PAGKATAPOS namin kumain ay agad na kaming pumunta ni Ate Melissa sa kanya-kanyang opisina. Umupo siya sa swivel chair. Naalala pala niya yung bulaklak na bigay ni Charles. Kinuha ko iyon sa gilid kung saan ko iyon nilagay. Binuklat ko ang papel.
Pasensya na kung di kita nasundo. May urgent meeting lang talaga ako. Babawi ako pagkatapos nito."
- Charles
Tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko iyon sa loob ng bag. Tiningnan ko kung dino ang tumatawag. Si Charles ang tumatawag, sinagot ko agad iyon. May twenty minutes pa naman ako para magsimula sa trabaho.
"Hello, Charles. Kamusta?" tanong ko sa kaniya nang masagot ko ang tawag mula rito. Bumuntong-hininga siya na para bang nahihirapang huminga.
"May problema ba Charles?" tanong ko. Parang ang bigat kasi ng dinaramdam niya.
"Pasensya na kung hindi kita nahatid kanina. Kaya dinaan ko nalang sa bulaklak ang paghingi ko ng paumanhin. Nagustuhan mo ba?" tanong niya.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa tanong niya. Syempre naman nagustuhan ko. Sino ba namang babae ang hindi diba?
"Oo naman. Nagustuhan ko Charles. Salamat. Ayos lang yun, naiintindihan ko naman e." wala naman ako karapatan na magdemand dito. Dahil ko naman siya kasintahan. Kahit nanliligaw man ito sakin, alam ko ang pakiramdam ng maging abala.
"Salamat Athalia. Susunduin nalang kita mamaya." anito.
Pagkatapos kong magpaaalam ay ibinaba ko na ang tawag. Tiningnan ko ang orasan. Ala-una palang ng hapon. Dalawang oras pa para maghanda sa meeting mamaya.
Luke'sPOVHINDI ko maiwasang makaramdam ng excitement habang hinahanda ko ang aking sarili para sa Business Meeting mamaya na gaganapin sa Chechu Restaurant. Pero kinakabahan ako, ano kaya ang magiging reaksyon ni Athalia kapag nalaman niya na ako ang magiging boss niya sa loob ng tatlong araw sa isang linggo.
Tiyak na matutuwa si Athalia kung sakali, dahil hindi man niya iparamdam. Alam kong miss na niya ako. Kaya gagawin ko ang lahat para makabawi sa kaniya. Bumuntong-hininga ako at ipinagpatuloy ang paghahanap ng isusuot para mamaya. Formal attire lang naman ang isusuot.
Napili ko ang isang checkered blue polo at slacks na teternuhan ng black leather shoes. Tiningnan ko ang orasan, pasado alas dos na ng hapon. Alas-kwatro gaganapin ang meeting. Lumabas ako ng walk-in closet at inilapag sa kama ang napili kong isuot. Tsaka hinubad ko ang suot kong damit, at hubo't-h***d na tinungo ang banyo para maligo.
Habang lumalagaslas ang tubig na nagmumula sa shower na nasa kisame. Lumilipad ang aking isipan sa babaeng hanggang ngayon tinitibok pa rin ng aking puso. Si Athalia Patricia Ramos. Parehas din kaya kami ng nararamdaman? F*ck! Siguradong hindi! Nagpaligaw nga siya kay Charles, ibig sabihin wala siyang nararamdaman para sakin. Tsk! Paanong hindi siya magpapaligaw eh may kasintahan na ako.
Bumuntong-hininga ako. Hindi dapat ako nag-iisip ng mga negatibo. Binilisan ko ang pagligo at nang matapos ako, lumabas ako ng banyo at tinuyo ang buhok gamit ang extrang twalya. Alas-tres na ng hapon. F*ck! Pakiramdam ko may naghahabulang kabayo sa aking dibdib dahil sa bilis ng tibok niyon.
Kalma lang. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Nagbihis ako at inayos ang aking sarili. I take my time para maging presentable at gwapo ako sa harapan ni Athalia. Napatitig ako sa salamin, may girlfriend ako pero kung makaasta ako parang single ako.
Nakilala ko si Mickhaela Romano nang minsang pumunta ako sa isang Club at nakipagkilala siya sa akin na nauwi sa p********k. Hanggang sa naging sunod-sunod iyon. Dahil nirerespeto ko siya, tinanggap ko ang alok niya na maging kasintahan ko.
Nang malaman iyon ni Mom, sobrang tuwa niya na hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa mayaman si Mickhaela? Yun ang hindi ko alam. Nang matapos akong makagayak. Lumabas ako ng kwarto at nakasalubong si Tita Carmen na ina ni Athalia.
"Tita Carmen, aalis po muna ako. May pupuntahan lang po ako. Umuwi na po kayo mamaya, huwag na po kayo magpagabi." ani ko at ngumiti sa kaniya. Ngumiti din pabalik si Tita Carmen.
"Salamat iho. Oh sige, mag-iingat ka." aniya at tinapik ako sa balikat tsaka nagtuloy sa aking kwarto.
Si Tita Carmen lang ang bukod-tanging pinapapasok ko sa aking kwarto. Dahil sa lahat ng mga kasambahay dito sa bahay, siya lang ang pinagkakatiwalaan ko. Matagal ng kasambahay si Tita Carmen, kaya masaya ako kasi hanggang ngayon naninilbihan pa rin siya amin. Katunayan lang na napamahal na siya sa Hacienda. Kung tutuusin kayang-kaya na siyang buhayin ni Athalia.
Bumaba ako nang handa at lumabas ng bahay. Tinungo ko ang garahe at sumakay sa aking black Sedan. Pinasibad iyon palabas ng mansiyon patungo sa Chechu Restaurant.
NANG MARATING ko ang Chechu Restaurant. F*ck! Late na ako dahil sa traffic. Ipinark ko ang Black Sedan sa parking area at naglakad patungong entrance ng Restaurant. Nang makapasok ako agad akong sinalubong ng Manager ng Restaurant. Nalaman ko iyon dahil sa name tag na nasa kaliwang parte ng kaniyang uniporme."Good Afternoon Sir. How may I help you?" tanong niya.
"Luke Sebastian. I'm metting with Michael Lereño." pakilala ko sa kaniya. Tumango siya.
"Okay. This way Sir." aniya.
Iginiya ako sa isang VIP Room nang Restaurant. Nang natapat na kami sa VIP Room, binuksan niya iyon pero hindi gaanong kalakihang ang pagkakabukas. Inilahad niya ang kaniyang kamay sa pinto.
"Pasok na po kayo Sir." Anita na naroon pa rin ang malapad na ngiti.
"Thank you Mr. Erazzo." aniko sa seryusong tinig.
Kahit gusto kong ngumiti, bilang isang negosyante dapat kakikitaan ka ng pagiging strikto at hindi pagiging malambot na puso dahil pwedeng gamitin iyon laban sa iyo ng mga kakompetensya sa negosyo.
"Your welcome, Mr. Sebastian." aniya at tumalikod na.
Heto na nandito na ako. Siguradong nasa loob na sina Athalia at si Mr. Sardova, na-late ako dahil traffic. F*ck the traffic! Huminga ako ng malalim at dahan-dahan na binuksan ang pintuan tsaka pumasok. Nadatnan kong umiinom ng tsaa si Mr. Lereño, samantalang si Athalia ay nasa harap ng laptop. Simple lang siya pero bakit ang ganda niya? Lumingon si Mr. Lereño sa kinaroroonan ko.
"Mr. Sebastian! Your here." aniya na may malapad na ngiti. Nakita kong natigilan si Athalia sa kinauupuan. Tumayo si Mr. Sardova at naglakad palapit sa akin.
"Sorry, i'm late. Na-traffic ako." ani ko habang ang mga mata ay na kay Athalia. Hindi siya nag-aangat nang tingin. Nasa laptop pa rin ang atensyon niya.
"It's okay Mr. Sebastian. Kani-kanina lang kami dumating." aniya at iginiya ako patungo sa mesa na inookupa nila.
"Ms. Ramos. Meet Mr. Sebastian." tawag niya kay Athalia. Nag-angat ng tingin si Athalia at dumako iyon sa akin at kay Mr. Lereño.
"Oh. I'm sorry Sir. Tutok kasi ako sa ginagawa ko kaya hindi ko napansin ang pagdating niya." aniya at tumingin sakin.
Tinitigan ko siya. Hindi napansin o hindi pinansin? Fxck! Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis! Dumako ang tingin ko sa kaniyang mga labi na kaysarap halikan. F*ck! Nasa meeting ako pero pinagpapantasyahan ko siya. Ngumiti ako sa kaniya. Tumayo siya sa pagkakaupo at humarap sakin tsaka inilahad ang kamay.
"Nice to meet you Mr. Sebastian." aniya. Tumayo ako at tinanggap ang pakikipagkamay niya.
"Nice to meet you too Ms. Ramos." aniko.
F*ck! Para kaming hindi magkakilala, pero kailangan kong sabihin kay Mr. Lereño na magkakilala kami. Ayaw kong isipin ni Athalia na ikinahihiya ko siya bilang kaibigan. Lumunok ako at tiningnan si Mr. Lereño na sumisinsim ng kape at ibinalik ang tingin kay Athalia na isinara ang laptop at humarap sa akin.
"Actually Mr. Lereño, magkakilala kami. We're friends. Actually childhood friends. At dahil sa gusto kong maging kasosyo ka sa negosyo, siya ang napili ko na maging Sekretarya lalo at mas kilala ko siya. Mas mapagkakatiwalaan kaya siya ang pinili ko. Hope you don't mind Mr. Lereño." ani ko.
Biglang kumuyom ang kamao ni Athalia na nakapatong sa mesa. Hindi ba niya nagustuhan ang ideya ko? Diba dapat matuwa siya dahil gumagawa ako ng paraan para magkalapit kami. Pero bakit parang galit pa siya? Ngumiti nang matamis si Mr. Lereño.
"I don't mind Mr. Sebastian. Athalia is a hard-working woman. At gusto ko rin na maipromote siya, and I think magiging maganda ang takbo ng negosyo dahil magkaibigan pala kayo kaya for sure. Hindi niyo na kailangan mag-adjust sa isa't-isa. Wala naman siguro nagbago ngayon na matagal kayong hindi nagkita." aniya na may matamis na ngiti sa mga labi.
Alam ni Mr. Lereño na nanatili ako sa Canada bang sampong taon. Nasabi ko iyon ng inalok niya ako making kasosyo sa negosyo.
"Thank you Sir. Gusto kong bumawi sa mga araw na hindi ko siya nakasama. Ilang taon din po kasi akong nanirahan sa Canada. Wala po kaming komunikasyon simula ng umalis ako." ani ko at tiningnan si Athalia. Nasa palad niya na nasa mesa ang kaniyang tingin. Bakit? Ayaw ba niya ako makita?
"Wow. That's sweet."—komento ni Mr. Lereño. Tumingin siya kay Athalia.—"You have a good friend, Ms. Ramos. Keep him. Iilan lang ang mga kagaya ni Mr. Sebastian, na hindi nakakalimot sa paglipas ng panahon." aniya na may pilyong ngiti sa mga labi. Ngumiti lang si Athalia. Hindi ko maiwasang mairita. Hindi ba siya sang-ayon sa sinabi ni Mr. Lereño?
"Can I excuse myself. Pupunta lang po ako sa comfort room." aniya.
Tumayo siya at naglakad patungo sa comfort room na nasa kaliwang bahagi ng VIP Room. Hindi ko maiwasang humanga sa kurba ng kaniyang katawan. Hindi man ganoon katangkaran pero magaling magdala ng damit. Ang laki na talaga ng pinagbago mo Athalia.
Athalia'sPOV Nang makapasok ako sa CR. Humarap ako sa salamin at tiningnan ang repleksyon sa salamin. Nakikita ko ang isang babae na kababakasan ng kasiyahan sa mukha, at takot sa mga mangyayari. Ano ba ang naisip ni Luke at kinuha niya akong Sekretarya niya? Nag-iisip ba siya? Bumuntong-hininga ako. Sabagay, walang masama sa ginawa niya. Pero ginulat niya ako. Hindi man lang siya nagpasabi sa akin na may balak siyang ganito para hindi ako nagulat ng ganito. Ngayon, walang dahilan para iwasan ko pa siya. Dahil kahit iwasan ko siya, siya ang kusang lumalapit sa akin. Ano bang ginagawa mo sa akin Luke? Ipinikit ko ang mga mata at kinalma ang sarili. Binuksan ko ang faucet at naghugas ng kamay. Muli, bumuntong-hininga ako bago nagpasyang lumabas ng Comfort Room. Nang makalabas ako, nakita kong seryusong nag-uusap sina Luke at Mr. Lereño habang may papel na nasa harapan. Yun na ba ang kontrata? Naglakad ako palapit
Luke'sPOVAraw ng Lunes. Ngayon ang unang araw ni Athalia bilang Sekretarya ko. Alas-sais pa lang ng umaga pero hindi ko mapigilang ma-excite. This is it! Ito na yung araw na pinakahihintay ko. Alas-otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon siya rito. Ang gagawin niya ay imonitor ang mga tanim gaya ng abaka na kadalasang ginagamit sa paggawa ng tela o damit.Subalit, may isang kompanya pa si Mr. Michael Lereño, na ngayon ay nagsisimula pa lang. Ang Pontañe Juicy-yo Company kung saan nangangailangan si Mr. Lereño ng mga produktong gagamitin sa paggawa ng Juice gaya ng Buko, Orange, Pineapple, Grapes, Apple, Mango, Melon.Ang Pontañe ay galing sa pangalan ng kaniyang yumaong ama na si Pontacio Lereño. Mabuti nalang at sa tulong ni Ate Melissa nalaman ko na nangangailangan si Mr. Lereño ng magsusupply sa kaniya ng mga ito lalo at nagsisimula pa lang siya.Kasi gusto niya mapagk
Athalia'sPOVNatigilan ako sa ginagawang pagtetext, nang tawagin ako ni Luke sa palayaw na madalas niyang itawag sakin noong bata pa kami. Namiss ko na tawagin niya ako sa palayaw ko sa kaniya. Sobrang namiss! Nag-angat ako ng tingin at tiningnan siya. Seryuso ang kaniyang mukha, walang emosyon na mababasa. Ibinalik ko ang cellphone sa bag."Sino ang katext mo?" tanong niya sakin. Nagbaba ako ng tingin.Galit ba siya? Nahihiya tuloy ako, dahil umuusad ang oras ko pero iba ang ginagawa ko. Sh*t! Ginawa ko lang dahilan yun para hindi mapunta ang atensyon ko sa kaniya na kausap si Mickaela."Pasensya na, may tinanong lang sakin si Charles." ani ko.Tinatanong niya kung matutuloy ang lakad namin mamaya. Alam ni Charles na dito ako nagtratrabaho, ramdam ko sa mga salita niya kagabi ang selos. Pero, nirerespeto niya ang relasyon naming dalawa ni Luke —bilang magkaibigan. Bumuntong-hininga si Luke.
Luke'sPOVHuminga ako ng malalim nang makalabas ako ng barn. Naiinis ako sa topic nila. Sino ba naman ang hindi? Pinag-uusapan nila ang lalaking pinagseselosan ko! F*ck! Kinalma ko ang sarili at inilabas ang cellphone sa bulsa, pumunta sa camera at inanggulo ito sa tamang postora paharap sa abakahan. Kasama sa report na ipapadala ni Athalia ay ang litrato ng abakahan. Pagkatapos kong makakuha ng tatlong litrato, ibinulsa ko na ang cellphone. Saktong palabas ng abakahan sina Lando, Ramon at Tiyo William."Ayos na ang abakahan, siguradong pwedeng pwede na itong anihin sa susunod na linggo." ani Tiyo William sa mga kasama."Tiyo William!" tawag ko sa kaniya. Bumaling sa direksyon ko si Tiyo William na agad na lumapit nang mamukhaan ako."Bakit nandito ka iho? Baka mangati ka." aniya."Ipinasyal ko po si Athalia, nasa barn po siya kasama sina Manong Amboy, Manong Broncio at Daniel. Patungo po ba kayo sa barn?" tanong ko.
Athalia's POVBinabagtas namin ni Charles ang daan patungo sa bayan. Hindi ko maiwasang isipin si Luke. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Kitang-kita ko kanina sa kaniyang mga mata ang sakit at selos dahil magkasama kami ngayon ni Charles. Pero bakit? Hindi ba dapat maging masaya siya para sakin? Pero bakit parang kabaligtaran iyon? Iba kasi ang ipinaparamdam niya kapag kasama ko siya. Nahinto ako sa pagmumuni-muni ng biglang huminto ang sasakyan sa may gilid ng daan. Tiningnan ko si Charles na nakatitig sakin."Bakit ka huminto?" tanong ko sa kaniya. Huminga siya ng malalim habang titig na titig sakin."Kanina pa kita tinatawag, Ath. Subalit hindi ka sumasagot. May problema ba?" tanong niya.Naramdaman ko sa kaniyang boses ang sakit, maging ang pagbabago ng kaniyang ekspreksiyo na kakikitaan ng lungkot. Sino ba naman ang hindi masasaktan at malulungkot? Kung ang ka-date mo ay naglalayag ang isipan? Hindi ko ma
Luke'sPOV"LUKE!" Nanhihinang tumingin ako sa pintuan ng kwarto kung saan naroon si Athalia at nakatayo. Dali-dali niya akong nilapitan sa kama kung saan ako nakaupo. Biglang nawala ang kalasingan ko dahil sa presensya niya. Ano ba ang nangyari? Ano ba ang ginawa ko? Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang mukha ko."Ayos ka lang? Bakit ka ba naglasing?" aniya at tiningnan ang nagkalat na mga basag na gamit na nasa kwarto, porcelain jar iyon at vases. F*ck! Naramdaman ko ulit ang pananakit ng ulo. Bahagya kong pinisil ang sintido ko dahil sa kirot niyon."Humiga ka at ako na ang bahala sayo." aniya. Sinunod ko siya dahil pakiramdam ko mabubuwal ako dahil sa sakit ng ulo at ang panghihilo. Nang makahiga sa kama at ipinikit ang mga mata para kahit papaano mawala ang pananakit ng ulo ko. Nakarinig ako ng papalapit na mga yabag."Ayos lang ba siya, iha?" mukhang si Manang Daisy ang nagsalita."Hindi po eh. Pakibantay muna siya Manang. Kukuha lang po ako ng maligamgam na tubig at gamot."
Athalia'sPOV"May pupuntahan ka ba ngayon?" tanong sakin ni Luke. Tiningnan ko siya tsaka umiling."Wala naman. Baka mananatili lang ako sa bahay kasi pupunta rito si inay para tulungan si Manang Daisy sa paglilinis. Bakit?" tanong ko. Nag-aagahan kami ngayon. Kaming dalawa lang, niyaya namin si Manang Daisy na mag-agahan ngunit tumanggi siya. Kakain nalang daw siya pagkatapos namin. "Ahm, pwede ka ba bumalik mamayang hapon? Mga alas-dos, basta yung free ka. Ililibot sana kita sa pananinam ng prutas, para maging familiar ka sa lugar at makita mo rin ang mga prutas at magkaroon ka ng report sa susunod na araw. Kung ayos lang sayo, kung hindi naman, ayos lang din." aniya at para siyang hindi mapakali habang sinasabi niya iyon.Sabagay, wala naman akong gagawin. Maganda nga ang suhestiyon niya. Gusto ko rin makita ang mga prutas na gagamitin sa paggawa ng juice. Mula sa pag-iisip, tiningnan ko ulit siya. Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata na parang nag-aalangan siya sa kung ano ang i
Luke'sPOVPagdating ko sa mansiyon, dumiretso ako sa kwarto at tinungo ang terasa. Kumuha ako ng dalawang stick ng sigarilyo sa cabinet at sinindihan ang isa niyon tsaka isinubo at humithit, samantalang yung isa ay ibinulsa ko. Nagtungo ako sa dulong bahagi ng teresa at nilanghap ang sariwang simoy ng hangin. Tiningnan ko ang kabuuan ng Hacienda na natatamnan ng palay. Malapit na ang anihan.Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Ayaw kong may masabing hindi maganda kay Athalia kaya umalis ako dahil ayaw ko magkaroon kami ng hindi pagkakaintindi, pero parang ganoon na rin ang nangyari.Nakaramdam ako ng sobrang pagseselos sa nakita kanina. Napaka-sweet nila sa isa't-isa. Kung hindi pa ako nagsalita hindi nila malalaman na naroon ako at nakatayo. Ganun na ba sila kaabala para hindi mapansin ang presensya ko? F*ck! Sino ba naman ang hindi magseselos? Inaasahan kong makakasama ko siya ngayon pero hindi pala! Gustong-gusto kong sugurin kanina ng suntok si Charles, pero pinigilan ko