Share

Pregnant

Athalia'sPOV

Iminulat ko ang aking mga mata ng magising ako. Iginala ang paningin sa kung saan naroon ako. Oo nga pala, nakatulog pala ako nang makasakay kami ni Luke sa van kanina. Hindi ko alam pero ramdam ko yung bigat ng katawan ko kanina. Huminga ako ng malalim at bumangon, pero pagbangon ko bigla nalang ako nakaramdam ng pagkahilo. Sh*t! Dali-dali akong nagtungo sa banyo at doon naduwal.

"Anak, okay ka lang?"

Lumingon ako para tingnan kong sino iyon. Si inay! Pinunasan ko ang aking bibig gamit ang bimpo na nakasabit sa wall tsaka hinarap si inay.

"Bakit po kayo nandito? Di po ba dapat nasa reception kayo? Asan po si Luke?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Natawa ng mahina si inay.

"Pinakiusapan ako ni Luke na bantayan ka at siya muna ang umasikaso sa kasal." ani inay.

Tumango-tango ako at tsaka lumabas ng banyo. Nakasunod naman si inay sakin. Umupo ako sa kama at huminga ng malalim. Nakatayo naman si inay sa aking harapan.

"Kailangan ko na siguro magpa-checkup bukas inay.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status