ako sa kanya na aalis na para magserve sa ibang bisita. Sobrang dagsaan talaga ang mga tao. Buti nalang madami kaming nirent na mesa, kaya di kami namomoblema kung saan uupo mga bisita kung sakali magkulang. 

Nakita kong may papasok na van. Ito na ata sila. Bumaba ang isang lalaki. Natigilan ako. Pamilyar sakin ang lalaki. Siya na ba si Luke? Hindi maikakailala na sobrang gwapo niya. Lalo at sa Amerika ito nag-aral mas lalo itong pumuti.

Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan at bumaba ang isang Ginang at ito ang kanyang ina. Parang hindi tumanda ang ina nya, umikot siya sa kabila at binuksan ang pinto niyon at lumabas ang isang magandang babae na nakasuot ng kulay blue na fitted dress na may biyak sa gilid. 

Umabresete ito kay Luke, nauna na ang ina nito na inakay ng isang lalaki na nasa mid 60's. Hindi ko mapigilan manlilit sa sarili ko. Napakaganda ng babae, walang-wala ako sa kanya. Modelo ito samantalang ako, isa lamang hamak na empleyado. Pero masaya ako para sa kababata ko na nakita na niya ang babaeng magmamahal sa kanya.

"Athalia!" 

Napalingon ako sa tumawag sakin. Si Ate Melissa, itinuturo yung lalaki kanina na senervan ko ng wine. Lumapit ako sa kanya. Paglapit ko agad siyang tumayo at hinila ang isang bakanteng upuan para sa akin.

"Join us" wika niya. 

"Naku, huwag na po Sir. Marami pa kasing bisitang darating para asikasuhin ko."

Luminga ako sa paligid baka may makakita sa akin na imbes na ginagawa ko yung trabaho ko, iba ang ginagawa ko. Ng magawi ang tingin ko sa unahan kung saan nandun ang mesa ni Luke, nobya at ina niya. Nagtama ang aming mga mata. Para akong matutunaw sa titig niya. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Agad akong nagbawi ng tingin. 

"Kahit 20 minutes lang. Para may kausap naman ako na medyo malapit ang edad natin." at ngumiti si Charles sa akin. 

Nginitian ko din siya pabalik. Pinakilala niya ako sa kanyang mga magulang. Magiliw naman akong nagpakilala. Tumingin ako sa unahan. Kumakain na siya at kakwentuhan ang nobya. Nilagyan ni Sir Charles ang plato ko ng pagkain na nakahain sa mesa.

"Salamat po Sir. Nag-abala pa po kayo."

"Wala yun, masaya lang ako dahil may nakilala akong napakagandang dilag ngayong gabi." ngumiti ako bilang tugon.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status